You are on page 1of 23

Holy Angel University

Basic Education- Senior High School

Isang Portfolio ng mga Produktong Sulatin sa Asignaturang Filipino sa Piling Larang

(Akademiko)

Gawaing Pagganap 2

Ni

Nikazer V. Salalila

Grade 11- St. George

Marso 18, 2019


Talaan ng Nilalaman

Pamagatang Papel ………………………………………………………….......... i

Talaan ng Nilalaman …………………………………………………………….. ii

Dahon ng Pagpapatibay …………………………………………………………. iii

Pasasalamat ……………………………………………………………………… iv

Panimula ………………………………………………………………………… 1

Malikhaing Pagsulat …………………………………………………………….. 2

Memorandum ……………………………………………………………………. 3

Adyenda …………………………………………………………………………. 4

Panukalang Proyekto ……………………………………………………………. 5-10

Abstrak ………………………………………………………………………….. 11

Bionote ………………………………………………………………………….. 12

Sinopsis …………………………………………………………………………. 13

Posisyong Papel ………………………………………………………………… 14-16

Kartoning ……………………………………………………………………... 17

Replektibong Sanaysay ……………………………………………………….. 18-19


Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa pangwakas na pangangailangan ng asignaturang FILAKAD, ang

Portfolio ng mga Produktong Sulatin sa Asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademiko) na

inihanda at ipinasa ni Nikazer V. Salalila ng Grade 11- St. George.

_________________

Lagda ng mag-aaral
PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang aking ipinaaabot sa mga sumusunod na indibidwal, dahil sa

mahalagang tulong, kontribusyon at suporta sa pagbuo ng aking portfolio

 Ang ating butihing Panginoon

 Bb. Cely David

 Aking mga kamag-aral sa 11- St. George

 Aking mga magulang


PANIMULA

Ang asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) ay isang asignatura kung saan

hinahasa ang mga mag-aaral sa pagsulat. Sa pamamagitan ng asignaturang ito, nalilinang ang

kakayahan ng mga mag-aaral na makasulat ng iba’t ibang akademikong sulatin o malikhaing

sulatin.

Ang asignaturang ito ay naglalaman ng walong aralin kung saan tinatalakay ang

Kahalagahan ng Pagsusulat at Akademikong Pagsulat, Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng

Paglalagom, Pagsulat ng Memorandum, Adyenda, at Katitikan ng Pulong, Pagsulat ng

Panukalang Proyekto, Pagsulat ng Posisyong Papel, Pagsulat ng Replektibong Sanaysay at Ang

Sining ng Paglalahad, Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay, at panghuli, Ang Pagsulat ng Talumpati.

Kung susuriin, ang asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) ay nakatuon sa

pagsulat. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na mga paraan sa pagsulat lamang ang malalaman

sa asignaturang ito sapagkat madidiskubre rin ang pinagkaiba ng mga teksto at sulatin. Sa

pamamagitan ng paglinang ng asignaturang ito, mahahasa ang galing ng mga mag-aaral sa

pagsulat at maaaring umusbong ang bagong kakayahan sa pagsulat.


MALIKHAING PAGSULAT
HOLY ANGEL UNIVERSITY

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

ANGELES CITY, PAMPANGA

MEMORANDUM

Para sa: Mga Mag-aaral ng 11-St. George

Mula kay: Angelica C. Rivera, Bise Presidente ng 11-St. George

Petsa: Ika-11 ng Enero, 2019

Paksa: Prepasyon para sa Outreach Program 2019

Magkakaroon ng pagpupulong patungkol preparasyon para sa Outreach Program 2019 na

gaganapin sa ika-14 ng Enero, 2019 sa ganap na 7:00 hanggang 9:00 ng umaga sa STL 408.

