Paano nagkaiba ang reaksyon ng dalawa? Ano ang ipinakikita ng naging reaksyon ni Macbeth sa kanyang pagkatao? Paano mo mailalawarawan si Lady Macbeth bilang isang asawa? Masasabi bang siya ang pang-apat na bruha sa buhay ni Macbeth? Ipaliwanag. Anong karumal-dumal na krimen ang nagawan ni Macbeth kay Haring Dunca, ang taong nagtiwala nang lubos sa kanya? Bakit kaya niya nagawa ang ganitong kasamaan? Bakit naging madali na sa kanya ang pumatay ng sinuman, maging babae o mga batang walang kamuwang-muwang na tingin niya’y hadlang sa kanyang ambisyon pahkatapos nito. Ano ang Nawala o nabago sa kanyang pagkatao? Paano namatay si Banquo? Paano nasira ng multo niya ang pagtitipon at ang pagkakakilala ng mga Maharlika kay Macbeth? Bakit muling lumapit si Macbeth sa mga bruhang manghuhula? Paano siya iniligaw o binigyan ng huwad na pag-asa ng mga ito? Paano pinagbayaran ni Lady Macbeth ang kanyang mga kasalanan? Ano kaya ang ang mga pinahiwatig ng sinabi niyang dugo sa kanyang mga kamay na hindi kayang hugasan ng tubig? Paano natalo ni Macduff si Macbeth gayong sa pagkakaalam niya’y walang sinumang iniluwal ng isang babae ang makakatalo sa kanya? MGA URI NG DULANG PANGTANGHALAN • Macbeth • Uri at Elemento ng Dulang Pantanghalan DULA Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag iimita sa kalikasan ng búhay. Ipinakikita nito ang realidad sa búhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. SINING Ang dula ay isang sining na nagpapaabot sa mga manonood o mambabasa ng damdamin at kaisipang nais nitong iparating gamit ang masining na pagsasatao ng mga karakter ng dulang pantanghalan. DULA Uri ayon sa anyo. KOMEDYA Katawa-tawa, magaang ang mga paksa o tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas TRAHEDYA Ang tema o paksa nito'y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhang karaniwang nasasadlak sa hindi mabubuting sitwasyon, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan. Ito'y karaniwang nagwawakas nang malungkot MEDLODRAMA Ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawang problema at kaawa- awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. TRAGIKOMEDYA Sa anyong ito ng dula ay magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga tauhang katawa tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa hull'y nagiging malungkot dahil sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan. SAYNETE Itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang paksa nito ay tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o katutubo, sa kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. PARSE Dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento. Ang mga aksyon ay slapstick na walng ibang ginawa kundi maghampasan, magpaluan at magbitiw ng kabalbalan. PARODYA Anyo ng dulang mapanudyo, o ginagaya ang mga kakatwang kilos, anyo at pananalita o paguugali ng tao bilang magbigay komentaryo, o mambatikos. PROBERBYO Dulang may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain. ELEMENTO NG DULA ELEMENTO NG DULA
SIMULA GITNA WAKAS
• Tauhan Banghay o maayos
• Tagpuan na daloy ng kwento • Kakalasan at • Sulyap sa • Diyalogo • Wakas Suliranin • Tunggalian • Kasukdulan • Saglit na kasiglahan