Professional Documents
Culture Documents
Huli: (nananahi) Alam mo Kuya, nais ko ring makapag – aral sa Maynila katulad mo. Pero hindi naman
sapat ang kinikita ni Ama sa kaniyang mga ani.
Tano: (nagsisibak) Kaya mo ba gustong makapag – aral ay upang mapantayan mo ang narating ng iyong
katipang si Basilio.
Huli: Siyempre isa na iyon, gusto ko naman maging isang karapat – dapat na babae para sa kaniya. Isa
pa, nais ko ring makatulong kay ama, sa iyo at kay Lolo.
Huli: Oo nga ama, paniguradong malaki ang iyong kikitain kapag iyan ay iyong naibenta sa Merkado.
Kabesang Tales: Marami nga aking ani subalit napakalaking buwis naman ang sinisingil ng mga prayle sa
akin.
Tandang Selo: Ipagpalagay mo na lamang na lumalaki na ang buwaya at dumating ang mga kamag – nak
nito upang lamunin ang iyong salaping pinaghirapan.
Kabesang Tales: Pero ama, silay’y sumosobra na. Kailangan ko ring pangalagaan kung ano ang
pinaghirapan ko!
Tandang Selo: Anak, magtimpi ka! Walang mapapala kung lalabanan mo sila!
Padre Camorra: Naparito kami upang singilin ang iyong buwis. Ang buwis ay dalawang – daang piso.
Kabesang Tales: Dalawang – daang piso? Ngunit napakalaking halaga naman iyon?
Padre Salvi: Kung hindi ka magbabayad ay ipalilinang namin sa iba ang lupain!
Kabesang Tales: Anong pinagsasabi mo? Kung hindi ninyo alam, ako ang nagsikap at nag – alay ng pawis
at dugo upang magtanim at mag – ani kaya ako lamang at ang aking pamilya ang may karapatan dito.
Wala ng iba pa!
Kabesang Tales: Pagmamay – ari? May katibayan ba kayo? Ipakita ninyo sa akin ngayon din!
Kabesang Tales: ‘Wag kang mangialam Juliana! Huwag ninyo akong lokohin! Hindi ako magbabayad ni
singko hangga’t wala kayong katibayan! Handa akong dumalo sa usapin maipag – laban lamang ang
karapatan namin! Hindi ako papayag na kami’y inyong abusuhin! (Ilalabas ni Tales ang gulok at
bahagyang susugurin ang dalawang pari.Pipigilan siya ng mga Guardia Sibil at tututukan ng riffle)
Padre Camorra: Estupido! Kunin ang anak na lalaki at gawing sundalo! (susuntukin si Tano at hihilahin)
Tano: Ama!!!!Huli!!!!!
Huli: Huwag!!!!
Padre Camorra: Sinasabi ko sa’yo Telesforo! Huwag mo kaming kakalabanin. Kung gusto mo pang
mabawi ang iyong anak, sundin mo ang aming ipinag – uutos. (Aalis)
Kabesang Tales: Huwag kang mag – alala Huli, mababawi natin siya. (Nagyakap ang tatlo)
(Kinagabihan)
Tandang Selo: Tama si Huli anak. Huwag mong masyadong isipin iyon. Mababawi rin natin si Tano
Tulisan 1: Sa loob ng dalawang araw, kapag hindi kayo nakapagbayad ng limang daang piso ay
pupugutan namin siya ng ulo!
(Iiyak si Huli)
Huli: Lolo, ano na ang gagawin natin? Wala akong ganoong kalaking halaga ng salapi. Tanging dalawang
daang piso lamang ang mayroon ako.
Tandang Selo: Pasensya na apo at wala akong maiaambag na salapi. Mas mahirap pa sa atin ang ating
kamag – anak at kapitbahay kaya hindi rin natin sila mahihingan ng tulong.
Huli: (Kukunin ang alahas) Isasangla ko na lamang ang iilan kong alahas. Ngunit, hindi ko maaring ipagbili
ang agnos na ito na bigay ni Basilio. (hahalikan ang agnos)
(Kinaumagahan)
Huli: Magpapatulong ako kay Hermana Bali upang makalikom ng salaping ipantutubos kaya Ama.
Huli: Sige tara na ho!Lolo, dito muna kayo ha?Pagbalik ko, siguradong matutubos na natin si Ama.
Hermana Bali: Magandang araw ho Hermana Penchang! Huli, siya ang sinasabi ko na makatutulong sa
iyo.
Hermana Penchang: Wala akong pakialam kung ano ang iyong pangalan. Ang tanong ko, anong
kailangan mo?
Huli: Kailangan ko lamang ng kaunting salapi. Kailangan ko po kasing mabawi ang aking ama sa mga
tulisan.
Hermana Penchang: Anak ka pala ni Telesforo. Sandali lamang (aalis at babalik pagkatapos ng ilang
sandali) Narito ang salapi.
Huli: Maraming salamat Hermana Penchang! Pangako babayaran ko rin po ito kaagad!
Hermana Penchang: Huwag kang mag – alala Huli, madali lamang iyan bayaran. Mababayaran mo
lamang iyan kapag pumayag kang maging alila at utusan sa aking bahay.
Hermana Penchang: Sige, madali lang naman akong kausap. Akin na ang salapi kung hindi ka
pumapayag.
(Sa bahay)
Tandang Selo: Subalit Huli, wala na akong magiging kasama dito sa bahay. Kung aalis ka, mabuting
tumungo na lamang ako sa gubat at di na bumalik sa bayan.
Huli: Pero Lolo, sa pamamagitan nito ay mababawi na natin si Ama, maging si Tano. Parang – awa niyo
na Lolo, payagan niyo na ako. Kapag natapos na ang panahong ilalaan ko upang maging utusan ni
Hermana Penchang, makakabalik din ako. Mabilis lamang iyon lolo. (yayakapin ang lolo)
Basilio: Maligayang Pasko ina! Alam ninyo po, malayung – malayo na po ako sa Basilio labingtatlong taon
na ang nakararaan. Hindi na po ako dungisin, hindi na rin po ako hunghang. Ina, marangal na ang aking
buhay!Nakilala ko si Kapitan Tiyago at pinag – aral ako ng Medisina. Pero ina, ang pagmamahal ko sa
inyo ni Crispin ay hindi pa rin nagbabago. Ina, mahal na mahal ko po kayo! Sana ay narito kayo sa aking
tabi upang makita ninyo ang iyong anak na naaabot na ang kaniyang mga minimithi sa buhay.
Basilio: Teka, ano ‘yon? (Makikita niya si Simoun na naghuhukay ng kayamanan) Siya nga ba?Siya nga ba
ang lalaking tumulong sa akin upang mailibing si Ina? (Lalapit siya kay Simoun)
Basilio: May labintatlong taon na po ang nakararaan nang ako ay inyong tulungan sa paglilibing ng aking
ina. Ikaliligaya ko kung kayo naman ang aking tutulungan.
Basilio: Isang taong para sa akin ay dakila. Isang taong inakala ng lahat na patay na.
Crisostomo...Crisostomo Iba...
Simoun: Basilio, nakabatid ka ng isang lihim na maaari kong ikasawi. Maaari kitang patayin at ibintang
ito sa mga tulisan. Subalit hahayaan kitang mabuhay at huwag ko sanang pagsisihan ito. Umalis ako sa
bayang aking sinilangan. Nagpayaman at nagbalat – kayo. Magtatagumpay na sana ako sa aking mga
mithiin. Subalit kayo!Kayong mga Kabataan! Na hinayaang ang sarili na lasunin ang isip ng kasuklam –
suklam na pamahalaang España!