____________________
Holy Angel University,
Basic Education Department
Angeles City, Pampanga

ADYENDA NG PAGPUPULONG SA PREPARASYON NG OUTREACH PROGRAM


2019
Holy Angel University, STL 408
Ika-14 ng Enero, 2018

ORAS PAKSA TATALAKAY


7:00 am – 7:02 am Pagbubukas ng Pulong Bea Danica Benamer
7:02 am – 7:04 am Panalangin Angela Myeiel Lim
7:04 am – 7:10 am Pananalita ng Pagtanggap Angelica Rivera
7:10 am – 7:20 am Pampinansyal na usapin at Angela Myeiel Lim at Nikazer Salalila
mga gastusin
7:20 am – 7:45 am  Paglalahad ng listahan Angelica Rivera at Nikazer Salalila
ng mga tokens
 Paglalahad at
pamimigay ng mga
gawain para sa mga
tokens
7:45 am – 8:35 am Balangkas ng Outreach Angelica Rivera at Raine Policarpio
Program at pamimigay ng
mga gawain
8:35 am – 8:45 am Kasuotan sa Outreach Bea Danica Benamer
8:45 am – 8:50 am Pagsasaad ng call time para Nikazer Salalila
Outreach Program
8:50 am – 8:55 am Paglalahad ng petsa para sa Angelica Rivera
susunod na Pagpuplong
8:55 am – 9:00 am Pangwakas na Panalangin Angela Myeiel Lim
9:00 am WAKAS

HOLY ANGEL UNIVERSITY


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENIOR HIGH SCHOOL

Kabinet — Lagayan ng mga Portfolio at Activity Sheets


SECOND SEMESTER

SY 2018–2019

ISINUMITE KAY:
Bb. Cely David
Guro sa FilAkad

Enero 28, 2019


I. Mga Proponent ng Proyekto
 Cunanan, Cheena Mey
723 Evangelist st. Lourdes Sur Angeles City
09650693159
 Dano, Mink
15-6A Samanting St. CutCut Angeles City of Pampanga
 Dionisio, Clarence Ivan
63 Apitong st. Hensonville Angeles City
09558458289
 Dizon, Allyana Nicole
398 M. A. Roxas st., Lourdes Sur East, Angeles City
09458892452
 Escoto, Danielle Marie
365 Balik Barangay, Porac, Pampanga
09997968051
 Garcia, Ymannuel Gwen
Baliti, San Fernando Pampanga
 Pestelos, Karle Paolo
Xevera Bacolor, San Fernando
09298022696
 Pintero, Joriz Adrian
Epsa, Angeles City

 Policarpio, Raine Torrence


Fiesta Communities, Mabalacat City
09273631688
 Rivera, Angelica
34 Batasan, Arayat, Pampanga
09168492401
 Salalila, Nikazer
76, Gen. Luna street, Babo Sacan, Porac, Pampanga
09237363101
 Sampang, Ayn Jezette
3919 Jose Abad Santos St. Dau Mabt. City
09068286829

II. Pamagat ng Proyekto


Kabinet — Lagayan ng mga Portfolio at Activity Sheets

III. Pondong Kakailanganin


Ang pondong kakailanganin sa proyektong ito ay ₱330 para sa isang kabinet na siyang
magiging lalagyanan ng mga portfolio at activity sheets ng klase.

IV. Rasyonal
Ang Holy Angel University ay isang pribadong at katolikong paaralan na nasa lugar ng
Angeles City, Pampanga. Noong Hunyo 1933 binuksan ng Holy Angel Academy ang kanilang
pinto para sa 78 na high school na estudyante at ang lugar kung saan sila nag-aaral noon ay sa
Holy Rosary Parish church. Ang nagpatayo ng eskwelehan na ito ay si Don Juan D.
Nepomuceno isang pilantropo at negosyante kasama niyang nagtaguyod nito si Fr. Pedro P.
Santos, isang pari sa Angeles noon. Ang layunin ng eskwelahan ay magtayo ng isang katolikong
paaralan at para na rin sa anak ni Don Juan D. Nepomuceno na si Javier G. Nepomuceno na
kinakailangan pang pumunta ng Maynila para makapag-aaral ng high school. Nang nagsimula
ang ikawalang digmaang pandaigdig ay natigil muna ang klase at ibinalik na lamang ng 1945, Ito
ay inilipat na rin ng lugar sa mismong taon na yon ang lugar ay sa Holy Angel Avenue sa Sto.
Rosario, Angeles City. Mayo 8, 1947 nabigyan ng pagkilala ang eskwelahan para sa kanilang
programang pang sekondaryang edukasyon. Noong 1960, ang akademya ay nagbukas ng
oportunidad para sa pang-elementarya at pang-kolehiyong edukasyon. Nag-alok ito ng mga mas
maraming kurso sa kolehiyo kagaya ng sekretarya at inhinyerong kurso. Noong Disyembre 6,
1961, ang akademya ay napalitan at naging Unibersidad. Disyembre 4, 1981 si Engr. Mamerto
G. Nepomuceno ay nagging kauna-unahang presidente ng Holy Angel sa araw din nay yun ang
Holy Angel University ay prinoklamang isang katolikong eskwelaha Noong Agosto 12, 1985
naihalal bilang pangalawang pangulo ng Holy Angel University si Sister. Josefina G.
Nepomuceno sa ilalim ng kaniyang pamumuno ay napalakas ang pagiging katolikong paaralan
ng Holy Angel University. Hanggang ngayon patuloy paring gumagawa ng kasaysayan bilang
isa sa prehistiyosong paaralan ang Holy Angel University sa buong Luzon.

