You are on page 1of 20

ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY

#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

I. Proponent ng Proyekto

PUNONG KOMITE RESPONSIBILIDAD

• Ang mga empleyadong ito ay


Amanda Cruz may responsibilidad na magplano sa
amandacruz_ayos@gmail.com proyektong gaganapin. Sila rin ang
magtitiyak kung nasa tamang daloy at pulido
Ayhessa Manibo ang pagsasagawa ng proyekto. Sila rin ay
ayhessamanibo_ayos@gmail.com may responsibilidad na gumawa ng
palatuntunan na maayos at detalyado.

BUDGET ANALYST RESPONSIBILIDAD

• Ang responsibilidad ng mga empleyadong ito


ay pangalagaan at pangasiwaan ang
Tristan Singtan kabuuang pondo at badyet ng
tan_ayos@gmail.com organisasyon. Sila rin ay nakikipag-ugnayan
sa mga estudyante para sa kanilang bayad na
Carl Catalan entrance fee. At sa mga pribadong kumpanya
carlcatalan_ayos@gmail.com at administrasyon ng CEIS para sa mga
donasyon. Sila rin ay may responsibilidad na
mamigay ng premyo, raffle at giveaway.

TECHNICAL SUPPORT CREW RESPONSIBILIDAD

• Ang empleyadong ito ay may responsibilidad


Tristan Singtan na mag-ayos ng mga premyo, raffle at
tan_ayos@gmail.com giveaway na ibibigay sa mga dumalo sa
proyekto. Tutulong din ito sa Budget Analyst
Arianne Mendoza sa pagpapahayag kung sino-sino ang mga
arianne.mendoza_ayos@gmail.com nanalo. Sila rin ay may responsibilidad na
siguraduhin na maayos ang daloy ng
proyekto.

2
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

ADVERTISING/DESIGNING TEAM RESPONSIBILIDAD

• Ang emplayadong ito ay may responsibilidad


Joanna Angeles na gumawa ng mga poster na panghikayat sa
joannaangeles_ayos@gmail.com mga estudyante. Sila rin ay may
responsibilidad na i-endorso at ipakalat ang
Sophia Lagansua proyekto sa pamamagitan ng social
Sophialagansua_ayos@gmail.com media. Sila rin ay tutulong sa Budget Analyst
na maglista sa mga estudyanteng dadalo sa
Arianne Mendoza programa.
arianne.mendoza_ayos@gmail.com

PROGRAM HOST RESPONSIBILIDAD

• Ang mga empleyadong ito ay may


Amanda Cruz responsibilidad na pasayahin at paganahin
amandacruz_ayos@gmail.com ang mga imbitadong estudyante, mga guro at
mga musikero. Sila rin ang
Carl Catalan mga tagapagsalita para sa programa at
carlcatalan_ayos@gmail.com aktibidades sa isasagawa upang magkaroon
ng maayos at masayang programa para sa
mga manunuod.

3
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

II. Deskripsyon at Layunin ng Proyekto

Mahigit isang taon na mula nang magsimula ang distance learning sa mga
paaralan at ang mga estudyante ay may kalayaang pumili kung online o modular learning
ang sistema ng kanilang pag-aaral. Gayunpaman, hanggang ngayon, ang mga mag-aaral
at mga guro ay nangangapa pa rin at naghahangad na bumalik na sa dati ang
lahat. Bilang pagtatapos ng unang semestre ng akademikong taong 2021-2022,
inihahandog ng Alive Youth Organization of Society o AYOS ang programang Pask -
Onlayn ng Escolarian 2021: A Virtual Christmas Experience na naglalayong bigyan
ang mga mag-aaral, guro, at kawani ng pamantasan ng pagkakataong birtuwal na
ipagdiwang ang Pasko kahit sa mga kakaibang pagkakataon.

