You are on page 1of 1

Kapwa ko Mag-aaral

Nherwin Canoy Dacillo

Ang pag-aaral pagkakaroon ng edukasyonay isang tunay na kayamanan na kailan man hindi mapag-
iiwanan. Walang ibang pinapangarap ang isang magulang kung hindi ang mapag-aral ang kanilang mga
anak na kalaunan ay inaasam rin na makapagtapos at maging produktibong nilalang. Isang katuparang
ganap na makita ng ating magulang na masigasig at matiyagang nagpupunyagi sa pag-aaral ang kanilang
mga anak. Lahat ng pagod at hirap nila ay hindi mararamdaman kapag ang kapalit ay dedikasyon ng anak
sa kanilang mga akademya.

Dito sa ating lipunan, hindi lahat ay nagkakaroon at nabibigayan ng pagkakataon na makapa-aral dahil
narin ito sa mga aspetong kadahilanan. Nangunguna narin ang kahirapan sa buhay. Ito ang isang
pinakamalaking sagabal na nakaatang sa pagtupad ng ating pangarap sa buhay. Ang sempling abakada
at pagsulat man lang ng sariling pangalan ay tunay na napakailap para sa mga taong isinilang na
mahirap. Ang pag-aaral na dapa’t sanaay karapatan ng bawat indibidwal ay naging isang oportunidad sa
isang lipunan ng mga mahihirap.

Kaya kapag kayo o tayo ay nagkakaroon ng pera at mabigyan ng pagkakataon na makapag-


aral,pagyamanin at pahalagahan natin ito nang buong puso. Hindi lahat ng tao nabibigyan nito,kaya
kung napili tayo ay isa na itong napakalaking biyaya,diba? Kaya swerty na tayo kapag nakapag-aral na
tayo ngayon. Sa hirap ng buhay na mayroontayo ngayon,ang pag-aaral lang natin ang tanging
kayamanan na maipapamana sa atin ng ating magulang. Totoong mahirap ang maging mahirap pero mas
mahirap ang taong walang pangarap at walang alam.

Sa pakikipag sapalaran sa tunay na realidad ng buhay, hindi sapat ang abilidad,sipag at lakas ng
pangangatawan lamang. Nangangailangan din tayo ng katalinuhan para lubos nating maunawaan ang
mga pangyayari dito sa ating lipunan. Sa kapwa ko mag-aaral,maging masigasig sana tayo sa ating pag-
aaral at huwag nating sayangin ang bawat oras at pagkakataon na lumipas. Ang pagsisisi ay palaging
nasa huli. Ang pag kakaroon ng munting botil ng kaalaman ay napakahalaga sa ating buhay upang hindi
tayo magmistulang mga bulag na naglalakad sa ilalim ng liwanag at sikat ng araw.

Ipinasa kay:Niezljane N. Ariola

You might also like