Araw ng mga Patay - Mga Banta ng Unos
(dalawang lalake naghuhukay)
Sepulturero 2: (dumura sa kadirian sabay sutsot sa sigarilyo)Sa ibang lugar na tayo maghukay. Ito’y
bagung-bago pa at sariwangsariwa..
Sepulturero 1: (Napakaselan mo naman. Di lalo na kung ang inutusang humukay ng bangkay na
dalawampung araw pa lamang naililibing.
Sepulturero 2: At bakit mo naman hinukay ang bangkay? (napatigil sa paghuhukay)
Sepulturero 1: aba, e iyon ang utos sa akin ng kurang malaki! At ang sabi e dalhin ko sa libingan ng mga
intsik!
Sepulturero 2 : o, naibaon mo naman sa lugar ng mga intsik?
Sepulturero 1: (nagpunas ng pawis) (tumigil sa paghuhukay) dahil sa kabigatan at kalayuan din naman
e…tumigil ka na nga ng kakatanong at baka hindi natin ito matapos. (ipinagpatuloy ang ginagawa)
(may dumating na karwahe…bumaba si Ibarra kasama ang isang utusan)
Utusan: sinabi po ni Kapitan Tiyago na siya na ang magpapagawa ng nitso. Ngunit tinamnan ko po ng
bulakalak at nilagyan ng krus ang puntod.
(naghanap ang utusan ng mga bakas ng lupa ngunit walang krus saanman dako)
Ibarra: (tumingin ng malungkot sa utusan)
Utusan: natatandaan ko po ang libing. May sakit noon ang tagapaglibing kaya ang kasama niya ang
naghuky. Tanungin natin siya. (nilapitan ang sepulturero)
Utusan: masasabi ba ninyo sa amin ang libing na may tandang krus na malaki?
Sepulturero 1: Iyon po bang may dibuhong inukit at natatalian ng yantok? Iyong may mga tanim na
Adelfa, sampaagita at pensamyento?
Utusan: Iyon nga!
Sepulturero: aba, e sinunog ko na po iyon.
Utusan; Sinunog?! At bakit niyo iyon ginawa?!
Sepulturero 1: eh…(kamot sa ulo) iyon po ang utos ng kurang malaki, at ang bangkay ay wala na po
riyan.
Ibarra: Kung wala dito ang patay..eh saan mo naman dinala?!
Sepulturero 1: May ilang buwan na pong ipinahukay ng kurang malaki upang ilipat sa libingan ng mga
intsik. Umuulan noon at totoong mabigat ang bangkay kaya….
Ibarra: ( Sinunggaban ang sepulturero) At ginawa mo naman iyon?!
Sepulturero: huwag kayong magalit ginoo. Hindi ko siya inilibing sa libingan ng mga intsik. Ninais ko
pang siya’y malunod kaysa sa mapasama sa mga Intsik kaya itinapon ko sa tubigm ang bangkay.
Ibarra: Ikaw ay sawimpalad! (binitawan ang sepulturero at tumakbo)
(pagkalingon ay nabangga si padre Salvi)
Ibarra: Ikaw!!! Ano ang ginawa mo sa aking ama?!
Padre Salvi: nagkakamali ka, wala akong ginagawang ano man sa iyong ama!
Ibarra: (sinunggaban ang kura) Kung hindi ikaw ay sino?! Sino ang may kagagawan noon?!
Padre Salvi: Ang aking hinalinhan…si Padre Damaso!
Ibarra: (napatigil) Ah!!! (binitawan ang kura) (exit)
Utusan: (inalayan ang kura) Pagpasensyahan na po ninyo Padre Salvi..
Padre Salvi: nauunawaan ko…
Ang mga Sakristan
(background: kampanaryo)
(tunog ng kampana)
Basilio: batakin mong maigi Crispin, bakaa sabihin ng Sakristan mayor na tinatamad tayo..
Crispin: Paano, eh nanghihina na ako kuya..
