You are on page 1of 9

AKBAY-ALALAY FOUNDATION

“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”


Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

ADYENDA NG PULONG

PETSA: Ika-17 ng Setyembre 2021


ORAS: 1:30 n.h. – 2:00 n.h.
LOKASYON: Microsoft Teams Virtual Meeting
PARA SA: Miyembro ng Pangkat 6
MULA KAY: Bb. Raiza Mae B. Bayer

PAKSA/LAYUNIN:
Makabuo ng konkretong konsepto para sa ilulunsad na panukalang proyekto at bahagihin
ang mga kailangan gawin upang maisagawa ito.

ADYENDA:
1. Pagsisimula at pagpapakilala ng isa’t isa.
2. Talakayin ang mga bahagi ng panukalang proyekto.
3. Pagpapalitan ng mga ideya o brainstorming para sa paksa ng panukalang proyekto.
4. Hatiin ang mga gawaing dapat itakda
a.) Logo ng organisasyon
b.) Poster ng panukalang proyekto
c.) Pangunahing bahagi ng panukalang proyekto
AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

KATITIKAN NG PULONG

Akbay-Alalay Foundation
Espesyal na Pulong 2021-1
PETSA: Ika-17 ng Setyembre 2021
LOKASYON: Microsoft Teams Virtual Meeting

NAKADALO:
▪ Bb. Raiza Mae B. Bayer
▪ Bb. Alexis Cristobal
▪ Bb. Nicole Anne Dela Rosa
▪ Bb. Ishi Brile M. Sierra
▪ Bb. Angelika Ella O. Tejuco
▪ G. Justin Dominick T. Villalon

DI NAKADALO:
▪ Bb. Tanya Mae P. Querol
▪ Bb. Marielle Jeanette J. Sanchez

PANUKALANG ADYENDA:
▪ Makabuo ng plano para sa proyekto
▪ Maitakda ang kani-kaniyang tungkulin ng miyembro para sa awtput

1. Ang pagpupulong ay pinangunahan ni Bb. Raiza Mae B. Bayer, ang lider ng pangkat,
sa ganap na 1:30 n.h. sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakilala.
2. Inilathala ng mga miyembro ng pangkat ang kani-kanilang mga ideya at naiisip na
paksa para sa panukalang proyekto. Iminungkahi ni Bb. Angelika Ella O. Tejuco ang
pagkakaroon ng isang collection drive ng mga plastic, styrofoam, at iba pang mga
hindi nabubulok na basura at gawin ang mga itong ladrilyo. Samantala, inilahad
naman ni Bb. Alexis Cristobal ang pagsasagawa ng mga pantas-aral at palihan na
AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

nagsusulong sa pagiging digitally literate ng mga senior citizens. Ang ideya naman ni
G. Justin Dominick Villalon ang pagpapatupad ng mga pantas-aral upang maturuan
ang mga kabataan ng basic first aid.
3. Sa pamamagitan ng isang poll, napagkasunduan ng pangkat na ang konsepto ni Bb.
Alexis Cristobal ang gagamitin para sa proyekto.
4. Napagdesisyunan ng pangkat na ang magiging pangalan ng organisasyon ay
“Akbay-Alalay Foundation” at ang pangunahing layunin ng organisasyon ay
umalalay, anumang paraan na posible, sa mga mamamayang Pilipino tungo sa
maunlad na kinabukasan.
5. Ang proponent at poster ng proyekto at logo ng organisasyon ay lilikhain nina Bb.
Raiza Mae B. Bayer at Bb. Marielle Jeanette J. Sanchez.
6. Ang paggawa ng rasyunal ay Itinakda kina Bb. Ishi Brile M. Sierra at Bb. Nicole Anne
Dela Rosa.
7. Sina Bb. Alexis Cristobal at Bb. Angelika Ella O. Tejuco naman ang inaasahang
gumawa ng deskripsyon ng panukalang proyekto.
8. Itinakda naman sina G. Justin Dominick T. Villalon at Bb. Tanya Mae P. Querol na
bumuo ng badyet at pakinabang ng proyekto.
9. Natapos ang pulong sa ganap na 2:10 n.h. at sasabihan na lamang ni Bb. Raiza Mae
B. Bayer kung kakailanganin pa ng sunod na pagpupulong.

