You are on page 1of 7

Biag Ni Lam-ang

Mga Tauhan:

Yazmine Valmores bilang Ate Gara Vea Nicaila Santos bilang Lam-ang

Shaine Silay bilang Bella Jennie Lyn Vergara bilang Ginang Namongan

Rayzell Torres bilang Miya Cedric Salise bilang Don Juan

Trixy Santiago bilang Ines Kanoyan Jimuel Ereno bilang Sumarang

Caimere Siat bilang Mariang Tandang Vincent Francisco bilang Pedrong Aso

Wilmer Mendoza bilang Don Kanogo Faith Santos bilang Ginang Salagani

Ate Gara: Magandang Araw sa inyong lahat.Kami ang ikatlong grupo na magbibigay buhay sa
pinagmamalaking epiko ng mga Ilocano ang Biag Ni Lam-ang.Sana ho ay inyong magustuhan

Miya: Ate,ate tulungan mo nga akong magreview may test kasi kami bukas sa Filipino eh..please

Bella: O sige.Ito ay isang mahabang tula na nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o
higit pang bayani o maalamat na mga nilalang?

Miya: Ummmm..Ano?ahalam ko na!Sabi na nga ba eh,Kopiko?Tama kopiko!

Bella: Hay naku Windy sumasakit ulo ko sayo..Anung kopiko eh kape yon,baka Epiko.Ayoko na nga
bahala ka na dyan!

A.G: Nika,Windy nandito na ko.Oh Nika nakapangalumbaba ka diyan at parang pinagbagsakan ng langit
at lupa?

Bella: Eh ate gara si windy po kasi,nagpapareview sakin kasi may test sila sa Filipino bukas tas may
tinanong ako tapos imbis na epiko ang isagot kopiko daw!Unang tanong palang yon ate ah,pano pa yung
iba anu isasagot niya Nescafe,Great taste?hays

A.G: hahahawindy naman kasi bakit kopiko,eh epiko yon

Miya: Ate pabayaan mo na magkalapit naman yon diba?Epiko tapos Kopiko oh parehas may piko?pwede
nay un

A.G: Tsk..pati ko sumasakit ulo ko sayo.Halika na nga kayo matulog na kayo..

Miya: Pero ate gara di pa ko inaantok ehKwentuhan mo muna kami..please

Bella: Oo nga ate kwentuhan mo muna kami..please


Ate Gara: Hay sige na nga may magagawa pa ba ko eh pinagtutulungan nyo na ko?Oh sige dahil kopiko
este epiko pinag-uusapan nyo kanina..Ang ikukuwento ko sa inyo ngayon ay ang pinagmamalaking epiko
ng mga Ilocano ang Biag ni Lam-ang

Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa


pangalang Don Juan at Namongan.Si Don Juan ay matagal at batikan ng namumuno sa kanilang nayon
kaya di maikakaila na may edad na ang pinuno at nalalapit na ang panahon ng pagpapasa niya ng
tungkulin ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang supling ni Namongan kaya nangangamba sila na
mapunta sa masamang loob ang tungkulin.Kayat isang araw napagpasiyahang nilang mag-alay at
magdasal sa kanilang Bathala upang silay mabiyayaan ng sanggol.Hindi naman nabigo ang mag-asawa
at makalipas ang ilang araw ay nagdadalang tao na si Namongan.Labis na siya ang dinulot nito kay Don
Juan at sa buong tribo ngunit lahat ng kasiyahang ito ay naputol dahil sa pagsugod na mga
Igurot.Maraming buhay ang nawala dahil sa pagsugod na iyon kaya labis na poot at pagkatakaw sa
paghihiganti ang naramdaman ni Don Juan kaya napagpasiyahan niyang sugudin ang Igorot sa tribo
nito kasama ang mga natirang kawal.Malapit na noon ang pagsilang sa sanggol ng aalis na si Don Juan
kaya sinubukan siyang pigilan ni Namongan.

Namongan: Asawa ko,huwag mo ng ituloy ang iyong binabalak nangangamba akong may mangyayaring
masama sa iyo.Nais mo bang hindi Makita ang iyong nag-iisang anak?Nais mo bang hindi man lang niya
maranasan ang pagmamahal ng isang ama?Nalalapit na ang aking pagsilang sa kaniya kayat wag na
kayong tumuloy..