Ang programang in-organisa ay isang patimpalak at konsyerto kung saan ang


mga estudyanteng nasa ika-pito (7) na baitang hanggang ika-labindalawa (12) na
baitang ay makakaranas ng mga larong pang-online o online games na pinaghandaan at
pinag-planuhan ng mga kasapi ng organisasyon. Ngayon, gamit ang mga makabagong
teknolohiya, gaya ng mobile phones at laptops, ang organisasyon ay hindi mahihirapang
isagawa ang proyektong ipinapanukala. Ngunit kinakailangan pa rin ng mga estudyante
na magkaroon ng maayos na internet upang sila ay makalahok sa programa. Hindi rin
maikakaila na ito ay isang maliit na kilos mula sa organisasyon sa mga mag-aaral at guro
upang bigyan sila ng pahinga para magsaya at makapag pahinga sa pagtatapos ng taon
at pagsalubong sa bagong hinaharap.

Isa pa, nilalayon din nito na iangat at pagyamanin ang diwang Escolarian at ipakita
ang pagpapahalaga sa pagsusumikap ng bawat isa sa gitna ng pandemya. Sa
pamamagitan nito, mas makikilala ng lahat ang bawat isa at makakabuo tayo ng mga
pagkakaibigan na magtatagal magpakailanman sa loob ng komunidad. At sa tulong ng

4
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

organisasyon, ng Student Council at COMELEC, mga guro, mga estudyante at ang mga
bandang inimbita, magiging matagumpay ang panukalang proyektong in-organisa.

III. Kategorya ng Proyekto

Ang proyektong ito ay isang patimpalak at konsiyerto na may layuning iparamdam


at dalhin ang pasko sa mga estudyante at mga guro ngayong pandemya, sa birtuwal na
paraan. Ang programa ay may dalawang bahagi. Una, magkakaroon ng patimpalak para
sa mga mag-aaral gamit ang Discord chat box at ang mananalo ay makakatanggap ng
pera bilang premyo. At pangalawa naman, magtatapos ito sa isang konsiyerto kung saan
magtatanghal ang mga kilalang banda at mang-aawit na inimbitahan ng organisasyon,
sila-sila ay Ben&Ben, Nobita, Zack Tabudlo, Moira Dela Torre at Zild.

5
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

IV. Petsa

GAWAIN PETSA

Paghahanda at pagpaplano ng proyekto Setyembre 14, 2021

Pakikipag-ugnayan sa administrasyon ng paaralan, konseho


ng mag-aaral at COMELEC Setyembre 17, 2021

Paglapit sa mga pribadong kumpanya para sa donasyon Setyembre 21, 2021

Pagsasagawa ng proyekto Setyembre 23, 2021

Pagtawag at pagpapadala ng imbitasyon sa mga napiling Setyembre 24, 2021


banda at mang-aawit

Pagpapahusay ng mga teknikal na pangangailangan tulad Oktubre 12, 2021


ng bersiyon na gagamiting aplikasyon para sa programa

Pagkumpirma ng pagdalo ng mga inanyayahang banda at Oktubre 19, 2021


mang-aawit

Panghihikayat sa mga estudyante at pagbubukas ng Oktubre 23 -


rehistrasyon upang makasali sa programa Disyembre 6, 2021

Pagpapadala ng mensahe (join code sa Discord) sa mga


dadalo sa pamamagitan ng email Disyembre 9, 2021

Pagdeposito ng pera sa Gcash app para sa mga premyo, Disyembre 14, 2021
raffle at giveaway

Pagtiyak kung ang mga plano ay naisagawa nang mabuti at Disyembre 16, 2021
maayos

Paglulunsad ng proyekto Disyembre 18, 2021

6
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

V. Lokasyon

Sa kadahilanang gaganapin ang nasabing programa sa birtuwal na paraan,


kinakailangan gumamit ng mga makabagong teknolohiya upang maisagawa ito. Ang
plataporma o daluyang gagamitin para sa patimpalak at konsiyerto ay ang Discord. Ito
ay isang kilalang aplikasyon kung saan ang mga gumagamit ay maaaring makipag-usap
gamit ang voice calls, video calls, at magpadala ng text messages. Maaari itong i-
download ng sinuman sa kanilang mga cellphone, tablet, computer at laptop.