Simoun: Hinahayaan ninyo ang inyong sariling alilain at alipinin ng mga Kastila. Para kayong mga asong
habol ng habol sa isang pirasong buto na ayaw naman ipagkaloob sa inyo! Ano ang inyong hangad sa
pagtuturo ng Wikang Kastila? Na dagdagan pa ng isa pang wika ang ating bayan upang lalong hindi kayo
magkaintindihan?
Basilio: Naku Señor Simoun kayo po’y nagkakamali. Sa pamamagitan ng wikang Kastila, maaari na po
tayong mapalapit sa pamahalaan.
Simoun: At ano ang gagawin ninyo?Patayin ang sarili ninyong katangian at ipailalim ng tuluyan ang pag –
iisip sa pag – iisip ng iba upang tuluyan ng maging alipin? Magtulungan tayo Basilio. Pareho tayong inapi
at inalipusta sa sariling bayan. Pareho tayong may nais na pagbayarin. Maghiganti tayo!
Basilio: Hindi na mabubuhay pa ng paghihiganti ang aking ina at kapatid! Ano ang mapapala ko kung
silay’ aking ipaghihiganti?
Simoun: Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maamo ang isang tao. Walang mag – aapi kung walang
magpapa – api. Katulad mo rin ako noon ngunit tingnan mo ang aking sinapit. Ililigpit ka rin nila sa
sandaling maaari ka ng iligpit.
Basilio: Tutulungan po kita Señor sa lahat ng pamamaraan maliban lamang sa inyong iniisip. Lubhang
delikado po ito. Ang gusto ko lamang ay mabuhay ng payapa at tahimik.
Simoun: Sa una mo lamang iyan masasabi Basilio, subalit kapag naranasan mo na ang lahat ng mapapait
na aking naranasan, ay babalik at babalik ka rin sa akin. Kung sakali mang magbago ang iyong isip,
hanapin mo lamang ang aking tirahan sa Escolta.
Hermana Penchang: En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. Amén.
Huli: (nauutal) En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. Amén.
Hermana Penchang: Ano ba naman iyan Huli! Ni mag – antanda ay hindi ka marunong!
Hermana Penchang: Pasensya?! Hay naku! Ulitin mo ng mabilis ang sasabihin ko! En el nombre del
Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. Amén.
Huli: (nauutal) En el nombre del Padre, y del Hijo, y del Espíritu Santo. Amén.
Huli: Pasensya na po Hermana. Hindi po kasi naituro sa amin ito ni Ama noong mga bata pa kami.
Hermana Penchang: Ayan!Kaya puro kamalasan ang dumarating sa inyong buhay ay dahil hindi kayo
tinuruang magdasal! Makasalanan ang inyong pamilya! Mga walang pananalig sa Diyos! (magaantanda)
Mabuti na lamang at kinuha ng mga tulisan si Tales nang sa gayo’y matuto kayo sa inyong kasalanan.
Huli: Hermana, maaari ko po bang dalawin ang aking inkong? Nakaaawa naman sya roon walang po
siyang kasama. Kahit kaunting oras lamang po.
Hermana Penchang: Tigil-tigil mo nga ako diyan sa mga pasakali mo! Ang tangi mo lang gagawin ay mag-
aral sa pagdarasal at paglingkuran ako. Maliwanag?
Hermana Penchang: Kukunin ka lang ng demonyong nagbalat – kayong estudyante! Huli gusto kitang
iligtas sa kasalanan! Buo na ang aking desisyon, hindi ka maaaring makipagkita kay Basilio!
Tandang Selo: Naglingkod siya kay Hermana Penchang upang mabayaran ang pantubos sa iyo.
Kabesang Tales: Pero Bakit? Bakit s’ya pa? Bakit s’ya pa ang kailangang magbayad ng aking mga
nagawa? Bakit? (Mapapaupo at sasabunutan ang ulo)
=SCENE 7: Si Simoun at Kabesang Tales
Mga Tao: Teka si Simoun ba iyon? Ano kaya ang ginagawa niya rito? Bakit nasa bahay siya ni Kabesang
Tales?
Simoun: Maaari bang dito muna ako manuluyan ng isang gabi at dalawang araw? Tutal, ang iyong
tahanan naman ang pinakamalaki sa nayon.
Kabesang Tales: Maaari po Señor Simoun! Subalit paano kung may mga tulisang nagmamanman?
Maaari kayong mapaha...
Simoun: Huwag kang mag-alala Tales!Sapat na ang rebolber na ito. (ilalapag ang sisidlan ng alahas)
Hermana Penchang: Talagang ang gaganda ng mga alahas! Gusto ko pa namang bumili ng singsing para
sa Birhen ng Antipolo.
Hermana Penchang: Ayon!Iniwan ko sa bahay! Napaka-tonta talaga! Limampung beses ng binabasa ang
mga aklat sa pagdarasal subalit ni isa ay wala pa ring naisasaulo! Perwisyo talaga!
Kapitana Tika: Naku ! Hayaan mo na! Señor Simoun, anu – ano bang alahas ang mayroon ka?
Simoun: Ayy. Kung hindi mo naitatanong ay mga prestihiyosong mga alahas ito. Narito ang kolyar ni
Cleopatra, gintong singsing ni Sila, at singsing ng mga senador at maginoong taga-Roma!
Kapitan Basilio: Haha. Wala akong naintindihan! Pero siguro napakamahal ng mga alahas na ito!
Hermana Penchang: Eh Señor Simoun magkano naman itong hikaw na ito. Iaalay ko sana sa Birhen ng
Antipolo baka sakaling maisama ang aking pangalan sa kaniyang himala at para umakyat ako sa langit.
Simoun: Mga kaibigan! (tatapikin ang kahon) Ang kahong ito’y tulad ng sa mangagamot. Taglay nito ay
buhay at kamatayan, lunas at lason. Sa isang dakot ng mga hiyas ay maaari kong lunurin ang mga tao sa
Pilipinas.
Simoun: Tumatanggap din ako ng mga lumang alahas upang palitan ng salapi.
Sinang: Kabesa! Bakit hindi niyo ipagbili ang agnos ni Huli? Tutal kailangan ninyo ng pera hindi po ba?
Sinang: Napakagandang agnos po iyon Señor! Magaganda ang palamuti at ito ay nangggaling sa aking
kaibigang nag-mongha.
Kabesang Tales: Isasangguni ko muna ito kay Huli bago ko ibenta. Señor, aalis muna ako. Babalik din ako
kaagad.
(Kinaumagahan)
Simoun: Bumalik na ba si Tales? Teka? Nasaan ang aking rebolber? (Kukunin ang sulat)
Sulat: (Voice Over) Ipagpaumanhin ninyo, Señor Simoun, na kayo’y aking pagnakawan sa sarili kong
tahanan. Kailangan ko ang sandata sapagkat sasama na ako sa mga tulisan. Kapalit ng baril ang agnos
na ibig ninyo.
Simoun: (tatayo) (tatawa ng malakas) Sa wakas! Natagpuan ko na rin ang aking hinahanap! (tatawa ng
malakas)
=SCENE 8: SA LOS BAÑOS=
Padre Camorra: Puñales! Panalo na ipintalo pa! Napakawalang kwenta talaga kalaro sina Sibyla at Irene!
Ben Zayb: Pabayaan mo na Padre Camorra! Baka nais lang nilang magpalakas sa Kapitan-Heneral kaya
nagpapatalo.
Ben Zayb: Tutal, kalahating oras pa bago mananghalian, pag-usapan muna natin ang mga bagay na
kailangan pagdesisyunan.
Padre Sibyla: Ang pagbubukas ng Akademiya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ng mga kabataan ay
mapangahas at naghahangad na saklawan ang kapangyarihan ng mga prayle.
Simoun: Sang-ayon ako sa iyo Padre Sibyla. Maging ako ay tututol din sa pagpapatayo ng ganyang
paaralan.
