You are on page 1of 2

Edukasyon

Mahal ang edukasyon pero mas mahal ang maging mangmang. Ang pagkakaroon natin ng sapat
na edukasyon ay gabay ng sinuman sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan. Sa uri
ng lipunan na ating ginagalawan ngayon, talo at dehado ang mga taong walang pinag-aralan.
Hindi sapat ang makatungtong lamang sa paaralan at matuto ng simpleng pagbasa at pagsulat.
Ang uri ng edukasyon sa bagong milenya ay ang pagkakaroon ng natapos na kurso para tayo ay
makasabay sa progresibong teknolohiya na ginagamit sa ating mga modernong pangkabuhayan.

Ang kawalan ng edukasyon ng isang indibidwal ay mistulang isang kapansanan ng kaniyang


pagkatao. Mayroon tayong mga naririnig pero hindi natin lubos na naiintindihan, mayroon
tayong nakikita ngunit hindi natin sadyang maintindihan.
Katulad ng isang buto ng anumang uri ng halaman, ang taong may pinag-aralan saan man itapon
ay kusang mabubuhay. Maging sa mga banyagang lupain man, kaya nating tumayo at
makipagsabayan sa anumang uri ng buhay.

Malayo sa takot at pang-aapi. Kapag ikaw ay may pinag-aralan kaya mong lumaban ng patas at
malayo sa panlalamang ng kapwa mo.

Ang edukasyon ay para sa lahat, ito ang programa ng ating pamahalaan ngayon. Ang natatangi
na lang nating obligasyon ay ang tulungan ang ating mga sarili. Maging mapursigi sana tayo para
lubusan nating mawakasan ang hirap ng kamangmangan, hindi lamang para sa ating kinabukasan
bagkus ay para sa ating inang bayan.
Walang pinipiling edad ang edukasyon. Hanggang mayroon tayong pagkakataon at oras para
makapag-aral ay samantalahin natin ito. Huwag natin itong ipagwalang-bahala. Masarap ang
tumunganga at tumambay sa buhay pero wala ng sasaklap at hihirap pa sa kalagayan ng taong
walang natapos sa buhay.

Tanggalin po natin sa ating mga kaisipan na ang edukasyon ay para sa mga mayayaman lamang.
Sa ating mga ordinaryo at mahihirap na tao mas higit nating kailangan ang edukasyon sa ating
buhay. Hindi lamang ito mag-aahon sa atin sa kahirapan, bagkus ay ito rin ang natatanging
pamana sa atin ng ating mga magulang na kailanman ay hindi mananakaw ninuman.
Sa pagkakaroon ng sapat na edukasyon sana ay gamitin natin ito sa tamang pamamaraan.
Maging responsable sana tayong mamamayan at huwag lamang ipagyabang ang natutunang aral.
Maging mabuti tayong ehemplo lalo na sa mga kabataan. Ibahagi ang inyong mga dunong at
huwag itong ipagkait lalo na sa mga nangangailangan.
Sana ay nabigyan ko kayo ng mga butil ng kaalaman na magsisilbing gabay at inspirasyon niyo
sa buhay. Sana sa pag-uwi ninyo sa inyong mga tahanan ay baunin ninyo ang mga aral ng buhay
na magbibigay sa inyo ng pagkakataon upang higit pang pag-isipan ang kahalagahan ng aral at
edukasyon sa buhay ng isang tao.

Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay. Pangunahing kwalipikasyon
sa pag-aaply ng trabaho ang tinapos na kurso. Kung hindi tayo nakapag-aral ay mahihirapan
tayong makahanap ng trabahong may sapat na kita. Kung hindi sapat ang ating kinikita ay
siguradong hindi natin mabibili ang mga pangunahin nating pangangailingan. Ibig sabhin lamang
nito magiging mahirap ang kabuuan ng ating pamumuhay sa hinaharap.
Gaya na lang lagi nating naririnig sa ating mga magulang na edukasyon lamang ang kanilang
maipapamana sa atin. Ito ang dahilan kung bkit cla nagpapakiharap magtrabaho para lamang
mabigyan tayo ng pamanang ito. Ang tanging kayamanang hindi mananakaw na kahit ino man
mula sa may ari.

Maraming nagsasabing “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” at “Kabataan ang Babangon sa
Kahirapan”. Ngunit mahirap isipin na mas marami sa mga kabataan ngayon ang di makapag-aral
at hindi makapagtapos ng pag-aaral dahil sa iba’t ibang mga dahilan. Ang ilan ay hindi
pumapasok sapagkat tinatamad gumising ng umaga, ang ilan pa ay nalulong sa mga masasamang
bisyo." Mahalaga ang Edukasyon", kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay labis na totoo. Dito
nakasalalay ang ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong
ito.Upang tayo'y magkaroon ng isang masaganang pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan
nating maghanda sapagkat hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang at problema na
maaaring pumigil sa atin upang makamit ang tagumpay, kaya nararapat lang na tayo'y maging
handa nang sa gayo'y malagpasan natin ang mga ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili at
determinasyon. Ang kahirapan ay di hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng
sarili nating kapalaran.

             Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating


lipunan. Ito lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin.
Isa itong kayamanan na hindi makukuha ng kahit sino man sa'yo. Ang edukasyon ang ating
sandata para sa magandang kinabukasan, hindi lamang para sa atin pero kundi pati na rin sa ating
bayan. Sa pagkamit natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos sapagkat sa kanya, lahat ng bagay ay hindi imposible.

You might also like