You are on page 1of 9

QMD-KDRAMA SHORT

NA-OFFEND KA BA?
EFESO 4:29

“Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay
ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.”

CHARACTERS:

● ANDREA - Sis Krisleen

● MAM ALICE - Nanay ni Andrea - Sis Angie Albino

● CRISTY - Officemate - Sis. Ellaine Talisic

● ABBY - Assistant ni Ms Alice - Sis Jhaica

● LIA - Officemate - Sis Juvy Anne Tanay

● THEO - Officemate - Romel Ricohermoso

SETTINGS: OFFICE

● NASA OFFICE NI MS.ALICE ANG KANYANG ANAK NA SI ANDREA NG PUMASOK


ANG KANYANG EMPLEYADO NA SI THEO. NAPANSIN AGAD NG KANYANG
ANAK NA SI ANDREA ANG BAGONG SAPATOS NITO.

THEO:

Good Morning Andrea, si Mam Alice kaya?

ANDREA:

Ay wala pa, may ka-meeting.


THEO:

Ahh okay. Bibigay ko sana ‘tong financial report at budget request.

ANDREA:

Sige, patong mo na lang dyan. Bigay ko na lang mamaya.

ANDREA:

Ano ba yang sapatos mo, paltan mo na

THEO:

Regalo yan ng girl friend ko nung Birthday ko 3 years ago.

ANDREA:

Hala, anuba yan parang medjo outdated ba yung design, maganda naman sana… kung tito
levels ka na bes. Saka parang ang laki sayo.

THEO:

Huh, okay lang naman sa akin. Thankful nga ako eh, kasi birthday gift nya yan sakin.

ANDREA:

Bes, okay lng? Khit para kang si clown sa sapatos na ‘yan? Ang laki eh. Oh, baka naman
maoffend ka. Sinasabi ko lang ang nakikita ko ha,

THEO:

Hindi naman. Ganun talaga siguro, matagal na e. (Halatang iritado na ito)

Sige po Andrea, labas muna ako.

PAPASOK NAMAN SI ABBY NA MAY DALANG KAPE


ABBY:

Good morning Andrea, coffee, para sa productive day.

ANDREA:

Thanks Abby, (titkman ang kape)

Luh, Abby, mapait ba ang umaga mo? Bakit ang pangit ng lasa ng kape mo, kasing bitter mo!

ABBY:

Luh, grabe siya oh

ANDREA:

Sinabi ko lng, Naoffend ka ba?

SCENE 2:

HABANG NASA LOOB NG OPISINA AY PAIKOT IKOT SI ANDREA SA MGA CUBICLE NG


KANYANG MGA KAOFFICEMATE. LALAPIT ITO SA TABLE NI LIA. MAPAPANSIN NITO
ANG NASA PICTURE NA BATA.

ANDREA:

Ang cute naman ng batang to, kapatid mo?

LIA:

Ah, eh hindi (alanganin sa pagsagot)

ANDREA:

Eh sino yan? Don’t tell me anak mo yan?


LIA:

Ah, eh .. Oo, anak ko nga sya.

(Halatang naawkward sya na pag usapan ang topic)

ANDREA:

Hala, talaga ba? How to be you po? Bakit di halata na may anak ka na.

LIA:

Maagap ko kasi syang ipinagbuntis, 16 pa lang ako nun eh, nadale ng first love, nauto . Ganun.

ANDREA:

Ah, ayun, maagap ka palang kumiri kaya naman pala. Ay baka, naoffend ka ha. Nagulat lang
talaga ako. Di kasi talaga halata sayo?

LIA:

Na ano? Nadisgrasyada ako?

ANDREA:

Ah, di ako maysabi nyan, malay ko ba na baby mo yan sa pagkadalaga. Dinisplay mo yung
picture, natural mapapansin yan at matatanong ka. Sorry naoofend ka pala dun (Sarcastic)

(Nagkakatinginan na ang mga katabi nitong officemate)

Lalapit si Abby kay Theo

ABBY:

Theo, ito yung sinasabi ko na sikat sa FB, kasi masarap at maganda gumawa ng mga cake at
mura.
THEO:

(sesenyas na tumahimik lang) Psst.. wag ka maingay

ANDREA:

Ano yon?! Ano yung mga senyasan nyo dyan?

THEO:

Wala Andrea, may mga inaayus lang kami na upcoming event. Secret muna.

ANDREA:

Bahala ka nga dyan. (lilipat sa kanyang table)

LALAPITAN NITO SI CRISTY, PARA BATIIN.

ANDREA:

Hoy nga pala Cristy, Congrats, sa wakas pakakasalan ka na nyang jowa mo. Nakakaumay, na
ung tagal nyu. Ilang taon na nga ba kayong Live-in?

CRISTY:

Grabe ka naman Andrea, Hindi kami Live-in Conservative ang parents ng ko. San mo naman
nakita?

