You are on page 1of 6

BRIGHTWAYS ACADEMY

For a greater, grander purpose.


Noong unang panahon,
ang mga hayop
ay nakapagsasalita at
nagkakaintindihan.
Sila ay magkakaibigan.
Ang daigdig ay
napakapayapa at
animo’y isang paraiso. Ang mga
aso, pusa at daga ay
mabubuting
magkakaibigan.
Sama-sama silang kumakain. Lagi silang nagbibigayan at
nagtutulungan sa kani-kanilang mga suliranin. Subalit
ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang
pangyayari.

Isang araw, umuwi ang aso na may


dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga
kaibigang pusa at daga. Wala doon sina pusa at daga
dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain.

Nakarinig ng ingay ang aso sa pintuan ng bahay.


Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang tingnan
kung ligtas ang kaniyang amo.
Sa

oras naman na iyon ay


dumating ang daga. Malungkot siya dahil wala siyang
nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya ito at
dinala sa bubungan ng bahay. “Mamayang gabi ay may
pagsasaluhan kami ng aking mga kaibigang aso at pusa,”
bulong ng daga sa sarili.

Pagbalik
ng aso sa bahay ay nagulat ito ng
makitang wala na ang iniwang buto. Naghanap nang
naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang buto.
Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain. Tinulungan
niya ang aso sa paghahanap ng buto.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Nakarating sila sa itaas ng bahay hanggang sa


kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala
nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para masolo
niya ito.

Mabilis
na lumapit
ang pusa sa daga at pinagalitan ito. Nagpaliwanag ang
daga ngunit hindi rin siya pinakinggan ng pusa. Nag-away
silang dalawa kaya’t ang buto ay nalaglag. Nasalo ito ng
aso at dali-daling tumakbo hanggang sa likod ng bahay.

“Hah.. hah.. hihintayin ko na lang sila


dito. Siguro mamaya ay
magkakasundo na rin sila at
masaya
naming pagsasaluhan itong buto,”
bulong ng asong humihingal.
Dahil sa pagod at
matagal-tagal
ding paghihintay sa pagdating ng
dalawang kaibigan, kinain na ng aso
ang ikatlong bahagi ng buto. Itinira
niya ang parte ng daga at ng pusa.

Mainit
pa

ang ulo ng pusa dahil sa


galit nang ito ay dumating sa kinaroroonan ng aso.
Inabutan niya ang aso na kumakain ng mag-isa. Bigla
niyang inangilan ang aso. Nagkasagutan silang dalawa
hanggang sa sila ay magkasakitan ng katawan. Narinig ng
may-ari ng bahay ang ingay na dulot ng pag-aaway ng
aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay.
Naghiwalay ang aso at pusa na kapwa may tanim na galit
sa isa’t-isa. Iyon na ang simula ng kanilang pagiging
magkaaway.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Magmula noon, sa tuwing makikita ng aso


ang pusa ay kinakahulan niya ito. Ang pusa
naman ay di padadaig. Lagi siyang sumasagot at
lumalaban sa aso. At sa tuwing makikita ng pusa
ang daga ay hinahabol niya ito. Dahil naman sa
takot ang daga ay pumapasok sa isang maliit na
lungga at lumalabas lamang doon kapag wala
na ang pusa.
Aral

✔ Huwag makikipag-away.
✔ Kung may hindi

pagkaka-unawaan, ayusin ito sa maayos na


paraan.
✔ Makipag-usap ng mahinahon
at huwag agad
magsakitan.

You might also like