You are on page 1of 11

PANGKAT

DALAWA
Macbeth (buod)
ni William Shakespeare
Ang trahedyang kuwento, Macbeth, ay nag nagumpisa nung
may dalawang heneral ng Scotland na kakagaling lang sa
digmaan na si Macbeth at Banquo. Ang pagdurusa nila ay
nag umpisa nung makilala nila ang tatlong manghuhula.
Sinabi ng tatlong manghuhula na si Macbeth ang magiging
hari, subalit nasa lahi ni Banquo ang magiging tagapagmana
ng korona. 
Si Macbeth ay lubusang nagisip kung papaano sya magiging
hari, kaya siya at ang asawa niya na si Lady Macbeth ay nag-
munakala na patayin ang pinuno na si Haring Duncan. Nakitil
ang hari, tapos ang naging hari naman si Macbeth katulad
ng sabi ng tatlong manghuhula. Ang mga anak ng hari na si
Malcom at si Donalbain ay umalis ng kanilang kaharian sa
takot. Si Malcom ay nagtungo sa England at si Donalbain ay
Nung malaman nito ni Macbeth ipinautos niya na patayin
ang asawa ni Macduff na si Lady Macduff at ang kanilang
anak. Nung malaman nito ni Macduff siya’y nagtungo sa
England para sabihin kay Malcom na si Macbeth ang
pumatay sa ama niya. Si Malcom ay naghiram ng sampung
libong sandatahan para ipalugso ang pamumuno ni Macbeth.
Sa kabilang kamay, si Macbeth ay pinuntahan ang tatlong
manghuhula para malaman kung papaano nya iwasan ang
pagkabigo nya. Sinabi nila sa kanya na di sya mamatay pag
ang tumok ng Birnam Wood ay wala sa harap ng kastilyo
niya at wala rin makakapatay sa kanya pag di iniluwal galing
sa sinapupunan ng kanyang ina.
Subalit, ang hukbo ni Malcom ay nagdala ng sanga galing sa
Birnam Wood. Ang suliranin ni Macbeth ay wala nang
solusyon, winalat ng hukbo ni Malcom ang kastilyo ni
Macbeth. Si Macduff naman ay linaban si Macbeth, subalit
Mga uri ng dulang
pantanghalan ayon sa anyo

■ Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng


panggaya o pagiimita sa kalikasan ng buhay.
Ipinakita nito ang realidad sa buhay ng tao gayundin
ang kanyang mga iniisip,kinikilos, at isinasaad. Ito ay
isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin
ng buhay ng naglalayong makaaliw,makapagturo, o
makapagbigay ng mensahe.
Narito ang Ilan sa mga uri ng
dula ayon sa anyo.
1. Komedya- Katawa-tawa,magaang ang mga paksa o tema,
at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.
2. Trahedya- Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay
hahantong sa malungkot na wakas o sa kabiguan.
Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot
ngunit makabuluhang wakas.
3. Melodrama- ito ay isang dulang na may malungkot na
tema o malungkot na pangyayari na nakakaantig sa
damdamin ng kanyang mga manonood. Ngunit ang
isang melodrama ay nagwawakas sa kasiya Siyang
pangyayari ng mga mabubuting tauhan ng dula.
4. Tragikomedya- Magkahalo ang katatawanan at kasawian
gaya ng mga dula ni Shakespeare. Laging may mga
tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing
5. Saynete- ay isang komedya na naglalayong magbigay ng aliw sa mga
tagapanood sa pamamagitan ng pagpapakita ng kalabisan, karangyaan
na malayong mangyari.Kadalasang hindi maintindihan ang balangkas ng
saynete ngunit ang mga tagapanood ay hinihimok na huwag sundan ang
balangkas upang hindi malito o malipos. Gumagamit din ang saynete ng
mga pagpapatawang pisikal, ang paggamit ng sinadyang kalokohan, at
malawak na di-makakatotohanang pagganap. Sinusulat ang mga saynete
para sa tanghalan at pelikula. At saka, kadalasang nasa isang partikular
na lokasyon ang tagpuan ng saynete, kung saan nangyayari ang lahat ng
mga kaganapan.
6. Parse- Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang
mga aksiyon ay slapstick na walang ibang ginagawa kundi
magpaluan,maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan. Karaniwan
itong mapapanood sa mga comedy bar.
7. Parodya- Ang parodya ay isang bagay na nangaaliw sa mga tao. Ito ay
ang paggawa ng ibang bersiyon ng isang palabas, o kanta, sa
nakakapang-aliw na paraan. Halimbawa na lamang ng awitin na
‘DESPACITO’ ginawan ito ng parodya ni Mikee Bustos, isang fil-am na
kilala sa larangan ng paggawa ng mga awitin o parodya.
Mga Elemento Ng Dulang
pantanghalan
■ Ang dulang pantanghalan, katulad Ng maikling
kwento at nobela ay nag tataglay rin ng
mahahalagang sangkap o elemento. Kung ang
katawan ng tao ay may bahagi, ang dulang
pantanghalan ay nagtataglay rin ng
mahahalagang bahagi. Ito ay Simula,Gitna at
Katapusan.
Simula

■ Sa SIMULA matatagpuan ang dalawang


mahalagang sangkap o elemento. Makikilala sa
bahaging ito ang mga tauhan at papel na
gagampanan na maaaring bida at kontrabida.
Ipakikilala rin dito ang tagpuan o ang
pangyayarihan ng mga eksenang naghahayag ng
panahon, kung tag-init o tag-ulan, ng oras, at
lugar.
Gitna

■ Sa GITNA naman ay makikita ang banghay o ang


maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga
tagpo eksena. Dito rin nagkakaloob ang
pinakamahalagang bahagi ng dula, walang iba
kundi ang diyalogo. Ang diyalogo ay ang usapan
ng mga tauhan. Mahalagang maging natural at
hindi artipisyal ang diyalogo.
Katapusan

■ Sa KATAPUSAN o WAKAS naman ng dula,


magtatagpuan ang kakalasan at ang wakas ng
dula. Sa kakalasan unti-unting bababa ang takbo
ng istorya. Sa kakalasan makikita ang kamalian o
kawastuhan at pagkalag sa mga bahaging dapat
kalagin. Sa pagwawakas naman nabatid ang
resolusyon na maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.

You might also like