You are on page 1of 1

“It’s More Fun In The Philippines”

Kilala ang ating bansang Pilipinas sa mga magagandang tanawin na pumapalibot dito.
Napakaraming tanawin ang makikita sa Pilipinas at lagi ring puntahan ng mga dayuhan dahil sa
kamurahan ng mga bilihin sa ating bansa. Ipapakita ko sa inyo ang ilan sa mga lugar na
magandang puntahan ng mga tao.

Ang una ay ang lugar ng Bohol kung saan marami kang puwedeng magawa. Isa na nga dito ang

m
er as
paglakbay gamit ang isang iskuter na pwedeng upahan ng mga manlalakbay upang makita ang

co
iba’t ibang mga tanawin dito. Makikita ang mga bundok na ang tawag nila ay “chocolate hills”

eH w
dahil sa hubog nitong parang tsokolate. Makikita rin ang mga tarsiers sa lugar na ito na makikita

o.
lamang sa Bohol. Mga lumang simbahan ay matatagpuan rin dito na ginawa pa ng mga espanyol.
rs e
Makikita mo rin ang mga puno na itinanim lamang ng mga tao.
ou urc
o

Pangalawa, ang Boracay kung saan laganap ang kasiyahan sa kanila. Marami ang mga taong
aC s

pumupunta dito dahil sa magandang baybayin nito na ang mga buhangin ay kaputian at dagat na
vi y re

maganda ang kulay. May mga bahay-tuluyan na sakto para sa mga manlalakbay. Magandang
destinasyon rin ito para sa mga nagmamahalan ng lubusan.
ed d
ar stu

Ang huli naman ay ang Coron. Napakaganda ng mga tanawin rito na puwedeng makita ngunit
mahirap nga lamang na makapunta rito dahil kailangan pa na sumakay sa barko bago makarating
rito. Mga higanteng bundok na bato ang makikita dito at mga katubigan na napakalinaw. May
is

mga bukal rito na puwedeng pagpahingahan at pampatagal tensiyon na nakabubuti kahit kanino.
Th

Ang mga lugar na nabanggit ay ilan lamang sa magagandang destinasyon dito sa Pilipinas. Ang
sh

bansang Pilipinas ay mayaman sa kalupaan at katubigan na tila ba’y nakakamangha. Mayroong


mga natatanging lugar dito sa Pilipinas na napakaganda. Hindi na natin kailangang pumunta pa
ng iba pang bansa upang makapunta sa isang magandang lugar. Dito pa lamang sa Pilipinas ay
mayroon ng mga natatanging paraiso na kapag nakapunta ka ay masasabi mo talagang “It’s More
Fun In The Philippines!”

This study source was downloaded by 100000823299005 from CourseHero.com on 04-25-2021 13:06:25 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/46830953/Its-More-Fun-in-the-Philippines-Essaydocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like