You are on page 1of 3

TALUMPATI NG VALEDICTORIAN

“ANG ALAY NINYONG KAALAMAN, GAMIT NAMIN SA PAG-UNLAD NG


BAYAN”

Sa mga guro, kapwa ko mag aaral at sa aming mga minamahal na


magulang, magandang umaga po sa inyong lahat..

Naririto tayong lahat at nagtipon-tipon ngayong araw na ito upang


ipagdiwang ang isang malaking pangyayari sa ating buhay bilang isang mag-
aaral. Ito ang araw na ating pinakahihintay… ang katuparan ng ating
masidhing pangarap na matapos ang ating puspusang pagpupunyagi sa pag-
aaral. Mga hirap na ating naranasan upang matapos natin ang anim na taon
sa piling ng ating mga kaibigan, kapwa-mag-aaral at mga guro.

Ito ang araw ng katuparan. ito ang araw na ating pinakahihintay, ang
pinakaaasam-asam nating lahat… ang magawaran ng kaukulang pagkilala
ang ating pagtitiis, paghihirap at pagsusumikap. Ito ang tamang araw upang
ipagdiwang natin ang matagumpay na maisakatuparan ang pagsusunog ng
ating kilay alang-alang sa ating kinabukasan. Ang tagumpay ay hindi lang
para sa mga natatanging mag-aaral. Hindi lamang sa akin ang karangalan na
makapagtapos nang may natatanging pagkilala, kundi ang karangalan ay
para sa ating lahat.

Una na nating pasalamatan ang ating mahal na Paaralan na naging


ikalawang tahanan nating lahat. Sa loob ng mahabang anim na taon, naririto
tayo upang hubugin ng ating mga dakilang guro ang ating pag-iisip, ang ating
puso at ang ating pananamplataya, upang sa darating na panahon ay maging
isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bayan sa isang tuwid na
daan. Pinanday ang ating pagkatao sa loob ng tamang panahon at sa
angking-talino ng mga tumayong ikalawang-magulang natin. Sa pamamag-
itan ng tamang pag-gabay ay matagumpay nating naisakatuparan ang nais
na igawad sa atin ng ating mga guro. Walang katapusang pasasalamat sa
aming mga guro sa kanilang dakilang tungkulin sa mga mag-aaral.

Ang araw na ito ay ang katuparan ng pagtupad natin sa pangarap ng


ating mga magulang. Ang pangarap nilang mabigyan ng tamang edukasyon
ang kanilang mga anak. Mapapalad tayo at iginawad sa atin ng ating mga
magulang ang ating karapatang makatanggap ng tamang edukasyon at
mainit nating natanggap ang kanilang walang-sawang suporta sa ating pag-
aaral. Mga magulang at guro na magkatuwang na humubog at gumabay sa
ating wastong asal. Sa kanilang mahabang panahon na ginugol, kaalamang
itinuro at pagtuklas sa ating talino na kanilang nilinang, nakarating tayo sa
espesyal na raw na ito. Ang lahat ng ito, na ating tinatamasa ngayon ay
isang malaking tagumpay sa lahat ng mga taong naghirap para sa atin upang
marating natin ang araw na ito.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat, hindi ito ang wakas. Ang
bahaging ito ng ating buhay-mag-aaral ay pasakalye pa lamang ng ating mas
malaking buhay. Inihanda lamang tayo ng ating mga guro at magulang
upang maging matibay, malakas at matatag tayo sa mga darating na
pagsubok at hamon sa ating buhay – maging ito man ay tungkol sa pag-aaral
o personal na pakikibaka. Papunta pa lamang tayo sa isang mas mabigat na
pakikipagsapalaran. Ngunit dahil sa tulong ng mga taong naghirap para
makapagtapos tayo ng pag-aaral ay taas-noo at buong-tiwala nating
haharapin ang anumang pagsubok. Ang edukasyon ay ang sandata na
ibinigay sa atin upang mapagtagumpayan natin ang mga darating na hamon
ng buhay.

Para sa malaking bahagi ng aming tagumpay, maraming salamat sa


aming mga magulang na naririto ngayon upang saksihan ang tagumpay ng
kanilang mga anak. Sa aking mga kapwa-mag-aaral na magsisipagtapos,
nais po namin kayong pagpugayan sa inyong kadakilaan. At higit kangino
man, ang taos-pusong pasalamat natin sa Poong-Maykapal, na siyang may
bigay sa atin ng ating kalakasan at karunungan. Kung wala Siya ay wala ang
lahat ng ito.

At bilang pagtatapos sa aking talumpati, nais kong hikayatin ang aking


mga kapwa magsisipagtapos na gamitin natin ang tinamasang karunungan sa
ating pag-aaral. Isa-puso natin ang lahat ng ating mga natutunan sa
paaralang ito. Mula sa mga libro na ating pinag-aralan, mga kaalamang
ibinahagi ng ating mga guro at kaalamang pang-relihiyon na ating natutunan,
gamitin natin sa kabutihan ang mga ito upang mapanatili natin ang tuwid na
daan tungo sa ating tagumpay. Mayroon tayong mahalagang papel na
gagampanan para sa ating pamilya at sa bayan. Bagamat nasa murang
isipan pa lamang ay huwag tayong magsawalang-bahala dahil sa darating na
panahon ay tayo ang mamamahala ng ating bayan. Kung kaya ngayon pa
lamang ay maging isang mamamayan tayo na makatao at maka-Diyos upang
makamtan natin ang kaginhawahan sa dulo ng tuwid na daan.

Isang mainit na pagbati para sa pagtatapos nating lahat. Nawa’y


magtagumpay ang bawat isa sa atin sa ating buhay, pag-aaral, gawain at
higit sa lahat sa mata ng Diyos.
Maraming-maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.

You might also like