You are on page 1of 5

Group 4

Tagapagsalaysay: Sa isang maliit na pamayanan na kanilang pinagmulan at kinalakihan, ay


nakatira ang magkaibigan na sina Leon, Kuneho, Tipaklong, Matsing, Kabayo, Tupa at Oso.
Lumaki silang magkasama dahil nasa iisang pamayanan sila at dahil na din matalik na
magkaibigan ang kanilang mga magulang. Hindi na bago sa kanila ang pumunta sa iba’t-ibang
bahagi ng gubat tulad nang ginagawa nila ngayon.

Kabayo: Leon, matagal pa ba ang paroroonan natin? Pagod na ako at nauuhaw na rin
ngeighhhhh~

Leon: Konti nalang kabayo maghintay ka pa, tiyak na pagkadating natin doon ay mamamangha
ka. 

Oso: May pagkain ba doon leon? Wala nang laman ang aking tiyan sapagkat naubos ko na ang
aking baon. (Tumunog ang tiyan ni oso)

Kuneho: Heto oso oh may natira pa akong pagkain, hindi ko kasi maubos. 

Tagapagsalaysay: Hinati ni kuneho ang natitira niyang karot kay oso upang hindi magutom ang
kanyang matalik na kaibigan. (May sound effect ang paghati ng karot)

Tipaklong: Bakit mo kasi inubos kaagad ang pagkain mo oso? Alam mo namang malayo pa ang
ating lalakbayin. Paano kapag naubos ang pagkain ni kuneho dahil sa iyo? Anong kakainin
niya? 

Matsing: Oo nga oso, hindi ka ba naaawa kay kuneho? Palagi mo na lang kinukuha ang pagkain
niya.

Tupa: Hayaan niyo nga si oso, si kuneho naman ang nag desisyon na bigyan siya. Hindi naman
kinuha ni oso ang pagkain ni kuneho ng walang paalam katulad niyo baaa~

(Umugong si Leon ng napakalakas)

Leon: Magsitigil na kayong lahat sa pagtatalo dahil nakarating na tayo sa ating paroroonan. 

Kabayo: Ayan kasi wala nang ginawa kung hindi mang away iyang si tipaklong.

Tipaklong: Oh bakit ako lang? Sumali rin naman si Matsing ah, bakit ako na naman?

Oso: Bahala kayo diyan nagugutom na talaga ako. Maghahanap nalang ako ng makakain natin.

Tagapagsalaysay: Habang naghahanap ng pagkain si oso ang iba naman niyang mga kaibigan ay
naghanda para sa kanilang tutulugan mamayang gabi. Abala ang mga kaibigan niya sa aghanda
ng tulugan ng makarinig sila ng sigaw galing kay oso.
Oso: Tulong! Tulong!

Tipaklong: Narinig nyo ba iyon? Mukang nasa panganib si oso.

Leon: Puntahan natin si oso, baka may masamang nangyari sa kaniya.

Tagapagsalaysay: Ngunit nang dumating na ang magkakaibigan sa paroroonan ni oso, nagulat


lamang sila nang makita ang walang-buhay na oso.

Kabayo: S-sinong gumawa nito kay oso?

Kuneho: Kailangan nating malaman kung sino gumawa nito.

Tagapgsalaysay: Nilibing nila ang bangkay ng kaibigan habang umiiyak at malungkot at tamlay
na bumalik sa kanilang tinutuluyan. Nag-usap-usap ang magkakaibigan at gumawa ng plano
kung paano nila malalaman ang may pakana ng pagkamatay ni oso.

Matsing: Sana mabigyan natin ng hustisya si oso.

Tupa: Pagbabayarin natin ang gumawa nito.

Tagapagsalaysay: Bumuo ng plano ang magkakaibigan hanggang napagdesisyonan na nila na


matulog. Pagsikat ng araw, naghanap ulit sila ng makakain at pinagpatuloy ang paglalakbay.

Leon: Dito na muna tayo at maghanap ng kahoy upang makapagumpisa ng apoy dahil gumagabi
na.

Kuneho: Dapat may mga kasama tayo habang naghahanap ng kahoy.

Matsing: Sasama ako kay Kabayo

Tupa: Si Leon nalang ang aking kasama

Tipaklong: Sige, si Kuneho nalang ang sasamahan ko

Tagapagsalaysay: Naghiwahiwalay na ang magkakaibigan upang mas at mapabilis ang


paghahanap ng kahoy.

Kabayo: Matsing dito muna ako sa kabilang banda maghahanap ng kahoy.

Matsing: Sige Kabayo, tawagin mo nalang ako kung babalik na tayo.

Tagapagsalaysay: Umalis muna si Kabayo at iniwan si Matsing. Sa di kalayuan nakita nina


Tipaklong at Kuneho si Kabayo, at akmang lalapitan ito ng narinig nila na may kausap ito.
Kabayo: Wala silang kaalam alam na ako ang gumawa no’n kay Oso, at siguradong hinding-
hindi nila malalaman ang katotohanan, Lobo

Lobo: Mabuti ‘yan, teka balikan mo na sila baka magduda pa ‘yung mga ‘yun.