(pagkatapos ng tatlong pagbatak sa kampana ay tahimik na nagpahinga ang dalawa)
Crispin: Kuya Basilio, magkano ba ang sasahurin mo sa buwang ito?
Basilio: Dalawang piso lang, dahil ako’y minultahan.
Crispin: eh kuya…bayaran mo na lang kaya ang sinasabing ninakaw ko. Bayaran mo na ha?
Basilio: Naloloko ka na ba? Ano ang ibibili ng pagkain ni inay? Dalawang onsa ang ibinibintang nila sa iyo.
Iyon ay katumbas ng tatlumpu’t dalawang piso.
Crispin: kung ako nga ang kumuha noon eh mailalabas ko, pero talagang wala akong ninakaw..(umiiyak)
Basilio: (niyakap o inakbayan ang kapatid) Tahan na crispin, hindi naman maniniwala si inay na
nagnakaw ka eh…(pinunasan ang luha ng kapatid)
Sakristan Mayor: Ikaw! ikaw basilio ay minumultahan ko ng kalahati dahil sa hindi tama ang iyong
pagtugtog, at ikaw crispin, (hinatak si crispin patayo) maiiwan ka dito hanggang di mo inililitaw ang iyong
mga ninakaw!
Basilio: (inawat ang sacristan mayor) Pero ginoo! Sanlinggo na po ngayong di naming nakikita ang aming
ina!
Sakristan mayor: Tumabi ka diyan!!!
Basilio: parang awa niyo na po!
Crispin: (umiiyak)
Sakristan Mayor: ang tigas ng ulo mong bata ka!!! (sinampal si basilio) (umalis at kinaladkad si Crispin)
Crispin:Huwag po! Maawa kayo! Kuya!! Inay!!! Kuya!!!
(exit sacristan mayor and Crispin) (sound effects:mga kalabog,tampal,hiyawan,impit na daing)
Basilio: (umiiyak) (tumayo at naghanap ng paraan upang makatakas) (nag-iisip) Kung makapag-aararo
lang ako’y hindi naming sasapitin ito. Paano kaya ako makakauwi nang di nila namamalayan…ah..alam
ko na! (kinuha ang isang lubid at itinali ito sa baywang) (nang nakalabas na…)
Basilio: (palingon-lingon habang tumatakbo)
Mga 2 gwardiya: QIEN VIVE!!!(nakita si Basilio) (putok ng baril)
Basilio: (natumba)
Sisa - Basilio
Sisa: (kumakanta habang naghahanda sa mesa)
Asawa ni sisa: (pumunta sa mesa at kumain)
(pagkatapos kumain)
Sisa: (habang pinagmamasdan ang kanyang asawa) Hindi mo ba hihintayin aang mga anak mo? Ayon kay
Tandang Tasyo, si Crispin ay nakababasa na at marahil, mag-uuwi ng kanyang sahod si Basilio.
Asawa: Kung gayon, ipagbukod mo ako ng piso. (exit)
Sisa: (napaupo at napaiyak si sia habang pinagmamasdan ang mga naubos na mga pagkain) (tumayo
agad at nagluto ulit)
Sisa: Darating na nga pala ang mga anak kong mababait. Tiyak gutom na ang mag iyon. Kailangang
maipaghanda ko sila ulit ng makakain… (biglang may kumatok)
Basilio: nanay! Buksan niyo ang pinto! Buksan niyo ang pinto!
Sisa: (napatigil muna at saka dali-daling pumunta sa pinto)
(pagbukas ng pinto ay bumagsak si Basilio sa bisig niya)
Sisa: Anak ko…anong nangyari…
Basilio: Huwag po kayo matakot inay…si Crispin po ay naiwan sa kumbento.