ANDREA:

Sa FB post mo.Di mo ba nakita, nag-comment ako. Ay ito pala, regalo ko sayo

CRISTY:

(Makikita nito ang comment, at medjo maoofend) Huy, ang pangit ng comment mo jan.
Pakidelete mo, ang harsh mo ha.
ANDREA:

Pagiisipan ko, bakit mo ipinost in Public kung ayaw mo ng kinucommentan.

(FB COMMENT: “Huy Beshie, lagyan mo ng helmet yang bf mo. Baka matauhan
hahaha” )

CRISTY:

Anong masaya sa comment mo? Na maghelmet sya? Bakit? Di ba ako bagay sa kanya? Grabe
ka talaga Andrea.

ANDREA:

Ang sa akin lang naman, pag ganun ka gwapo yung jowa ko, tapos yayamanin, deserve naman
nya na mag ayus man lang ang jowa nya.

CRISTY:

Hindi ba ako ganun kaayus? Maaring hindi ako ganun kaganda, peru di ibig sabihin… lugi sya
sa akin.

Oh, sayo na yan! Di ko kelangan yan.

(Pinagtitinginan sila ng kaopisina nila)

SCENE 3

KASALUKUYANG NAMANG NASA PANTRY ANG MGA EMPLEYADO, EXCEPT ANDREA.


KUKUHA SANA NG KAPE SI MAM ALICE AT MAKIKIPAG-BONDING SA MGA NANDOON
HABANG AFTERNOON BREAK. PERO NATIGILAN SIYA DAHIL NAG-UUSAPA ANG MGA
NANDOON.

ABBY:

Napaka ano talaga nyan si Andre, mabuti na lang anak siya ni Madam. Naku, kung hindi lang…
ay grabe talaga. Sa lahat na lang palaging may comment..

THEO:
Unawain nalang natin, Ganun talaga sya eh.

CRISTY:

Minsan lang talaga, mapipikon ka. Ewan ko ba, Wala atang magandang comment o salita ang
lalabas sa kanya. Everyday, ganun sya. Lakas makabatak ng negativity.

ABBY:

Pati si Lia, sinabihan pang maagang kumiri at disgrasyada.

SCENE 4:

MAPAPAILING ANG MGA KAUSAP. PATI SI MAM ALICE AY NAPAILING HABANG


NAKIKINIG SA MGA ITO.

MAM ALICE

Nak, halika. May sasabihin ako sayo.

MAM ALICE

Alam mo bang pinag-uusapan ka ng mga kasama mo sa trabaho?

ANDREA

Ay ma… nag-tsismisan na naman ang mga ‘yan.

MAM ALICE

Palagay ko, ikaw ang may diperensiya, Andrea. Bilang nanay mo, hindi ko palalagpasin ‘yan.
Hindi ka nag-iingat sa pagsasalita. Napagdaramdam mo ang mga kasama mo.

ANDREA

Ma, this is freedom of speech. Masama ba kung honest lang ako? Masama bang mag-voice out
ng opinion ko? Napaka-sensitive naman nila.
MAM ALICE

Sensitive sila o ikaw ang insensitive?

Alam mo anak, dapat maingat ka sa pagsasalita. Every person is facing his or her own battle.
‘Yung salitang bibitiwan mo sa kanila can make or break them. Mas magandang ang salitang
lalabas sa bibig mo ‘yung ikatitibay… ‘yung pakikinabangan ng sinomang makakarinig sa iyo.

Kapagganyan ka nang ganyan, soon, mawawalan ka na ng mga kaibigan… Baka wala nang
gustong makisama sa iyo…

Nakikinig lang si Andrea, mukhang tinablan sa sinabi ng mother niya.

SCENE 5:

HINABOL NI ANDREA ANG MGA PAPAUWI NA NIYANG MGA KASAMAHAN

ANDREA:

Guys, pasensiya na kayo sa akin ha. Madami pala akong nao-offend sa mga sinasabi ko sa
inyo, na sometimes below the belt na. Tama si mama, ang inintindi ko lang ‘yung i-exercise ang
freedom of expression ko, pero naging insensitive na ako sa nararamdaman ninyo.

Naging selfish ako, hindi ko isinaalang-alang ang nararamdaman niyo. Tama si mama, dapat
ang salitang sasabihin ko ‘yung ikatitibay… ‘yung pakikinabangan nating lahat.Pasensiya na
kayo sa akin.

ABBY

Wala ‘yon Andrea, ang mahalaga, na-realize mo ang pagkakamali mo at willing kang magbago.

ANDREA

Oo nga e. Nakakahiya nga sa inyo.

CRISTY

Kalimutan mo na ‘yon… Para na tayong magkakapamilya, handang umunawa sa isa’t isa.

ANDREA
Salamat sa Dios sa inyo ha.

THE END.

You might also like