You are on page 1of 2

Panahon na!

(Ang Pinoy at ang Hamon ng Climate Change)


Pinaglaruan ang mundo; ngayon, klimay nagluluko.
Sa ngayon, unti-unti nang nasisira ang kalikasan at nawawala ang balanse
ng ekolohiya. Ayon sa Revelation 16:18, 20-21, nalalapit na ang paggunaw
ng mundo at nakikita naman natin ang mga senyales nito. Patunay na ang
climat change o ang pabago-bagong kondisyon ng klima o panahon.
Maraming aspeto ang nagiging dahilan nito. Isa na ang global warming o
pag-init ng mundo dahil sa sobrang carbon dioxide mula sa mga pabrika,
sasakyan, kaingin, sigarilyo, uling, at kung anu-ano pa. Masyado na tayong
nagpapa-unlad at nagpapaka-industriyalisado na hindi binibigyang
pagpapahalaga ang ating kapaligiran. At dahil dito, nagngingitngit ang inang
kalikasan habang wala tayong kalaban-laban.
Ang Pilipinas ay isa lamang sa bansang malaki ang populasyon. Habang
tumatagal, napapalitan ng mga subdibisyon ang dating kagubatan.
Nawawala ang mga puno na siyang kumakapit sa lupa at nagreresulta sa
landslides at soil erosion. Halimbawa nito ay ang pangyayari sa Guinsaugon,
Leyte: tinatayang 21 million cubic metres ng lupang mula sa bundok ang
humiwalay at bumulusok pababa sa buong barangay. Naganap ito
pagkatapos ng ilang araw na pag-uulan na sinundan ng moderately strong
earthquake. Lahat ng ito ay bunga ng climate change.
Batid natin na ang abnormal na klima ay walang mabuting maidudulot
kanino man. Nagkakaroon ng labis na pagkaulan at pagkatuyo na
nakaapekto sa kalusugan ng mamamayang Pilipino. Nandiyan ang sipon at
lagnat, dengue, malaria, typhoid fever, cholera, respiratory diseses at
malnutrisyon na dulot rin ng kapabayaan ng bawat taong naaapektuhan
kaya wala tayong karapatan na magsisihan. Bukod sa kalusugan, apektado
rin ang kabuhayan ng mga magsasaka lalo na ang mga mangingisdana
maaaring magresulta sa kakulangan sa suplay ng pagkain para sa lahat.
Nagiging abusado na tayo at walang pakialam. Lahat tayo ay may
kontribusyon sa kung ano mang sakunang dinaranas natin ngayon. Walang
ibang may kakayahan na gawin ang mga bagay na ito kundi tao lang. kung
ipagpapatuloy pa natin ang walang habas na pag-aaksaya sa likas na yaman
at pagpapabaya para pagtuunan ng pansin ang sariling kapakanan ay mas
AS OCAMPO

mabuti pang intayin na lang natin ang araw na tayo ay hahatulan. Nasa atin
pa rin ang talinong gumawa ng tamang desisyon at kapangyarihang mamili
ng daang tatahakin para sa kinabukasan. Panahon na!
Kahit pakiramdam mo na ang iisang tao lamang ay hindi sapat, ay wag kang
mag-alala sapagkat malaking tulong ka na kung gagawin mo ang simpleng
pagrereduce, reuse, at recycle o pagkakaroon ng waste management sa
inyong tahanan. Iwasan mo ring mag-aksaya ng tubig at kuryente dahil ang
mga renewable energy sources natin na inaakalang abundant eh
nalilimitahan na. Mag-isip-isip rin muna ukol sa pag-aanak ng marami
sapagkat ang populasyon ng tao sa mundo ay labis-labis na at isa pa,
masakit isipin na mahihirapan lang siya kung hindi mo mapupunan ang lahat
ng pangangailangan niya.
Kung nais mo naming makatulong ng malaki sa pagreserba sa yaman ni
inang kalikasan, maaari kang makilahok o mag-volunteer sa mga sector sa
pamayanan na paghandaan ang krisis o sakuna na may posibilidad na
tumama sa lugar ninyo. Dagdag pa rito ay ang tulongna nagmumula sa
gobyerno at scientists sa magsasaka at mangingisda.
May magagawa pa tayo, hindi pa huli ang lahat. Nakakalungkot na nananatili
na lang tayong nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan, at gumigising
lamang para maipagpatuloy ang buhay. Ito na ang tamang panahon tungo sa
pagbabago. Kailangan lamang natin ang pasensiya, disiplina, pagmamahal
at pakialam para sa kalikasan. Tandaan natin na ang mundo ay parang
hardin na ibinigay ng Diyos sa atin upang pangalagaan at pakaingatan. Tayo
lamang ang may kakayahang sumira ditto, ngunit tayo lang din ang may
talinong isaayos ito. Panahon na!

AS OCAMPO

You might also like