VI. Rasyunal

Ang pinapanukalang proyekto ay nararapat isakatuparan sapagkat ito ay


naglalayong makapagbigay ng saya sa mga estudyante at guro ngayong nalalapit na
pasko. Nais ng organisasyon na dalhin ang pasko sa kanilang mga tahanan ngayong
nasa gitna ng pandemya ang bansa. Bukod pa rito, ang organisasyon ay may inihandang
programa at mga aktibidades na makapagbibigay kaaliwan sa mga estudyante.

Upang matagumpay na maisakatuparan ang proyektong ito, kinakailangan ng


sapat na pondo na pangunahing manggagaling sa donasyon ng mga pribadong
kumpanya at sa mga estudyanteng pinagbentahan ng tiket. Kinakailangan din ang
pahintulot at tulong ng administrasyon ng paaralan, konseho ng mag-aaral, at
COMELEC. At panghuli, ang pinakamahalaga sa lahat, kailangan ang kooperasyon ng
lahat ng mag-aaral at guro upang maging posible ang nasabing panukalang proyekto.

7
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

Naniniwala ang organisasyon na sa proyektong ito maibabalik ang sigla at saya


ng pasko sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng bansa. Kung saan ang lahat ay nasa
loob ng kani-kanilang mga tahanan dahil sa pandemya, kaya naman nais magsagawa ng
Alive Youth Organization of Society ng isang proyekto na may temang, “Pask-Onlayn ng
Escolarian 2021: A virtual Christmas party Experience”

VII. Badyet o Pondong Kailangan

Ang organisasyon ay hihingi ng tulong mula sa konseho ng mag-aaral at


administrasyon ng paaralan para sa pondo ng proyekto. Lalapit din ito sa mga pribadong
kumpanya upang humingi ng donasyon. At panghuli, ang tiket upang makalahok sa
nasabing programa ay ibebenta sa mga mag-aaral at guro sa halagang isang daang piso
o Php 100. Ang bawat tiket ay katumbas ng isang entry sa raffle.

KINAKAILANGAN BADYET

Badyet para sa premyo (fund transfer);


• May sampung palaro kung saan may mga limang
estudyanteng mananalo kada palaro. At ang premyong
makukuha ay isang daang piso o php 100 na ipapadala sa PHP 5,000
pamamagitan ng fund transfer sa app na Gcash.

Badyet para sa mga imbitadong banda;


• Ben & Ben (php 150,000)
• Moira Dela Torre (php 100,000) PHP 470,000
• Zack Tabudlo (php 75,000)
• Zild (php 75,000)
• Nobita (php 70,000)

Badyet para sa Discord application;


• Sa paraan na ito, magkakaroon ng maayos at magandang
bersiyon ng application na gagamitin para sa proyekto. PHP 2,500

8
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

Badyet para sa Raffle;


• Limang mananalo ng Grand Price
(php 1500)
• Limang mananalo ng First Price
(php 1000) PHP 16,250
• Limang mananalo ng Second Price
(php 500)
• Limang mananalo ng Consolation Price
(php 250)

Badyet para sa Giveaway; PHP 150,000


• Ibibigay ito sa mga estudyanteng dumalo sa (para sa
programa. Lahat ng estudyante ay makakatanggap ng humigi’t
singkwentang pesos o php 50. Ito ay magsisilbing regalo kumulang
at pasasalamat ng mga nasa loob ng organisasyon. 3000 na
estudyante)

Kabuuang badyet PHP 643,750

9
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

VIII. Pakinabang

Ang proyektong ito ay isasagawa upang magbigay ng pagkakataong birtuwal na


ipagdiriwang ng mga mag-aaral at mga guro ang pasko kahit sa kakaibang pagkakataon.

Sa mga estudyante. Mga estudyanteng nasa ika-pito (7) na baitang hanggang ika-
labindalawa (12) na baitang, makikinabang sila sa proyektong ito sa paraan na
makakasalamuha sila sa iba’t ibang tao. Kasama na rito ang pagsasaya sa paraan
paglahok sa mga palaro, pagsali sa raffle at pakikinig sa pagtatanghal ng mga musikero.

