You are on page 1of 1

AR LO,K I N JA S.

X-ES —--------------------------- —-----—----------------------------------------Ap i 14,2023

“KAHALAGAHAN NG EDUKASYON”

Magandang araw sa inyong lahat, Ako nga pala si Krison Jake Articulo, nasa harap ninyo
upang italakay kung ano nga ba ang kahalagahan ng Edukasyon.Edukasyon ang pinaka
priority ng bawat Pilipinong Magulang at mga Kabataan at Edukasyon rin ang isa sa pinaka
mahalaga at pinakamataas na antas na ating makakamit sa hinaharap.

Maraming mga tao ang naghihirap dahil sa kakulangan ng edukasyon dulot ng


kahirapan.Kaya’t dapat nating pahalagahan ang ating edukasyon dahil malaki ang
maitutulong nito sa ating buhay at sa buhay narin ng ating pamilya, Ngunit meron ring mga
taong nagtatagumpay sa buhay kahit hindi sila nakapag tapos ng pag aaral o kulang ang
kanilang kaalaman sa mga bagay-bagay ngunit ito ay dahil parin sa edukasyon dahil kung
wala ang edukasyon hindi sila magkakaroon ng kamalayan sa mga bagay na nagdulot sa
kanila na magtagumpay.

Saan ka man pumunta o ano man ang iyong ginagawa ay mahalaga ito, sa lahat ng
bagay,tao,pangyayari o kung ano pa yan, Mahalaga ang Edukasyon, dahil ito ay ang
pangunahing pinagmumulan ng ating mga kaalaman, at sa pamamagitan nito ay mataas ang
chansa na makakamit natin ang bawat pangarap natin sa buhay.Sa pamamagitan rin ng
Edukasyon ay maaari kang makatulong sa mga taong nangangailangan na kakaunti lamang
ang kaalaman tungkol sa Edukasyon dulot ng sobrang kahirapan at walang kakayahan na
mag aral.Subalit maraming mga kabataan ang nagrereklamo ukol sa sistema ng edukasyon
sa panahon ngayon.

Ngunit Oo, Mahirap ang ating mga pinagdadaanan sa Edukasyon, marami pa tayong
problema na haharapin sa hinaharap, ngunit lahat ng ito ay pagsubok lamang at parte
lamang ng proseso patungo sa tunay na Tagumpay.Kaya’t magsumikap tayo na
makapagtapos at lagpasan ang bawat pagsubok na ating madadaanan at ibuhos natin ang
lahat ng ating makakaya upang makapagtapos ng Pag aaral.

Marami nang mga tao ang nagtagumpay dahil sa Edukasyon at nagawa ang kanilang mga
pinapangarap na propesyon, kagaya na lamang ng mga sikat na artista na sila Sharon
Cuneta,KC Concepcion,Paul Soriano at Cris Villonco lahat sila ay hindi makakatungtong sa
kanilang kinatatayuan ngayon kung wala silang sapat na Edukasyon.

Ano man ang estado natin sa buhay, mahirap kaman o katamtaman, sa pamamagitan ng
Edukasyon, tayo ay makakaahon.Ano man ang iyong lahi, kayumanggi,Itim o puti, Edukasyon
ang nagsisilbing tulay ng pag-ahon natin sa buhay.Saang sulok man ng mundo, Edukasyon
ang nagsilbing pundasyon ng pag-unlad.Edukasyon ang susi sa lahat ng ating pangarap na
makamit, at kapag atin itong natapos ay isa na itong napakamalaking Tagumpay at malaki
ang ibabago nito sa ating buhay.Kaya’t napakahalaga ng Edukasyon, hindi lamang sa mga
tao kundi pati narin sa ating lipunan at Bansa.Iyon lang at Maraming salamat sa inyong
pakikinig.

You might also like