Sisa: Siya ba’y buhay? Teka bakit ka may sugat?! Halika nga dito…at ating gagamutin
(umupo ang dalawa)(kumuha si Sisa ng panglinis sa mga sugat)
Basilio: (naghihingalo) (habang pinupunasan ng kanyang ina) ako po’y nagtanan, inang, nang kaladkarin
ng sacristan mayor si Crispin
at ayaw akong paalisin kundi ikasampu ng gabi. Nakasalubong ko sa bayan ang ilang kawal at nang
sigawan ako ng “qiuen vive”, ako’y
tumakbo. Pinaputukan nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo.
Sisa: Sadyang walang puso ang mga guardia civil!
Basilio: bukas po, sunduin niyo na si Crispin. Kunin na rin po ninyo ang aking sahod at sabihing ayaw ko
nang magsakristan.
Makikiusap na lamang ako kay Don Crisostomo Ibarra na tanggapin akong tagapastol ng kaniyang baka
at kalabaw at si Crispin naman ay mag-aaral kay Mang tasyo..di ba mainam iyon inang?
Sisa: (niyakap ang anak) Oo anak…
Mga Kaluluwang Nagdurusa
Sisa: (papasok na sa kumbento dala2 ang mga gulay) magandang araw sa inyo..ahmmm..saan ko po
pwedend ilagay ang mga ito?
Tagaluto: (habang abala sa pagluluto) diyan…kahit saan diyan.
Sisa: Maari po bang makausap ang kura?
Tagapagluto: Hindi maaari, may sakit ang kura.
Sisa: kung gayon, makita ko man lamang si crispin.
Tagapagluto: huwag mo nang ipagkaailang si crispin ay nasa inyong bahay,
Sisa: Si basilio ay nasa bahay subalit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang makita…
Tagapagluto: naiwan ngunit nagtanan din pagkatapos magnakaw ng maraming baagay. Baka hinahanap
na iya ng mga gwardia civil sa inyong bahay. Mabuti kayong asawa pero ang mga anak mo ay mana sa
inyong asawa! Hala! Doon ka nga sa labas mag-iiyak! Sulong! (tumaakbo si sisa)
(nadatnan niya ang mga gwardiya civil sa kanilang dampa)
Guwardya 1: Ikaw pala si sisa. Nasaan ang mga ninakaw ng iyong mga anak?
Sisa: ninakaw? Wala po akong nalalaman sa mga sinasabi ninyo!
Gwardya 2: Huwag mong ikaila at sasamain ka naming! Naparito kami upang hulihin ang mga anak mo.
Saan mo sila itinago?
Sisa: ginoo..matagal ko nang hindi nakikita si Crispin!
Gwardya 1: bueno, isauli mo na lang ang mga ninakaw nila at pababayaan ka na naming makalaya.
Sisa: Ginoo! Hindi po magagawa ng mga anak ko ang magnakaw!
Gwardya 1: ganoon ha! Hala, sumama ka sa amin. Hindi ka makakalaya hanggang hindi ibinabalik ang
mga ninakaw ng mga anak mo! (Isinama ng mga gwardya si sisa)
Ang Karanasan ng Isang Guro
Samantala sa kbilang dako, sa isang gulod…
Guro: Dito po itinapon ang bangkay ng inyong ama. Dito kami dinala ng tagapaglibing.
Ibarra: maraming salamat sa pagtuturo ng lugar na ito!
Guro: wala po kayong dapat na pasalamatan sa akin. Marami po akong utang na loob sa inyong ama at
ang tanging nagawa ko’y ang sumama sa kanyang libing. Dahil sa kanyang pagtulong ay maraming mga
bata ang natuto subalit ngayon ay…dalawampu’t lima lamang ang pumapasok.
Ibarra: kung gayon pala ay kailangan kong ipagpatuloy ang mga balak ni ama. Mas mabuti ito kaysa
ipaghiganti ko siya.
Guro: ang ibig mong sabihin ay…
Ibarra: (tumango-tango)
Guro: maraming salamat! Ngayon pa’y nasisiguro kong marami ang magnanasang mag-aral. Salamat!
Ibarra: maari ko bang malaman ang mga balakid sa iyong pagtuturo?