V. Deskripsyon at Layunin ng Proyekto


Layunin: Ang layunin ng panukalang proyekto na ito ay makapagpagawa ng isang
kabinet upang may ipaglalagyan ng mga gamit ang estudyante ng St. George kagaya na lamang
ng mga portfolio, activity sheets, mga libro at mga projects. Ang proyekto ay naglalayong
mapanatiling organisado ang klasrum at kagamitan ng mga mag-aaral.

Deskripsyon: Pagsasaayos at pagoorganisa ng mga portfolio at activity sheets ng mga


estudyante sa silid aralan ng Holy Angel University.

VI. Kasangkot sa Proyekto

 Cunanan, Cheena Mey


 Dano, Mink
 Dionisio, Clarence Ivan
 Dizon, Nicole
 Escoto, Danielle Marie
 Garcia, Ymannuel Gwen
 Pestelos, Karle Paolo
 Pintero, Joriz Adrian
 Policarpio, Raine Torrence
 Rivera, Angelica
 Salalila, Nikazer
 Sampang, Ayn Jezette

VII. Talakdaan (Iskedyul) ng mga Gawain at Estratehiya:

Upang magawa ang proyektong ito, narito ang mga sumusunod na gawain at o hakbangin.
Petsa Mga Gawain Pangalan (ng kung sino Lugar/Lokasyon
ang gagawa)
Pagpupulong sa kung
Enero 21, 2019 ano ang dapat gawin. Mga Miyembro STL 408

Pag pili ng proyekto at


Enero 21, 2019 pagpapa-aproba sa Mga Miyembro STL 408
guro.
Pagsulat ng balangkas
Angeles City, Pampanga
Enero 22, 2019 at pag-aproba ng Mga Miyembro
badyet.
Pagpili ng kagamitan /
Enero 24. 2019 paghahati hati ng Mga Miyembro Hardware
perang gagamitin. STL 408

Angeles City, Pampanga


Enero 28,2019 Pagsisimula ng Mga Miyembro
paggawa ng kabinet.
Enero 31, 2019 Pagtatapos ng paggawa Mga Miyembro Angeles City,
ng kabinet. Pampanga

Pebrero 4, 2019 Pagdadala ng cabinet Mga Miyembro STL 408


sa Silid-aralan.

VIII. Gastusin ng Proyekto

Sa proyektong ito, mahigit kumulang ₱330 na ilalaan sa paggawa ng kabinet para sa lalagyan
ng mga portfolio at activity sheets.

