You are on page 1of 2

EDUKASYON TUNGO SA TAGUMPAY

Sa aming guro na si Ginoong Jomel Dela Cruz, sa aking mga kaklase na mag-aaral ng
ACLC College of Ormoc, isang magandang hapon.

Mula sa pag gising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na pagpasok


natin dito sa ating silid-aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong sa sarili, “Ano ba
ang kahalagahan ng pagpasok ko sa skwela?”

Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at ‘kabataan para sa
kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi nakakapag-aral o
hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan. Merong mga kabataan na hindi
pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang at ang iba naman ay
nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi natin dapat pinapabayaan ang ating pag-aaral
sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating mga magulang. Kaya nga meron tayong kasabihan, “nasa
huli ang pagsisisi”.

Mahalaga ang edukasyon. Kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay totoo. Dito
nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito.
Upang tayo’y magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating
maghanda. Hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang na maaaring pumigil sa atin
upang makamit ang tagumpay kaya nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y
malagpasan natin ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili, may buong tapang at determinasyon.
Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating
kapalaran. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos. Sa kanya, lahat ng bagay ay posible.

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating


lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin.
Isa itong kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo.

Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi matatawaran ang
kontribusyon nito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na ang pag-pasok sa eskwela ay
hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya.

Maraming salamat po sa pakikinig!

You might also like