You are on page 1of 8

PAUBAYA

Gelly R. Sabelo
Mga Tauhan:
Jonalyn bilang si ISABELLE (Ang babaeng Anak ng mahirap at isang tindera lang ng prutas,at
Ang babaeng nagpapatibok ng puso ni Dave,naging girlfriend ni Dave kaso Hindi ito gusto ng
mga magulang ni Dave dahil mahirap lang sila)
James bilang si DAVE (Ang lalaking nagustuhan at minahal ni Isabelle)
Christian Jeff bilang si CARL (Ang ama ni Dave)
Briana Zophia bilang si SUNSHINE (Ang Ina ni Dave)
Jea bilang si TREXIE (Ang gustong ipakasal ng pamilya ni Dave sa kanya)
Roniela bilang si MARIA (Ang ina ni Isabelle)
Jake bilang si ROMEO (Ang ama ni Isabelle)
Nawanao bilang RHAINEE (Matalik na kaibigan ni Isabelle)
Jerlyn (Matalik ring kaibigan ni Isabelle)
Justyne Alexa,Arlyn(best friend ni Trexie)
Mga Narrator:
Gelly (1), Rea (2),Rachel (3),Althea (4)
Propsmen
NARRATOR 3: Magandang (3x) hapon sa lahat, ngayong hapon ay inyong masasaksihan
ang isang dula na punong-puno ng pagmamahalan at sakit na mararanasan.
NARRATOR 1: Inihahandog ng mga kaanib na grupo ng silid na ito ang isang dula na
magtatalakay kung ano nga ba ang tunay na pagmamahalan.na
pinamagatang…
NARRATOR 3: "PAUBAYA" handa naba kayong lahat?kung handa na,the story begins in
3,2,1
NARRATOR 1: Sa pagsikat ng araw,sabay ng pagtilaok ng mga manok at pagtunog ng
alarm clock sa may sulok biglang ginising si Isabelle ng kanyang ina.
MARIA: Isabelle gumising ka na diyan,nang sa ganon ay makapagbinta ka ng
prutas ngayon.
ISABELLE: Oo.Sige po nay...

NARRATOR 2: Si Isabelle ay bumangon, pumunta sa banyo at siya'y naligo. Ng matapos


siya'y nag ayos Kinuha niya ang pulbos at sa mukha niya'y
hinaplos
ISABELLE: Oh ang ganda ko naman.
NARRATOR 4: Pumunta siya sa kanyang Nanay para mag paalam,dahil siya ay magtitinda
na ng mga prutas.
ISABELLE: Inay, aalis na po ako. Mano po muna Paalam nay.
MARIA: Okay sige mag-ingat ka Anak.
NARRATOR 3: Habang siya ay nagtitinda, siya'y nabangga ng isang binata Binatang
nalalaman agad nating isang mayaman dahil sa kanyang kasuotan
Pogi,matangkad,at singkit ang mga mata.
NARRATOR 1: At nagkakatitigan silang dalawa.
NARRATOR 4: Ng biglang dumating ang Ama ng binata.
CARL: Dave nandiyan ka lang pala tara na umalis na tayo,baka ma late pa
tayo sa business meeting natin.
NARRATOR 2: Umalis ang binata kasama ang kanyang Ama.
NARRATOR 3: Si Isabelle naman ay pinagpatuloy ang pagtinda ng mga prutas.
NARRATOR 1: Paglipas ng ilang Segundo ay bumalik ang binata upang bilhin ang lahat
ng prutas na ibininta ng dalagang si Isabelle.
DAVE: Miss (2x) teka lang.
ISABELLE: Oh bakit?,diba Ikaw yong naka bangga sa'kin kanina?
DAVE: Oo ako nga,at dahil na sira ko lahat ng paninda mobilhin ko na lahat yan.
ISABELLE: Hoy seryoso?
DAVE: Oo bakit mukha ba akong nagbibiro?
ISABELLE: Hindi naman masyado
NARRATOR 4: Ng matapos bilhin ng binata ang mga prutas na kanyang ibininta, agad
sila'y nagpapakilala sa isa't isa
DAVE: Ako nga pala si Dave, Ikaw?
