You are on page 1of 8

Isang araw,may isang babaeng kinikilalang Aurora,isang magandang

dalagang babae na nagugustuhan ni Arnel,Si Arnel naman ay isang lalaking


Mabait at mahinhin.

HIGH-SCHOOL DAYS

(Tahimik na nakaupo si Arnel)


AURORA:
Hoy! Tahimik mo ah,kumain kana ba?
ARNEL:
Oo
(Nakita ni Aurora ang ginagawa ni Arnel)
AURORA:
Teka yan ba yong assignment natin nong isang araw?
Akala ko may gawa kana?
ARNEL:
Nawala kasi…
CHRISTINE:
Aurora,pinapatawag ka ni Ms.Sanchez
(agad na umalis si Aurora)
(Maya-maya dumating si Sebastian)
SEBASTIAN:
Pre,mukang may gusto ka sa pinsan ko ah
ARNEL:
Loko ka! Wala

Dumating ang araw na nakapagtapos na ng High-School sina Arnel at


Aurora.Nag-aaral na sila sa kolehiyo ngunit nagkahiwalay na ng Paaralang
pinapasukan.
COLLEGE DAYS

SEBASTIAN:
Aurora!
(Pagharap ni Aurora natulala si Arnel)
AURORA:
Oy arnel Kamusta na,tagal na tayong di nagkikita ah
(tulala pa rin)
SEBASTIAN:
Hoy pre!
AURORA:
Sige maupo muna kayo diyan
(Umupo na si Arnel at Sebastian)
SEBASTIAN:
Pre!,Tulalang-tulala ka nong nakita mo si Aurora,
Ligawan mo kaya?
ARNEL:
Bahala na
(Dinalhan ni Aurora ng Tubig)
SEBASTIAN:
Oh Salamat

(Pagkatapos ng ilang araw)


(pumunta si Arnel sa bahay nina Aurora)

AURORA:
Oy Arnel,ano ginagawa mo dito
ARNEL:
Aurora…kasi
AURORA:
Ano?
ARNEL:
Pwede bang mangligaw?
(Niyakap ni Aurora si Arnel)
AURORA:
Syempre naman!

Makalipas ng ilang taon nakapagtapos na ng pag-aaral sina Arnel at


Aurora at di nagtagal naging mag-asawa na sila at nagkaanak ng tatlo.Si
Gabby,Ramon at Bryan.

(Aurora inaalagaan si Bryan)


GABBY AT RAMON:
Nay mano po
AURORA:
Anak ingat,Gab bantayan mo yang si Ramon ha, baka kung
Ano na namang gawin nyan
RAMON:
Nay di na po ako manununtok,Promise!
AURORA:
Oh sige na ingat kayo,Pa,hatid mo na sila

Dumating ang panahon nagkasakit si Aurora na dahilan ng kanyang


pagkamatay

(Bryan,Gabby,at Arnel naguusap)


RAMON:
Tay! Si Nanay!
ARNEL:
Aurora!
Gab kumuha ka ng tubig.Bilis!
(Habang tulala si Bryan at walang ginagawa)
GABBY:
Bry tumawag ka ng ambulansya bilis!
(Agad na tumawag ng Ambulansya)
Sa paglipas ng panahon lumaki na sina Gabby,Ramon at Bryan.Nagkaroon na
rin ng sariling pamilya sina Ramon at Gab at kinakailangan ng humiwalay
samantalang si Bryan nangungulila pa rin sa kanyang Ina.

GABBY:
Tay alis na po kami
(Nagmano at niyakap si Bryan)
(Nagmano rin si Ramon)
ARNEL:
Ingat kayo anak!

(Pagkaalis nina Ramon at Gabby pinagpahinga ni Bryan si Arnel)


BRYAN:
Tay maupo muna kayo at ikukuha ko kayo ng maiinom
ARNEL:
Sebastian ayos lang ako
BRYAN:
Tay si Bryan po ako,anak ninyo
ARNEL:
Bryan? Tanda ko dalwa lang anak naming ni Aurora
(Kumuha ng tubig si Bryan)

Doon ko nalaman na may sakit na pala si Tatay,nakumpirmado ng Doktor na


may Alzheimer sya.