Sa mga guro. Ang mga guro ay makikinabang sa proyekto sa paraan na magkaroon sila
ng pagkakataon na magpahinga, makipag-ugnayan sa mga estudyante at oportunidad
na makipagsabayan sa kanila sa pagtatapos ng taon.

Sa organisasyon. Ang organisasyon ay makikinabang sa proyektong ito sa paraan na


maisasakatuparan ang bisyon ng samahan na makatulong at pangalagaan ang
kapakanan ng mga mag-aaral at guro. Ang tagumpay ng proyekto na inihanda ng
organisasyon ay makakatulong upang mapalakas ang pagkakaisa ng komunidad.

10
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

IX. Katitikan ng Pulong

Katitikan ng Unang Birtuwal na Regular na Pulong ng Alive Youth Organization of


Society (AYOS)

Layunin ng Pulong: Pagtalakay ng mga Ideya para sa Panukalang Proyekto sa


Asignaturang Filipino sa Piling Larangan
Petsa: Ika-14 ng Setyembre 2021
Daluyan: Zoom Meetings

Mga Dumalo:
• Joanna Angeles
• Amanda Cruz
• Ayhessa Mañibo
• Arianne Mendoza
• Tristan Jay Singtan
Mga Liban:
• Carl Catalan
• Sophia Lagansua

11
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

PANUKALANG ADYENDA

I. Pagsisimula ng Pulong
• Nagsimula ang pulong ganap na 4:00 n. h. sa pangunguna ni Amanda Cruz.

II. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


• Iminungkahi na magkaroon ng Online Christmas Party upang magbigay kasiyahan
sa mga estudyante at para gantimpalaan sila sa kanilang pagsusumikap sa pag-
aaral. Ang programa ay hahatiin sa dalawang bahagi: patimpalak at konsiyerto. Para
sa unang bahagi, ang patimpalak, magkakaroon ng mga aktibidad na may
gantimpalang salapi. At para sa pagtatapos, isang konsiyerto ang gaganapin kung
saan iimbitahan ang ilang mga artista. Ang mungkahi ay tinanggap ng mga
miyembro.
• Isinuhestiyon ang magkaroon ng Palihang Pang-Teatro upang palakasin ang mga
malikhaing kasanayan ng mga mag-aaral sa pagganap ng sining. Ituturo dito ang
mga elemento ng stagecraft at produksyon, mga paraan ng malikhaing dramatikong
gawain sa pamamagitan ng mga orihinal na paggawa, at iba pang anyo ng
ekspresiyon ng teatro tulad ng sayaw at mime. Ito ay tinanggap ng mga kasapi ng
samahan.
• Inihain na magkaroon ng Seminar sa Kamalayan sa Kalusugang Pangkaisipan
upang palawigin ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa mga sanhi at sintomas ng
sakit sa isip. Layunin nitong lumikha ng ligtas na espasyo at iwasto ang mga maling
akala tungkol sa kalusugang pangkaisipan. Ilang mga kilalang tao ang iimbitahan na
magsalita hinggil sa paksa. Ito ay tinanggap ng mga kasapi ng samahan.
• Iminungkahi ang isang Kumpetisyon sa Online Booth na may temang pampasko at
Halloween. Ang mga mag-aaral ay igugrupo ayon sa kanilang strand at ang

12
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

mananalong koponan ay makakatanggap ng gantimpalang salapi. Ang suhestiyon


ay tinanggap ng mga miyembro.
• Pinanukala ang Patimpalak sa Paggawa ng Jingle song o Rap Acapella kung saan
makakatanggap ang kampeon ng gantimpalang salapi at load. Ang mga mag-aaral
ay ipapangkat ayon sa kanilang seksyon at sila ay kinakailangan magsumite ng
isang entry. Ang mungkahi ay tinanggap ng mga kasapi ng samahan.
• Isinuhestiyon ang Pagligsahan ng Kasuotan na may temang Halloween.
Magkakaroon ng programa kung saan magtatanghal ang ilang mga mag-aaral at
guro. Ang bawat pangkat ay kinakailangan magkaroon ng kahit isang kandidato para
sa kumpetisyon. Ang mananalo ay tatanggap ng mga sertipiko ng regalo at
gantimpalang salapi. Ang suhestiyon ay tinanggap ng mga kasapi.