ISABELLE: Isabelle.
DAVE: lkinagagalak kong makilala ka, Isabelle.
ISABELLE: Ako din.
DAVE: Oh langit naba ito?
ISABELLE: Bakit?
DAVE: Mukha ka kasing anghel sa kalangitan
ISABELLE: Hahahaha,ang corny mo.
NARRATOR 1: Sa pagsapit ng gabi habang naglalakad Sina Isabelle at Ang kanyang
kaibigan ikinuwento niya ang mga naganap sa kaniya habang siya
ay nag tinda kaninang umaga.
ISABELLE: Mga dae alam niyo bang may nakabangga ako kanina.
RHAINEE: Sino?Pogi ba?
JERLYN: Mayaman ba?
ISABELLE: Oo mayaman siya Siya ang Anak ng may-ari ng Park Company Alam niyo
parang crush ko na sya. Ang mas nakikilig pa diyan ay binili niya
pa lahat ng mga paninda ko. Oh my gosh.kumabog talaga na naman
ang dibdib ko.
RHAINEE: Eh cana lang tinudo mo ang pagpa cute mo sa kanya para naman mapansin
ka.
JERLYN: Tama na diyan.
ISABELLE: Eh kaya lang parang wala akong dating sa kanya, siguro dahil ganto lang
ako tindera lang ng prutas tapos siya mayaman Hindi nga talaga
kamni bagay sa isa't isa.
RHAINEE: Tigilan mo na nga yang nga drama mo ang isipin mo yung pagiging
mayaman nila kasi friend ang mayaman ay para lang sa mayaman.
JERLYN: Wag ka ngang umasa pa bes na magugustuhan ka niya.
ISABELLE: Eh,Malay mo naman parang isang pelikula na may happy ending.
RHAINEE: Happy Ending ka pang nalalaman diyan sabi nga ng tatay mo Oy
Isa,tapusin mo muna pag-aaral mo,bago kung anong-ano ang
inaatupag mo diyan.
ISABELLE: Puro ganon lang naman sila,palagi nila akong pinagtitinda ng prutas sa
kalye,ni Hindi nga namin pinag-uusapan kong nagka college pa ba
ako,diba?kesa naman forever akong tindera ewan ko ba jan
kay nanay at tatay.
NARRATOR 3: Habang sila ay naglakad may isang binata na bigla nalang lumabas
DAVE: Isabelle…
ISABELLE: Oy.diba Ikaw yong naka bangga sa'kin kanina?
DAVE: Ahm Oo nga.
RHAINEE: Bes Siya ba yan?Ang pogi niya.
JERLYN: Ang pogi nga niya.
DAVE: Ahm Isa pwede ba tayong mag-usap?
JERLYN: Bes Mauna na kami huh.
RHAINEE: Oo nge bes, Mauna na kami,bye.
JERLYN: Bye!
ISABELLE: Hoy!
RHAINEE: Bye!
DAVE: Pwede ba kitang makausap?
NARRATOR 1: At masaya silang nagkukwentuhan. Ng matapos mag-usap ay
Inihatid ni Dave si Isabelle sa kanilang bahay.
NARRATOR 3: Isang buwan na ang nakalipas napagdesisyonan na ni Dave na ligawan si
Isabelle.
DAVE: Isabelle may itatanong ako sayo, kung okay lang naman.
ISABELLE: Oo naman,ano yon?may kailangan ka ba sa akin?
DAVE: Puwede ba kitang ligawan?
ISABELLE: Huh? seryoso ka ba?Gusto mo akong ligawan?Ako na isang tinder
lang?bakit ako?
DAVE: Isabelle dahil gustong-gusto kita mahal na mahal na kasi kita gusto kita
dahil mabait,maganda at simple kang babae,iba ka sa lahat
Isabelle.
NARRATOR 1: Lumipas ang isang taon at sinagot na ni Isabelle si Dave.
ISABELLE: Dave,may sasabihin ako Sinasagot na kita.
DAVE: Talaga ba?seryoso?
ISABELLE: Bakit mukha ba akong nagbibiro?
DAVE: Yes sa wakas,sinagot na niya ako.
