You are on page 1of 8

Scene 1 : Present

1. Dialogue Lamson

Bea, Bea, Bea. Palagi nalang Bea.

Ano ba kasing meron sayo, ha?


Palagi nalang ikaw ang minumutya

dahil lahat ng kagandahan ay iyong kinuha

kaya naman ako ang laging kinukutya.

Kung ako ba ay luluha at ibibigay ang lahat ng makakaya,

mga tao ba ay mamamangha na?


Ang hirap dahil hindi ako pinagpala

at kahit bilang kapatid mo’y hindi kinikilala.

Pati sa kwintas na ibinigay ni ina,

Ikaw pa rin ang nagmana.

2. Dialogue Bea

Tapos ka na ba sa iyong mga pinagsasasabi?


Nagsayang ka lang ng laway dahil lahat ng iyon ay walang silbi.

Kawawa naman ang pinakamamahal kong kapatid,

sapagkat sa pamilya’t lipunan ay isa ka lamang sampid.

Ako ang paboritong anak at wala ka ng magagawa.

Tandaan mo, sa ating dalawa, ako ang natatanging anak ng diyosa.

Ako’y maganda kaya maraming nagkakandarapa

E ikaw? Bakit hindi ka na lamang magpalamon sa lupa?

Scene 2: Flashback

1. Narration

Sa isang kabundukang sagana sa kabutihan

ay naninirahan ang mga diyos at diyosang nagniningning sa kagandahan.

Dahil sa pamamahala ni Bathala, sa kabunduka’y umiiral ang kaaayusan.

2. Dialogue Bathala

JORIZ: Ipinapaalala ko lang na kayo man ay binasbasan ng kapangyarihan,

wala pa rin kayong karapatang makihalubilo sa mga modernong mamamayan.

Ang ating pamumuhay ay dapat manatiling isang misteryo

nang sa gayon ay tayo’y makaiwas sa anumang gulo.

3. Papakilala si Gelo

Akin nga palang ipinakikili itong si Cristobal,

isang lalaking matapang at matipuno.

Kalauna’y mapapasakanya na ang puso ni Maria Sinukwan,

Isang dilag na may natatanging kagandahan.

Gelo, dahil sa iyong ipinakitang kabutihang asal,


binabasbasan ko kayo ni Maria Sinukwan para sa inyong nalalapit na kasal.

Scene 3: Send fruits

1. Narration

Ang mga diyos at diyosa ay nakasanayan na ang mamigay ng prutas sa mga modernong mamamayan.

Ang mga prutas ay iniiwan sa pintuan

bilang simbolo ng pagbibigayan at kabutihan.

2. Ikot Raine, magiging Rhea

3. Magbibigay fruits sa 3 houses (MONOLOGUE)

RHEA: Sa simpleng paghahatid ng mga ito ay parang naghahatid na rin kami ng kasiyahan.

Hindi man nila alam kung ano ang pinanggalingan, ang mahalaga, sila’y nabiyayaan.

Sa bawat kagat nila ng mga prutas na ito,

sana ay matikman nila ang pagmamahal mula sa aming mga puso.

Kahit pa na ang kanilang mga ngiti’y natatanaw lamang sa malayo,

ang mahalaga’y nakapagbigay sigla kami bago humayo.

4. 4th house, yg. Magkakatitigan.

SFX

Scene 4: Palengke mo 'to (Makalipas ang isang linggo)

• Ikot Raine, Maging Rhea

1. Narration about Rhea na may pagtingin kay YG

Sa kanilang unang pagkikita,

Wala na siyang ibang naisip kung hindi ang makisig niyang mukha.

Mabilis na tibok ng puso’y tila may pagnanasa.

Pagnanasa ni Maria na siya’y muling makita.

2. Naka abang kay Yg. (Monologue)

Nasaan na kaya siya?

Kami ay muli pa kayang magkikita?

Alam kong hindi pabor dito si Bathala,

ngunit nais ko pa talaga siyang makilala.

3. Sundan si Yg (Mono)

Teka, ayun! Ang kanyang mukha lamang ang aking nakikita,

At sa mundo ay para bang kami na lamang dalawa.

Sa bawat hakbang ng aking mga paa,

sa aking puso’y sumisibol ang pag-asa.

Walang ibang gusto kung hindi ang sundan siya

kahit pa ang totoo’y hindi naman niya ako kilala.

Basta makita ko lang siya, ako’y masaya na.

ah!!!
4. Matatabig, masslide, makukuha sya ni Yg.

5. YG sasabihin na ikaw ung nakita ko dati na nagdadalag ng prutas(dialogue)

Binibini, ayos ka lang ba?