Tagapagsalaysay: Hindi makapaniwala ang magkaibigan sa narinig at dali-daling pinuntahan si


matsing at sabay bumalik kina Leon at Tupa at sinumbong ang narinig nila.

Leon: Sigurado ba kayo riyan sa narinig ninyo, tipaklong at kuneho?

Kuneho: Oo naman, bakit naman kami mag-sisinungaling sainyo? At rinig na rinig namin ang
pag-usap niya kay Lobo.

Tupa: Mga traydor!! Sa lahat ng mga hayop sa mundo, bakit si Kabayo pa ang trumaydor sa
atin?!?!?!

Matsing: Bakit tinulungan ni Kabayo si Lobo at bakit pinatay nila si Oso….bakit…..bakiiit!!!


Kuneho: Ano na ang gagawin natin ngayon?
Tupa: Tanungin nalang kaya natin sila kung bakit pinatay nila si oso?
Leon: Hindi!!! Grabe ang ginawa nila kay Oso at hindi na natin kailangan ng kahit anumang
paliwanag galing sakanya!!! Magkaibigan tayo simula pagkabata tapos eto lang ang gagawin
niya kay Oso na walang ginawang masama sa kaniya?
Matsing: Hayaan natin matikman nila ang kanilang sariling gamot.
Leon: Tama ka, kaya eto ang plano.
Tagapagsalaysay: Ang magkakaibigan ay nagtitipon-tipon at nag-iisip tungkol sa kanilang
planong patalsikin sina Kabayo at Lobo. Nang matapos na sila sa pagpa-plano ay saktong
dumating naman si Kabayo.

Kabayo: Oh tapos na ba kayo kumain? May dala na ako ditong mga kahoy, sapat na ito para sa
atin.

Kuneho: A-ah o-oo, salamat k-kabayo. HIndi na kami lalamigin.

Tupa: Matulog na tayo dahil maaga pa tayo bukas


Tagapagsalaysay: At natulog na nga ang magkaibigan, ngunit sa pagsapit ng kalaliman ng gabi
ginising ni kuneho ang mga kaibigan niya maliban kay kabayo na mahimbing na natutulog.

Matsing: Ano na ang gagawin natin ngayon leon? Papatayin din ba natin sina kabayo at lobo
katulad nang ginawa nila kay oso?

Kuneho: Huwag nalang kaya natin ituloy ang unang plano natin leon? Pakiramdam ko ay babalik
din satin ito

Tipaklong: At bakit naman hindi kuneho? Pinatay nila ang kaibigan natin, nararapat lang para sa
kanila ‘yon!!

Kuneho: Ngunit kung gagawin natin iyon, ano ang pinagkaiba natin sa kanila kung gayon?
Parehas lang tayo magiging walang-pusong hayop kung susundin natin ang ating mga emosyon.

Tupa: Sang-ayon ako sa’yo kuneho, hindi sapat ang rason at galit natin sa kanila. Mamaya ay
pagsisisihan din natin ito.

Tipaklong: At sa tingin mo tama ang ginawa nila kay oso? Walang kaawa-awa nilang pinatay
ang kaibigan natin, hindi niyo ba naiisip ‘yon?

Leon: Ano ang masasabi mo matsing?

Matsing: Sa tingin ko ay tama sina Kuneho, Leon. Kung nandito lang si Oso hindi niya
magugustuhan ang paggamit ng karahasan habang hindi nasa tamang pag-iisip ang utak natin.

Leon: Tama ka nga matsing, hindi niya magugustuhan ito. Kung kaya gagawin natin ang
suhestiyon ni tupa kanina. Dadalhin natin sina kabayo at lobo sa malayong lugar kung saan
hindi na nila tayo magagambala pa.

Tupa: Paano naman natin gagawin ‘yon leon?

Leon: Basta. Tignan niyo lamang. Hindi na tayo muling magagambala at matatakot para sa
buhay natin habang-buhay.

Tagapagsalaysay: At isinagawa nga nila ang kanilang plano. Gumawa sila ng bitag sa lugar,
kung saan nagkikita sina Lobo at Kabayo, at tinakpan ito nang maigi upang hindi makita at mag-
tagumpay ang kanilang plano. Nang sinabi ni Leon na maghanap ulit ng kahoy, kusa niyang
sinabi na siya ang maghahanap ng kahoy mag-isa, at alam na nilang lahat na mag-tatagumpay
ang kanilang plano.

At tama nga sila, dahil pagkatapos ng ilang minuto may narinig silang pagsigaw at agad na
pinuntahan ito at isinaad ang lahat na alam nila sa ginawang pagpatay kay Oso, at dinampot ni
Leon sina Lobo at Kabayo na nasa loob ng bitag, at kaniyang tinapon sa isang bangka na
papatungo sa kabilang isla na kung saan malayo sa kanila at tiyak na hindi na muli silang
makakabalik.

At diyan na nga nagtatapos ang kwento ng magkaibigang hayop.

You might also like