You are on page 1of 1

Magandang araw sa ating lahat!

Lubos akong nagagalak na makasama kayo ngayon sa espesyal na okasyon ng ating


Grand Alumni Homecoming.

Narito tayo ngayon upang magtipon at magsama-sama bilang mga dating mag-aaral ng
ating paaralan, Masapang Elementary School. Ang mga sandaling ito ay puno ng alaala
at pagbabalik-tanaw sa ating mga karanasan, mga pagsubok at mga tagumpay na
ating pinagdaanan noon.

Sa bawat alumni na naririto, mula sa mga unang pagtungtong natin sa paaralan


hanggang sa mga tagumpay na ating tinamo, tayo po ay nagpapatunay na ang
edukasyon na ating natamo ay hindi lamang nagtapos noong mga araw na tayo ay
nasa paaralan. Tayo ay nagtanim ng mga butil ng kaalaman at karanasan na patuloy na
nagbubunga ngayon.

Sa aming mga dating guro na naririto, maraming salamat po sa inyong dedikasyon at


pagtuturo sa amin. Kayo ang mga ilaw na patuloy na nagbibigay-liwanag sa landas
natin. Ang inyong pag gabay, pagmamahal, at pasensya ang nagtulak upang maabot
ang aming mga pangarap at ang inyong impluwensiya ay hindi lamang nakabatay sa
akademiko, kundi pati na rin sa paghubog ng aming mga karakter.

Sa mga kasalukuyang mag-aaral, sana ay maging inspirasyon sa inyo ang ating


pagtitipon sa araw na ito. Tayo ang patunay na sa kabila ng mga pagsubok, kaya nating
marating ang mga pangarap natin.

Sa ating mga kasama na hindi nakadalo sa araw ito, nawa'y maipadama natin sa kanila
ang ating pagmamahal at pag-alala. Ang ating pagtitipon ay nagpapatunay na ang diwa
ng pagkakaisa ay buhay at patuloy na umaapaw sa ating mga puso, kahit saan man
tayo naroroon.

Magsilbing inspirasyon tayo sa isa't isa, mga kaibigan. Ituloy natin ang ating mga
pangarap at magtulungan tayong gumawa ng pagbabago at kaunlaran. Ang ating mga
pagsubok at tagumpay ang nag-uugnay sa atin.

Muli, lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat sa pagdalo. Mag-enjoy tayo at sulitin
ang pagkakataon na tayo ay muling nagkasama-sama. Mabuhay ang ating Grand
Alumni Homecoming!

You might also like