Don Juan: Nais kong masilayan ang paglabas ng ating anak sa mundong ito,ngunit kailangan kong
bigyang katarungan ang pagkasawi ng aking mga alagad at mamamayan.Paunmanhin mahal kong asawa
ngunit nararapat kong ituloy ang aking balak.Huwag kang mangamba ako ay babalik na walang mi
gasgas,at bubuhatin ko ang aking anak.

Kahit anong salita ang ginawa ni Namongan ngunit di niya ito napigilan.Tinuloy ni Don Juan ang
kanyang balak at sinugod ang tribo ng mga Igorot.Ilang sandal lamang paglisan ni Don Juan ay sumakit
na ang tiyan ni Namongan nangangahulugang isisilang na niya ang sanggol.Siyam na tao pa ang
kinailangan bago maisilang ang bata labis na nahirapan si Namongan.Isang sanggol na lalaki ang
kaniyang isinilang ngunit kakaiba ito sa lahat ng sanggol dahil may taglay agad itong kakaibang
katangian tulad na lamang na kaya niyang kausapin ang mga hayop ngunit mas lalong nagulat ang
lahat ng habang buhat buhat siya ng kanyang ina ng biglang

Namongan: Anak ako si Namongan ang iyong ina..kamukhang-kamukha mo ang iyong ama

Lam-ang: Ina,nais kong Makita ang aking ama,nasaan siya?

Nagulat ng labis ang lahat ng magsalita si Lam-ang at hanapin ang kanyang amaSiya na din ang
pumili ng kanyang pangalan at mga naging ninong at ninang sa kanyang binyag..Piangdiriwang noon
ang kabinyagan ni Lam-ang ng biglang ang isang kawal na kasama ni Don Juan ay sugatan at duguan na
lumitaw.Di narin nagtagal ang buhay ng kawal at pumanaw na ito pagkatapos sabihin ang nangyari sa
kanilang pinuno na pinugutan daw ng ulo ng mga Igorot at ang mga kasamahang niyang napatay
din..Narinig ito ni Lam-ang at labis nag alit ay idinulot nito sa kanya at sinumpa niyang ipaghihiganti ang
kanyang ama.Sa edad na siyam na buwan ay malakas,matipuno at malaking lalaki na si Lam-
ang.Sinubukan siyang pigilan ng kanyang ina ngunit wala din itong nagawa

Namongan: Anak pati ba ikaw iiwan na din ako,kulang pa ba ang iyong ama at pati ikaw?

Lam-ang: Ina ko wag kang malungkot babalik ko ng buhay at walang mi galos.Pinapangako ko ito..

Namongan: Iyan din ang sinabi sa akin ng iyong ama noon ngunit ano nasawi pa din siya..Kaya anak-

Lam-ang: Ina hindi ako pababayaan ni BathalaPaalam

Kasama ang kanyang mahihiwagang alaga na si Pedrong Aso at Mariang Tandang,dala-dala din ang
tangabaran ng kanyang mga ninuno at talisman mula sa punong saging.Ay naglakbay si Lam-ang sa
mga kabundukan at kaparangan ng mabilis dahil sa tulong ng kanyang talisman.Sa labis na pagod ni
Lam-ang sa paglalakbay ng tatlong araw na walang pahinga nagpahinga muna siya sa ilalim ng isang
puno.Nagising mula sa isang bangugot si Lam-ang,nakita niya doon ang kanyang ama na pinugutan ng
ulo ng mga Igorot at sinabit sa sakurang isang haliging kawayan habang nagsasayawan at nagdidiwang
ang mga Igorot sa paligid nito.Lalong tumindi ang pagnanais ni Lam-ang na maipaghiganti ang kanyang
ama

Lam-ang: Ama!!!!Isang katakottakot na munting panaginip..mahal na bathala sana hindi lahat totoo
iyon.

Nagpatuloy sa paglalakbay si Lam-ang at narrating na niya ang kuta ng mga Igorot.Tunay nga ang lahat
ng kanyang napanaginipan ang katakot-takot na nangyari sa kanyang ama.

Lam-ang: Kayong lahat ay aking hinahamon!!!Ng isang digmaan sa pagitan ko at ninyong


lahat!Ipaghihiganti ko ang pagpaslang ninyo sa aking amang si Don Juan..

