You are on page 1of 12

BRIGHTWAYS ACADEMY

For a greater, grander purpose.

Ano ang
Pandiwa
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Pandiwa
Ito ay mga salitang nagsasaad o
nagpapahiwatig ng kilos.
Maaring ang kilos na ito ay nakapag-iisa,
o maari ding may tumatanggap ng kilos
na ito.
Mula rito, mauuri ang mga pandiwa sa
dalawang pangkat: ang pandiwang
katawanin at pandiwang palipat.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Uri ng
Pandiwa
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

1. Katawanin
Ito ang mga pandiwang nakapag-iisa o may
sariling kahulugan, at hindi na nangangailangan
ng tagatanggap ng kilos.
Halimbawa:
Gumising nang maaga upang hindi mahuli
sa klase.
Nagkukuwentuhan ang magkakaibigan.
Magtatagumpay kaya ang balak kong ito?
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

2. Palipat
Ito ang mga pandiwang nangangailangan
ng tuwirang layon o ng tagatanggap ng
kilos. Tila hindi buo ang kaisipan ng
pandiwa kung wala ang tuwirang layon.
Halimbawa:
Sinabi ko sa kaniya na walang pasok bukas.
Naghahanap sila ng makakain.
Bilhin mo ang bag na ito para sa akin.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Pokus ng
Pandiwa
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Pokus
Pokus ang tawag sa ugnayan ng
pandiwa at paksa ng pangungusap.
Makikilala ang paksa ng pangungusap
sa tulong ng mga panandang ang, si, o
sina.
Ang pokus ang pinagtutuunan ng
pandiwa ng pangungusap.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Tatlong Pokus
ng Pandiwa
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

1. Pokus sa tagaganap
Ang paksa ng pangungusap ay ang
gumagawa ng kilos. Kadalasang ikinakabit
sa pandiwa ang mga panlaping um-, mag-,
mang-, at ma-.
Halimbawa:
Sumulat si Diana sa Kanilang kagawad.
Nagmumungkahi siya ng bagong proyekto.
Tiyak ng makikinig ang kagawad sa kaniya.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

2. Pokus sa layon
Ang paksa ng pangungusap ay ang layon o
tumatanggap ng kilos. Kadalasang ikinakabit sa
pandiwa ang mga panlaping i-, -in, -bin, -an, o
–ban.
Halimbawa:
Itinabi nila ang mga bote, papel, at lata.
Dinadala ito sa barangay tuwing Sabado.
Sisimulan ang proyekto sa Mayo.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

3. Pokus sa tagatanggap
Ang paksa ng pangungusap ay ang tao o
bagay na nakinabang sa kilos. Kadalasang
ikinakabit sa pandiwa ang mga panlaping i-,
ipag-, at ipa-.
Halimbawa:
Ipinagluto ni Aling Vinia ng kaldereta ang
kaniyang anak.
Ipinagdadala niya ako ng almusal tuwing umaga.
Ikukuha kita ng papel pagdaan ko sa opisina.
BRIGHTWAYS ACADEMY
For a greater, grander purpose.

Salamat

You might also like