You are on page 1of 1

GUANSING,MARY JOY GALANG.

9-FLOURINE
ANG MAGKAIBIGAN NA ASO AT ANG AHAS
Isang araw may dalawang magkaibigan na sina aso at ang ahas.Si aso ay nakatira sa isang maliit na
kahon at si ahas naman ay nakatira sa kagubatan.
Masayang-masaya ang dalawa lalo na kapag sila'y magkasama .Subalit kahit na matagal na silang
magkaibigan ay nag-aalala parin si aso dahil baka ito’y kaniyang kainin.Ngunit hindi nalamang niya ito
pinapakita kay ahas na nag aalala siya.At bigla namang nagtanong si ahas kay aso
Aso bakit ang lungkot mo hindi kaba masaya na andito ako ngyon?”Tanong ni ahas kay aso”Sumagot nmn
si aso kay ahas .Hindi ako malungkot masayang masaya ako dahil nandito ka ngayon.”Sagot naman ni aso
Nagpatuloy ang dalawa sa pagkukwentuhan at pagsasaya .Bagama’t lumipas ang mga araw si ahas pala
ay may balak na masama kay aso.Balak niya itong kainin ng palihim at upang hindi malaman ni aso ay
hindi niya ito pinapahalata bagkus lalo niya pa itong pinaglalaruan upang hindi mabaling ang kanyang
kaisipan
Hanggang sa gumawa ng patibong si ahas para kay aso ngunit ang hindi alam ni ahas ay matagal nang
alam ni aso ang balak niya sa kanya na kainin ito dahil nung una palang ay hindi pinagkakatiwalaan ni aso
si ahas dahil sa mga kilos niya.Hinayaan ito ni aso upang hindi malaman ni ahas na may alam ito
hanggang sa matapos ang patibong na ginawa ni ahas kay aso.
Tinawag ni ahas si aso”Kaibigan kong aso may ipapakita ako sa iyo at siguradong magugustuhan mo
ito”pag-aanyaya ni aso kay ahas Sumagot naman si aso “sigi kaibigan ako’y sasama sayo sigurado ba yan
na magugustuhan ko yang ipapakita mo sa akin”sagot ni aso
Hanggang sa makarating sila sa patibong ni ahas kaya naman nagtanong na si aso “Asan ang ipapakita
mo sa akin”tanong ni aso “Pumunta ka rito sa gitna at siguradong makikita mona”sagot ni ahas .Pumunta
naman ito sa gitna at pumunta rin si ahas ngunit dahan dahan na umaalis si ahas kaya agad namang
tumalon si aso kaya nahulog si ahas sa kanyang sariling patibong na puno nang maraming tinik at malalim
na hukay.
Kaya’t nagsalita si aso”Yan ang napapala nang mga taong taksil kagaya mo tinuring kitang kaibigan ngunit
iyong sinira dahil sa nais mo akong kainin”pagsusumbat ni aso “Patawarin mo ako kaibigan,maari moba
akong tulungan na makaalis sa mga tinik na ito”sagot ni ahas.Hindi ito pinansin ni aso at umalis lamang ito
agad.
Simula noon ay naging masaya si aso kahit na siya’y magisa nalamang.At masaya itong tumatakbo sa
kabukiran.

You might also like