PinunongIgorot: Wag kang magpatawa bata?Umuwi ka na sa inyo bago ka matulad sa iyong


amahahaha puro kayo salita!Umuwi ka na dali bago pa magbago ang aking isip..

Lam-ang: Hindi!!Mamamatay kayong lahat!Mga mangmang at kutong lupa!Para sa aking ama!

Yumanig ang kabundukan sa sigaw ni Lam-ang at narinig ito ng mga igorot at pinaulanan si Lam-ang ng
sibat ngunit kahit isa ay walang tumama.Kaya si Lam-ang naman ang sumugod at parang mga damong
pinatay ang mga Igorot.Puro dugo ang katawan ni Lam-ang ng umuwi siya sa Nalbuan,naligo siya sa
IlogAmburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribo nawala ang mga dugo ng mga pinaslang niya sa
kanyang katawan at napunta sa tubig ang dumi dahil ditto namatay ang mga isda sa ilog at nagsiahon
ang mga igat at alimango sa pampang.

Namongan: Salamat bathalaanak buhay ka!

Nagpahinga lang sandal si Lam-ang at nagtungo na siya sa KalunitianNaglalakad noon si Lam-ang ng


maagaw ng paningin niya ang isang magandang dalaga..Si Ines Kannuyan
Pedrong Aso: Aw,aw,aw ang ganda ang gandang binibini

Mariang Tandang: Tiktilaok,Tilaok oo ngaNgunit mas maganda pa din ako

Pedrong aso: Aw,aw mahiya ka naman Mariang Tandang

Lam-ang: Mapapasaakin ang binibining iyan

Mariang Tandang: Tiktilaok,may higante,may higanteng paparating Lam-ang..

Sumarang: Sinu ka?Sinu kang dayuhan ka?

Lam-ang: Ako si Lam-ang..

Sumarang: Kung gayoy ikaw pala ang kumakalat na isang mahusay at bihasa sa pakikipaglaban?Ang
lalaking tinuturing nilang isang bayani?Ngunit ditto sa aming nayon walang bayabayani ako ang siga
ditto!Wag kang magbabalak kuhanin ang mga pag-aari ko?Kung hindi makakatikim ka?

Umalis si Sumarang at si Lam-ang naman ay hinanap ang bahay ng magandang dilag na kanyang
nakita.

Lam-ang: Halikayo mga kaibigan kong hayop,tulungan ninyo akong hanapin ang aking mapapangasawa..

Mariang Tandang: Tiktilaok,tiktilaok papaano,papaano natin hahanapin ang dilag?

Pedrong Aso: Aw,aw syempre gagamitin ang mata para Makita?Aw

Mabilis na nahanap nila Lam-ang ang bahay ng dalaga at di nila inaasahan ang makikita ditto
napapaligiran ito ng mga binatang naliligaw dinIsa na din ditto si Sumarang..

Sumarang: Mahal kong Ines,kailan mo ba susuklian ang aking pag-ibig?Sampung taon na akong
umaakyat ng ligaw ngunit hanggang ngayon ay di mo pa din ako sinasagot?Akoy napapagod na?

Ines: Sinabi ko na sayo noon pa sumarang wala akong pagtingin sa iyo mi kakapiranggot.Kaya sana

Sumarang: Hindi,hindi ako makakapayag na di mo ako papakasalan marami na akong naubos na


kayaman sa iyo.Tinanong ko na iyong magulang at pumayag na sila kaya magpapakasal na tayo sa ayaw
mo at gusto!

Ines: Ina,ama ano ito?Ayokong magpakasal sa taong di ko mahal.

Salagani: Anak para din yan sa iyo,sa ikabubuti mo

Don Kanogo: Saka anak giginhawa ang buhay mo sa kanya..Magiging buhay prinsesa ka..

Sumarang: Halika ka na papatahian na kita ng damit pangkasal mahal ko

Ines: bitawan mo ko,di ako sasama sayo


Lam-ang: Bitawan mo sya!

Sumarang: Aba ikaw palaang yabang mo ah anu gusto mo rin si Ines.Saakin na siya at makukuha mo
lang sya kapag nilipad ako sa bundok na iyon ng hangin.

Lam-ang: Ganun lang ba?

MT: Tiktilaok,tiktilaok

PA: Aw,aw,aw

Gaya ng sinabi ni Sumarang tumalsik siya sa bundok na sinabi at lahat ng tao ay namangha lalo na si
Ines

Ines: Maraming salamat?

