You are on page 1of 4

Iglesia Filipina Independiente

Parokya ni San Clemente ng Roma


Panuluyan 2019

Tagapagsalaysay: Isang mapagpalang gabi po sa ating lahat. Atin pong matutunghayan ang isang
creative interpretation sa pamamagitan ng isang pagtatanghal sa Pagkakapanganak ni Papa Jesus. Atin
pong tunghayan, damhin at isapuso.

Tagapagsalaysay: Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalangtao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay


sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya ay nakatakdang ikasal
kay Jose isang lalaki mula sa lipi ni Haring David.

Gabriel: Matuwa Ka! Ikaw ay kalugodlugod sa Diyos. Sumasaiyo ang Diyos.

Maria: Ako ay nagugulumihanan sa iyong sinasabi. Ano ang ibig mong sabihin

Gabriel: Huwag kang matakot Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka Ikaw ay
maglilihi at manganganak ng isang lalaki at siya’y tatawagin mong Jesus. Magiging Dakila
dakila siya, at tatawaging anak ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at
tatawaging anak ng Diyos. Natatandaan mo ang kamag-ank mong si Elisabet? Alam ng
lahat na siya ay baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kaniyang katandaan. At ngayoy ika-
anim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walng hindi mapangyayari ang
Diyos.

Maria: Akoy alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.

Interpretative Dance ( Awit ng Pagpupuri ni Maria)

Tagpagsalaysay: Sa isang liblib na lugar sa isang malayong probinsya. Katatapos lang ng siyesta
ng ilang kababaihan.

Nanay 1: Hay naku hindi na maganda ang kwento ng Kadenang Ginto

Nanay 2: Pero ang galling ni Dimples Ramana gumanap bilang Daniela

Nanay 3: Oo magaling sila pero parang pabalikbalik na lang ang istorya

Nanay 4: Nabalitaan niyo ba merong natagpuang patay diyan sa may Bayan ang sabi ay
addict daw yon

Nanay 1: Hindi lang daw addict, pusher din kaya pinatay ng mga pulis nanlaban daw kasi
Nanay 2: Ang hirap sa panahon nating ngayon sino sino na lang ang sinasabi na addict at pusher
at bigla na lang papatayin

Nanay3: Nabalitaan niyo ding ba yung anak ni Taleng na si Maria buntis daw.

Nanay4: Yung nagaaral sa Maynila?

Nanay3: Oo umuwi na lang daw na buntis ang akala ng ina ay pumapasok yun pala ay buntis na.

Jose: Magangdang Araw po. Makaabala lang po. Meron po ba ditong paupahang bahay na
maari naming matuluyan ng aking asawa? Malapit na po kasi siyang manganak.

Nanay1: Naku wala nagpapaupa ditto dapat sa bayan kayo maghanap.

Jose: Ganon po ba. Galing nap o kasi kami sa bayan ngunit lahat ay walang bakante. Baka ho
maaring sa inyong mga bahay ay makituloy kami.

Nanay2: Ay pasensiya na wala ng lugar sa aming bahay. Ikaw kumara baka meron sa inyo

Nanay3 Pasensiya na wala din lugar sa aming bahay

Nanay4: (Pabulong na sinabi kay Nanay 1) Sino ba mga iyan baka mamaya masasamang loob at
tingnan mo yung babae napakabata para mabuntis.

Nanay 1: Subukan niyo sa banda roon magtanong.

Maria: Pasensiya nap o sa abala mga Nanay pagpalain po kayo ng Diyos. Tayo na Mahal marami
pa naman ibang bahay diyan

Interpretative dance (o holy night – instrumental)

Tagapagsalaysay: Sa loob ng isang tahanan, naghahanda ang magama upang salubungin ang
kanilang ilaw ng tahanan mula sa abroad.

Nagriring ang cellphone (videocall)

Tatay: Love nasa Hongkong airport ka na?

Nanay: Oo love mahigit lang isang oras ay magboarding na mayamaya ay nariyan na ako sa
Clark. Nasaan si Jenny?

Jenny: Mommy excited na po akong makita kayo at sa pasalubong niyo. Nabili niyo po ako ng
iphone?