Padre Camorra: Walang karapatang matuto ng Wikang Kastila ang mga Indiyo! Kapag natutunan na nila
ang ating wika, mangangatwiran na sila at magiging kalaban ng Diyos at Pamahalaan!
Padre Sibyla: (mahinahon) Maaaring mapahiya ang mga prayle. At sa aming pagbagsak, maaaring
pamahalaan naman ang sumunod.
Padre Fernandez: Kailangan nating mamulitika. Ibigay natin ang lahat ng kanilang kailangan. Tingnan
ninyo, mas marami sila kaysa sa atin. Kailangan natin sila pero hindi nila tayo kailangan. Sa pamamagitan
niyo, mas tatatag ang ating pamamahala.
Padre Camorra: Nag-iisip ka ba ha? Hindi dapat ipatayo ang paaralang iyan!
Juanito: Oy! Nakabusangot ka na naman diyan! Yung nguso mo sumasayad na sa lupa hahaha!
Juanito: Eto naman nagbibiro lang! Ano nga palang itinuro kahapon?
Placido: Wala!Nagturo lang tungkol sa salamin. At kailan ka pa nagkaroon ng interes ng sa pag-aaral ha?
Juanito: Ano namang akala mo sa akin? Bulastog? Pero totoo nga, bulastog ako hahaha!
Tadeo: Juanito!Kumpadre! Kamusta? May pasok ba tayo? Himala kasama mo yata tong si ano...si...
Juanito: Ayun!Si Placido!Di ka kasi tinatanong ng ating guro kaya hindi ka namin masyadong kilala
hahaha!
Tadeo: Pa’no ba yan? Kami ay mauuna na. Diyan ka na Pla...pla... di bale na nga! (aalis)
Placido: (hihinto)
Padre Millon: Ang lakas ng loob mong pumasok sa klase ko ha? Huli ka na nga ay nagdadabog ka pa!
Ano ang iyong pangalan?
Placido: Placido
Padre Millon: Aha! Placido Penitente! Placidong Bulong! Labinlimang ulit na di pagpasok sa klase!
Placido: Teka Padre, apat na beses lamang akong lumiliban sa klase. Ba’t naman naging ganoon karami?
Padre Millon: Tama si Pelaez! Huwag ka ng gumawa ng maraming pasubali! Dahil diyan mamarkahan
kitang liban sa klase.
Placido: Edi lagyan mo! Kahit ilang marka pa ang gusto mo! Tutal wala naman akong natutunan dito
kundi panlalait!
Placido: Hindi mo na kailangang sabihin pa iyan dahil ako na mismo ang aalis!
=SCENE 10: SA BAHAY NI MAKARAIG=
Sandoval: Nasa atin ang tagumpay! Paniguradong papayag na ang pamahalaan na itatag ang Akademiya
ng Wikang Kastila!
Isagani: Kapag naitatag na ang paaralan, siguradong pupurihin ng pamahalaan tayong mga mag-aaral at
lahat ng tumutol ay magsisisi.
Pecson: Subalit, baka ipiit sa bilangguan kaming mga kasapi, maging kayo, batay sa payo ng Obispo na
sasangunian ng Kapitan-Heneral.
Sandoval: Huwag k puro pangamba ang iyong iniisip kumpadre. Hindi ganiyan ang Kapitan-Heneral.
Mayroon siyang sariling pag-iisip at kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.
Pecson: Wala naman akong sinasabing ganiyan Sandoval. Ang sa akin, mayroon namang sariling pag-iisip
ang Kapitan-Heneral, iyon ay ang desisyon ng mga nakapaigid sa kaniya.
Sandoval: Lubang kinakailangan ng bawat kabataan ang wikang Kastila. Wala akong nakikitang dahilan
upang tumutol dito ang pamahalaan.
Pecson: Marahil ay natatakot sila na maunawaan natin ang kanilang mga batas kung marunong tayong
magkastila. Isa pa, sa gabi idaraos ang klase, maaari itong maging sanhi ng mga kasagwaan.
Sandoval: Ipinagkakaloob sa inyo ng pamahalaan ang lahat ng inyong pangangailangan. Kung anong
mayroon kami,ay mayroon din kayo. Magtiwala kayo sa pamahalaan at humiling nang walang palikaw-
likaw.
Pecson: Paano kung sa lahat ng mga ito ay ipagkait pa rin sa atin ng Kapitan-Heneral ang ating
kahilingan?
Sandoval: Kung gayon, hindi rin nasayang ang inyong pagsisikap. Ibinunyag ninyo na ang pamahalaan ay
hunyango at nagbabalat-kayo lamang. Maging ako, kahit isa akong Espanyol, ay makikiisa sa mga Pilipino
sapagkat hindi karapat-dapat ang isang pamahalaang tutol sa ikauunlad ng kaniyang nasasakupan.
Estudyante 2: Kung lahat ng Espanyol ay tulad ni Sandoval, lahat ng Pilipino ay Sandoval din!
Pecson: Nasasabi mo lamang iyan dahil ikaw ay isang Kastila. Kung ako man ang nagsabi ng kahit
kalahati man lang ng mga sinabi mo, ikaw man ay ipagpapalagay na ako’y isang pilibustero!
Makaraig: Mayroon akong mabuting balita! Ayon kay Padre Irene, nasa kamay na raw ni Don Custodio
ang usapin!
Isagani: Kalabisan na kung hihingi tayo ng tulong kay Padre Irene. Kalabisan na rin ang paggamit kay
Pepay mapakiling lamang si Don Custodio.
Isagani: Si Ginoong Pasta. Susubukan kong lumapit sa kaniya. Kamag-aral siya dati ng aking amain at siya
ang tagapayo ni Don Custodio. Maaaring sa ganitong paraan, ay mapapapayag natin siya.
=SCENE 11: ISAGANI AT GINOONG PASTA=
(Pagtapos magsulat)
Ginoong Pasta: Ikaw pala Isagani! Paumanhin at marami lang akong kailangang tapusin. Kamusta?
Kamusta ang lagay ni Padre Florentino?
Isagani: Mabuti naman Ginoong Pasta. Patuloy pa ring naglilingkod sa simbahan ang aking amain.
Ginoong Pasta: Mabuti naman kung ganoon. Ano ang maipaglilingkod ko sa’yo?
Isagani: Nais ko lamang pong makiusap na kayo’y mamagitan sa aming mag-aaral at kay Don Custodio
upang siya’y pumayag na itayo ang Akademiya ng Wikang Kastila. Nasa kaniyang mga kamay na ang
usapin at nais namin siyang mapapapayag.
Ginoong Pasta: Isa ako sa mga umiibig sa sariling bayan at hinahangad ko ang kaniyang pagsulong ngunit
hindi gayon kadali ang sumuong sa mga usapin. Kailangan kong mag-ingat sapagkat marami akong ari-
ariang dapat ingatan.
Isagani: Wala po kaming hangad na ilagay kayo sa kagipitan. Sa mga nabasa ko, iisa lamang ang adhikain
namin ng pamahalaan subalit, sa paraan lamang kami nagkakaiba.
Ginoong Pasta: Kahanga-hanga ang tumulong sa pamahalaan kung ang iyong pagtulong ay sa
pamamagitan ng pagsunod sa kaniya. Ang pagsalungat sa mga panukala nito ay maaaring makasira sa
kaniyang katatagan.
Isagani: Matibay Ginoo ang batayang katarungan at katuwiran, hindi ang lakas ng pamahalaan sa
nasasakupan.
Ginoong Pasta: Ang maipapayo ko lamang ay pabayaan niyo na lamang ang pamahalaan.
Isagani: Ang pamahalaan ay itinatag para sa kapakanan ng mamamayan. Alam ng mga mamamayan ang
makabubuti sa kanila kaya dapat lamang na ang pamahalaan ang siyang umayon.
Isagani: May kasabihan sa Kastila na ang hindi umiiyak ay walang gatas, ang hindi humihingi ay hindi
pagkakalooban.