BRYAN:
Tay kain na po kayo
ARNEL:
Pwee! Ano ba to,may lason to no?
Saka sino kaba?,asan si Aurora?
Auroraaaa!!!
BRYAN:
Tay patay na nga po si Nanay
(Tinaboy si Bryan at natapunan ng pagkain)
ARNEL:
Hindi!,Umalis ka dito di kita kilala

Lumipas ang maraming buwan na hindi ko nasasabi kina Ate ang tungkol kay
tatay.

(Nagkakagulo)
(Dumating si Bryan)
BRYAN:
Ate?
GABBY:
Bry ano to?,Ba’t limot na kami ni tatay?.Kailan pa to ha?
RAMON:
Bry sumagot ka!
BRYAN:
Oo na!,simula nong umalis kayo nagsimula na ang
Pagkalimot ni Tatay
GABBY:
Eh Ba’t di mo sinasabi samin? Di ka man lang nagpadala ng sulat
(Hinila ni Gab si Bry)
GABBY:
Bry dito ka nga,noong nagpapadala kami ng pera para sa pag-aaral mo
Saan mo yon ginagamit?
BRYAN:
Saan pa!
RAMON:
Sapat ba yon? Ha?
GABBY:
Ramon,hayaan mo na kami dito…
MABET:
Hayaan mo nayan,magyosi na lang tayo sa labas
GABBY:
meron ka pa bang di
Sinasabi samin? Ha?
BRYAN:
Tumigil na ako ng pag-aaral,pati yong
Tindahan ni Nanay na bankrupt
GABBY:
Bry naman! Pano na yong pangarap sayo ni tatay?
BRYAN:
Wala na kayong paki don
(Umalis)
GABBY:
Bry!

RAMON:
Anong sabi non ha?
GABBY:
Ih tumigil na nang pag-aaral
Pati yong tindahan ni Nanay winala na din
ARNEL:
Aurora!!!
(Nakitang kinukulit ng mga anak ni Ramon si Arnel)
GABBY:
Ay! Ramon yong mga anak mo naman!
RAMON:
Ssstt! Oy Althea umalis kayo jan!

MABET:
Mahal,kailan pa ba tayo dito,magplano na kayo kung
San mapupunta ang lupa
LANI:
Daddy! Wala ba ditong Internet
RAMON:
Eh Papaano yan? May Alzheimer si Tatay pano natin
Malalaman kung para kanino yong lupa?
MABET:
Baka naman pwede mo nang ibigay samin Gabby yong lupa
Matanda ka na naman
GABBY:
Magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo ha
Baka nakakalimutan mo,Nagustuhan ka lang naman ni
Ramon kasi ginayuma mo sya.
MABET:
Hoy!Ano akala mo sakin? Ginayuma ko kapatid mo
GABBY:
Oo! Sa pangit mong yan hinding-hindi ka
Magugustuhan ni Ramon
ARTHUR:
Ma! Tama na!
MABET:
Samin ang Lupa!

Sa maraming buwan na nagdaan nalaman na nina Gabby at Ramon na may sakit


ang kanilang tatay.

(Iniintay nina Arthur,Gabby at Ramon si Bryan)


(Dumating si Bryan)
RAMON:
Dito ka nga muna magusap muna tayo…Bry!!!
GABBY:
Ramon kumalma ka!
RAMON:
Paano ako ako kakalma,ito kasing kapatid mo di na
Marunong gumalang…Ba’t di ka na nagaaral?
(Lumapit si Gabby kay Bryan)
RAMON:
San mo ginagamit yong mga pera naming pinapadala? Bisyo?
Sumagot ka!...di ka sasagot
(Tinulak si Bryan)
BRYAN:
Yan jan ka magaling,mukang pera
RAMON:
Anong sabi mo ha…
GABBY:
Bry ba’t kaba nagkakaganto?
BRYAN:
Di pa ba Halata? Noong namatay si Nanay may
Nag-aruga pa ba sakin? Ha?
GABBY:
Bry! Andito naman lagi ako para sayo
RAMON:
Ano kami pa may kasalanan? Kita mo hindi mo Makita
Ang halaga ng mga kapatid mo
BRYAN:
Kahit kailan hinding-hindi ko gugustuhin
Ang maging kapatid ka!
RAMON:
Eh Hindi ka naman namin kapatid eh
GABBY:
Hoy Ramon!
RAMON:
Magandang sabihin na natin dito sa batang to na
Ampon lang siya.
GABBY:
Hindi pa pwede!
RAMON:
Ano tayo naglolokohan dito?...
Inampon ka namin kay Tito sebatian
Kaya wala kang karapatang sabihan ako na hindi mo ko gusto…
Kasi hindi ka namin kapatid
ARNEL:
Bryan! Anak sino ang mga ito
(Niyakap ni Bryan si Arnel)
ARNEL:
Hahaha Aurora,Mahal andito kana pala
GABBY:
Tay di po ako si Nanay,si Gab po ito anak ninyo
ARNEL:
Gab? Hahaha parang wala akong kilalang Gab?
(Biglang may tumawag sa Cellphone)
RAMON:
Hello! Sino to?
GABBY:
Akin na nga yan!
ATTY.SALVADOR:
Hello po? Ito po si Atty.Salvador.Maari po ba tayong
Magkita para sabihin ang Last Will ni Ma’am Aurora?
(Nagkatinginan)
Hello?
GABBY:
O…Opo sige po,dito na lang po sa bahay magusap