Lam-ang: Lam-ang ang aking ngalan magandang binibiniat ikaw ay si Ines diba?

Ines: Oo ginoo,maraming salamat uli lam-ang.Saka maitanong ko lang bakit ka naparito sa aming nayon?

Lam-ang: Nahulog kasi ako sa iyong kagandahan kaya hinanap kitaNais ko sanang hingin ang iyong
kamay nais kita makasama habang buhay magandang binibini

Ines: Ngunit ngayon lang tayo nagkita at di pa natin kilala ang isat-isa?

Lam-ang: Hindi na iyon mahalaga mahal ko basta para akin unang beses pa lang kitang Makita nanakaw
mo na ang puso ko

Ines:Nakikita kong di kanaman mahirap mahalin,ngunit ang problema ko lamang ay ang aking mga
magulang?

Don Juan: Maaari ka lamang niyang pakasalan kung makapagbibigay siya sa atin ng yaman na higit na
mas marami kaysa ating yaman..At kung kaya niyang ibigay lahat ng aming hinihiling

Salagani: Kaya nga tama ang iyong ama sapagkat ipagkakatiwala ka lamang namin anak sa isang lalaking
kaya kang mas bigyan ng mas maunlad na buhay kaysa sa kaya namin at sa lalaking kaya kang bigyan ng
palasyo at ituring ka bilang prinsesa mahal kong anak.

MT: Tiktialok..tiktilaokmalupet ang kanyang mga magulangPraktikal..praktikal

PA: Aw,aw paano naman kasi ay ubod ng ganda ang kanilang anak

Lam-ang: Kung gayon ibibigay ko bukas na bukas lahat ng inyong hinihiling at pangangailangan

Kinabukasan dumating na nga ang mga hiniling ng mag-asawa at sumang-ayon na silang mag-isang
dibdib ang dalawa.Naging marangya at maringal ang kasal ng dalawa sa simbahan,pagkatpos ng
kasalan bilang pagtupad sa kugalian ng mga tao sa kalanutian kailangang manghuli si Lam-ang ng
isadang raring..Kinabukasan gaganapin ang kaugalian at natutulog na ang mag-asawang lam-ang at n
Lam-ang: Isang napakasamang panaginip mahal ko..

Ines: Ano ito?

Lam-ang: Sa aking panaginip bukas daw sa araw ng pagpapatupad ng kaugalian ay makakain ako ng
pating berkahan..At buto na lamang ang matitira

Ines: Tunay nga isa itong masamang panaginip,buti pa ay puntahan ko si Ina at sabihing ipagpaliban
muna ang pagsubok bukas

Lam-ang: Huwag na mahal ko.Mariang Tandang at Pedrong Aso hali kayo..

MT: Tiktilaok,tiktilaok ano iyon Lam-ang?

Lam-ang: Bukas sa araw ng pagsubok ako ay makakain ng pating berkahanNais kong tulungan nyo si
Ines na hanapin ang aking mga buto pagkatapos ipunin nyo ito at takpan o patungan iyong saya aking
asawa habang iniikutan nyo itong dalawa at sinasabi ang dasal na itinuro ni Ina.

PA: AwMasusunod lam-ang

Kinabukasan nangyari nga ang napaginipan ni lam-ang kaya ginawa ng kayang kabiyak at mga alaga
ang kanyang sinabiInipon nila ang buto ni Lam-ang at pinatungan ng saya ni Ines at inikutan ng
dalawang hayop.Biglang nabuhay si lam-ang at merong lakas na tulad ng dati at mi galos ay wala.Agad
siyang niyakap ni Ines sa labis na kasiyahan.

Ines: Akala ko ay din a kita makikita mahal ko,labis akong nag-alala..

MT: Tiktilaok,,,Tiktilaok kung ang si Lam-ang na buto na lang ay nabuhay pa may posibilidad bang
pagniluto nila ako at kainin ay mabuhay pa?

PA: Gusto mong malaman Mariang Tandang madali langkakainin kita tas saka ko gagawin ang ritwal
tignan nating kung mabuhay ka pa?

MA: TiktilaokHindi na nagbago na ang aking isipan

Namuhay ng Masaya at maangya si lam-ang at si Ines

The End

You might also like