Narito ang listahan ng paggagastusan:

Bilang ng Aytem Pagsasalarawan ng Presyo ng Bawat Presyong


Aytem Aytem Pangkalahatan
6 piraso Karton 10 pesos 60 pesos
10 piraso Glue stick 5 pesos 50 pesos
1 piraso Plywood 100 pesos 100 pesos
1 lata Pintura 120 pesos 120 pesos
Kabuoang gastos = ₱330

IX. Kapakipakinabang Dulot

Ang mga makikinabang ng kabinet na ito ay ang mga mag-aaral ng 11 – St. George sapagkat
hindi na sila mahihirapan sa pag-iipon ng kanilang mga activity sheets. Sa ganitong paraan, wala sa mga
mag-aaral ang makalilimot ng kanyang portfolio sa bahay. Isa rin sa mga makikinabang sa kabinet na ito
ang mga guro sapagkat hindi na sila mahihirapan mag-record ng mga marka ng mga mag-aaral. Ayon sa
aming obserbasyon sa mga nakaraang markahan, ang kadalasang nagiging problema ng mga guro ay ang
paglilikom ng marka mula sa mga activity sheets ng mga mag-aaral na tila ba’y nawawala. Sa ganitong
paraan, hindi na magkakawalaan ng acitivty sheets at hindi na magiging mahirap sa mga guro ang pag-
record. Nakatutulong din ang proyektong ito sa pagpapanatili ng kalinisan ng silid-aralan. Sa likod ng
pisara ay may lalagyanan na napupuno dahil sa kung ano-anong mga dokumento ang inilalagay doon ng
iba’t ibang mga taong gumagamit sa silid-aralan. Dahil sa proyektong kabinet n gaming pangkat, ang 11
– St. George ay magkakaroon na ng sariling lalagyanan at hindi na makakadagdag sa kalat sa likod ng
pisara ang mga dokumentong ipinamimigay.

X. Perspektibo

ABSTRAK
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng masusig talakayan at pananaliksik upang

malaman ang epekto ng social media sa interpersonal na komunikasyon sa mga piling mag-aaral
sa ika-labing isang baitang ng Humanities and Social Sciences strand sa Pamantasan ng Holy

Angel sa taong pampagtuturo 2018-2019. Ang kani-kanilang trabaho at obligasyon ay

ipinamahagi sa talakayan na naganap. Ang iilan sa mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-

questionnaire upang makuha at malaman ang opinion ng mga respondente patungkol sa nasabing

paksa. Samantalang ang ibang mananaliksik naman ay nagpunta at kumausap sa mga

respondente upang ipaliwanag ang pag-aaral at magsagawa ng sarbey. Pagkatapos makalap ang

mga datos ay binerika ito ng mga mananaliksik ipang mailahad ang interpretasyon sa pag-aaral.

Nang mailahad ang interpretasyon ay nalaman nila na mas madami ang positibong epekto ng

social media sa interpersonal na komunikasyon sa mga piling mag-aaral sa ika-labing isang

baitang ng Humanities and Social Sciences strand ng Pamantasan ng Holy Angel sa taong

pampagtuturo 2018-2019. Ang pinaka-nangibabaw sa mga positibong epekto ng social media sa

interpersonal na komunikasyon ay ang pagpapadali ng pakikipagtalastasan sa mga tao mula sa

iba’t ibang panig ng mundo.

BIONOTE
Si Nikazer V. Salalila ang nag-iisang anak nina Ginoong Jay Garcia Salalila at Ginang Fe

Basilio Valencia na isinilang noong ika-labing isa ng Oktubre sa taong dalawang libo’t isa sa

bayan ng Porac, probinsya ng Pampanga. Siya ay nakapagtapos ng ika-anim na baitang sa Holy

Family Academy, Angeles City. Sa Saint Catherine’s Academy siya nakapagtapos ng Junior

High School kung saan siya ay naging Editor-in-chief ng tatlong taon ng kanilang Official

School Publication at tumanggap ng unang karangalan sa kanilang moving-up ceremonies noong

taong dalawang libo’t labingwalo. Sa kasulukuyan, siya ay nag-aaral sa Pamantasan ng Holy

Angel bilang isang mag-aaral sa ika-labing isang baitang ng Humanities and Social Sciences

strand at naghahangad maging isang abogado sa pagdating ng panahon.

SINOPSIS
“The Howl and Fussyket”

Si Aaron Lumibao ay isang mag-aaral sa ikalawang baitang. Isang araw ay nag-anunsyo


ang kanilang guro sa klase sapagkat kailangan nila ng kinatawan para sa Declamation Contest na
isang parte ng kanilang Intramurals. Agad-agad nagtaas ng kamay si Aaron sapagkat gusto
niyang sumali sa nasabing patimpalak. Ngunit kahit nakataas na ang kanyang kamay ay tila
naghahanap pa rin ng ibang kinatawan ang kanilang guro, pero wala ng ibang nagtataas ng
kamay kaya si Aaron na ang piniling kinatawan ng kanilang klase.