NARRATOR 2: Di matatawaran ang saya na nararamdaman ni Dave dahil sa wakas ay
sinagot na siya ni Isabelle, lahat ng kanyang paghihirap ay talagang
nagbunga,kaya sa kanyang mahabang pasensya ikay ay hahanga.
NARRATOR 4: Hindi man sila magkapantay ng kanilang katayuan sa buhay hindi ito
hadlang sa kanilang pagmamahalan.
NARRATOR 1: Kinaumagahan sila ay pumunta sa simbahan. Nagdasal sila at nag wish.
DAVE: Ang wish ko at dinasal ko sa Diyos na sana yong magandang babaeng
katabi ko ay mahal din ako, kasi ako mahal na mahal ko
pinapangako ko sa kanya na hinding-hindi ko siya iiwan,mamahalin
ko siya habang buhay na palagi lang akong nasa tabi niya at ipaglalaban
ka siya Wish ko na sana hindi kami maghihiwalay at sana kami na
talaga ang para sa isa't isa.
ISABELLE: Parang ganon din ang sa akin.
DAVE: Mahal na mahal kita Isa.
ISABELLE: Mahal na mahal din kita Dave.
NARRATOR 2: Sa pagsapit ng gabi dinala ni Isabelle si Dave sa kanilang tahanan upang
ipaalam sa kanilang mga magulang ang relasyon nilang dalawa ni Dave.
ISABELLE: Magandang gabi nay,Mano po nay,tay
DAVE: Mano po Tito.
ROMEO: Wag na wag mo akong tawaging Tito.
MARIA: Sino siya Anak? Bakit ka nagdala ng lalaki.
ISABELLE: Nay sya po si Dave,nobyo ko.
MARIS: Ano?
ROMEO: Kailan mo pa siya naging nobyo?
ISABELLE: Apat na buwan na po.
ROMEO: Anak ng tokwa,sa kung saan-saan ka lang pinurmahan ng lalaking yan,
pumatol ka naman agad.Hindi naman ganyan ang itinuro namin
sayo ng Nanay mo,tapos bakit ngayon mo lang sinabi?Baka naman
pinaglalaruan at niloko ka lang ng lalaking ito.
ISABELLE: Mabait naman po si Dave tay.
DAVE: Sorry po talaga tito and tita.
ROMEO: Huwag kang sumasambat dahil hindi Ikaw ang kinakausap ko,umalis ka
na bago pa dumilim ang paningin ko at baka mapatay pa kita.
MARIA: Sige na isa paalisin mo na siya.
ISABELLE: Pero nay,gusto lang naman niya na makilala kayo.
ROMEO: Palabasin mo na siya Isabelle, kung ayaw mong ikaw Ang tatamaan ng
kamao ko.
DAVE: Okay lang Isa,aalis na ako
NARRATOR 1: At umalis si Dave.
ROMEO: Bakit siya ang pinili mo,mayaman siya Isabelle hindi ka ba nag-iisip sa
tingin mo tanggap ka ba ng mga magulang niya.
MARIA: Tama ang tatay mo isa,mayaman sila tapos tayo ay mahirap lang.
ROMEO: Baka naman buntisin ka lang ng lalaking yon tapos iwan.
MARIA: Diyos ko naman Romeo Ano ba yang mga pananalita mo Romeo,babae
tong Anak natin.
ROMEO: Yun na nga eh,babae ang Anak natin kaya nga sinasabi ko ito sa kanya
ISABELLE: Hindi naman po tay eh,mahal po ako ni Dave,ipapakilala niya nga po ako
sa mga magulang niya bukas ng gabi,
ROMEO: Wala akong tiwala sa lalaki na iyon, Anak tingnan mo naman ang agwat at
deperensya ng buhay natin mayaman sila,kilala ang pamilya nila
Dito sa Pinas palagay mo ba matutuwa ang mga magulang niya na ang
Anak lang ng isang magpuprutas ang pinatulan ng Anak nila Yan ang
hirap sa inyong mga kabataan ngayon nauna ang panaginip bago
tulog.
