You are on page 1of 1

Maria Daniela Agustino

SA PAARALAN

Marahil ang paaralan ay mahirap, nakalilito at nakakainis. Pero aminin natin, hahanapin
natin ito at mamimiss pagdating ng araw kapag tayo ay makapagtapos na.Ang pag-aaral ay mahalagang
parte na talaga sa buhay ng tao.

Ang paaralan ay isang pook kung saan nag-aaral ang isang estudyante .Ang silid naito ay
nagbibigay ng kanlungan para sa mga batang gustong matuto. Paaralan,ito ay nagsisilbing pangalawang
tahanan ng mga estudyante. Dito sila matutong magbasa, magsulat at minsan dito rin nila matutunan
kung paano maging isang mabuting mamamayan sa pamamagitan ng tulong ng mga guro. Dito ginagawa
ang espesyalisasyon ng isang bata, at dito nabubuo ang disiplina sasarili. Ang layunin ng paaralan ay
hubugin ang kapakanan ng bawat indibidwal.

Sa mga salita ng Korte Suprema,"Ang paaralan ay Ang pinakmahalagang institusyon sa


isang demokratikong lipunan".Ang paaralan ay hindi lamang isang Lugar kung saan Ang mga Bata ay
binibigyan ng pangunahing edukasyon.Sa halip,Dito nila natutunan kung paano maging ganap na mga
miyembro ng lipunan.Sa paaralan Tayo makatagpo ng mga kaibigan,kadalasan Yung iba sa paaralan lang
maranasang sumya.Ang paaralan ay hindi lang isang paaralan kundi ito ay isang lugar o tahanan na ang
mga estudyante ay tuturoan at upang may mas matutunan pa para sa kanilang kinabukasan.Ang
kaalamang natutunan ay magagamit din ating kinabukasan upang mapabuti ang ating Buhay.Sa paaralan
din natin matutunan Ang mga bagay-bagay na hindi naituro o tinuro ng mga magulang natin,katulad ng
sa history kung ano ang mga nangyari noon.Dito rin tayo natutuo kung paano maging isang mabuting
tao na hindi naituro ng mga magulang sapagkat,hindi naman lahat ng estudyante o kabataan ay
kompleto ang kanilang magulang may iba na na doin sa ibang bansa(ofw).Sa pamamagitan ng paaralan
dito natin maipalabas o malaman ang ating kakayahan at mga talento,matutunan din natin ang mga
magagandang-asal at mabuting pag-uugali upang mahubog Tayo na maging mabuting mamamayan ng
bansa.

Mahirap at nakakainip ang paaralan,ngunit mahalagang matuto tayong mga mag-


aaral.Paaralan isang tahanan kung saan tayo nag aaral,at dito tayo natututo sa iba't ibang bagay.Ang
layunin ng isang paaralan ay makapag produce ng mga estudyanteng kayang makipagsabayan sa buong
mundo sa mga aspeto ng kasaysayan,katalinuhan,talento at kaalamang.May iba't ibang layunin Ang
paaralan,tulad ng pagtulong sa mga mag-aaral na maging mabuting mamamayan.Salamat sa paaralan
kung saan natin maipapakita o malalaman ang ating kasanayan. at kasanayan, matututo din tayo ng
magagandang gawi at pag-uugali upang mahubog ang ating sarili.Kaya matuto ka hangga't Kay mo,para
ma-enjoy mo ang buhay nang lubusan.

You might also like