Ibinigay kay Aaron ang declamation piece na “The Owl and the Pussycat” at nang siya’y
nakauwi ay masaya niyang ibinalita ito sa kanyang ina at ate na si Alexis. Hindi maganda ang
bigkas ni Aaron sa mga salitang nasa Ingles kahit pa naisaulo na niya ito. Dahil sa kagustuhan
niyang sumali sa patimpalak, sinuportahan siya ng kanyang pamilya, pati na ang kanyang ama na
nasa ibang bansa. Ang kanyang ina ate ate ay kumuha ng speech coach na nagngangalang
Chelsea, acting coach na si Chester, at isang fashion designer. Talagang nagpupursigi si Aaron
na manalo kaya hinahasa niya ang kanyang kakayahan sa declamation. Dumating na ang araw na
pinakahihintay, ang Declamation Contest, at sumalang na si Aaron sa entablado suot ang
pinaghirapang costume. Sa kanyang pagbigkas ay makikita ang pagbabago sa dating balid na
Ingles niya. Natapos niya ang piyesa nang matiwasay at sumunod sa kanya ang three-time
defending champion sa declamation na si Matthew Cheverria. Namangha ang mga tao sa
kagamitan niya at sa kanyang talas sa pagsasalita ng Ingles. Nang malapit na i-anunsyo ang mga
nanalo ay naghahanda na ang ate at ina ni Aaron sapagkat umaasa ang kanyang ina na sasabitan
niya ng medalya si Aaron. Ngunit nang i-anunsyo na ang mga nanalo ay napag-alamang 2nd
runner-up lamang siya. Makikita sa mukha ni Aaron ang pagkadismaya at lungkot ngunit ang
kanyang ina ay tuwang-tuwa pa rin sa nagawa ng kanyang anak at sa gantimpalang natanggap.

Kinagabihan sa kanilang kwarto ay pinuntahan si Aaron ng kanyang ina na dala-dala ang


isang baso ng gatas dahil ayaw kumain ni Aaron dahil sa pagkadismayang natanggap.
Gayunpaman, pinagaan pa rin ng kanyang ina ang loob niya at sinabihang subukan naman niya
ang pagsali sa Buwan ng Wika sa susunod. Makalipas ang isang taon ay sumali na si Aaron sa
Buwan ng Wika sa patimpalak na “Pagtatalumpati” at siya ay binigyan ng masigabong
palakpakan dahil sa taglay niyang galling sa pagtatalumpati.

POSISYONG PAPEL
Ang Seksyon 23 ng Batas Republika bilang 9165 o mas kilala sa tawag na Plea
Bargaining ay ang kasunduan ng tagausig at nasasakdal na may kinalaman sa paggamit ng iligal
na droga kung saan napag-uusapan ang pagbawas ng sintensiya sa kulungan kung ang iligal na
droga ay may bigat na 10 gramo pababa (Buan, 2018). Halimbawa ay kung ang isang tao ay
makukulong ng 12 hanggang 20 na taon dahil siya ay nahulihan ng limang gramo ng shabu,
maaari na lamang siyang mag Plea Bargaining kung saan siya ay aaming nagmamay-ari ng iligal
na paraphernalia. Sa ganitong paraan, makukulong na lamang ng apat hanggang anim na taon sa
kulungan.

Gayunpaman, hindi dapat ito basta-bastang ipinapatupad sapagkat ayon kay Tupas
(2018), ang Plea Bargaining ay ipinagbabawal sa Seksyon 5 ng Batas Republika bilang 9165 o
ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 kung saan sinusugpo ang paggamit at pagpuslit
ng iligal na droga. Dapat pa na pag-aralang mabuti ang Plea Bargaining sapagkat mayroon itong
mga nalalabag na batas ayon sa Korte Suprema.

