You are on page 1of 16

Group 4

Members:
Lider- Alliyah Angela O. Tejada
Pangalawang lider- Suyen Ashera Anzhela G.
Cornelio
Kalihim- Xzabreena Tiffany Ng
Tagapagsalaysay- Andrea Jezz G. Gonzales
Tagabantay-oras: Paul Khervy D. Palma
Miyembro: Johan Rence Inocencio

Tagapagsalaysay: Andrea Jezz G. Gonzales


Pilandok: Suyen Ashera Anzhela G. Cornelio
Baboy-ramo: Alliyah Angela O. Tejada
Buwaya: Paul Khervy D. Palma
Suso: Johan Rence Inocencio
Leon: Xzabreena Tiffany Ng
Natalo rin si Pilandok

Tagapagsalaysay: Kilala si Pilandok sa kanyang


pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas
na panlilinlang o panloloko ang ginagamit ni
Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi
siyang nanalo.
Subalit may kasabihang “Ang anumang gawin mo sa
kapwa mo, babalik at babalik din sayo”
Darating nga kaya ang pagkakataon ma babalikan
din siya sa ng mga gawa niyang panloloko o
panlilinlang, at siya naman ang matatalo?
Sino kaya ang hayop na nakatalo sa kanya?
Isa ba kaya itong malaki at makapangyarihang hayop
o isang hayop na maliit pa sa kaniya?
Halina’t iyong alamin.
Tagapagsalaysay: Isang hapon, mainit ang sikat ng
araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na
magpunta sa paborito niyang malinaw na batis
upang doon magpalamig at uminom.
Tagapagsalaysay: Isang malaki at gutom na gutom
na baboy-ramo pala ang nakatago sa gilid ng
malalabay na puno at naghihintay ng anumang
darating na maaaring makain.
Tagapagsalaysay: Nang makita niya ang pilandok ay
agad na nagningning ang kanyang mga mata.
Mabilis siyang lumabas at humarang sa daraanan ng
pilandok.
Baboy-ramo: Sa wakas, dumating din ang aking
pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong
hindi pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil
ikaw ngayon ang aking magiging hapunan!
Tagapagsalaysay: Ang tawa tawang sabi ng baboy
ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis na
ngipin ng baboy-ramo
Tagapagsalaysay: Takot na takot ang pilandok dahil
dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya
ang tiyak na magkalasog-lasog ang kanyang payat na
katawan subalit hindi siya nagpahalata.
Pilandok: Kawawa ka naman baboy-ramo,
maghapon ka na palang hindi kumakain, “ang sabi ni
tila awang-awa nga sa kalagayang ng kausap.
“Puwede mo nga akong maging pagkain pero alam
mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na
hindi ka mabubusog sa akin” Ang dugtong pa nito.
Baboy-ramo: Kung gayon, ano ang gagawin ko?
Gutom na gutom na ako! ang malakas na sigaw ng
baboy-ramo.
Pilandok: Ha! matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,
“ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag-iisip”,
“Leon, leon ang dapat mong kainin para mabusog
ka. Sasamahin kita sa paghahanap ng isang leon
tiyak na makabubusog sa iyo” ang paniniyak nito.
Baboy-ramo: Ano ba ang leon? Tiyak ka bang
mabubusog ako sa leon? ang tanong ng baboy-
ramo. “Ang leon ang pinakamalakas na hayop sa
buong mundo” ang sagot naman ng pilandok. “Mas
malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-
ramo habang hinihipan at pinalalaki ang kanyang
dibdib.
Pilandok: Oo, malakas talaga ang leon subalit sa
talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong
tumakbo, tiyak na kayang-kaya mong sagpangin at
kainin ang leon. “ang pambobola pa ng pilandok sa
baboy-ramo.
Tagapagsalaysay: Nahulog na nga sa bitag ng
pilandok panipaniwalang sa matamis na pananalita
ang baboy ramo
Baboy-ramo: Kung gayon, Samahan mo na ako sa
leon at nang ako’y makakain na. Basta’t tandan mo,
kapag hindi ako nakakain ng leon ay ikaw pa rin ang
magiging hapunan ko”
Pilandok: Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na
mabubusog ka, kaibigan.
Tagapagsalaysay: Naglakad-lakad nga ang dalawa sa
kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon.
Nakarinig sila ng tinig ng isang maliit na leon tila
tuwang-tuwa sa pag-iinom
Nakakita sila ng isang maliit na leon nag iinom sa
ilalim ng talon
Baboy-ramo: Iyan, iyan na ba ang leon?
Susunggaban at kakainin ko na, “ang mabilis na sabi
ng baboy-ramo.
Pilandok: Kaibigan, hindi pa iyan ang leon. Sumisibol
pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan diyan,
“ang sagot ng pilandok.
Baboy-ramo: Kung gayon, saan natin makikita ang
leon gagawin kong hapunan? ang naiinip nang
tanong ng baboy-ramo.
Pilandok: Doon, sa gawing hilaga, ang sagot ng
pilandok.
Tagapagsalaysay: Nakakita sila ng isang taniman ng
mga kamote. May isang matandang leon
humahanap ng pagkain. Buto’t balat na at mahina
nang lumakad.
Matandang leon: Aray ko! gutom na gutom na ako!
kailangan ko na makahanap ng pagkain. “ sabay sabi
habang humuhukay ng makakain sa taniman.”
Baboy-ramo: Iyan na ba? Iyan na ba ang leon
gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni
hindi ako matitinga riyan, ang sabi ng baboy-ramo.
Pilandok:Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at
hindi ka mabubusog diyan. Hindi iyan nababagay sa
isang matikas na baboy-ramo tulad mo.
Tagapagsalaysay: ang muling sabi ng baboy-ramo
Tagapagsalaysay: Galit na galit na ang baboy ramo
Baboy-ramo: Kung ganon, saaan ko makikita ang
leon na kakainin ko? Gutom na gutom na ako!
Niloloko molang yata ako eh. Ikaw na lang ang
kakainin ko!
Tagapagsalaysay: Ang gigil na sabi nito sa pilandok
Pilandok: Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na,
hayun na ang leon na para sa iyong hapunan, “ang
sabi ng pilandok sabay turo sa isang malaki at
nakamamatay na leon naglalakad sa gilid ng gubat.
Ayon na! ayon na ang leon na iyong ma hahapunan!
Tagapagsalaysay: sabay turo ng pilandok malaki at
nakamamatay na leon naglalakad sa gilid ng gubat.
Pilandok: Tiyak na mabubusog ka riyan dahil
malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang
kumain ng isang munting hayop na tulad ko
pagkatapos mo siyang makain.
Tagapagsalaysay: Ang nakangiting sabi ng Pilandok.
Baboy-ramo: Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang
hapunan ko.
Leon: Rawwwwrrrr, humanda ang sino mang hayop
na makita ko dahil siguraduhin ko na kakainin ko
kayo! “ sabay sinabi ng leon habang kumakain ng
buto ng hayop.
Tagapagsalaysay: Nabigla ang dalawa sa sinabi ng
nakamamatay na leon ngunit hindi parin nagpatalo
sa takot ang baboy-ramo. Dahil gustong-gusto na ng
baboy-ramo kainin ang leon hindi ito nagpatalo at
biglang sumugod sa nabiglang leon.
Tagapagsalaysay: Subalit nabigla man at natumba
ang leon ay mabilis pa rin itong nakabangon at
umungal na sinubukang kalkatin ang Baboy-ramo.
Leon: Sa wakas! nandito na ang aking magiging
hapunan, halika na at kakainin na kita!
Tagapagsalaysay: Muntik na tamaan ang baboy-
ramo, subalit nang makabawi sa pagkabigla, ay
mabilis naman itong nakatakbo palayo, upang
mailigtas ang kaniyang buhay.
Tagapagsalaysay: Nakahinga nang maluwag ang
tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng
matinding uhaw kaya’t naisip niyang muling bumalik
sa batis upang ipagpatuloy ang naputol napag-
iinom. Tahimik na umiinom ang pilandok nang bigla
niyang maramdamang may sumunggab sa kanyang
isang paa.
Tagapagsalaysay: Paglingon niya ay nakita niya ang
buwayang makailang beses na niyang nalinlang.
Alam niyong galit sa kanya ang buwaya pero galit din
siya rito dahil sa lagi siyang pinipigilang umiinom sa
batis.
Buwaya: Aha! nagkita naman tayo ulit Pilandok!
humanda ka na sakin dahil kakainin na kita!
Tagapagsalaysay: Sa halip na sumigaw sa sakit ang
Pilandok ay agad itong umisip ng paraan upang
makalayo sa buwaya.
Pilandok: Hay naku, kawawa naman ang buwayang
