Professional Documents
Culture Documents
Edukasyon. Laging sinasabi ng ilan na ito ang madalas na pamanang iiwan ng ating
mga magulang. Marami sa atin ang sasang-ayon diyan. Magandang araw sa ating
lahat. Ako si Shedina Balino na tulad nyo ay naniniwalang edukasyon nga ang susi
nv tagumpay.
Ang ating mga tahanan ang siyang una nating naging paaralan. Mga
dmagulang naman natin ang una mating mga guro. Sa ating mga tahanan tayo
natututo ng mga simple at importanteng mga bagay na siya magagamit natin.
Dito rin hinuhubog ng ating mga magulang ang ating kaalaman at ang ating mga
kakayahan. Sila rin ang tumutulong upang mas mapayabong pa ito. Tinuturuan
din tayo ng mga mabubuting asal. Natututo din tayong maging responsable sa
ating mga tungkulin sapamamagitan ng mga gawaing bahay kahit na simple
lamang nito ay natututo tayong tumupad ng tungkulin o gampanin at maging
responsable. Sa lahat ng ating mga natutunan sa ating mga tahanan ito at
nagiging daan upang tayo ay nagiging handa sa tunay na estado ng pag-aaral.
Paaralan ang siyang naging pangalawa nating tahanan, at ang atin namang mga
guro ang ating pangalawang mga magulang kung saan kahit na hindi nila tayo
tunay na mga anak ay tinuring parin nila tayong kanilang mga sariling anak. Sa
paaralan tayo natututo ng mga bagong kaalaman. Dito rin mas hinahasa pa ang
ating mga kakayahan at ang ating mga talento. Sa paaralan rin tayo natututong
magpursigi, magsumikap, at maging matiyaga upang matupad ang ating mga
pinapangarap na marating sa buhay.
Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang tayo'y makapagtapos
dahil ito lamang ang kanilang maipapamana sa atin na siyang hindi mananakaw sa
atin.