Ayon kay Senior Jail Inspector Jayrex Joseph Bustanera, sa pamamagitan ng Plea
Bargaining ay mababawasan ang populasyon sa mga kulungan kaya naman hindi na magiging
over populated ang mga ito.

Kahit mabawasan ang populasyon ng mga taong nakakulong, madadagdagan naman ang
populasyon ng mga taong malayang gumagawa ng sala sa labas at sa huli ay babalik din sila sa
kulungan. Ito ay napatunayan ni Jail Senior Inspector Edward Samonte ng Manila Police District
Station 3 sapagkat halos 50 na tao ang nakalaya sa pamamagitan ng Plea Bargaining ngunit 15
porsiyento ng mga ito ay muling nakulong dahil nahulihan na naman sila ng iligal na droga at
pagpupuslit nito sa loob lamang ng dalawang buwan. Ang Plea Bargaining ay hindi
nababawasan ang populasyon sa kulungan sapagkat mayroon pa rin mga nakalaya na bumabalik
sa masamang gawi dahil alam nilang maaari naman silang mag-Plea Bargaining muli.

Para kay Tagaytay Regional Trial Court Judge Jaime Santiago, sa pamamagitan ng Plea
Bargaining ay mabibigyang pagkakaton ang mga taong nagkasala na magbago. Hindi na sila
maiimpluwensiyahan sa loob ng kulungan at sila ay makakapagbagong buhay na kapag
nakalaya.

Napatunayan ni Jail Senior Inspector Edward Samonte na mayroon at mayroon pa rin


bumabalik sa kulungan dahil binalikan nila ang dating masamang gawi nang sila ay nakalaya.
Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kinalaman sa paggamit o pagpuslit ng iligal na droga,
kailanman ay hindi na ito matatanggal sa kanya. Ayon sa pahayag ng National State on Drug
Abuse, "Addiction is a chronic disease characterized by drug-seeking or pushing and use that is
compulsive, or difficult to control, despite harmful consequences. The initial decision to take,
use, or possess drugs is voluntary for most people, but repeated drug use and possession or
trade can lead to brain changes that challenge an addicted person's self-control and interfere
with the ability to resist the intense urge to take drugs or sell them. These brain changes can be
persistent, which is why drug addiction is considered as a "relapsing" disease - people in
recovery from drug use or trade disorders are at increased risks for returning to drug use or
trade even after years of not being involved to" (Brande, 2018). Samakatuwid, walang taong
maaaring tuluyang makapagbago at tumalikod sa paggamit o pagpuslit ng illigal na droga kahit
pa matagal na nila itong hindi ginagawa. Dahil nga ito ay isang relapsing disease, ito ay
magpapatuloy hanggang kamatayan.

Ayon kay Salvador Espinosa Jr. (2018), maaaring magbenepisyo ang pamahalaan sa
pamamagitan ng Plea Bargaining sapagkat mababawasan ang gastusing 1.4 bilyong piso sa mga
pampublikong abogadong inaasikaso ang kaso ng 82, 000 na taong nadawit lamang sa paggamit
ng iligal na droga. Mababawasan ito dahil hindi na gaanong matagal ang pag-aasikaso at
serbisyo sa mga nasasakdal.

Sa War on Drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte ay handang pumatay ang mga


namamahala para masugpo ang kalakaran ng iligal na droga ngunit bakit ang paggastos ng
pamahalaan para sa ikabubuti ng bayan ay ginagawang isyu? Ayon sa legal expert na si Antonio
La Vina, kailanman ay hindi dapat tinitipid ang pagpapabuti sa bayan. Sabihin na nating
makatitipid nga ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Plea Bargaining, ang dulot naman nito sa
labas ng kulungan ay malala. Ang mga nakalaya ay maaaring bumalik sa dating masamang gawi,
manghimok ng mas maraming tao, gumawa ng masama, at mapabagsak ang sistema ng
Pilipinas . Kaya bakit titipirin ang pagpapabuti ng bansa?

Ang mga pahayag na sumasang-ayon sa Plea Bargaining ay hindi dapat patuturan


sapagkat ang mga ito ay walang sapat ng basehan at ayon sa pag-aaral ay maaaring maging susi
lamang sa pagpapalala ng karahasan at masamang kalagayan ng ating bansa. Napatunayan nina
Jail Senior Inspector Edward Samonte, ng National State on Drug Abuse, at ni Antonio La Vina
na mas mapalalala lamang ng Plea Bargaining ang ating kalagayan.