ito. Hindi niya makilala
ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa, ang
tila nang-uuyam na sabi ng pilandok na tulad ko.
Buwaya: Hindi mo na ako maloloko Pilandok,sanay
na ako sa pagagawa mo sa akin, kaya humanda ka
dahil ito na iyong kamatayan!
Tagapagsalaysay: Sanay na sanay na ang buwaya sa
panlilinlang o pagloloko ng pilandok sa kaniya, dahil
hindi niya ito agad na binitawan ang paa ng pilandok
Pilandok: Buwaya bulag ka ba? Patpat lang ang
kagat-kagat mo. Heto ang paa ko oh, o” ang malakas
na sabi niya sabay taas sa isang binti.
Tagapagsalaysay: biglang binitawan ng buwaya ang
paa ni pilandok
Buwaya: Sige na nga pilandok, akin na nga ang isa
mong paa, siguraduhin mo na ibibigay mo sakin iyan
ha! Ang galit niyong sinabi.
Tagapagsalaysay: Akmang susunggaban na sana
nito ang isang pang itinaas ng pilandok nang mabilis
itong makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya,
naisahan na naman siya ng matalinong Pilandok.
Tagapagsalaysay: Habang naglalakad pauwi ang
pilandok ay nasalubong niya ang suso, dahil maliit
ang suso ay naisip ng pilandok, na kayang-kaya
niyang magyabang dito, hinamun niya ang suso sa
isang karera at anong laking gulat niya nung
pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya
niyang talunin ang pilandok.
Suso: Payag na payag ako Pilandok, basta may isang
kundisyon lamang ang hinihingi ko.
Tagapagsalaysay: may isang condition lamang ang
suso, kapag natalo niya ang pilandok ay titigilan na
niya ang panlalamang o panloloko sa ibang hayop sa
gubat.
Tagapagsalaysay: tatawa-tawang pumayag ang
pilandok dahil sigurado naming siyang mananalo sa
karerang ito, ang hindi alam ng pilandok ay kalat na
kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang
pagiging tudo o mapanlinlang kaya’t napaghandaan
na ang suso ang araw na siya naman ang maaring
pagdiskitahan ng pilandok.
Suso: Sige Pilandok! bigyan mo muna ako ng ilang
minuto para paghandaan ko ang sarili ko!
Pilandok: Sige Suso, alam kong takot na takot ka
dahil sa laki kong ito alam kong matatalo ka Haha!
“ipinagmamalaki niyang sinabi.
Tagapagsalaysay: Kinausap na niya ang kanyang
mga kapatid. Magkakamukha sila at aakalain mong
iisang suso lang sila dahil sa kanilang parehong-
parehong itsura.
Tagapagsalaysay: nagsimula na ang karera.
Tagapagsalaysay: Agad umarangkada at tumakbo
nang ubod bilis ang pilandok. Subalit paghinto niya
sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang
kalaban ay anong laking gulat niya nang magsalita
ang suso.
Suso: O, ano pilandok, pagod kana ba?
Tagapagsalaysay: Ang tanong nito sa Pilandok.
Tagapagsalaysay: Takang taka ang Pilandok kung
paanong nagawa ng suso na mauna pa sa kanya
kaya’t nabilis na tumakbo uli ang pilandok hanggang
sa makarating sa dulo ng karera nang halos lumawit
ang dila sa pagod.
Tagapagsalaysay: Subalit hayun, at nauna na naman
ang Suso na ipinag bubunyi ang kaniyang pagkanalo.
Tagapagsalaysay: Hindi makapaniwala ang pilandok
na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang
mabangis na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at
mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang
isang matalinong sultan subalit, heto, siya naman
ngayon ang natalo ng isang munting suso.
Tagapagsalaysay: binati niya ang suso, at
mapagkumbaba niyang sinabi
Pilandok: Suso, kung sa paanong paraan mo mam
ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo mo na ko.
Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan,
ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa
kong panlalamang sa kapwa.
Tagapagsalaysay: Muling nagbunyi ang mga hayop
sa nakarining kay Pilandok.
Maging mapanuri sa karakter ng isang tao upang
maiwasang mabiktima ng mga tuso at manloloko.

You might also like