You are on page 1of 1

BIOGRAPHY

Si Bb. Mary Faith U Madayag ay nagtapos ng


Bachelor of Science in Civil Engineering, suma
cum laude at Mater of Engineering in Civil
Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas noong
2025. Nag-aral din siya ng "Interior Designing"
at marami na itong natamong mga parangal sa
iba't ibang bansa dahil sa angkin nitong galing
sa pagpapatayo, pagpapatibay, at
pagdedesensiyo ng mga gusali katulad na
lamang ng karangalang natamo niya sa New
York City bilang isa sa mga matagumpay at kilala na Arkitekto sa
buong mundo. Nakadalo na siya sa iba’t- ibang kumprehensiyang
pangguro sa Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa tulad ng Japan,
Singapore at America. Siya ay nagtrabaho bilang isang Junior
Engineer ng tatlong taon sa isang Architectural firm na Aidea
Philippines Inc. Nagtrabaho din siya bilang head engineer ng
AECOM sa America at naging Head engineer din siya ng Barcelona,
kung saan sikat na sikat ang mga makabagong disenyong pang
Arkitektura. Ilan sa mga kliyente niya ay ang malalaking kumpanya
katulad ng SM Development Corporation, Ayala Corporation, San
Miguel Corporation, Accenture at iba pa. Marami na siyang naiambag
hindi lamang sa ating lipunan, pati na rin sa iba't ibang bansa, katulad
ng mga sikat na gusali, museo, tulay at mga kabahayan. Siya rin ang
kauna unahang arkitektura na nakapagpatayo ng Eiffel Tower sa
Pilipinas at siya rin ang nagpatayo ng itinaguriang pinakamalawak na
gusali sa Pilipinas, ang Mall of Philippines. Siya ngayon ay kabilang
sa NGO na tumutulong sa mga mahihirap na bata sa Pilipinas.
Nakapagpatayo at nakapagbigay na rin siya ng bahay sa mga
nasunugan at nasiran ng tahanan dulot ng bagyo.

You might also like