Teka, hindi ba ikaw iyong nagdala ng mga prutas sa akin kasi ay pamilyar ang iyong mukha.

6. Rhea takbo (mono)

Kumaripas na ako ng takbo dahil wala na akong ibang magagawa pa.

Sa kanyang isip ay tumatak na rin ang aking mukha

Pero teka. Ang bilis ng tibok ng aking puso.

Ito ba ay ang takot dahil ako’y kanyang naalala

o dahil sa kanyang mga bisig ay bumagsak ako?

Takbo, tuloy lang ang takbo papalayo.

Pero bakit parang sa kanya’y naiwan ang aking puso?

Scene 5 : Simbahan mo 'to (Makalipas ang tatlong lingo)

1. Ikot raine, Narration about pagpunta ni Rhea palagi sa lupa.

Napadalas ang pagbaba ni Maria sa lugar ng kabihasnan.

Nag-iisip kung ang binata’y kanya muling matatagpuan.

2. Sampaguita girls titindahan si Rhea

Ate! Ate! Bili na po kayo

Bagong pitas at mababango

Sige na po, bumili na kayo.

3. YG makikita Rhea. (Mono)

Ang maitim at kulot na buhok,

puso’y kumakarera sa patibok.

Siya nga ba ang binibining tila isang diyosa

dahil sa taglay na ganda?

Siya nga ba ang nasalo ng aking mga bisig,

at unti-unting ipinapakilala sa akin ang pag-ibig?

Isa…Dalawa…Tatlo.

Mga paa ko’y kusang tumakbo.

Ngunit hindi tulad ng ginawa niya, ang mga ito’y tumakbo papalapit at hindi papalayo.

4. YG meets Rhea again, (Dialogue)

YG: Binibini! Huwag kang tatakbo sapagkat ako’y hindi isang masamang tao.

Siguro naman may rason kung bakit pilit tayong ipinagtatago?

Sa dinadami-dami na ng mga panahong tayo’y nagkasalisi, ngayon ay sa simbahan naman.

Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?

RHEA: ah..eh.. Maria

YG: Ahh, ako nga pala si Ara-at na taga-barangay Tarah. Ikaw, saan na nakatira?
RHEA: doon, sa ano.. sa malayo.

YG: tignan mo nga naman oh, ang isang magandang binibining tulad mo ay dito pa talaga mapapadpad.

RHEA: *smile* Salamat ngunit kailangan ko ng umuwi.

YG: Mag-ingat ka binibini, maaari bang sa susunod na mga araw ay makita ko ulit ang iyong magandang
ngiti?

RHEA: Oo, ikaw ay makaaasa na tayo’y magkikitang muli.

• tatanong name

• taga san

Pero di specific ans.

Scene 6: +3 meet ups without lines but wd Narration na lumalim pagtitinginan nila

Ang muling pagkikita ay hindi lamang iisa.

Ito ay nasundan ng marami pa.

Sa bawat araw na sila’y nagkakasama,

pagtingin sa isa’t isa ay lalong lumalala.

Saan man mapadpad, saya’y makikita sa kanilang mga mata

kaya hindi maiwasang mapamahal na sila sa isa’t isa.

Scene 7: Bay walk

1. Narration (wala na siguro to?)

2. Magkikita YG at Rhea

3. YG sasabihin na may masarap na prutas sa palengke tapos lakad hanggang makarating sa baywalk.

YG: Halika’t may alam akong nagbebenta ng masasarap na prutas sa pamilihan.

RHEA: Sige, bumili na muna tayo habang nandito pa tayo sa bayan.

YG: Oo nga, siguradong walang mabibilhan ng ganito sa Pieta

*kumakain*

RHEA: aba totoo ngang masasarap ang mga prutas na ito.

YG: Sabi ko naman sayo e. Ang tatamis ano? Pero wala nang mas tatamis pa sa mga ngiti mo.

RHEA: *smile* nako, nako, binobola mo na naman ako.

YG: Pasensya na Maria ngunit nagsasabi lamang ako ng totoo.

4. Kadating sa Bay walk

5. Landian clips,

6. Makilita ni Gelo.

7.YG: Halika na’t tayo’y humayo na dahil ang iyong uuwian ay malayo pa. Hatid na kita ha?

RHEA: Salamat pero huwag na. Ang araw ay nandyan pa.

YG: Sigurado ka?

RHEA: Oo naman. Sige na, paalam na at mag-iingat ka dahil marami pang araw na ika’y aking mamahalin.

