You are on page 1of 1

Hulyo 23, 2020

Hon. _________________________
______________________
_______________________

Ginoo:

Mapagpalang Araw po!

Kami po, mga guro ng Paaralang Elementarya ng ____________ay maigting na


naghahanda para sa darating na pasukan Taong Panuruan 2020-2021 sa kabila ng pandemyang
kinahaharap natin sa ngayon.

Kabilang sa mga paghahandang ito ay ang pagkalap ng mga kagamitang kakailanganin


sa paglimbang o pagpi-print ng “modules” na pangunahing paraan upang maihatid ang mga aralin
sa mga mag-aaral habang nananatili sila sa kani-kanilang tahanan sapagkat hindi ligtas ang
magkaroon ng “face-to-face” o pisikal na pagtungo ng mga bata sa paaralan.

Malaking hamon po para sa aming mga kaguruan ang paglimbag/pagpi-print ng mga


modules na ito kaya naman nais po naming lumapit sa inyo na kung maari ay mapagkalooban po
ninyo kami ng mga kagamitang maaring gamitin sa paglimbag ng modules na ito.

Kami po ay umaasa na inyong mapagbibigyan ang aming hiling. Maraming salamat po at


pagpalain pa po kayo ng Diyos na Maykapal. Manatili po tayong laging ligtas at sama-sama po
nating labanan ang COVID-19.

Lubos na gumagalang,

MADELINE DELA CRUZ


Guro III

You might also like