Narrator 3: Kinabukasan sa pagsapit ng gabi dinala naman ni Dave si Isabelle sa
kanilang manayon upang ipakilala si Isabelle sa kanyang mga
magulang.
DAVE: Dad.
ISABELLE: Magandang gabi po.
CARL: Bakit ka nagdala ng babae Dito?
DAVE: Gusto ko siya pa, nagkakagustuhan at nagmamahalan kami!
CARL: Sira ulo ka! Hindi ko ba ginagamit ang utak mo?
ISABELLE: Parang nagalit at Ang papa mo eh baka hindi niya ako nagustuhan
DAVE: Wala, mabait Yun.
NARRATOR 4: At dumating ang ina ni Dave.
DAVE: Ma si Isabelle, girlfriend ko.
SUNSHINE: Hali ka nga sandali, sumunod ka sakin.
NARRATOR 1: Sumunod naman agad si Dave sa kanyang Ina
SUNSHINE: How dare you na magdala ka ng babae dito. Saan mo ba nakilala
yan?Bigla ka na lang may inuwi ditong hindi namin alam kung
saan mo napulot. Tapos ipakilala mong nobya mo!Diba nag-usap na
tayo tungkol kay trexie,papano na si Trexie?
DAVE: Mom I don't love Trexie!lkaw lang ang may gusto don eh.
SUNSHINE: Shut up Dave. Get her out of here now palayasin mo siya,Hindi siya
pwede dito, ayaw ko sa kanya Hindi siya bagay sayo nakakahiya sa
pamilya ni Trexie.
NARRATOR 3: Ng marinig ni Isabelle ang sinabi ng pamilya ni Dave,umiyak siya at
pinaalis siya ng magulang ni Dave Sinabutan naman ng ina ni
Dave si Isabelle palabas ng mansyon At umuwing kuhaan sa
kanilang bahay.
(Background music)
NARRATOR 2: Kinaumagahan ay bumalik na sa pagtinda si Isabelle ng mga prutas.Ng
biglang may lumapit na mayamang babae at lalaki sa kanya,walang
iba kundi ang mga magulang ni Dave.
SUNSHINE: Ayaw ko ng paikot-ikot na usapan,alam mo Hindi Ikaw Ang gusto ko para
sa Anak ko,may ipapakasal na sa kanya na iba at hindi Ikaw yon
sino ba naman ang magkagusto sayo na isa ka lang hamak na taga tinda ng
prutas. And I don't owe you any explanation, you and my son don't
destroy each other so don't bother anymore,tatagalugin ko!
ISABELLE Naiintindihan ko po,nakapag-aral naman po ako eh kahit papano
SUNSHINE: Mabuti,malinaw.
CARL: Tara na hon.
NARRATOR 2: Paglipas ng siyam na isang buwan nalaman ni Isabelle na buntis siya.
NARRATOR 1: June 8,2021 ang araw na ikinasal si Dave kay Trexie.Malungkot si Dave
sa araw ng kasal nila dahil hindi niya tunay na minahal si Trexie.
NARRATOR 3: Sa araw naman ng kanilang kasal ay pumunta si Isabelle at doon ay
kanyang naalayan na ang kaniyang minamahal ay ikinasal sa ibang
babae. Ang mga pinagarap niya na sana sya ang makasama ni
Dave sa habang buhay ay natupad ngunit sa ibang babae at hindi sa
kanya. Umiyak siya ng umiyak.

NARRATOR 3: Paglipas ng oras araw linggo buwan at taon Nagkaroon ng anak al Isabelle
na babae ngunit Hindi ito alam ni Dave na nagkaroon sila ng anak
Hindi nalang sinabi ni Isabelle kay Dave na may Anak sila dahil ayaw
niya ng gulo. Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang prutasan, may sariling
negosyo at nakapagtayo ng sariling coffee shop.Masayang-
masaya si laabelle ng lumaking maganda at mabait ang kanyang Anak
Masaya naman ang mga magulang ni Isabelle pag nakikita siyang
masaya Si Dave naman ay isang ganap na negosyante at mayroon ng
sariling kompanya Si Trexie pa rin ang asawa ni Dave dahil yan Ang
gusto ng kanyang mga magulang.

You might also like