Itinala ni:

Bb. Alexis Cristobal


Kalihim

Pinapatunayang totoo ni:

Bb. Raiza Mae B. Bayer


Lider
AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

PANUKALANG PROYEKTO: PROJECT MAKAMIT


AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

I. PROPONENT NG PROYEKTO

PANGALAN/POSISYON RESPONSIBILIDAD
Tagapamahala ng Proyekto Ang miyembrong ito ang magpaplano
at mangangasiwa sa lahat ng mga
Raiza Mae B. Bayer proseso upang matiyak ang kaayusan
bayer2090374@ceis.edu.ph at tagumpay ng proyekto.
Ang miyembrong ito ang
magmumungkahi ng sponsorship at
Direktor sa Sponsorship
hihingi ng donasyon sa iba’t ibang
kilalang indibidwal at mga pribadong
Alexis Cristobal
organisasyon upang matugunan ang
cristobal2090444@ceis.edu.ph
pinansyal na pangangailangan ng
proyekto.
Ang miyembrong ito ang makikipag-
Direktor sa Pakikipag-ugnay
ugnay sa iba’t ibang indibidwal na
magiging tagapagsalita sa mga pantas-
Ishi Brile M. Sierra
aral at tutulong sa pagsasagawa ng
sierra2090288@ceis.edu.ph
mga palihan.
Pangunahing tungkulin ng miyembrong
ito na epektibong pamahalaan ang
Pinansyal na Tagapamahala
badyet na kinakailangan para sa
proyekto at responsableng gamitin ang
Justin Dominick T. Villalon
nalikom na pondo. Bukod dito,
villalon2090232@ceis.edu.ph
kinakailangan din niyang gumawa ng
opisyal na ulat sa pananalapi.
Komite sa Publisidad
Ang komite na ito ang responsible sa
promosyon ng proyekto pamamagitan
Marielle Jeanette J. Sanchez
ng paggawa ng mga publication
sanchez2090322@ceis.edu.ph
materials na ilalahad sa mga social
media platforms upang marami ang
Angelika Ella O. Tejuco
makibahagi sa kaganapang ito.
tejuco2090118@ceis.edu.h
Komite sa Teknikal Ang mga miyembrong ito ang
mamahala sa teknikal na aspeto ng
Tanya Mae P. Querol proyekto, kabilang dito ang disenyo ng
querol2090266@ceis.edu.ph lokasyon, sound system, lighting, at
mga kagamitan na kinakailangan sa
Nicole Anne Dela Rosa buong programa (gadgets, pagkain,
delarosa2090237@ceis.edu.ph tubig, atbp).
AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

II. KATEGORYA NG PROYEKTO


Ang proyektong ito ay binubuo ng mga pantas-aral at palihan na naglalayong
matulungan ang mga senior citizens na makipagsabayan sa makabagong
teknolohiya ng ika-21 siglo.

III. PETSA

PETSA MGA GAWAIN


Unang opisyal na pagpupulong ng
Setyembre 2, 2023 organisasyon para sa pagpapatupad ng
panukalang proyekto.
Simula ng pagpaplano at pagtatakda ng
Setyembre 9, 2023 mga tungkuling kinakailangang
gampanan.
Pagpupulong kasama ang mga
indibidwal at organisasyong tutulong
Setyembre 16, 2023
matugunan ang pinansyal na
pangangailangan ng proyekto.
Pakikipag-ugnay sa mga indibidwal,
organisasyon, at local government units
Setyembre 23, 2023
na magiging katuwang sa pagsasagawa
pantas-aral at palihan.
Paghanap at pagbili ng mga kagamitang
Setyembre 30, 2023 kinakailangan sa pagsasagawa ng
palihan.
Paglalabas ng mga publication materials
sa social media sites at promosyon sa
Oktubre 1, 2023
nasabing proyekto sa mga broadcast
media.
Pagpupulong ng organisasyon upang
matalakay ang mga bagay na kailangan
Oktubre 8, 2023
pang gawin at maisapinal ang detalye
ng proyekto.
Pagsasagawa ng dry run para sa
Oktubre 11-14, 2023
mahusay na takbo ng programa.

Oktubre 15-16, 2023 Paglulunsad ng proyekto


AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

IV. LOKASYON
Ang proyektong ito ay isasagawa sa IFI Conference Center na matatagpuan sa IFI
Complex, 1500 Taft Ave, Ermita, Manila, 1007 Metro Manila.