Ayon kay Hon. Frank E. Lobrigo sa kanyang pahayag sa "A.M No. 18-03-16 SC
(Adoption of the Plea Bargaining Framework in Drugs Cases), kabaligtaran ng Seksyon 23 ng
Batas Republika bilang 9165 ang Plea Bargaining Framework na isinumite sa Philippine Judges
Association noong 2018 na maraming mapapalayang tao ang may kinalaman sa droga. Ang Plea
Bargaining ay taliwas sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na naglalayong sugpuin
ang kalakaran sa droga. Kung ang pamahalaan ay pilit na sinusugpo ang droga sa bansa, bakit
pilit na pinapalaya ang mga taong may kinalaman dito? Ang Plea Bargaining ay mas mapapalala
lamang ang kalagayan ng Pilipinas tulad na lamang ng sinabi ni Jail Seinor Inspector Edward
Samonte.

Ang isa sa mga layunin ng Plea Bargaining na ang "Oplan Linis Piitan" ng PDEA,
BJMP, at mga kapulisan ay nais maideklarang drug-free ang mga kulungan (Gapayan, 2018).
Gayunpaman, ang mga piitan na mababawasan ng mga bilanggong may kinalaman sa droga sa
buong bansa naman ang lalaganap. Ayon kay Jail Senior Inspector Jayrex Joseph Bustanera, ang
mga piitan ay masyadong nagiging siksikan kaya dapat ng magpalaya. Alam ng nakararami na
may pondo ang Pilipinas para sa mga palitan at sa halip na palayain ang presong may kinalaman
sa droga, bakit hindi na lamang palawakin at palakihin ang kapasidad ng mga kulungan? Hindi
na dapat maapektuhan ang mga namumuhay sa labas at dapat gumawa ng aksiyon ang
pamahalaan sa pagpapalawak ng kulungan. Hindi solusyon ang pagpapalaya sa mga bilanggo sa
paglilinis ng mga kulungan at mas lalong sa pagsugpo ng droga.

Ayon kay Hon. Judge Lily Lydia Laquindanum ng Executive Judge Regional Trial Court,
magiging pabigat ang Plea Bargaining sa bansa. Napatunayan ng National Commission on Drug
Abuse na walang taong may kinalaman sa droga ang maaaring tuluyang magbago. Kung
papalayain ang mga bilanggo, mas maaapektuhan lamang nila ang kalagayan ng bansa sa
masamang paraan. Maraming maaaring maimpluwensiyahan at madawit. Ang kasalanan ay
pinananagutan at ang makasalanan ay hindi magiging mabuting huwaran. Sa Plea Bargaining ay
luluwag ang mga kulungan at sisikip ang ligtas na lugar sa bansa. Kaya ito ay hindi mabuti.

Hindi ako tutol sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon ngunit may hindi dapat ito
ibinibigay pa dahil sa iba’t-ibang rason tulad na lamang ng relapsing disease sa droga na
naipaliwanag ng National Commission on Drug Abuse. Hindi rin dapat ginagawang dahilan ang
kakulangan sa pasilidad ng mga kulungan para palayain ang mga bilanggong may kinalaman sa
droga dahil ang pagkakasala ay dapat pinananagutan at hindi pinagbibigyan.

Bilang isang mamamayan ng Pilipinas na naghahangad ng kaayusan sa bansa,,


maimumungkahi ko na ipagpatuloy na lamang ang nakagawiang proseso ng pagbababawas ng
kriminalidad at droga sa bansa. Bakit hahayaang matikman ng mga makasalanan ang kalayaan
kung dulot lang naman nito sa bansa at mundo ay karahasan? Plea Bargaining ay hindi
kasagutan. Ikaw, handa mo na ba itong tutulan o mananatili ka na lamang isang sunud-sunuran
na sa huli’y maaapektuhan ng masamang paraan?
KARTONING
REPLEKTIBONG SANAYSAY

You might also like