You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
CAMARIN HIGH SCHOOL
Cadena de Amor St., Area B, Camarin, Caloocan City

Agosto 21, 2020

Kgg. Engr. GILBERT U. RIVERA


Punong Barangay
Barangay 174
Lungsod ng Caloocan

Mahal naming Punong Barangay Rivera:

Pagbati sa inyo at sa inyong tanggapan mula sa pamunuan ng Camarin High School.


Malugod po naming ipinababatid sa inyo na alinsunod sa Learning Continuity Plan ng Kagawaran ng
Edukasyon, ang ating paaralan ay naglalatag ng mga pamamaraan upang maihatid ang de-kalidad na
edukasyon sa ating mga mag-aaral sa kabila ng pandemyang nararanasan ngayon dulot ng Covid-19 nang sa
gayon, walang batang maiiwan sa larangan ng edukasyon sa ating mutyang Lungsod ng Caloocan.
Ang mga modyul na inihanda ng SDO Caloocan ay ipamamahagi sa paaralan ngunit bunsod ng iba’t
ibang posibleng kadahilanan, may mga magulang at tagapangalaga na hindi makapupunta sa paaralan upang
kumuha ng modyul. Maari ding maihatid sa paraang online ang soft copy ng mga modyul sa mga mag-aaral
subalit batid natin na hindi lahat ay may kakayanan sa gayong paraan. Kaya naglalatag ang paraalan ng mga
pamamaraan upang maiparating ang mga modyul sa mga mag-aaral subalit kailangan namin ng lubos na
suporta ng inyong tanggapan.
Hangad naming matalakay sa inyo nang personal ang mga panuntunan sa pamamahagi ng modyul,
para na rin sa inyong maaaring mungkahi at pagsang-ayon sa pamamagitan ng isang pagpupulong na
nakatakda sa Setyembre 4, 2020 (Biyernes), ika- 10 ng umaga sa Model House ng Camarin High School.
Ipinaalam din namin sa inyo na ang mga minimum health protocol na inilatag ng IATF ay mahigpit na
sinusunod ng paaralan (pagkuha ng temperatura, pag-sanitize, pagsusuot ng face mask at face shield,
pagpapasagot ng contact tracing form, social distancing, at pag-disinfect) at ipapatupad nang nakagawian sa
araw ng pulong para sa kaligtasan ng lahat.
Lubos po naming ikalulugod na makasama kayo sa araw na iyon, Kung hindi po kayo makadadalo,
hinihiling namin na kayo ay magpadala ng inyong kinatawan upang maiparating sa inyo ang mga
mapagkakasunduan.
Maari po ninyong iparating ang inyong tugon sa paanyayang ito sa pamamagitan ng mga contact
details ng paaralan na nasa liham na ito.

Address: Cadena De Amor St., Area B, Camarin, Caloocan City


Telephone No.: (+63 2) 8-961-0698
Email Address:camarinhighschool.edu@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
CAMARIN HIGH SCHOOL
Cadena de Amor St., Area B, Camarin, Caloocan City

Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon.

Lubos na gumagalang,

LAURENCIO L. DAVID JR.


Puno ng Kagawaran -
Edukasyon sa Pagpapakatao

RODERICK M. NARANJA
Tagapag-ugnay -
Kagawaran ng Araling Panlipunan

Binigyang-puna:

FERDINAND A. DE LEON
OIC – Tanggapan ng Punongguro

Address: Cadena De Amor St., Area B, Camarin, Caloocan City


Telephone No.: (+63 2) 8-961-0698
Email Address:camarinhighschool.edu@gmail.com

You might also like