You are on page 1of 4

Tagapagsalaysay: Sa isang malayong estado at kapuluang bansa sa Timog-Silangang asya na

matatagpuan sa kanlurang bahagi ng karagatang pasipiko.

Tatay: Mga anak aalis na ako.Maghahanap ako ng trabaho.Julie aalis na ako.

Nanay: Ingat ha! (habang nagluluto)

On-Act: Hahalik ang anim na anak sa kanilang tatay at ang tatay ay hahalik sa bunsong anak. Pagka-alis
ng ama,maghahain ang ina ng kanin at tatlong hawot.

Angelo: Akin ang isang hawot.

Jayvee: Ako ang pinakapayat sa atin kaya akin ang dalwa.

Ivan: Gusto nyong mabanatan,ako ang pinakamalaki.

Nanay: Ano ba bakit ba kayo nagaaway? Pagtag-isahan nyo na.Ok lang na wala kami.

On-Act: Tatawa ng nakatitindig balahibo ang tatalo samantalang ang natitirang mga kapatid at ang ina ay
matutuwa dahil alam nyang may patutunguhan naman ang kanyang mga anak.

Tagapagsalaysay: Lumipas ang mga taon at ang tatlong anak na lalaki ay lumaking batugan at
napagbibintangang gumagamit ng bawal na gamot. Ang dalawang anak na babae ay nanatiling nag aral
samanatalang ang pinakamatandang babae ay napilitang magbenta ng katawan para may mapakain sa
kanyang pamilya.

Nanay: Mga anak nasan ba ang tatay nyo? Pansin ko lang lagi na lang nawawala yun ah.

Bunso: N-nakita ko s-sya nay. Pumasok sya sa b-bahay ni aling b-bebang tapos nagkuwan po sila. (habang
umiiyak)

Nanay: WALA TALAGA SYANG HIYA! NAGAWA NYA PANG MAMBABAE.(susugod sila sa bahay ni aling
bebang)

:LUMABAS KA DYAN DODONG!

On-Act: Lalabas ang tatay.

Tatay: Ano bang problema mo? Masama bang lumasap ng ibang putahe. Alam mo nakakasawa ka
na.Napakabungangera mo. (Naiiyamot)

Nanay: NAPAKA-KAPAL NG MUKHA MO!MATAPOS MO AKONG ANAKAN. (UMIIYAK) Sabi mo hanggang


dulo bakit ngayon ka pa sumuko. Sabi mo hanggang dulo tayo. Umasa akong titino,pero bakit ganto ang
pinapakita mo sa akin ngayon?

Tatay: It's not you. It's me. Siguro hanggang dito na lang talaga ang pagamamahalan natin. Siguro wala
talagang forever. (Lalapit sa TaTay at hahawakan sa pisngi)
On-Act: Hihilahin ni aling bebang si Dodong.

Aling Bebang: Tara na Dodong! Tandaan mo wala ka nang koneksyon sa kanila sa oras na ilapag mo ang
pera na itosa kamay ng iyong asawa.

(Ilalapag nya ang sobreng may lamang pera sa kamay ng asawa)

Nanay:Ano to? Ito ba ang ultrasound nang magiging nyo.Ipagpapalit mo ba ang kagandahan ng lahi ko sa
lahi nya.

Tatay: Syempre kung ako ang papipiliin ang iyong lahi ang gusto ko. Pero di ko hawak ang tadhana kaya
Para sa inyo yan. Di nyo na ako makikita. Isasama na ako ni Bebang sa ibang bansa.Magiingat kayo palagi.
(Iiyak)

Aling bebang: Tara na late na tayo sa flight. ( Hihilahin)

Tagapagsalaysay:Umalis na sina dodong at Bebang patungo sa ibang bansa. Naiwan naman ang magiina
sa pilipinas. Dumaan at mga araw at hindi nakayanan ng pamilya ang pagkawala ng kanilang ama kaya't
nagpakatiwakal ang ina. Pagkatapos ng libing laging wala ang tatlong anak na lalaki. Samantala ang
tumayo naman magulang nila ay ang pinakamatandang babae na nagbebenta ng laman.