Nanay: Oo anak magkikita na ulit tayo pagkatapos ng dalawang taon

Tatay: Sige na at paalis na kami ditto sa bahay papunta sa airport baka matrapik pa kami sa
Tarlac City
(Biglang may tumatawag sa may gate)

Jose: Tao po! Tao po!

Nanay: Sige see you later

Jenny: I love you Mommy

Jose: Tao po!

Tatay: Ano ho sa atin?

Jose: Magandang Hapon po. Paumanhin po sa abala, ngunit maari po ba kami makituloy sa
inyong tahanan sapagkat ang aking asawa ay malapit ng manganak at wala pong
bakanteng paupahan sa bayan.

Tatay: Pasensiya ka na pare pero paalis kami ng anak ko susundo sa airport dadating ang asawa
ko pagkatapos ng 2 taon kayat di kit mapapatuloy. Subukan niyo po diyan sa iabang
bahay.

Maria: Salamat po gabayan nawa kayo ng Diyos sa inyong paglalakbay.

Jose: Halika na mahal (sabay buntonghininga at hawak sa tiyan ni Maria)

Maria: Huwag ka magalala Mahal ko kaya ko pa makakahanap din tayo at magtiwala ka Kasama
natin ang Diyos.

Interpretative Dance (o holy night – instrumental)

Tagapagsalaysay: Magtatakip-silim na. Sa labas ng isang maliit na barong barong kadarating lamang ng
magasawa galing sa bukid.

Babae: Asawa ko tayo ay magkape muna pangalis ng pagod

Lalaki: Sige nga asawa ko ikaw ay magtimpla meron pa yatang pandesal kanina umaga na
natira.

Babae: (habang nagtitimpla ng kape) asawa ko papno kaya natin masusustentohan ang pagaaral
ng ating panganay sa kolehiyo.

Lalaki: Sapat naman na siguro ang napagbentahan ng ating kalabaw para sa tuition fee niya at
allowance ngayong semester na ito.

Babae: Papano kaya ang sususnod na semester asawa ko. Napakababa ng presyo ng palay at
napakataas ng presyo ng abono. Luging lugi tayong mga magsasaka.
Lalaki: Dahil daw yan sa Rice Tarrification Law sabi ni sa amin ni pagdre, pinapattend nga ako sa
forum dun sa sa Tarlac City upang lubos daw natin maunawaawn kung ano yun.

Babae: Mabuti nga ay pumunta ka upang malaman natin yan. Nakakatuwa na ang simbahan
natin ay may mga gawaing ganiyan at makikita na merong pakialam sa mga isyung
kinakaharap nating mga mahihirap.

May tumatawag sa tarangkahan

Jose: Tao po! Tao po!

Lalaki: (Habang lumalabas) ano ho iyon

Jose: Magandang gabi po. Paumanhin po sa abala. Kami po ng aking asawa ay naghahanap ng
matutuluyan. Siya po ay malapit ng manganak. Kung meron po sana espasyo sa inyong
bahay.

Babae: Sino yan asawa ko?

Lalaki: Naghahanap sila ng matutuluyan dahil malapit ng manganak ang kaniyang misis.

Babae: Ganon ba. Pasensiya na kayo ngunit maliit lamang an gaming bahay at sapat lamang sa
aming magasawa at mga anak.

Jose: Kahit ho sana kubo lang na maari naming tigilan ng aking asawa

Lalaki: Meron kami kubo sa bandang likuran pa doon sa may bukid. Iyon ay dating tirahan ng
aming Kalabaw na si kulas pero naibenta na namin.

Maria: Maaari po ba kami makituloy duon.

Lalaki: Kung okey lang sa inyo ay pwedeng pwede. Pagpaseniysahan na ninyo kung yung lang
ang pwede naming iaalok sa inyong lugar

Maria: Maraming salamat po. Pagpalain po kayo ng Panginoon.

Tagpagsalaysay: Samantalang naroon sila ay nanganak si Maria at isinilang niya ang kaniyang panganay
at ito’y lalaki. Binalot niya ito ng lampin at inihiga sa sabsaban.

You might also like