Guro: opo…una, walang pangganyak o pang-akit ang mga batang nag-aaral. Ikalawa, ang kakapusan ng
mga pangangailangan at iba
pang alalahanin. Walang mapapala ang mga bata sa wikang Kastila na hindi nila nauunawaan.
Ibarra: Ngunit, bakit hindi niyo nilapatan ang gayong kasamaan?
Guro: sapagkat ako’y nag-iisa lamang nakikibaka sa mga maling palagay. Wala kaming bahay-paaralan.
Nagliliksiyon lamang kami sa silong ng kumbento. Pinasukan ko ang bagong pagtuturo. Sinimulan kong
ituro ang wikang kastila. Gumamit ako ng isang paraang magaan at ito’y naging mabisa. Ngunit
ipinatawag ako ni padre Damaso. At ako’y nilait at sinabihang huwag gamitin ang wikang
kastila sapagkat ito raw ay hindi para sa mga katulad ko. Hindi na ako nangatwiran pa sapagkat ito’y
maaring ikawala ko ng hanapbuhay at magagalit ang lahat sa akin.
Ibarra: at dahil sa ganitong balakid, nawalan na kayo ng pag-asa?
Guro: buhat nang ako’y alispustain ng pari, sinuri ko ang aking sarili at natuklasan kong ako’y
mangmang.Itinigil ko ang paggamit ng pamalo ngunit ako’y ipinatawag ng kura at ipinagamit muli sa akin
ang pamalo at kung hindi ay isusumbong ako sa alkalde.
Ibarra: huwag kayong masyadong mag-alala. Inaanyayahan ako ng tinyente mayor na dumalo sa pulong
sa tribunal. Baka sakaling malutas ang inyong suliranin doon.
Sisa: Basilio!!! Crispin!!! Mga anak ko!!! Nakita niyo ba mga anak ko?! Nakito niyo ba ha?! Eh bakit ayaw
niyong sumagot?!….(tawa) mga anak!! Nagluto si nanay ng tuyong tawilis at tapang baboy-ramo…huh?!
Crispin! Basilio! Mga anak ko! Andun sila oh! Nakita niyo ba!! (tawa) Mga basilio!!! Crispin!! Hintayin
niyo ang nanay!!!Andiyan na ako!!
Liwanag at Dilim
(sa terrace o balcony…)
Ibarra: bukas bago maagbukang-liwaywaay ay mangyayari ang iyong nais. Ihahanda ko ang lahat
ngayong gabi upang walang magkulang.
Maria Clara: kung gayon ay sulatan mo ang aking mga kaibigang dalaga upaang dumalo. Sikapin mong
huwag makadalo ang kura.
Ibarra: at bakit???
Maria Clara: Palagay ko’y binabantayan niya ako. Natatakot aako sa mga matatalim at malulungkot na
matang nakatitig sa akin. Sa kaniyang pakikipag-usap, hindi ko siya maunawaan. Itinatanong niya sa akin
kung napapaginipan ko raw ang mga sulat buhat sa aking ina. Sa wari ko siya’y baliw. Tiyakin mong di
siya kasama.
Ibarra: Naiintindihan kita ngunit sa palagay ko’y naging kaugalian na natin ang imbitahin ang kura sa
tuwing may kasiyahan. At isa pa’y naririto siya sa inyong tahanan ngayon at nagpamalas naman siya ng
kabutihan.
Padre Salvi: (pasok) Malamig ang hangin… (naglingunan ang dalawa)
Padre Salvi:…ang dapuan ngayon ng sipon ay di gagaling agad.
Ibarra: Para sa amin po’y hindi. Ang gabi ay kalugod-lugod at ang hangin ay masarap.
(maria Clara ay bumulong kay Ibarra atsaka umalis)
Ibarra: Ahh..nais ko anyayahin sa kasayahang pambukid na aming inihanda para bukas.
Padre Salvi: Maraming salamat…susubukan kong makadalo sa kasiyahang iyon.
Ibarra: Aasahan ko ang inyong pagdalo.