Ambrosia: Magtatarabaho na ako. Rose kayo na ang bahala ha dito sa bahay. Isasama ko si Lily para
mabawasan ang panggastos natin. Wag kang magaalala waitress tayo ngayon.

Lily:Ok po ate basta po uuwi tayo ng maaga baka po mapaano si Rose.

Ambrosia: Sige.Tara na para maaga tayo makauwi.

Tagapagsalaysay:Pagkaalis na magakapatid naglibotlibot muna ang magkapatid na rose bitbit nito ang
bunsong 10 na taon na. Sa isang eskinita nya nakita ang tatlong magkakapatid na mayroong hawak na
plastik at parang may hinihigop sa plastik.

Rose: Mga kuya ano pong ginagawa nyo? (gulat)

Ivan:Tumahamik ka at baka kung anong magawa ko sayo.

Jayvee: Umuwi ka na sa atin at maghanada ng pagkain.

Angelo:Rose Ang ganda mo. Nahihilo na ako. Bat parang iba na ang itsura mo? May bilog kang ilong.

Tagapagsalaysay:Umuwi nga si Rose.Nakaalis na si Rose nang bumuhos ang malakas na ulan na syang
ring naging dahilang biglaang pagbaha. Sa kabilang banda namin pinagbubuti nang dalawa ang kanilang
trabaho at walang kaalam alam sa nangyayaring sa lugar nila.

Radio:Isang babala na mula sa kinauukulan na kinakailangan na pong lumikas ng mga nakatira sa estero.
Isa pong balita mula sa Pag-asa. Isang ahensya para sa mga taong nasaktan na at ayaw umasa.

Lily:Sana okay lang sila.


Kinabukasan

Tagapagsalaysay:Umuwi na ang magkapatid na dapat ay kagabi pa. Nai-stranded lang sila dahil mataas
ang baha.Pagdating nila nabigla sila sa nakita.

:Nagkalat ang mga walang malay na katawan sa paligid at sira ang mga bahay.

Lily: Ate bakit ganto? Anong nangyari?

Ambrosia:Di ko alam pero wag ka nang magugulat sa makikita natin.

Tagapagsalaysay:Nakita nila ang kanilang mga kapatid na nakahiga at puno ng natuying putik ang
kanilang mga mukha. Kalunos lunos ang kanilang mga ipinagdaanan.

Lily:ROSE!MGA KUYA!! BUNSO!!!!!!! BAKIT KAYO NAMATAY!?BAKIT KAILANGAN MABAWASAN NA


NAMAN ANG ATING PAMILYA!??BAKIT PARANG PINAPARUSAHAN TAYO!? HUHUHU!!

Ambrosia:Tahan na Lily.Wala na tayong magagawa. Nahuli tayo ng dating kaya nawalan tayo ng
babalikan.

Tagapagsalaysay:Sina Lily at Ambrosia ay patuloy na nabuhay. Si Lily ay nagaaral at ang kanyang ate ay
dumalas ang pagsama sa ibang mga lalaki.

Ambrosia:Lily magtatatrabaho na ulit ako.Ikaw na ang bahala sa bahay.Isarado ang pinto at mga bintana
ilock mo ha.

Lily:Sige po ate.

Sa kabilang banda,

Extra:Magkanong gabi mo miss?

Ambrosia:1,200 para sayo babe. (Kikindat)

Extra:Let's go.

Tagapagsalaysay:Ganun lang ng ganun si Ambrosia wala siyang iniisip kundi ang kikitaing pera para
pandagdag sa pag aaral ng kapatid.

:Nakagraduate si Lily. Tuwang tuwa si Ambrosia dahil nagbunga ang kanyang


pagbebenta ng katawan.

Ambrosia:Natupad na din ang pangarap nating makatapos ka.

Lily: Isa pang hakbang (hahakbang kaso nadapa) Aray! Ate ang sakit.
Ambrosia Engot Engot ka maglakad.

On-Act

You might also like