You are on page 1of 1

Steve Patrick M.

Marata

Bakit Laging Nag-Aaway ang Aso, Pusa at Daga?

Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at nagkakaintindihan. Sila


ay magkakaibigan. Ang daigdig ay napakapayapa at animo’y isang paraiso. Ang mga
aso, pusa at daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain. Lagi
silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani-kanilang mga suliranin. Subalit ang lahat
ng ito ay nasira dahil lamang sa isang pangyayari.Isang araw, umuwi ang aso na may
dala-dalang buto para pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala
doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng pagkain. Nakarinig ng
ingay ang aso sa pintuan ng bahay. Inilapag ng aso ang buto at tumakbo sa labas upang
tingnan kung ligtas ang kaniyang amo.Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga.
Malungkot siya dahil wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya
ito at dinala sa bubungan ng bahay.“Mamayang gabi ay may pagsasaluhan kami ng
aking mga kaibigang aso at pusa,” bulong ng daga sa sarili.Pagbalik ng aso sa bahay ay
nagulat ito ng makitang wala na ang iniwang buto. Naghanap nang naghanap ang aso
subalit hindi rin niya makita ang buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain.
Tinulungan niya ang aso sa paghahanap ng buto. Nakarating sila sa itaas ng bahay
hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang aso at pusa. Akala nila ay sadyang
kinuha ng daga ang buto para masolo niya ito.

Pinagkunan:https://pinoycollection.com/bakit-laging-nag-aaway-ang-
aso-pusa-at-daga/

You might also like