You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE VALENZUELA CITY

MENSAHE

Isang maalab na pagbati sa mga magsisiangat


ng baitang at magsisipagtapos ngayong Taong
Panuruan 2022-2023 sa lahat ng pampubliko at
pribadong paaralan sa Lungsod ng Valenzuela!

Ang paglalakbay tungo sa pagkakamit ng kasalukuyang tagumpay ay


hindi naging madali sa bawat isa sa inyo sa sitwasyong inyong kinaharap sa
panahon ng pandemya. Ang pagpupunyagi na makarating sa pagtatapos na
ito ay dahil sa inyong hindi matatawarang dedikasyon at pagnanais na
makatapos.

May apat na haligi o pundasyon ang edukasyon ayon kay Jacques


Delors: ito ay ang “Learning to know”, “Learning to do”, “Learning to be”, and
“Learning to live together.” Ang holistikong mga kasanayang ito ay naging
hamon sa panahon ng pandemyang Covid-19 subalit hindi nagpagapi ang
ating mga mag-aaral upang maipagpatuloy ang pag-aaral anoman ang
sitwasyon tuloy pa rin ang edukasyon. Samakatuwid, kayong lahat ay
pinanday at pinatatag ng mga karanasang puno ng repleksyon, obserbasyon,
mentalidad at desisyon na mas pinili ang mapanatili ang pag-asang
magtagumpay.

Ang Pagtatapos 2023 ay may Temang “Gradweyt ng K to 12: Hinubog


ng Matatag na Edukasyon” na naglalarawan at humuhubog nang malalim
na simbolismo ng inyong pagiging matatag at matagumpay sa iba’t ibang
larang:

MATATAG dahil hinubog kayo ng pagkakataong kakaiba sa karaniwan


at nakasanayan sa tulong at tiyaga ng inyong mga guro, mga magulang at
marami pang iba na kasiya-siya niyong natugunan ang mga kinakailangan
sa K to 12 kurikulum (Learning to know);

MATATAG dahil lahat nang natutuhan ninyo ay isinagawa at


isinabuhay ninyo upang matulungan ang sarili, pamilya, kapwa, komunidad,
at iba pang nangangailan ng inyong tulong gayondin mailapat ang natutuhan
habambuhay (Learning to do);

Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City


Telephone Nos.: (02) 8293-4507, 8277-4648, 8291-0873, 8277-3439
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
Official Website: https://www.sdovalenzuelacity.deped.gov.ph
MATATAG dahil pinanday kayo ng mga mithiing makamit ang inaasam
at pangarap sa buhay na may pag-asa, positibo, masaya, produktibo, at
kapaki-pakinabang na mamamayan sa lipunan. Hinihikayat kayong
salaminin ang inyong sariling kahalagahan, paniniwala at pagkakakilanlan
(Learning to be);at

MATATAG dahil pinili ninyo ang makipagsalamuha, makipag-ugnayan


at makipagkapwa-tao dahil ang pagkatuto ay responsibilidad ng lahat at
nabubuhay tayo hindi lang para sa ating sarili kundi para sa iba na may
respeto, pagpaparaya at pagkakaunawaan (Learning to live together).

Matagumpay ninyong nakamit ang lahat ng ito dahil sa masigasig na


suporta at pagmamahal ng inyong mga magulang, guro, punong-guro, mga
empleyado ng paaralan at dibisyon ng Lungsod ng Valenzuela at sa
kontribusyong tulong ng iba pang mga organisasyon at institusyong
nagtitiwala at naninindigan para sa edukasyon ng lahat.

Ang Kagawaran ng Edukasyon sa lahat ng kaniyang pinamamahalaan


ay nagsusulong sa direksyong MATATAG para sa kurikulum na akma at
napapanahon sa pangangailangan ng mga mag-aaral, maayos na mga
pasilidad, serbisyong mahusay, mga programang nagpa-unlad sa inyong
potensyal at proyektong tumugon sa kapakanan ng mag-aaral sapagkat
kasali lahat, kasama lahat, para sa lahat at ang susi sa pagkakaroon ninyo
ng dekalidad na edukasyon ay ang mahuhusay na guro na sinanay upang
maging ganap ang reporma sa sistema ng edukasyon.

Sa lahat ng ito, ang ating Lokal na Pamahalaan sa Lungsod ng


Valenzuela ay walang sawang tumutugon sa pangangailangang pang-
edukasyon ng mga mag-aaral, maging sa mga magulang at paaralan. Ang
pamumuhunan sa 360 degrees programang pang-edukasyon ng ating lokal
na pamahalaan ay isang sistematikong pamamaraan upang maitaas ang
kalidad ng pangunahing edukasyon sa Lungsod ng Valenzuela noon pa man,
maging sa kasalukuyan at hanggang sa hinaharap.

Sa pagtahak sa panibagong yugto ng inyong pag-aaral, huwag


kalilimutan ang mga taong naging bahagi ng inyong tagumpay.

Higit sa lahat, tayo’y maging MATATAG sa lahat ng pagkakataon sa


tulong, habag at biyaya ng ating Poong Maykapal!

Mabuhay!

ALEJANDRO G. IBAÑEZ
Tagapamanihalang Pansangay ng
mga Paaralang Panlungsod

Address: Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City


Telephone Nos.: (02) 8293-4507, 8277-4648, 8291-0873, 8277-3439
Email Address: sdovalenzuela@deped.gov.ph
Official Website: https://www.sdovalenzuelacity.deped.gov.ph

You might also like