You are on page 1of 1

Talumpati

Kaibigan, tayo ay magkwentuhan. Kamusta ang buhay? Mahirap? Masaya? O


magkahalong emosyon? Sabagay sa panahon ngayon, ang dami-daming bagay ang
naganap at sa tingin ko mahirap maging masaya dahil nakaka konsensya. Pandemya,
bagyo, lindol,baha mga masasamang balita -ito lang naman ang bumungad sa taong
2020. Mabilis ang pagbabago sa daigdig natin sa kasalukuyan. Ngayon dinadagsa tayo
ng mga problema at pag-aalala sa ating kalusugan at pati na rin sa mahal natin sa
buhay.
Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang namatay, bata man o matanda, walang
pinipiling edad, kasarian, relihiyon at katayuan sa buhay. Ang mundo ay napuno ng
sakit at pagdadalamhati. Nang dahil sa pandemya lahat ng kabuhayan ng bawat
indibidwal ay nawala, maraming tao ang nawalan ng trabaho, mga estudyanteng hindi
nakapasok dahil sa pagsasara ng mga eskwelahan at pagkalugi ng mga Negosyo.
Subalit naging mahirap man ang ating pinagdaanan ngayong taon, laging isipin na alam
ng Diyos ang kanyang mga plano, at nakasaad sa biblya ang mga katagang “Sapagkat
batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama
kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang
punung-puno ng pag-asa.”
Lagi nating tandaan na hindi magbibigay ang Diyos ng problem na hindi natin kayang
sulusyonan. Tayo ay nakakaranas ng kabiguan sa buhay tulad ngayong pandemya
sapagkat ang bawat kabiguan ay paraan para patuloy tayong magpursigi at abutin ang
lahat ng ating pangarap. May mga bagay man na ayaw natin mangyari, ngunit sa huli
ay kailangan nating tanggapin.

You might also like