Ginoong Pasta: Kahit hindi naman natin hinihingi ay kanilang ibinibigay. Ang paghingi sa pamahalaan ay
paraan ng pagpapamukha sa kanila na sila’y nagkukulang sa tungkulin.
Isagani: Ipagpatawad ninyo. Subalit ang bayang galit sa pamahalaan ay walang ibang hihilingin kundi
magbitiw sa tungkulin ang namamahala.
Ginoong Pasta: Mapanganib ang sinasabi mo binata. Hayaan na ninyo sa pamahalaan ang ganiyang mga
bagay. Marunong kayo ng wikang Kastila, gayong kayo’y hindi Kastila. Tandaan mo na sino man ang
anais matuto ay matututo.
Ginoong Pasta: Nag-aaral kayo ng medisina hindi ba? Magtapos kayo, mag-asawa ng isang mayaman at
madasaling dalaga. Atupagin ninyo na lamang ang panggagamot at hindi ang pakikialam sa mga bagay
na may kinalaman sa bayan. (bubunot ng uban) Makikita ninyo, pag kayo’y nagkaroon ng ubang tulad
nito, ay pasasalamatan ninyo ako.
Isagani: Kapag ako’y nagkaroon ng ubang tulad niyan, at aalalahanin ang aking nakaraan at wala man
lang akong nakitang nagawang mabuti para sa iba at sa bayan, bawat uban ay magsisilbing tinik sa akin.
Hindi ko ito ikapupuri, bagkus akin itong ikakahiya. Paumanhin Ginoong Pasta, ako’y aalis na (aalis si
Isagani)
Ginoong Pasta: Kung lahat sana’y mag-iisip at kikilos tulad niya, hindi ko masasabing...hindi ko
masasabing...haaay. Kaawa-awang binata! Kaawa-awang Florentino!
=SCENE 12: SA BAHAY NI QUIROGA=
Mga Tao: (nag-uusap usap tungkol sa disenyo at pagkaing nakahain sa bahay ni Quiroga. Ang iba namay
ay kakamayan at babatiin si Quiroga)
Tsismosa 1: Ano ba naman iyan! Kay papangit ng mga dekorasyon ni Quiroga sa kaniyang bahay!
Tsismosa 2: Oo nga ano? Mga mumurahin lamang siguro ito at inangkat mula Tsina
Tsismosa 3: Kaya siguro humihina ang kalakal ng aking asawa ay dahil kakumpitensya niya ang Intsik na
ito!
Tsismosa 4: Alam niyo ba? Mas marami pa ang napupuntang salapi mula sa kinikita sa loterya sa Tsina
kaysa sa napupunta dito sa Pilipinas! Garapal talaga ang mga Intsik!
(Dadating si Simoun)
(Papasok sa kwarto)
Quiroga: Yung tatlong brilyanteng inutang ko mula sa ‘yo, hanggang ngayon hindi ba nababayaran ng
taong pinautangan ko rin.
Quiroga: Dapat ay isang brilyante lamang ang kukunin ko para sa isang babaeng gagamitin kong
pansuhol sa isang ginoo na kailangan ko sa kalakalan. Nang tatlo ang kaniyang kunin, wala na akong
nagawa. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nababayaran.
Simoun: Naloko kayo! (hahalakhak) Bale, siyam na libo ang inyong pagkakautang. Sige, gagawin ko na
lamang itong pitong libo.
Simoun: Itatago ko lamang ang ilang mga baril sa inyong tindahan upang maipasok ko ito sa adwana.
Quiroga: Iyon lang naman pal...ANO? Mga baril? Subalit Don Simoun, ako po’y natatakot, baka ako ay
mahuli. Isa pa, takot ako sa mga baril.
Simoun: Hindi ka naman mananagot dito. Itatago ko nang unti-unti sa iba’t-ibang tahanan ang mga
armas. Pagkatapos, magkakaroon ng pagsisiyasat at maraming mabibilanggo. Siguradong kikita ako sa
paglakad na pawalan ang mga bilanggo.
Simoun: Kung hindi kayo papayag edi marapat lamang na bayaran ninyo ang siyam na libong inyong
pagkakautang.
Quiroga: Ano eh... Uhm... Sige na nga po, payag na ako, tutal wala naman akong ibabayad.
Simoun: Isa itong kasunduan Quiroga, sana’y hindi mo talikuran ang ating pinag-usapan.
(Lalabas sa sala)
Padre Salvi: Alam ninyo ba ang palabas ni Ginoong Leeds sa perya sa Quiapo?
Padre Camorra: Isa siyang Amerikanong magaling sa salamangka. Sinasabing mayroon siyang ulong
nagsasalita.
Padre Camorra: Totoo ito. Nasa loob ng isang kahon ang ulo at ipinatong sa mesa.
Ben Zayb: Sige, patutunayan kong hindi totoo ang mahika. Magpunta tayo sa Quiapo!
(aalis)
=SCENE 13: PERYA SA QUIAPO=
Paulita: Isagani, tingnan mo oh! Ang daming magagandang ilaw. Ang daming magagandang tanawin dito
sa perya.
Isagani: Yung mga tao rito sa perya. Pambihira kung makatitig sa iyo. Parang gusto ka nilang agawin sa
akin.
Paulita: (tatawa ng mahinhin) Iyon naman pala. Huwag kang mag-alala dito lang ako sa tabi mo. Hindi
ako aalis. Hindi kita iiwan.
Isagani: Talaga?
Paulita: Oo naman.
Donya Victorina: At ako rin, hindi ko kayo iiwan! Dito lang ako sa tabi ninyo! Mga kabataan talaga!
Paulita: Tiya naman. Maginoo po itong si Isagani. Siguradong ligtas ako palagi kapag siya’y aking katabi.
Isagani: Oo nga po Donya Victorina. Huwag po kayong mag-alala. Baka kumulubot ang iyong
magagandang kutis sa mukha. Masasayang ang inyong kagandahan.
Padre Camorra: (papaluin nang malakas si Ben Zayb) Isang diwata! Isang diwata!
Padre Camorra: Pagmasdan mo. Kakaiba ang kaniyang kagandahan. Tila isa isang engkantada!
Ben Zayb: Iyan si Paulita Gomez. Tunay ngang hinahangaan siya ng mga kalalakihan dahil sa angking
alindog at kagandahan.
Padre Camorra: Kaniya palang nobyo ang aking estudyante! Lagot siya sa akin! Dito ka nalang at
susundan ko sila.
Ben Zayb: (pipigilan si Padre Camorra) Pumirmi ka nga lang Padre Camorra!Dito ka lang!
Ben Zayb: Tingnan mo nga naman! Kamukha ni Simoun iyong nagtitinda ng laruang gawa sa kahoy.
Padre Camorra: Aba oo nga! Matanong ko lang, nasaan nga pala si Simoun?
Padre Camorra: Napakakuripot! Akala niya’y siya ang pagbabayarin natin sa pagpasok sa palabas ni Mr.
Leeds!
Ben Zayb: Baka natatakot lamang na mapatunayan kong may daya ang kaniyang palabas, na gumagamit
lamang siya ng salamin. Makikita ninyo mamaya na tama ang aking sinasabi!
=SCENE 14: PAGTATANGHAL NI MR. LEEDS=
Mr. Leeds: Ako si Mr. Leeds, isa sa pinakamahusay na manananghal ng salamangka sa buong Amerika.
Nais ba ninyong makita ang nagsasalitang Esfinghe?
Mr. Leeds: Ang kaha na aking hawak ay aking natagpuan sa isang libingang batong-buhay na pula sa silid
ng piramide ni Khufu nang minsang magtungo siya sa ehipto. Sa isang kataga lamang ay mabubuhay ang
abo na nasa loob nito. DEREMOF!
