You are on page 1of 1

ANG EDUKASYON TUNGO SA PAGSULONG

Magandang umaga mga mahal kong kamag-aral at aking guro, naririto ako sainyong harapan
upang talakayin ang aking munting talumpati na pinamagatang “ANG EDUKASYON TUNGO SA
PAGSULONG”. Ang sektor ng edukasyon ang isa sa pinaka mahalagang sektor ng isang bansa.Eto
ang nagsisilbing gabay ng tao sa pag-unlad ng kanyang sarili , pati na rin sa pag-unlad ng isang
ekonomiya, dahil nagbibigay ito katatagan sa buhay.Sa paggising sa umaga at pag pasok sa
paaralan ay napapaisip siguro tayo sa ating sarili kung ano nga ba ang importansiya nito sa atin?
Ano ba ang magbabago sa atin kapag taoy’y nag aral?

Ang pag aaral ang isang karapatang hinding-hindi mawawala sa atii, lahat ng tao ay may karapatang mag-
aral ano man ang estado nito sa buhay, mahirap man o mayaman sapagkat ang edukasyon ang susi kung
gusto mo ng progreso at pagbabago.Sinabi ng ating pambansang bayani na si DR Jose Protacio Rizal
Mercado E Alonzo Reolanda na “Ang Kabataan ang pag asa ng bayan” Totoo iyan! Dahil tayo ang susunod
na henerasyon na mangangalaga, mag oorganisa at magpapatakbo ng ating lupang
sinilangan.Nakasalalay sa atin ang kinabukasan ng hinaharap.Sa pamamagitan ng edukasyon ay
nagkaroon tayo ng pagbabago sa ating sarili, kultura, ekonomiya at pati narin sa teknolohiya.Nang dahil
sa Inobasyon na bunga ng edukasyon.Napakalaki ng pinagbago ng ating mundo.Sa mga industriya at pati
na rin sa paraan ng pagtuturo ng ating mga guro ngayon.Hindi katulad noon ay kumplikado at mahirap pa
ang pagtuturo.Ngayon hindi na sila nahihirapan, nababawasan at napapadali na ang kanilang trabaho
salamat sa teknolohiya na isa sa mga bunga ng edukasyon.Mas napapadali narin ang ating pagaaral at
mas lalo pang lumalawak ang ating kaalaman.Sapakat bunga ito ng ating malawak na isipan gabay ang
ating kalaaman na sanhi ng ating pagaaral at pagsusumikap.

Ganon nalang ka importansiya ang edukasyon sa atin, tila ba kakambal natin ito sa buhay.Kaya kahit
gaano man kahirap ang pag aaral ay wag tayong sumuko at pagsikapan nating makapag tapos at tuparin
ang ating mga pangarap, suklian natin ang mga paghihirap ng ating mga magulang.Tandaan natin na ang
edukasyon ang humuhubog sa mga indibidwal na maging isang matalino, maging kritikal sapag iisip at
nag-aambag sa sama-samang pagsulong ng ating Lipunan.Sa pagmahal at pagyakap natin sa edukasyon
ay binibigyan natin ng daan ang isang kinabukasan kung saan ang edukasyon ay patuloy na isang
makapangyarihang sandata na patuloy na uunlad at gagabay sa mundong ating ginagalawan.
Ako muli si Jan Alexis Dote maraming salamat sa inyong pakikinig sa aking munting talumpati.

You might also like