III. Isedyul ng susunod na Pulong


• Ang susunod na pulong ay gaganapin sa ika-16 ng Setyembre 2021, 4:00
n. h.

IV. Pagtatapos ng Pulong


• Sa kadahilanag wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at
pag-usapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na 5:00 n. h.

Itinala ni: Ayhessa Mañibo

13
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

Katitikan ng Pangalawang Birtuwal na Regular na Pulong ng Alive Youth


Organization of Society (AYOS)

Layunin ng Pulong: Pagtalakay ng mga Ideya para sa pangongolekta ng funds,


pangalan ng organisasyon, kulay ng logo, at kung saan at kailan ito gaganapin.
Petsa: Ika-16 ng Setyembre 2021
Daluyan: Zoom Meetings

Mga Dumalo:
• Joanna Angeles
• Carl Catalan
• Amanda Cruz
• Sophia Lagansua
• Ayhessa Mañibo
• Arianne Mendoza
• Tristan Jay Singtan

Mga Liban:

14
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

PANUKALANG ADYENDA

I. Pagsisimula ng Pulong
• Nagsimula ang pulong ganap ng 4:30 n. h. sa pangunguna ni Amanda Cruz.
• Muling pinagusapan ang nangyari sa nakaraang pulong para sa mga taong
hindi nakadalo. Ito ay pinagtibay ng mga miyembro ng samahan.

II. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


• Ang pinal na panukalang proyekto ay ang Online Christmas Party. Ito ay
sinangayunan ng lahat.
• Naglahad ng mga ideya kung paano magkakaroon ng badyet para sa
konsyertong gaganapin at para sa mga ibibigay na premyo.
• Isinuhestiyon na maghanap ng mga pribadong kompanya upang
makahingi ng mga sponsor/donations para magkaroon ng funds na
makakatulong na maipatupad ang Online Christmas Party.
• Naisipang humingi ng tulong sa student council nang sa gayon ay mas
madaling makahahanap ng pribadong kompanya na makakapagbigay
donasyon sa proyekto.
• Para sa budget, maaaring magdagdag ng pera ang mga miyembro ng
organisasyon, o hindi kaya manghihingi ng pera sa mga estudyante ng
SHS.
• Ang Discord ang napiling gagamitin na plataporma sa konsyerto dahil
pwede rito ang maramihang tao.
• Ang gagamiting plataporma sa palaro ay ang Discord chat box. Hindi
kailangan ng video call o voice call dahil ang mga manlalaro ay
magpapaunahang sasagot sa mga tanong na inihanda ng organisasyon. At

15
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

ang unang limang makakapag-send ng tamang sagot ay ang


mapipiling panalo.
• Ang napagkasunduang presyo ng entrance fee sa Online Christmas
Party ay isang daang piso o P100.
• Ang napiling pangalan ng organisasyon ay Alive Youth Organization of
Society (AYOS). Ang samahan ay non-profit na naglalayong pangalagaan
ang kapakanan ng mga kabataan.
• Dalawa ang pinagpilian na kulay ng logo, dark at bright colors.
• Ang napiling petsa kung kailan ito gaganapin ay sa Disyembre 18, 2021.
• Ang programa ay magsisimula ng alas siete ng gabi at matatapos ng alas
onse ng gabi o (7:00pm-11:00pm).

III. Iskedyul ng Susunod na Pulong


• Ang susunod na pulong ay gaganapin sa ika-20 ng Setyembre 2021, 4:00
n. h.

IV. Pagtatapos ng Pulong


• Sa kadahilanang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin
at pag-uusapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na 6:00 n. h.