Imuthis: Ako si Imuthis! Isinilang ako nuong panahon ng Ameses at namatay noong pananakop ng mga
Persia ng panahon ng Cambyses! Sa paglalakbay ko sa Babylonia ay natuklasan ko ang lihim ng
mapagpanggap na haring si Gautama. Nais niya akong ipapatay sa pamamagitan ng tulong ng mga
paring ehipsiyo! Noong panahong iyon, ang mga pari’y makapangyarihan at siyang namamahala! Umibig
ako noon sa isang dalagang anak ng pari! Siya’y minimithi rin ng pari ng Abydos at ang ginawa’y lumikha
ng kaguluhan at idinawit ang pangalan ko!
Imuthis: Ako’y nasakdal sa salang paghihimagsik! Sa pagtakas ko ako’y hinabol at pinaguusig hanggang
ako’y mapatay ssa lawa! Buhat sa kabilang buhay ay napagmasdan ko kung paano halayin ng pari ng
Abydos ang aking irog. Ah, Pari ng Abydos, nabuhay akong muli upang isiwalat ang iyong kabuktutan!
PARI NG ABYDOS! MAMAMATAY! MAPANIRANG PURI! HAHAHA!! MAMAMATAY!!! MAPANIRANG PURI!
ISINASAKDAL KITA LAPASTANGAN SA KABANALAN!! HAHAHAHA!!!
Padre Irene: Hi..Hindi siya hinimatay. Baka may sumakit lamang sa kaniya. Marahil ay dahil sa sopas na
kinain niya kanina.
Padre Camorra: Oh ano? Naniniwala ka na sa mahika? Naniniwala ka ng walang daya ang pagtatanghal
ni Mr. Leeds?
Ben Zayb: Oo na! Tama ka nga. Tunay nga ang kapangyarihang itim at ispiritismo.
=SCENE 15: DON CUSTODIO=
Pepay: Bakit parang malalim ang iniisip mo? May problema ba? (Uupo sa lamesa at kakagatin ang
hintuturo)
Don Custodio: Sumangguni ako kay Ginoong Pasta para sa pagpapatayo ng Akademiya, pero mas lalong
gumulo! Di ko alam kung anong desisyon ang bibitiwan ko.
Pepay: Huwag mo na ngang isipin yan. Magsaya tayo! (Bubulong) Tutal tayong dalawa lang naman dito
eh. Tayong dalawa. (Tatanggalin isa-isa ang butones ni Don Custodio)
Don Custodio: (tatayo at pipigilan si Pepay) Pepay huwag dito, baka may makakita sa atin.
Pepay: Sige na mahal ko. (tatayo at ilalapit ang mukha kay Don Custodio) Kahit ngayon lang (iikutan at
sasayawan si Don Custodio) Alam kong marami kang problema. Hayaan mong paligayahin kita.
Don Custodio: Sige na nga. Pero ngayon lang ito ha? (lalapitan si Pepay at hahawakan sa beywang)
(ilalapit ang labi sa labi ni Pepay)
Pepay: (hahawakan ang labi ni Don Custodio gamit ang hintuturo) Sandali lang.
Pepay: Mahal... alam mo....yung tiyahin ko namatay siya kahapon kailangan namin ng pera pampalibing.
Don Custodio: Ano? Kamamatay lang ng tiyahin mo noong nakaraang linggo ha?
Pepay: Ay ano kasi Mahal ko. Yung anak pala ng tiyahin ko.
Don Custodio: Pero tatlong taon ng patay ang anak ng tiyahin mo?
Pepay: Yung ano pala Mahal ko, yung pinsan ng bayaw ng anak ng tiyahin ko pala. Sige na mahal ko.
Kahit 25 piso lang. Kapalit nito, paliligayahin kita. (kakagatin yung labi)
Don Custodio: Pepay! Hoy! Tingnan mo to, binitin ako! Pera lang ata habol sa akin eh. Paano na ko?
(makikita ang mga kwaderno sa upuan.lalapitan ito at kukunin ang isang kwaderno. Sa kwaderno
kukunin ang isang piraso ng papel at babasahin ito)Artes y Oficios. Narito lamang pala ang aking
hinahanap!Ngayo’y buo na ang pasya!Eureka!Eureka!Eureka! Hahahaha (itataas ang hawak na papel)
=SCENE 16: SA TEATRO VARIEDAS=
Makaraig: (hihilahin papalayo si Pepay) Pepay, ano na ang nangyari? Sumang-ayon ba siya?
Pepay: Sino?
Pepay: Ay!Hala! Nakalimutan ko! Kailangan ko kasi ng pera sa kaniya. Pasensya na. Gusto mo
paligayahin na lang kita bilang kapalit?
Makaraig: Naku! Isang Magdalena! Wala ka talagang silbi! Diyan ka na nga! (iiwan si Pepay)
Pepay: Sandali lamang. Heto, may sulat siyang ibinigay sa akin kaninang umaga. (huhugutin ang sulat sa
bra) Sabi niya ay huwag ko raw babasahin at ibigay agad sa iyo.
Tadeo: Nakita niyo ba iyon? Nakangiti si Pepay. Siguradong napapayag niya si Don Custodio.
Pecson: Isagani! Bakit hindi ka man lamang natutuwa? Ano bang iniisip mo?
Isagani: Tampalasan talaga si Juanito! Tingnan niyo. Siya ang kasama ni Paulita imbis na ako. Ako ang
kasintahan kaya ako lamang ang may karapatan sa kaniya!
Isagani: Oo nga. Mas mabuti pang titigan iyong babaing pranses. Kabighabighani, maputi, at
napakagandan ng hubog ng katawan...
Isagani: ...kaysa naman tingnan ko ang aking kasintahang may kasamang ibang lalaki.
Paulita: Ah ganon? Anong tingin mo sa akin?Taksil? Puwes, magsama kayo ng babaeng Pranses na iyon
at kailanman ay huwag ng magpapakita sa akin! Mahalay! Tamaan ka sana ng kidlat!
Makaraig: Nakausap ko si Pepay. Eh wala naman pala siyang silbi. Hindi naman niya tayo tinulungan
upang mapapayag si Don Custodio.
Makaraig: Naharap na raw ni Don Custodio ang kaniyang pasya at sinang-ayunan na ng mga prayle.
Subalit, ang akademiya raw ay pamamahalaan ng isang samahan ng pananampalataya kung hindi
papayag ang mga Dominiko na ikatnig ito sa Unibersidad.
Sandoval: Ano ba? Huwag nga kayong malungkot, halina at ipagdiwang natin ang ating kabiguan!
Pecson: Oo nga! Bukas ng gabi pumunta tayo sa pansiterya at doo’y magdaos ng piging!
Basilio: Parang awa niyo na naman, kumain po kayo ng hapunan kahit kaunting higop lamang ng sabaw.
(kinakausap si Kapitan Tiyago)
Simoun: (dadating)
Basilio: Mahina na ang pintig ng puso at puso. Ayaw na ring kumain ni Kapitan Tiyago. Kaawa-awa.
Basilio: Nakalatan na ng lason ang kaniyang buong katawan. Maaari siyang mamatay ano mang oras.
Basilio: Ilang gabi nang nagigising siyang walang ilaw. Umiiyak at ako’y minumura. Inaakala niyang siya’y
aking binulag.
Simoun: Wala ngang pinagkaiba sa pamahalaan! (hahawakan ang ilang mga libro) Basilio. Makinig ka.
Walang sandali ang dapat na masayang. Hindi mo binubuklat ang mga aklat na ibinigay ko sa iyo. Wala
kang malasakit sa iyong bayan!
Simoun: Wala ng pero pero. Sa loob ng isang oras, sisiklab na ang higmasikang hindi nila malilimutan!
Naparito ako upang ihandog ang iyong kamatayan o kinabukasan.
