You are on page 1of 2

Balangkas Ng Talumpati

EDUKASYON SA GITNA NG PANDEMYA

I.Epekto ng Pandemya
A. Kahirapan
B. Pagbabago sa Sistema ng edukayson
C. Nagdulot ng problema sa pamilya
D. Marami ang hindi nakapag aral
II. Solusyon Sa Edukasyon Ngayong Pandemya
A. Magtiwala at Maging positibo
B. Magka-isa
C. Magsumikap
Edukasyon sa Gitna Ng Pandemya

Ang pandemya na ito ang naging dahilan ng paghinto ng ating normal na rutin na tila
bang parang namumuhay tayo sa pahina ng isang libro ng historya. Isang maganda at
mapagpalang araw po sa inyong lahat, Ako si Dana Ysabelle A. Pelagio mula sa 12
GAS Tourism 2 at hinihiling ko na buksan ang puso’t isipan upang mas maintindihan
ang talumpating aking bibitawan. Patungkol ito sa matinding balakid na kinakaharap ng
mga estudyanteng kagaya ko. Edukasyon, edukasyon.

May kanya-kanya tayong pangarap, marahil ang iba ay hindi pa natutukoy sa ngayon
lalo na’t mas dumagdag pa ang mga problema sa buhay at isa na doon ang pandemya.
Malaki ang naging pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa loob ng
dalawang taon nating pagkakakulong sa ating mga tahanan. Hindi lahat ay may
kakayahan at may pribilehiyo upang makasabay sa panibagong sistema sa edukasyon
kung kaya’t may ibang kabataan na hindi na lang ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Kaya’t sa bawat araw na nagdadaraan aking iniisip paano na ang mga batang gustong
mag-aral pero dahil sa sinapit ng ating bansa ay mahihinto ito? Paano ang mga batang
nakakapag aral ngunit kulang naman sa kagamitan? Wala na nga ba talagang pag-asa
ang mga kabataan? Ika nga nila, “Kabataan ang Babangon sa Kahirapan”. Ngunit
paano ito mangyayari kung patuloy na nahihirapan ang mga kabataan?

Bilang isang mag aaral, nais ko lamang iparating sa aking kapwa estudyante na,
mahirap man ang pagsubok na kinakaharap natin ngayon, mag tiwala at maging
positibo. Walang problema ang hindi mawawakasan. Mahirap mag aral ngunit mas
mahirap ang walang pinag aralan. Wala ito sa bilis o bagal mayaman Kaman o mahirap
walang imposible sa taong may pangarap. Sa panahon ngayon dito masusubok ang
ating diskarte at kasipagan. Walang pandemya,sakuna o unos ang magiging hadlang
para tayo ay hindi matuto.Gawing natin itong inspirasyon upang mas manalig sa
Panginoon. Muli ako si Dana Pelagio. Patuloy tayong lumaban at kakayanin natin ito!

You might also like