Itinala ni: Joanna Charlisse Angeles

16
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

Katitikan ng Pangatlong Birtuwal na Regular na Pulong ng Alive Youth


Organization of Society (AYOS)

Layunin ng Pulong: Pagtalakay ng mga Ideya para sa pangongolekta ng funds,


pangalan ng organisasyon, kulay ng logo, at kung saan at kailan ito gaganapin.
Petsa: Ika-20 ng Setyembre 2021
Daluyan: Zoom Meetings

Mga Dumalo:
Joanna Angeles
Carl Catalan
Amanda Cruz
Sophia Lagansua
Ayhessa Mañibo
Arianne Mendoza

Mga Liban:
Tristan Jay Singtan

17
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

PANUKALANG ADYENDA

I. Pagsisimula ng Pulong
• Nagsimula ang pulong ganap ng 4:30 n. h. sa pangunguna ni Amanda
Cruz.
• Muling binalikan ang napagusapan na plano para sa proyektong napili ng
grupo upang mapagplanuhan ang mga detalyeng kailangan.

II. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


• Ang mga miyembro ay naglahad ng kanya kanyang ideya para tema ng
napagplanuhang Christmas party para sa mga mag-aaral.
• Napagpasyahan ng grupo na pangalanan ang Christmas party event ng
“Pask-Onlayn ng Escolarian 2021: A Virtual Christmas Experience”
para sa mga mag-aaral ng unibersidad.
• Ang mga gawain ang hinati sa mga myembro para sa mas produktibong
paggawa ng proyekto na sisimulan.

III. Iskedyul ng Susunod na Pulong


• Ang susunod na pulong ay gaganapin sa ika-21 ng Setyembre 2021, 4:00
n. h.

IV. Pagtatapos ng Pulong


• Sa kadahilanang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin
at pag-uusapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na 6:00 n. h.

Itinala ni: Sophia Lagansua

18
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

Katitikan ng Pangapat at Huling Birtuwal na Regular na Pulong ng Alive Youth


Organization of Society (AYOS)

Layunin ng Pulong: Pagtalakay ng mga Ideya para sa pangongolekta ng funds,


pangalan ng organisasyon, kulay ng logo, at kung saan at kailan ito gaganapin.
Petsa: Ika-21 ng Setyembre 2021
Daluyan: Zoom Meetings

Mga Dumalo:
• Joanna Angeles
• Carl Catalan
• Amanda Cruz
• Sophia Lagansua
• Ayhessa Mañibo
• Arianne Mendoza
• Tristan Jay Singtan

Mga Liban:

19
ALIVE YOUTH ORGANIZATION OF SOCIETY
#AYOS!
Unit 2103, AYOS Building, Mendiola, Manila City
Tel. No. (02) 123-456 | (02) 789-1011 loc. 101
Email: aliveyouthorg_ayos@gmail.com

PANUKALANG ADYENDA

I. Pagsisimula ng Pulong
• Nag simula ang pulong ganap ng 4:30 n. h. sa pangunguna ni Amanda
Cruz.
• Muling binalikan ang napag usapan na plano para sa proyektong napili ng
grupo upang mapag planuhan ang mga detalyeng kakailanganin.

II. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


• Muling ipina-ayos ang mga parte ng bawat miyembro ng grupo.
• Pinag-usapan ang mga “petsa” ukol sa mga mangyayari sa Proyekto. Ito
ay isang bahagi ng panukalang proyekto.
• Pinag-usapan ang magiging badyet para sa proyekto at ang bawat
banda/musikero na dadalo.
• Ginawa ang Proponent ng Proyekto, kung saan ang mga miyembro ay
pumili ng mga posisyong gusto.
• Pumili ng poster na gagamitin para sa proyekto.
• Pinag-usapan ang logo na gagamitin.

III. Walang nang susunod na Birtuwal na Regular na Pulong

IV. Pagtatapos ng Pulong


• Sa kadahilanang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin
at pag-uusapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na 6:00 n. h.

Itinala ni: Carl Catalan

20

You might also like