Simoun: Magpasiya ka! Narito ako upang ika’y iligtas alang-alang sa nakaraang nag-uugnay sa atin.
Simoun: Makinig ka. Ako ang mamumuno sa himagsikang ito. Pamumunuan mo ang pangkat na lulusob
sa Sta. Clara upang kunin ang isang taong malapit sa puso sa atin nina Kapitan Tiyago – si Maria Clara.
Ibig ko siyang iligtas at isang paghihimagsik lamang ang naiisip kong paraan!
Basilio: Ilang araw ng may sakit si Maria Clara. Ako’y dumadalaw sa kumbento upang makibalita. Heto
ang sulat na ibinigay ni Padre Irene kay Kapitan Tiyago! (iaabot ang sulat) Magdamag na hinagkan ni
Kapitan Tiyago ang larawan ni Maria Clara at humihingi ng tawad. Tinugtog na kanina ang kaniyang
agunyas.
Simoun: PATAY NA! ANG AKING MAHAL AY PATAY NA! Namatay na hindi ko man lamang nakikita o
nayayakap. Namatay na hindi man lamang alam na ako’y buhay para lamang sa kaniya. Maria!Maria!
Isagani: Lumalalim na ang gabi. Wala pa rin si Paulita. Paano na ako makahihingi ng tawad?
Donya Victorina: Ikaw binata, alam mo na ba kung saan nagtatago ang aking asawa. Nasaan siya?
Donya Victorina: Pag nakita mo ang Hudas na iyon, sabihin mo sa kaniya na tatawag ako ng mga
guwardiya sibil. Buhay man o patay, kailangan ko siyang makita!
Isagani: Ang ibig ko pong sabihin ay, maginoo, makisig, matipuno ang pangangatawan, magalang...
Donya Victorina: Ay! Tamang-tama ang iyong mga sinabi! Juanito halika nga dito! Dali!
Paulita: Tinatanong mo kung galit ako? Eh ano yung mga sinabi mo? Ano yung tungkol dun sa babaeng
Pranses ha?
Isagani: Ikaw pa talaga ang galit? Eh bakit kayo magkasama ni Juanito kagabi sa teatro?
Isagani: (malumanay) Hindi. Ang ibig kong sabihin, bakit si Juanito? Akala ko ba ako ang gusto mong
makasama? At tsaka, nasabi ko lang iyon dahil naninigbuho ang aking damdamin. Paulita alam mo
namang ikaw lamang ang aking sinisinta. Pakiusap patawarin mo na ako?
Paulita: Hindi ko talaga gustong isama si Juanito. Si Tiya lamang ang may gusto na isama siya at isama
ako. At isa pa, si Tiya talaga ang may gusto kay Juanito (mahinhing tatawa)
Isagani: Paulita, alam mo na sa simula pa lamang na ikaw na ang aking iniibig. Ikaw ang nais lamang
titigan ng aking mga mata at palaging laman ng aking mga panaginip (hahawakan ni Isagani ang kamay ni
Paulita at titigan sa mata). Simula noong ika’y aking makilala, ibinuhos ko ang lahat ng aking
pagmamahal na dati ay alay ko lamang sa bayan. Darating ang araw, na ang Pilipinas, ay lalaya at lilipad
na parang lawin sa himpapawid. At pagdating ng mga panahong iyon, saka lamang mabubuo ang ating
kaligayahan. Ang ating mga Pangarap.
Paulita: Pangarap. Mga pangarap. Sinabi ni Tiya Torina na marami raw kayong kaaway.
Isagani: Marami nga kaming kaaway. Subalit kung nariyan ang katulad mo, siguradong makakamit namin
ang aming adhikain.
Isagani: Kung wala kaming mapapala, sapat na ang iyong tinig habang nakaturo sa aking bangkay. Buong
pagmamalaking sasabihing “Ang aking irog at namatay sa pagtatanggol sa bayan.”
Isagani: At isa namang paraiso ang makapiling ang isang tulad mo, Paulita. (maglalapit ang mukha nila)
Donya Victorina: Paulita ano ba yan? Gabi na. Tayo ay uuwi na at baka ika’y sipunin.
Paulita: Sandali lamang Tiya. Isagani, masaya akong muli tayong nagkasama. Paalam.
Isagani: Hahanap ulit ako ng panahon upang muli tayong makapag-usap. Sige ako rin ay aalis na. Paalam.
=SCENE 19: PIGING NG MGA MAG-AARAL=
Mag-aaral: (nagsasaya)
Makaraig: Ating lasapin ang sandaling ito! Luwalhati kay Don Custodio dahil sa kaniyang katusuhan at
pancit sa lupa para sa mga binatang may mabubuting kalooban!
Mag-aaral: (maghihiyawan)
Sandoval: Eh bakit naman kasi tinutulan ni Don Custodio ang ating kahilingan?
Tadeo: Tama na yan!Tama na yan! Wag na nating intindihan yan. Tapos na iyan! Ang mabuti pa ay
magdiwang lang tayo.
Isagani: (dadating)
Sandoval: Nasaan nga pala si Juanito? Lampas na siya sa oras ng ating pagkikita.
Tadeo: Dapat si Basilio na lamang ang ating inimbitahan imbis na si Juanito. Kapag nalasing natin si
Basilio, mapagsasalita natin siya tungkol sa isang batang nawawala at sa isang mongha.
Makaraig: Tana! Lalamig ang pagkain! Ito. Ang pansit langlang ay isang sopas na mayroong mga espesyal
na halo. Ihandog natin kay Don Custodio ang mga buto. Sa karangalan ni Don Custodio, ay binibiyagan
ko ang panukalang sopas!
Mag-aaral: (nagtawanan)
Sandoval: Ito naman ang lumpiyang intsik na makintab ang labas at baboy ang loob. Ito ay handog natin
kay Padre Irene.
Mag-aaral: (naghiyawan)
Pecson: Ito naman ay ang tortang alimango na iaalay sa mga prayle dahil sa kanilang pagkaalimango. Ito
ay tatawagin nating tortang prayle.
Tadeo: Ito naman ang pansit gisado na pagkaing Pilipino nga subalit mga intsik naman ang nagluluto at
kumakain. Lahat ay nakikinabang sa bayan at pamahalaan. Subalit walang bayang pa ang sasama pa sa
Pilipinas!
Sandoval: Huwag kayong masyadong maingay. Maraming mata ang nagmamanman sa atin.
Pecson: (titingin sa bintana) Tingnan niyo!Tingnan niyo! Tinitiktikan tayo ng paborito ni Padre Sibyla.
Sandoval: Oo nga. Pero bakit siya sumakay sa sasakyan ng mag-aalahas na si Don Simoun?
Basilio: (makikita ang mga paskin at makakasalubong si Sandoval) Sandoval! Ano ang tungkol dito sa
mga paskin?!Sandoval!
Basilio: (makakasalubong si Tadeo) Kayo ba ang naglagay ng mga paskin? (kukunin ang isang paskin sa
dingding)
Tadeo: Wala na tayong pasok! Haha! Tayong mga kasapi sa Akademya ay ikukulong lahat!
Tadeo: Oo naman! Walang pasok kapag nasa kulungan ka! Walang pasok! Walang pasok! (aalis)
Juanito: Wala! Wala akong kinalaman sa Akademya ! Hindi ako nakikilahok sa samahan! Wala akong
kinalaman! (aalis)
(lalabas si Makaraig)
Guardia Civil 3: Sumama ka sa amin ngayun din! (Hahawakan si Basilio ng dalawang Guardia Civil)
Basilio: Teka, anong ginagawa niyo? Hindi ninyo ako pwedeng dakpin! Huwag
Basilio: (magpupumiglas)
=SCENE 21: MGA SIGALOT=
Tsismosa 1: Nabalitaan niyo ba? Kinuntiyaba raw ng mga kabataan ang mga tulisan sa San Mateo!
