You are on page 1of 5

Halimbawa ng BIONOTE

Halimbawa ng Posisyong Papel


Halimbawa ng katitikan ng Pulong

Halimbawa ng Talumpati
Edukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpay

Talumpati ni  defyingravity  mula sa Wattpad

Sa ating guro Gng. Melvira David, sa mga panauhin at sa aking mga kaklase na mag-
aaral ng Signal Village National Highschool, isang magandang umaga.
Mula sa pag gising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na pagpasok
natin dito sa ating silid-aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong sa sarili,
“Ano ba ang kahalagahan ng pagpasok ko sa skwela?”
Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at ‘kabataan para sa
kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi nakakapag-
aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan. Merong mga
kabataan na hindi pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang
at ang iba naman ay nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi natin dapat
pinapabayaan ang ating pag-aaral sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating mga
magulang. Kaya nga meron tayong kasabihan, “nasa huli ang pagsisisi”.
Mahalaga ang edukasyon. Kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay totoo. Dito
nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa
mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at
kinabukasan, kinakailangan nating maghanda. Hindi natin maiiwasan na maharap sa
mga hadlang na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay kaya
nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan natin ito. Dapat
tayo ay may tiwala sa sarili, may buong tapang at determinasyon. Ang kahirapan ay di
hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Sa
pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos. Sa kanya, lahat ng bagay ay posible.
Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating
lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana
sa atin. Isa itong kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo.
Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi matatawaran
ang kontribusyon nito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na ang pag-pasok sa
eskwela ay hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay
gawain niya.
Maraming salamat po sa pakikinig!

You might also like