You are on page 1of 1

STATE OF THE SCHOOL ADDRESS

(Batiin ang lahat ng mga kagalang-galang at dignitaryos, maging ang mga magulanng
at panauhin )

Sa gabing ito, ay malugod kong ipinaaabot sa bawat isang naririto ang aking
pagpupunyagi sa ating pagdiriwang ng ika-23 pagkakatatag bilang isang institusyong
humubog, luminang at nagpa-unlad sa kakayahan at pagkatao ng maraming kabataan.

Sa lumipas na dalawampu’t tatlong taon ay samot-saring kuwento ang nasaksihan natin


sa bawat sulok ng paaralang ito. Dalawampu’t tatlong kabanata ng pag-unlad,
dalawampu’t tatlong taon ng paglalakabay tungo sa pag-unlad na matagal na nating
minimithi at ngayon ay unti-unti na nating tinatamasa.

Ngayon, ako ay tumitindig sa inyong harapan upang ating sariwain ang naging landasin
ng ating paglalakbay sa taong ito. Masasabi kong ang taong ito ay nagbigay-tapang sa
ating lahat. Marami tayong pagsubok na kinaharap ngunit sa ating sama-samang
pagsulong ay nakayanan nating umalpas mula sa mga sigwa at alon.

Nagsimula tayo sa isang pangarap. Pangarap na tanghalin at mapabilang ang ating


minamahal na paaralan bilang isa sa mga magaganda at produktibong paaralan sa
bansa. At hindi naglaon ay napasakamay natin. Sinliit man ng monggo ang nanalaytay
na pag-asa sa mga panahong iyon ay ideklara pa rin bilang pinakamaayos,
pinakamaganda at pinakamalinis na paaralan sa buong sangay ng Pangasinan II. Hindi
pa diyan nagtapos, nasungkit din natin ang pangalawang puwesto sa buong rehiyon
uno.Hindi ba’t ito’y isang malaking tagumpay para sa ating paaralan?

Hindi rin natin maaaring kaligtaan na ang ating minumutyang paaralan ang tumuntong
sa unang puwesto sa ginanap na ebalwasyon ng Water in the School o WINS. Dahil sa
maayos nating pagpapanatili sa kalinisan hindi lamang ng paaralan ngunit maging ng
ating mga mag-aaral ay walang pag-aatubiling iginawad sa atin ang karangalang ito.

Ang BNHS ay hindi rin nagpapatinag sa mga posibleng sakunang darating dahil sa at
maalam nating DRRM Coortdinator at sa mahusay niyang pamamalakad ng DRRM
Office. Sa katunayan tayo itinanghal na isa sa mga most outstanding DRRM Office sa
boung Pangasinan II.

Marami sa ating mga kaguruan ang nasilayan pa ang unang gusaling pundasyon ng
paaralang ito. Ngunit sa pag-usad ng panahon, lalo na sa taong ito, ay nabigyan tayo
ng misyong arugain hindi lamang daan-daang mag-aaral ngunit ang humigit-kumulang
tatlong libong mag-aaral. Kung kaya’t kinailangan natin ng mga bagong gusaling
magagamit ng ating mga anak sa pagkatuto. At hayan, atin

You might also like