Tsismosa 3: Naku mabuti pa umuwi na tayo at isara ang mga bintana at pinto!
Sandoval: Isagani!
Isagani: Anong ginagawa mo rito? Baka mahuli tayo. Alam mo namang mainit tayo sa pamahalaan
ngayon.
Guardia Civil: (susulpot) Ikaw pala ang matalinong makata na kasapi sa Akademya! Kung gayon sumama
ka sa amin.
Sandoval: Paumanhin Isagani. Papatayin raw nila ako kapag hindi ko tinuro ang kinalalagyan mo.
Basilio: (hirap na hirap at duguan) Huli! Iligtas mo ko! Parang-awa mo na! Huli! Huli!
Tsismosa 2: Ay kaawa-awang bata. Bali-balitang pinatawan siya ng parusa. Marahil ngayon ay patay na
siya.
Hermana Penchang: Pinarusahan ng Diyos! Parusa ng Diyos ang pagkakabilanggo kay Basilio sapagkat
hindi siya marunong mag-antanda at magdasal!
Tsismosa 1: Tumigil nga kayo! Nakulong na nga si Basilio. Ibig sabihin ay kasapi siya doon.
Tsismosa 2: Kung gusto niyo, dalawin niyo pa sa bilangguan nang magkaalaman tayo! Siguradong puro
latay na ang kaniyang katawan.
Huli: Ano? !Ikinulong si Basilio?Ikinulong ang aking katipan? Ikinulong... Ikinilong...(hihimatayin bigla)
Hermana Penchang: Huli! Kumuha kayo ng tubig magmadali! Susmaryosep Huli! (pagkakaguluhan)
(sa bahay)
Huli: Maraming salamat Hermana Bali. Subalit paano ko matutulungan si Basilio upang siya’y makalaya?
Huli: Sino?
Huli: Ayoko! Natatakot ako sa kaniya. Noong kausap ko siya nang magpunta ako sa kumbento, kakaiba
ang mga titig niya sa akin.
Hermana Bali: Huli wala ng ibang paraan! Kahit anong oras ay maaaring bitayin si Basilio! Hahayaan mo
na lamang bang mamatay ang iyong katipan?
(sa kumbento)
(papasok sa kumbento)
Padre Camorra: Ay ganoon ba. Sige hayaan mo muna kaming dalawang mag-usap.
Huli: Hermana...
Padre Camorra: Naku hija mahirap ang iyong hinihingi. Kalaban ng pamahalaan ang mga katulad ni
Basilio. Papayag lamang ako kung gagawin mo ang ipag-uutos ko.
Huli: (sasampalin si Camorra) Mahalay! Itim ang budhi! Hinding hindi ko gagawin ang pinapagawa mo!
Padre Camorra: Huwag ka ng pumalag! Hindi ba’t gusto mong mapalabas ng kulungan si Basilio?
(tatangkaing gahasain)
Huli: (magpupumiglas)
Hermana Bali: (papasok) Huli anong nangyayari? Huli! (Tatakbo palapit) Napakawalanghiya mo! Alagad
ka pa naman ng Diyos! (hahampasin paulit-ulit si Camorra)
Padre Camorra: Manahimik ka! (sasampalin ng malakas si Hermana Bali)
Padre Camorra: Huli nasaan ka? (makikitang wala si Huli) Huli? Huli?
Babae (extra): Jusko! Patay na si Huli! Patay na si Huli! Patay na si Huli! (nagwawala)
Tsismosa 2: Marahil ay hindi na niya kinaya ang lahat ng dagok na dumating sa kanilang pamilya.
=SCENE 23: PAGLAYA NG MGA MAG-AARAL=
Guardia Civil: Kayong lima laya na! (Pecson, Tadeo, Sandoval, Isagani, Makaraig)
Guardia Civil: Wala siyang tagapagtanggol at pantubos kaya dito muna siya.
Isagani: Kaibigan ko siya. Hindi ako lalaya kung hindi siya kasama.
Guardia Civil 1: At wala ng sasakit pa sa kaparusahang malaman mo na ang iyong katipan ay patay na.
Juanito: Anong mahal ko? Huwag mo nga siyang hawakan! Wala na kayong ugnayan ni Paulita. Hindi ka
na niya mahal!
Isagani: Ngunit sinasabi niyang hindi mo na raw ako mahal. Totoo ba iyon? Sabihin mong hindi ito totoo.
Sabihin mo!
Paulita: Bakit ka ba nanggugulo rito? Wala na tayong ugnayan. Nagkamali pala ako na ikaw ay ibigin. Na
ibigin ang isang bilanggong katulad mo!
Isagani: Paulita, sana maintindihan mo ako. Para sa bayan ang aking ginawa.
Paulita: Ayokong maging bahagi ng buhay ng isang taong hangal. Isa pa, mas matimbang sa akin si
Juanito, masayahin, maliksi, may dugong Kastila at anak ng isang mayaman. Ikaw? Ano ang iyong
maipagmamalaki? Isa ka lamang hamak na probinsyano at Indiyo!
Juanito: Narinig mo na? Ikakasal na kami ni Paulita. Wala na kayong ugnayan kaya umalis ka na!
Isagani: Paulita, sabihin mong mali ang lalaking ito! Nangako tayo sa isa’t isa!
Paulita: Kung ayaw mong umalis kami ang aalis. Juanito tayo na. (aalis kasama si Juanito)
Utusan: Tinubos ko na po siya sa piitan gaya ng inyong ibinilin sa akin. Sinabihan ko rin siya na pumunta
dito ngayong umaga.
Simoun: Bueno. Iwan mo muna ako dito at kapag dumating si Basilio ay papasukan mo siya.
Utusan: (aalis)
(dadating si Basilio)
Simoun: Basilio? Basilio! Anong nangyari sa iyo? Bakit kakaiba na ang iyong hitsura?
Basilio: Ako’y isang masamang anak at kapatid. Hindi ko man lamang naipaghiganti ang kamatayan ng
aking kapatid at paghihirap ng aking ina. Ngayon ay handa na akong gantihan ng sama ang kapwa sama.
Ako’y nakalaang maglingkod sa inyo kasama ng lahat ng sawimpalad.
Simoun: Magtatagumpay na sana ang unang himagsikan subalit ako noon ay umiibig pa rin kay Maria
Clara. Ngayon na siya’y pumanaw na, hindi na akong mag-aatubili pang ibaon sa hukay ang lahat ng mga
tampalasang nagdala ng pighati sa aking buhay. Lahat ng inabuso at binaboy, ang aking ama, ang iyong
kapatid at ina na sina Crispin at si Sisa, ang matalik kong kaibigan na si Elias, si Huli, lalung-lalo na si
Maria Clara, lahat sila ay ating ipaghihiganti! Heto, iyong pagmasdan (ipapakita ang lampara)
Simoun: Ito ang maghuhudyat ng pagsisimula ng madugong himagsikan. Mamayang gabi ay may
magaganap na piging na dadaluhan ng maraming marurungis na tao. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna
ng hapag. Kapag lumamlam ang liwanag, itataas nila ang mitsa na magpapagalaw sa mekanismo sa loob
nito na magpapasabog sa dinamita.
Simoun: Walang buhay na dapat itira. Ang lahat ng dumi ay dapat linisin! At hindi lamang ito basta-
bastang Nitrolicerina. Ito ay likha sa mga luhang naipon at poot na kinimkim.
Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang kinasundo
ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na
susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang
mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura.
Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina!
Ang lahat ng hindi handa!
Basilio: Lahat? Kahit iyong mga walang laban?
Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimula muli. Mula
sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit kailan ay hindi na
magpapa-api!
Basilio: Subalit, ano naman ang sasabihin ng daigdig sa ganiyang mga pagpatay?