V. RASYUNAL
Sa panahon ngayon di natin maitatanggi na ang "social media" ay may malaking
parte sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ayon sa Philippine Statistics
Authority, lumalabas na nasa 73.9% ang mga Pilipinong 10 hanggang 64 taong
gulang ay mas madalas gumamit ng internet upang mag surf sa social media kaysa
sa gawaing pagsasaliksik at e-mail na nasa 63.6%. Sa kabila ng pagkakaroon ng
mga natatanging benepisyo, ang Internet ay nagiging ugat ng mga online scams at
fake news. Matatandaan na mayroong nabiktima na isang lola at natangayan ng ₱3.2
milyon. Mula rito, mahihinuha na matindi ang epekto ng pagiging digitally illiterate lalo
na sa aspetong pinansyal. Layunin ng proyektong ito na matutulungan ang mga
senior citizens na paunlarin ang kanilang kaalaman tungkol sa tama at ma-ingat na
paggamit ng teknolohiya upang maiwasang maging biktima ng iba’t ibang krimen na
nangyayari sa virtual world. Dulot ng pandemya, kinakailangan din ng mga senior
citizens na maging maalam sa paggamit ng mga aplikasyon upang makipag-chat at
video call sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa makabagong panahon, ang mga pangunahing pangangailangan ay natatamo


na online, mula sa mga serbisyong pangkalusugan at pinansiya hanggang sa pagbili
ng mga pagkain, gamot, at iba pa. Samakatuwid, mahalaga na matuto ang mga
senior citizens sa wastong paggamit ng internet at maging digitally literate at
independent.

VI. DESKRIPSYON NG PROYEKTO


Ang “Project MAKAMIT: Mapayabong ang Kaalaman sa Media,
Impormasyon, at Teknolohiya nina Lolo at Lola” ay naglalayong magbigay
AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

pagkakataon sa mga nakatatandang mamamayan o senior citizens na maging


dalubhasa sa paggamit ng iba’t ibang uri ng makabagong teknolohiya, pati na rin sa
mga aplikasyon at features na mayroon ang mga ito. Ang proyektong ito ay
isasagawa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa iba’t ibang mga organisasyon at
lokal na pamahalaan. Nakapaloob sa proyektong ito ang pagkakaroon ng dalawang
araw na pantas-aral at palihan na nakapokus sa responsable at epektibong
pakikisabay ng mga senior citizens sa “uso” ngayong ika-21 siglo. Ang mga pantas-
aral ay pamumunuan ng ilang mga eksperto sa teknoloyohiya at and mga palihan ay
pangungunahan ng mga kabataang boluntaryo upang matulungan ang mga senior
citizens sa kanilang komunidad na maging maalam sa makabagong teknolohiya.
Dagdag dito, maglulunsad ang organisasyon ng isang learning kit na may kumpletong
alituntunin sa paggamit ng mga makabagong aparato gaya ng smartphone bilang
gabay hindi lang sa mga senior citizens. Ang kit ay naglalaman ng mga modyul na
nahahati sa apat na kategorya: mula sa mga pangunahing kaalaman, paggamit ng
mga aplikasyon sa kani-kaniyang mga devices, cybersecurity, at pagkilatis sa mga
fake news.

VII. BADYET
Ang gagamiting salapi upang maisagawa ang proyektong ito ay magmumula
nakalap na pondo sa mga donasyon at sponsorships. Tinatayang nasa ₱200,000 ang
kabuuang halaga na ilalaan sa mga sumusunod na pagkakagastuhan.

KINAKAILANGAN HALAGA
Venue ₱30,000

Lighting at sound system ₱40,000

Publication materials ₱10,000

Learning kit ₱60,000


AKBAY-ALALAY FOUNDATION
“MAGKAKA-AKBAY, HANDANG UMALALAY”
Pedro Gil St., Taft Avenue, Malate, Manila
akbayalalay@org.ph | (02) 8123‑4567

Pagkain ₱45,000

Token of gratitude para sa mga


₱15,000
tagapagsalita

KABUUANG BADYET ₱200,000

VIII. PAKINABANG
Ang proyektong ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga taong may edad na ukol
sa mga makabagong teknolohiya na hindi pamilyar sa kanilang mga kapanahunan.
Ang kanilang mga matutunan sa isasagawang pantas-aral at palihan ang
magsisilbing gabay sa kanila upang madaling makasabay sa nagbabagong takbo ng
mundo. Makakatulong ito sa mga senior citizens na magamit nang responsable ang
teknolohiya at maiwasan maging biktima ng mga maling impormasyong nagkalat sa
internet at iba’t ibang krimen sa virtual world. Dagdag pa rito, magiging mas epektibo
rin ang mga senior citizens sa paggamit ng mga aplikasyon at features upang
mapunan ang kanilang mga pangangailangan.

You might also like