You are on page 1of 1

“ANG MAGKAIBIGAN NA SI DAGA AT PUSA”

Si Pusa at Daga ay matalik na magkaibigan simula pa noong pagdating ni pusa sa bahay na


kaniyang tinutuluyan. Palagi silang naglalaro sa hardin ng paborito nilang habol-habulan. Hindi
sila napaghihiwalay dalawa at kahit sa pagkain ay sabay pa rin silang dalawa. Masaya silang
dalawa sa kung anong mayroon sila ngayon. Higit pa sa pagkakaibigan ang koneksyon ng
dalawa bagkus para na silang magkapatid.

Isang araw, nakita ni pusa si daga na kumakain sa hardin ng isang mamahalin na keso. Labis
na natakam si pusa at nagtanong kay daga kung kanino nanggaling ang keso na kaniyang
kinakain ngunit hindi sumagot si daga. Lumipas ang mga araw, napapansin ni pusa na palagi
na lamang nakakatanggap si daga ng iba’t ibang pagkain na masasarap at tinatago niya ito kay
pusa. Sa labis na kuryusidad ni pusa, dahan-dahan siyang sumilip sa hardin para abangan
kung sino ang nagbibigay ng pagkain kay daga at doon niya nalaman na ang kanilang amo pala
ang nagbibigay ng pagkain rito.

Nagkaroon ng inggitan at alitan ang dalawang magkaibigan dahil sa lamangan na nangyayari.


Ang dati na matalik na magkaibigan ay nauwi sa pagiging magkaaway. Labis na nasaktan si
pusa dahil sa paglilihim ni daga sa kaniya kung kaya’t hindi na niya ito pinapansin. Samantala,
si daga ay walang pakialam sa kung ano ang iisipin ni pusa sa kanya at lalo pa niya ito iniinggit.
Isang araw, nabasag ang flower vase ng kanilang amo dahil sa kakulitan ni daga at labis na
nagalit ang amo nila. Pinalabas ni daga na si pusa ang may kasalanan kung kaya’t nabasag
ang flower vase at dahil dito palagi na lamang si daga ang mabait at masunurin na alaga para
sa amo nila.

Nagkaroon ng malakas na ulan sa kanilang lugar kung kaya’t hindi nakauwi ang kanilang amo.
Maingat na nilalagay ni pusa ang kaniyang pagkain sa lalagyan para siya ay makakain na
ngunit napansin niya na hindi lumalabas si daga sa kaniyang bahay. Mausisang sinilip ni pusa
si daga sa kaniyang bahay at nakita na ito ay nanginginig sa sobrang lamig kasabay pa nito ang
labis na kagutuman. Hindi natiis ni pusa si daga kaya naman inalagaan niya ito at pinakain
hanggang sa ito ay gumaling. Labis na nagpapasalamat si daga kay pusa sa kabila ng kaniyang
ginawa ay napatawad at inalagaan pa siya. Nanumbalik ang kanilang pagiging matalik na
magkaibigan at nangako na aalagaan ang isa’t isa.

Moral lesson:
- Matuto tayong magpatawad sa ating kapwa at huwag kalimutan ang taong andiyan para
sayo dahil lang sa pansariling interes.

You might also like