YG: Ikaw din, Maira. Mas magpupursigi pa ako hanggang sa ang puso mo’y tuluyan nang mapasaakin.

RHEA: Paalam, sa uulitin!


8. Ikot Rhea, magiging Raine

9.Gelo sabihin kay Raine ung nakita nya pero di pa sya isusumbong another chance pa.

GELO: Saan naman nanggaling ang aking magaling asawa?

RHEA: Ang mga prutas ay hinatid ko.

GELO: Nilabag mo na nga si Bathala, sa akin ay magsisinungaling ka pa.

RHEA: *shookt*

GELO: Papalagpasin ko ito ngayon ngunit kapag nakita ko pa kayong magkasamang muli, si Bathala na
ang sakanya’y huhuli.

RHEA: Patawad, hindi na mauulit pa

GELO: Aba e dapat lang. Sige, umuwi ka na sa bahay at kumain na.

Scene 8: Waiting

1. Narration na nag laylow si Maria kaya di sya nagpapakita

Kahit pa kanilang napag-usapan na sila’y magkikitang muli,

si Maria ay natakot na baka sila’y mahuli.

Ilang buwan na ang nakalipas at hindi siya bumababa

Ngunit araw-araw pa rin hinihintay ni Ara-at ang kanilang pagkikita.

Hindi lumilipas ang isang araw na hindi siya pumupunta sa Pieta,

Umaasang kanyang madatnan si Maria.

Sa pagtatapos ng bawat araw ay umuuwi siyang bigo,

ngunit kahit kailan ay hindi naisipang sumuko.

Bulaklak, prutas, kwintas, at kung ano-ano na ang kanyang mga dinala

Kasama ang naiwang capa.

Sa tinagal-tagal ng panahon ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa

dahil hindi na niya alam kung si Maria ay babalik pa.

2. Scene about YG na naghihintay everyday

3. Patayo na si Yg, dadating rhea,

4. YG (dialogue about bat di dumating)

YG: Maria! Ikinagagalak kitang makita ngunit bakit napakatagal mong nawala?

Araw-araw kitang hinihintay

Pagpapabalik-balik ko dito’y walang humpay.

Saan ka nanggaling at bakit ngayon ka lang?

Sa iyong pagbalik, mayroon bang humadlang?

Muntikan na akong mabalisa

At tanging capa mo nalang ang sa akin ay natira.

Araw-araw ay tanging pagbalik mo lang ang aking hinihiling.


Maria, saan ka nga ba nanggaling?

5. Narration about Rhea na hihilahin YG tapos punta falls

Walang ni isang katagang binanggit si Maria

Kamay ni Ara-at lamang ang kanyang hinila

Saan nga ba ito patungo?

Takbo dito, takbo roon

Hanggang sa sila’y mapadpad sa isang talon.

Scene 9: Falls

1. Landian Narration

Sa mga tanong ni Ara-at ay walang sinagot si Maria

Dahil para sa kanya ay hindi na ito mahalaga.

Ang mahalaga ay pareho silang nagmamahalan

kahit pa si Ara-at ay walang alam sa katotohanan.

YG: Maria, itong kwintas na aking hawak ay pamana ni ina.

Nais niyang ibigay ko ito sa babaeng aking sinisinta.

Sana ay pahalagahan mo ito

Tulad ng pagpapahalaga ko sayo.

*suot and titig kay rhea*

*rhea nakatingin lang sa kwintas*

YG: Napakaganda.

RHEA: Tunay kasi itong inalagaan ng iyong ina.

YG: Hindi, Maria. Napakaganda… Napakaganda mo.

RHEA: Salamat, Ara-at. Salamat sa pagtanggap sa aking nang buong-buo


*slowly lapit sa isa’t isa*

Kasing lalim ng tubig ang pagtingin nila sa isa’t isa.

Kahit pa si Maria ay isang diyosa

at si Ara-at ay isang mortal,

ang kanilang pagkakaiba ay hindi naging hadlang dahil ang isa’t isa ay kanilang mahal.

Sa bawat halik

ay makikita ang pananabik.

Sa bawat haplos

ay tila ang oras, hindi na matatapos.

Ninamnam ang bawat sandali na sila’y magkasama,

panandaliang nilimot ni Maria ang kanilang pagkaka-iba.

2. Clips landian everyday narration

3. Ikot rhea, maging raine

4. Makaabang si gelo, makitang basa tas may kwintas si raine (dialogue)


GELO: Saan ka nanggaling at bakit basang-basa ka?

RAINE: Wala, doon lang.

GELO: Nakipagkita ka na naman ba?!