Kinabukasan,naghanda ang lahat sa pagdating ni Atty.Salvador upang


pakinggan ang Last Will ni Aurora.

(Babasahin nan i Atty.Salvador ang Last Will)


ATTY.SALVADOR:
Ako si Aurora Cruz Dela-Mundo,Filipino citizen,nasa edad na 40,
Ipinanganak noong April 9,1985,nakatira sa Cagayan De oro City,
Walang halong impluwensiya o pananakot kanino man,ay
Idinedeklara ang instrumenting ito bilang huling Habilin
O Last Will.Ngayon idinedeklara ko na:

Kung ako ay mawawala na sa mundong ito,gusto kong mailapat


Ang aking pagmamay-ari sa mga sumusunod:

ANG BAHAY AT LUPA SA CAGAYAN DE ORO CITY:

Ang aking buong share o parte sa Bahay at lupa ay mapupunta kay


BRYAN CRUZ. DELA-MUNDO bilang kapalit ko sa pamamahala sa nasabing
ari-aran

ATTY.SALVADOR:
Yon lamang po Maraming salamat!
(Umalis)
(Agad na nilapitan ni Gab si Bryan upang ipakita
Na suportado siya)
MABET:
Hayyss! Ano ba yan
GABBY:
Congrats Bry! Iyo na to lahat,kahit na di ka
Totoong anak ni Nanay nagawa nya paring mahalin ka.
RAMON:
Gab pumunta ka nga dito!...Ba’t kay Bry Binigay ni Nanay
Yong Bahay at Lupa
GABBY:
Hayaan mo na,saka parang tulong na din natin yon
Kay Tito Sebastian kasi tinulugan nya si Nanay na
Mapatayo tong Bahay na to
RAMON:
Eh apaka bata pa ni Bry para maging sa kanya
Tong bahay na to,baka mamaya ipagbenta lang nya
(Naglalakad si Bryan habang may dalang kape biglang
Nasagi ang anak ni Ramon na si Althea)
ALTHEA:
Ahhhhhh!! Daddy!!
MABET:
Mahal!
(Umiyak)
RAMON:
Bry! Anong ginawa mo?...Ikaw…
(Hinigit ang damit ni Bryan)
GABBY:
Ramon!!
(Biglang nanghina si Gabby pagkatapos sigawan si Ramon
At nahimatay)
RAMON:
Ate!
Arthur humingi ka ng tulong…Bilis!
(Lumapit ang mga anak ni Gab at umiyak)
(Tumayo at nilapitan si Bryan)
Ikaw,alam mo ikaw talaga salot sa buhay naming eh no?...dumating
Ka lang nagkamalas-malas na pamilya naming
MABET:
Mahal tama na! Si Gab oh!
(Kumalma)

Nasugod na sa Hospital si Gabby pero namatay kaagad ito,katulad ng sakit


ni Aurora ang nangyari kay Gabby dahil namana nya ito sa kanyang Ina.

Makalipas ang limang taon…

RAMON:
Kamusta na ate Gab,simula nong nawala ka,sobrang laki
Ang pinagbago ni Bry,nagkabait na hahaha
(Dumating si Bryan kasama si Arnel)
RAMON:
Ate si Tatay
ARNEL:
Gab alagaan mo nanay mo dyan sa langit ah!
(Ramon at Bryan nagkatinginan)
Ramon at Bryan:
Tay?!

Pagkatapos ng mga mabibigat na nangyari sa pamilyang Del-Mundo napaltan


naman ito nina Ramon at Bryan ng masasayang alaala kasama ang kanilang
ama na Si Arnel.

You might also like