Simoun: Ang daigdig ay papalakpak. Tulad ng pagpalakpak ng Europa nang patayin ang angaw-angaw na
Indiyo sa Amerika.
Basilio: Kung sa bagay. Ano nga naman sa akin kung pumalakpak man sa akin o hindi ang daigdig kung
ang daigdig naman ay wala namang tingin sa mga api at mahihirap.
Simoun: Iyan ang gusto kong marinig mula sa iyo! Tama lang talaga na ikaw ang aking piliin! Heto ang
rebolber. Sa ganap na ika-10 ng gabi na magtungo ka sa simbahan ng San Sebastian para sa huling
tagubilin. Sa ganap na ika-9 naman ay dapat na lumayo kayo, malayung-malayo sa Anloague. Hihintayin
kita Basilio.
Tsismosa 3: Kahit naman ako ay hindi ako papakasal sa isang ipiniit sa bilangguan at gumawa ng
karumal-dumal na pangyayari sa bayan.
Tsismosa 4: Oh ayan na pala sina Donya Victorina at Paulita! Tara makiusosyo tayo!
Donya Victorina: Ang ganda-ganda talaga ng aking pamangkin! Manang-mana sa tiya! Magnifico!
Padre Irene: Sa ngalan ng ama, ng anak at ng espirito santo. Amen. Nagtipun-tipon tayong lahat upang
saksihan ang pinakamahalagang araw sa buhay nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez. Juanito,
tinatanggap mo ba si Paulita bilang iyong kabiyak at ipinapangakong kayo ay magsasama sa hirap at
ginhawa habang buhay hanggang kamatayan?
Padre Irene: Ikaw naman Paulita, tinatanggap mo ba si Juanito bulang iyong kabiyak at ipinapangakong
kayo ay magsasama sa hirap at ginhawa habang buhay hanggang kamatayan?
Padre Irene: Ngayon, kayo Juanito Pelaez at Paulita Gomez ay kasal na! Pagpalain nawa kayo ng Diyo sa
inyong pagsasama! Mabuhay ang bagong kasal!
Don Custodio: (kinakamayan ang mga nagsisidatingan) Magandang gabi! Magandang gabi! Tuloy lamang
kayo.
Donya Victorina: (kakamayan si Don Custodio) Magandang gabi Don Custodio, mabuti ay pinaunlakan
mo ang aming paanyaya.
Don Custodio: Siyempre naman Donya Victorina, hindi ko palalampasin ang sandaling ito. Alam mo
naman na kung nasaan ang enggrandeng piging, ay naroon ako.
Donya Victorina: Magandang gabi mga padre! Halina at magtungo na tayo sa loob.
Basilio: (nasa tapat ng bahay) Hayaang magbayad ang mga mabubuti kasama ang mga masasama. Hindi
ako magsusumbong , alagad ako ni Simoun.
Simoun: (darating)
(Sa loob)
Paulita: Naku nag-abala pa kayo. Kay gandang lampara. Maraming salamat po.
Juanito: Mabuti pa nga! Sayang naman ang kagandahan (ilalagay ang lampara sa gitna ng mesa)
Simoun: Paulita, nais ko pa sanang magtagal subalit mayroon akong kliyenteng nais bumili ng aking
alahas na kailangan kong katagpuin.
(Sa labas)
Basilio: Hindi ako masamang tao! Kailangan ko silang iiligtas! (tatakbo papunta sa pinto)
Bantay: Bawal kang pumasok dito! Tingnan mo nga iyang suot at hitsura mo!
Simoun: (lalabas) Basilio, sa Escolta magmadali! May sindi na ang lampara! (pabulong)
Basilio: (kakaripas ng takbo at makikita niya si Isagani) Isagani anong ginagawa mo rito? Halika na,
lumayo na tayo sa bahay niyan!
Basilio: Gusto mo pa bang mabuhay? May lampara sa loob ng bahay na mayroong dinamita. Kapag iyon
ay sumabog, lahat tayo ay mamamatay!
Isagani: Hayaan mo muna akong makita siya kahit sa huling sandali. Bukas ay iba na siya.
Isagani: (tatakbo din pero maiisip niya na naroon si Paulita kaya papasok siya sa loob ng bahay.)
(sa loob)
Mga tao: Ano itong papel na ito? Anong ibig-sabihin nito? (pasa-pasa ang papel)
Don Custodio: Isang pilibusterong matagal nang patay. Ito’y masamang biro.
Padre Salvi: (takut na takot) Siya nga!Totoo nga! Ang lagdang ito ay kay Crisostomo mismo!
Don Custodio: Hindi kaya ay ibig sabihin niyan ay papatayin tayong lahat ngayong gabi?
Kapitan-Heneral: Padre Irene, nawawala na ang ilaw ng lampara, itaas ang mitsa.
Padre Irene: (itataas ang mitsa pero mabilis na kukunin ni Isagani ang lampara)
Tales: (kasama ang mga tulisan ay lalabanan ang mga guardia civil)
Guardia Civil 1: May matanda ritong nag-aagaw buhay! Marahil ay isa itong tulisan! (sinaksak)
Guardia Civil 2: Hoy Carolino! Wala ka na bang ibibilis diyan? Iligpit mo na ‘to! Maya-maya’y patay na rin
ang matandang ito. (aalis)
Carolino: Lolo!!!
=SCENE 28: WAKAS=
Padre Florentino: (nagpipiano nang biglang pumasok si Simoun na duguan at nanghihina) Ginoong
Simoun! Ano ang nangyari sa iyo? (tatawagin ang utusan) Dalhin mo siya sa silid.
(sa silid)
Simoun: Kaunti lamang po. Subalit sa ilang sandali ay matatapos na rin ang paghihirap ko.
Simoun: Wala ng lunas sa lasong aking ininom. Hinding-hindi ako magpapadakip. Patay, opo;buhay,
hindi!
Simoun: Wala nang mangyayari! Nag-aaksaya lamang kayo ng panahon! Mamamatay ako dala ang aking
lihim
Simoun: Ako si Crisostomo Ibarra. Labintatlong taon na ang nakararaan magmula noong ako’y bumalik
mula sa pag-aaral sa Europa upang gumawa ng mabuti para sa bayan at pakasalan ang aking irog na si
Maria Clara. Subalit, lahat ng ito ay nawala nang idawit nila ako sa kaguluhang wala akong kinalaman.
Tumakas ako dala ang kayamanan ng aking mga magulang, nagpayaman at bumalik upang maghiganti sa
mga nang-api sa akin at sa aking mahal sa buhay.
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay
nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindi nagtagumpay ang
iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang
kapasyahan.
Simoun: Ang ibig ninyong sabihin, gusto ng Kaniyang kalooban na mangyari ang mga ito?
Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man ay hindi Siya naghangad
ng masama para sa atin.
Padre Florentino: Sapagkat hindi Niya nais ang paraang iyong ginawa. Hindi kailanman mapapawi ng
kasamaan ang isa pang kasamaan. Walang nalilikha ang poot kundi krimen at mga kriminal. Tanging pag-
ibig lamang ang makapagliligtas! Ang kalihtasan ay nasa kabaitan, ang kabaitan ay pagpapakasakit at ang
pagpapakasakit at pag-ibig.
Simoun: (nagpatuloy sa pagkukumpisal.) Maraming salamat padre! Ngayon ay payapa na ang aking
kalooban (Pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino pero unti unti na itong mawawala sa
pagkakahawak)
Padre Florentino: (kukunin ang maleta) Nawa’y makasama mo na ang iyong mga mahal sa buhay na
namayapa sa paraiso kung saan hindi ka na maghihirap. (ihahagis sa dagat ang maleta) Malibing ka nawa
sa kailaliman ng dagat… ngunit kung kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin,
ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi
makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman. (aalis si Padre Florentino)
*WAKAS*