You are on page 1of 1

Andrea E.

Lopez 10 – Alpha Centauri


NOHS August 29, 2019
Output 2.1

Edukasyon: Daan Tungo sa Tagumpay

Talumpati ni Marielle Barrientos

Sa araw-araw nating pamumuhay, mula sa pag-gising natin sa umaga,


hanggang matapos ang buong araw, di natin maitatanggi na tayo’y minsan
napapatanong kung ano ang kahalagahan ng pagpasok sa paaralan.

Maraming nagsasabing “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” at “Kabataan


ang Babangon sa Kahirapan”. Ngunit mahirap isipin na mas marami sa mga kabataan
ngayon ang di makapag-aral at hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa iba’t ibang
mga dahilan. Ang ilan ay hindi pumapasok sapagkat tinatamad gumising ng umaga,
ang ilan pa ay nalulong sa mga masasamang bisyo.

“Mahalaga ang Edukasyon”, kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay labis na
totoo. Dito nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin
sa mundong ito. Upang tayo’y magkaroon ng isang masaganang pamumuhay at
kinabukasan, kinakailangan nating maghanda sapagkat hindi natin maiiwasan na
maharap sa mga hadlang at problema na maaaring pumigil sa atin upang makamit ang
tagumpay, kaya nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan
natin ang mga ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili at determinasyon. Ang kahirapan
ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating
kapalaran.

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa


ating lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na
maipapamana sa atin. Isa itong kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man
sa’yo. Ang edukasyon ang ating sandata para sa magandang kinabukasan, hindi
lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating bayan. Sa pagkamit natin ng
tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos
sapagkat sa kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible.

You might also like