You are on page 1of 7

Bakit Laging

Nag-Aaway
ang Aso,
Pusa at
Daga?
Narrator 1. (Jhullien)
Noong unang panahon, ang mga hayop ay nakapagsasalita at
nagkakaintindihan. Sila ay magkakaibigan. Ang daigdig ay
napakapayapa at animo’y isang paraiso. Ang mga aso, pusa at
daga ay mabubuting magkakaibigan. Sama-sama silang kumakain.
Lagi silang nagbibigayan at nagtutulungan sa kani-kanilang mga
suliranin. Subalit ang lahat ng ito ay nasira dahil lamang sa isang
pangyayari.

Narrator 2. (Samantha)
Isang araw, umuwi ang aso na may dala-dalang buto para
pagsaluhan nila ng kaniyang mga kaibigang pusa at daga. Wala
doon sina pusa at daga dahil naghahanap pa rin ang mga ito ng
pagkain. Nakarinig ng ingay ang aso sa tabi ng mga bato. Inilapag
ng aso ang buto at tumakbo upang tingnan kung ano ang nagingay.

Narrator 3. (Mica)
Sa oras naman na iyon ay dumating ang daga. Malungkot siya dahil
wala siyang nakuhang pagkain. Nakita niya ang buto. Kinuha niya
ito at dinala sa tabi ng puno.

DAGA (Lance): Tamang tama mamayang gabi ay may


pagsasaluhan kami mg kaibigang aso at pusa.

Narrator 4. (Myzhell)
Pagbalik ng aso ay nagulat ito ng makitang wala na ang iniwang
buto.

ASO (CK): Hala! Nasaan na ang buto na iniwan ko rito?

Naghanap nang naghanap ang aso subalit hindi rin niya makita ang
buto. Dumating ang pusa na wala ring dalang pagkain.

PUSA (BJ): Oh Aso, mukang may hinahanap ka, ano ba iypn


sabihin mo sa akin at baka matulungan kita.

ASO (CK): Nawawala kasi ang buto na inilagay ko rito sinusubukan


kong hanapin pero hindi ko mahanap.

Tinulungan niya ang aso sa paghahanap ng buto. Nakarating sila


sa tabi ng puno hanggang sa kinaroroonan ng daga. Nagulat ang
aso at pusa. Akala nila ay sadyang kinuha ng daga ang buto para
masolo niya ito.

Narrator 5. (Jazmin)
Mabilis na lumapit ang pusa sa daga at pinagalitan ito.

PUSA (BJ): DAGA! Bakit mo kinuha ang buto na dinala ni aso para
sa atin gusto mo bang solohin iyon?

DAGA (Lance): Hindi, kinuha ko lamang ito doon dahil akala ko ay


walang nagmamay-ari dito, at balak ko naman kayong bigyan.

Nagpaliwanag ang daga ngunit hindi rin siya pinakinggan ng pusa.


Nag-away silang dalawa kaya’t ang buto ay tumalsik, nakuha ito ni
Aso at dinala sa tabi ng mga puno.

ASO (CK): Hah..hah.. hihintayin ko na lang sila dito. Siguro


mamaya ay magkakasundo na rin sila at masaya naming
pagsasaluhan itong buto

Narrator 3 (Mica).
Dahil sa pagod at matagal-tagal ding paghihintay sa pagdating ng
dalawang kaibigan, kinain na ng aso ang ikatlong bahagi ng buto.
Itinira niya ang parte ng daga at ng pusa.

ASO (CK) : Ang tagal naman nila, kakainin ko na lang ang parte
ko sa buto na ito at titirhan ko sila.

Narrator 2 (ALL).
Mainit pa ang ulo ng pusa dahil sa galit nang ito ay dumating sa
kinaroroonan ng aso. Inabutan niya ang aso na kumakain ng mag-
isa. Bigla niyang inangilan ang aso.

PUSA (BJ): Bakit ka kumakain mag isa hindi mo man lang kami
hinintay!

ASO (CK) : Ang tagal nyo kasi!


PUSA (BJ): Ang sabihin mo gusto mo lang din ma solo ang buto na
yan!
ASO (CK): Hindi yan totoo!

PUNO 1 (Rayven): Bakit ba niya inaaway si aso?

PUNO 2 (Justin): Oo nga dapat nga ay nagpasalamat sya kay Aso


dahil kahit na matagal sila ay tinirhan parin sila ni Aso.

Nagkasagutan silang dalawa hanggang sa sila ay magkasakitan ng


katawan. Narinig ng mga tao ang ingay na dulot ng pag-aaway ng
aso at pusa. Inawat silang dalawa at pinaghiwalay. Naghiwalay ang
aso at pusa na kapwa may tanim na galit sa isa’t-isa. Iyon na ang
simula ng kanilang pagiging magkaaway.

-Wakas

You might also like