RAINE: ….

GELO: Ano ‘yang kwintas na suot mo?!

RAINE: Napulot ko lang sa mga puno puno.

GELO: Isang kasinungalingan! Hindi ba’t sinabi ko na na itgil niyo na ang inyong pagkikita?!

RAINE: Ngunit mahal ko siya!

GELO: Hindi maaari dahil nalalapit na ang ating kasal!

RAINE: Cristobal, pasensya na pero ayaw ko ng ikasal! Hindi kita mahal at hindi kita kailanman minahal!

GELO: Taksil ka!

Kung ayaw mong magpakasal, makararating ito kay Bathala!

Raine: Huwag!

*alis gelo*

Scene 10: Qiqil Bathala

1. Narration nasa bundok si YG

Dahil nakarating kay Bathala ang pagpuslit ni Maria upang kay Ara-at ay makipagkita,

at ang pag-urong niya sa kasal,

ipinadakip niya si Ara-at sa kanyang mga kawal.

2. Hinatulan na ni bathala maging bundok si YG (DIALOGUE)

Dinala si Ara-at sa kanilang kabundukan at doon na niya nalaman ang buong katotohanan.

Sa harap ni Maria at ng madaming tao ay siya’y hinatulan at pinarusahan na maging isang kabundukan.

YG: Nagmamahalan kami ni Maria kahit pa na ako’y mortal at siya’y isang diyosa!

BATHALA: Isang kalokohan! Hindi kayo maaaring magsama ni Maria dahil kayo’y magkaiba!

Nasaan na ang aking miterya?!

3. Di papayag si Raine dapat kasama sya maging bundok (dialogue)

RAINE: Huwag po! Kung siya’y inyong paparusahang maging kabundukan, akin na lamang siyang
sasamahan.

Kung dito ay ayaw niyo kaming magsama,

Kahit sa pagiging bundok, kami’y magmamahalan.

Sa ganoong paraan, hindi niyo na kami mapaghihiwalay pa.

YG: Huwag Maria. Kailangan ng ina ng ating mga anak.

BATHALA: Anak?! May bunga ang sinasabi niyong pagmamahalan?! Mga hangal! Ito pa talaga ang inyong
balak?!

RAINE: Huwag kang mag-alala, Ara-at. Alam kong mabubuhay sila nang may mabuting puso at ang isa’t
isa’y hindi pababayaan.
BATHALA: Tama na! Napakadami niyo ng nilabag! Maria, hindi mo na iginalang ana ating tribo!
Nagpabulag kayo sa katangahan kaya ang pagiging kabundukan ang inyong kaparusahan!

4. Narration

Naging bundok na nga sina Maria at Ara-at

Sa kasalukuyang panahon, ito ay ang tinatawag na bundok Arayat.

Scene 11: Real World

1. Narration na kunwari magbabait baitan Bea kay Lamson

Dahil nakita ni Sesa na naiinggit ang kanyang kapatid na si Ligaya,

Inaya niya itong magsanay sa Bundok Arayat.

Hindi pa man sila sa tuktok, nakaaakyat,

tinitigan ni Sesa si Ligaya nang masama.

2. Bea (dialogue)

BEA: Ligaya, ligaya, ligaya, isa kang malaking tanga. HAHAHAHAHA

Inakala mo ba talagang ika’y aking tuturuan?

Ha! Kung sakali’y isa iyong kamangmangan!

Halos lahat ng tao, ako ang kinikilalang anak nina Ara-at at Maria.

Sa kanila, balewala ka lamang, Ligaya

Ako ang malakas, matapang, at maganda.

Ikaw, sadyang hindi pinagpala at sa halip ay pinagsakluban pa ng langit at lupa.

Sitwasyon mo’y kaawa-awa kaya hindi ka na dapat pang mabuhay.

Ang isang sampid na katulad mo, dapat pinapatay!

3. Lalaban si Lamson pero di nya kaya (dialogue)

NICOLE: Sesa! Hindi ko alam kung saan ako nagkamali!

Oo, ikaw ang laging pinipili

Pero ni minsan, sayo ay hindi ako nagtanim ng galit.

Hindi ko inaasahang ito pa ang iyong ipapalit

Gayunpaman, mahal pa rin kita, aking kapatid.

5. Bea papatayin lamson

6. CRIME SCENE, NAKAWAN WD NARRATION.

Tuluyang namatay si Ligaya.

Ang mga dahon ay nalanta,

Ang mga bundok ay nakalbo.

Kahit saan tumingin ay palaging may gulo.

Ang Ligaya’y nawala sa mundo.

You might also like