You are on page 1of 3

Pagmamahal

NARRATOR: Isang araw may mag asawang walang anak.. Ayon sa doctor may
deperensiya ang matres ng babae kaya hindi sila mag kaanak...
DOCTOR: Mr. Cruz, ikinalulungkot ko pong ibalita ngunit ayon sa test results, may
diperensya ang matres ng iyong asawa. Ito ang dahilan kung bakit
hindi sya maaaring magdala ng bata sa kanyang sinapupunan. Merong
procedures na maaring nyong subukan ngunit hindi
garantisadong maayos ang problema. Bukod pa sa mga risks na maaring
mangayari sa inyong asawa.
AARON: Ganun po ba dok? Salamat po. Pwede po bang satin nalang muna ito? Ako
na po ang bahalang magsabi sakanya, baka po kasi ipagpilitan pa
nyang gawin ang procedure kahit na napakadelikado para sa kanya.
NURSE: Excuse me Doc. Nandito na po yung next patient nyo.
TINA: Hon, pano na yun, wala na tayong pag asang magkaanak? (malungkot)
AARON: Ok lang yan Hon, ang importante magkasama tayo. (ngumiti) Gusto mo
bang pumunta tayong park? Para malibang ka rin.
TINA: Sige hon.
Makalipas ang kanilang almusal, sila ay nagbihis at pumunta ng park. Habang nakatingin sila sa
sulok...
TANTAN: Palimus po. Kagabi pa po kami hindi kumakain. (naluluha)
Habang pinagmamasdan nila ang bata, hindi na sila nagdalawang isip pa. Isinama nila ang bata
sa isang restaurant upang managhalian. Habang nasa sasakyan...
TINA: Anong pangalan mo?
TANTAN: Tantan po.
TINA: Wala ka na bang magulang?
TANTAN: Meron po, nasa kalye po sila namamalimus din para po sa kakainin namin
mamayang gabi.
TINA: Ahh, ganun ba? Sige wag ka mag-alala bibilhan ka namin ng makakain
nyo mamayang gabi.
TANTAN: Talaga po?! Salamat po buti po meron pa po kayong mababait na tao.
(tuwang-tuwa)
TINA: Walang anuman. Hayaan mo pag pumunta ulit kami rito, isasama ka ulit
namin.
Hanggang sa nakarating na sila sa isang restaurant. Nang iserve na ang pagkain ay gutom na
gutom ang bata dahil kagabi pa sya hindi kumakain. Kitang kita sa kanyang mga mata ang tuwa.
Makailang saglit pa ay nagtanong ang bata.
TANTAN: Ah aling Tina? May itatanong po sana ako.
TINA: Ano iyon?
TANTAN: Nasan po ang anak niyo? Bakit di nyo po sya kasama?
Sumabat ang asawa ni Tina...
AARON: Ahhh Tantan, wala kaming anak, gustuhin man namin hindi talaga pwede.
TANTAN: Ahh sorry po sa natanong ko.
AARON: (ngumiti) Sige kain ka ng marami, wag kang mag-alala, nagpatake out na
kami ng maraming pagkain para sa iyong pamilya.
TANTAN: Salamat po!
Nang matapos silang kumain ay ipinasyal ang bata sa toystore upang bilhan ng laruan.
SALESLADY: Ma'am ano po ang hanap nyo? Gusto nyo po ba ng robot, teddy bear, o
cars na malalaki? Dito po tayo marami po rito.
TINA: Ano gusto mo Tantan?
TANTAN: Hmmmm, nakakahiya po, sumusobra na po yata ako?
TINA: Naku, wag kana mahiya, sige na pumili ka na.
TANTAN: Sige po, yung car nalang po.
TINA: Miss yung car na malaki nalang. Salamat!
TANTAN: Salamat po!
Pumila sila sa cashier upang magbayad.
CASHIER: 1,500 pesos po ma'am. I received 2,000 pesos. Here's your change. Thank
you come again!
TINA: Salamat po.
Nang makauwi sila, inihatid na nila ang bata.
ALE: Napakabait nyong tao. Pagpalain kayo nawa ng Diyos! (ngumiti)
Makalipas ang ilang linggo, nagpunta ulit ang mag-asawa sa park.
TINA: Wala si Tantan dito.
AARON: Baka lumipat na sya ng pwesto.
May mga pulubing namalimos.
PULUBI: Ate palimus po
TINA: (nagbigay ng pera)
PULUBI: Salamat po!
Umalis at naglaro na ang mga pulubi...
NARRATOR: Tunay na walang pinipili ang saya dahil kahit munting mga gawain basta't
mabuti ay makapagpapasaya na ng iba. Wala mang anak sina Tina at
Aaron ay may mabubuti at busilak naman silang pusong magsisilbing
biyaya sa kanilang kapwa. Sa kanilang pagmamahal sa isa't isa ay
kumpleto na ang kanilang pamilya.

You might also like