You are on page 1of 16

Sinopsis

(Punong-guro)
Ang buhay ay isang paglalakbay. Naglalakbay tayo sa isang lugar
kung saan sari-saring karanasan ang ating kinasasangkutan at iba’t ibang
damdamin ang nangingibabaw sa ating kalooban. Ang tao ang siyang
gumuguhit ng kaniyang sariling kapalaran at sa patnubay ng Poong
Maykapal, nakakamtan niya ang minimithi ng kaniyang puso.
Ang araw na ito ang pinakaespesyal sa buhay ninyo bilang mga
mag-aaral. Ito ang araw ng pagbubunyi at pagdiriwang. Sa haba ng
inyong nilakbay at pakikibaka sa mundo ng edukasyon, sa wakas,
masisilayan na ninyo ang silahis ng tagumpay at makakamit na ninyo ang
ninanais ng inyong mga puso.
Sa loob ng paaralan, kayong mga mag-aaral ay parang mga
mandirigma. Sa apat na sulok ng klasrum, kayo ay nakipagtunggali sa mga
hamon ng samu’t saring gawain na sumukat sa inyong kakayahan, lakas,
determinasyon at katalinuhan. Sa araw-araw na pakikipagtunggali sa loob
ng ____ na taon sa elementarya/Junior High School, ang araw na ito ang
palaging magpapaalala sa inyo ng inyong pagkapanalo at ang inyong
sertipiko ang magsisilbing tatak ng inyong tagumpay.
Bilang punongguro, naging saksi ako sampu ng inyong mga guro sa
inyong pakikipamuhay sa loob ng ating paaralan. Sa bawat paghakbang
ninyo patungo sa susunod na baitang, lubos ang aming kasiyahan dahil
ito’y patunay ng inyong pag-unlad. Katuwang ang inyong mga magulang,
masasabi naming nagbunga ang aming pagtuturo at pag-aaruga sa inyo.
Sa puntong ito, tigib ang aking pagbati sa inyo lalo na sa inyong mga
magulang.
Mga mahal kong magsisipagtapos, kayo ay naging bahagi ng
bawat aktibidad dito sa ating paaralan. Kayo ang aming naging kaakibat
kasama ang inyong mga magulang upang ang mga layunin at mithiin ng
ating paaralan kaugnay ng mga programa at proyekto ng Kagawaran ng
Edukasyon ay makamtan. Sa bawat gawaing naisakatuparan at sa bawat
tagumpay na nakamtan ng ating paaralan, kayo ay naging katuwang.
Maligaya akong maibahagi sa inyo ang mga naisakatupan ng ating
paaralan para sa Taong Panuruan 2018-2019.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Ang mga naisakatuparang ito ng ating mahal na paaralan ay
patunay ng ating pagkakaisa at pagtutulungan. Nagpapasalamat ako
sampu ng kaguruan ng _______________ sa lahat ng naging bahagi ng
tagumpay na ito – ____________________________________________________.
Nawa’y ang tagumpay nating ito ay magsilbing inspirasyon para sa
ating lahat at sa mga susunod pang magsisipagtapos.
Maligayang pagtatapos at patnubayan tayo lagi ng Poong
Maykapal.

PAGTATAPOS 2019
Mensahe sa mga Magsisipagtapos
(Kapitan ng Barangay)
Isang pagpupugay at pagbati sa ating panauhing
pandangal, sa pamunuan ng ating paaralan, mga kapwa
ko opisyal sa Barangay at PTA, sa mga magsisipagtapos
ngayong araw gayon din sa kanilang mga magulang.
Isa sa mga pinakaaasam-asam ninyong mga mag-aaral
ay ang araw ng inyong pagtatapos. Ang karangalan ng
pagtatapos ay regalo ninyo sa inyong mga magulang.
Ngunit ito rin ang hudyat ng panibagong
pakikipagsapalaran at umpisa ng mga mas malalaking
hamon ng buhay.
Kaakibat ng pagtatapos ang mga malalaking
obligasyon at mga responsibilidad na nakaatang sa inyong
mga balikat. Isa sa mga ito ay ang pagiging isang mabuting
mamamayan sa inyong komunidad. Walang silbi ang lahat
ng mga parangal at mga gawad na inyong matatanggap
kung hindi ninyo ito lubusang magagamit sa mas
kapakipakinabang na paraan, kaya’t isabuhay ninyo ang
lahat ng mga mabubuting itinuro sa inyo sa apat na sulok ng
inyong paaralan at pakamamahalin ninyo ang barangay na
nagsisilbi ninyong kanlungan bukod sa inyong mga tahanan.
Mula sa aming namumuno ng barangay, maaasahan
ninyo ang aming patuloy na suporta at tulong sa anumang
mga gawain at mithiin ng inyong paaralan. Nawa’y maging
mas maunlad at mas mapayapa ang ating komunidad sa
tulong ninyong mga magsisipagtapos na magsisilbing pag-
asa ng ating bayan gaya ng winika ng ating pambansang
bayaning si Dr. Jose Rizal.
Maligayang pagtatapos sa inyong lahat at kasihan
nawa kayo ng Diyos!

PAGTATAPOS 2019
Pagtanggap, Pagpapatibay,
at Mensahe
(Tagamasid Pampurok)

Mula sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Pansangay


na Tagapamanihala ng Lungsod ng San Carlos sa ilalim ng
Batas Republika 9155 na kilala bilang “Governance of Basic
Education Act of 2001” at alinsunod sa mandato ng
Konstitusyon ng 1987 at iba pang umiiral at naaayong batas
ng bansa, kabilang dito ang kautusan ng Kagawaran ng
Edukasyon, mga patakaran at iba pang kaugnay na batas;
at bilang pagtugon sa rekomendasyon ng inyong punong-
guro na matagumpay ninyong nakumpleto ang lahat ng
kinakailangan na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon para
sa Basic Education. Ako, _________________, isang Tagamasid
Pampurok, ay naghahayag na kayo ay mga nagsipagtapos
ng Elemantarya/Junior High School sa paaralang
_______________ epektibo sa araw na ito ___________ 2019.

Sa pagpapatibay na ito, ipinagkakaloob ko sa inyo ang lahat


ng nauukol na karapatan at prebilihiyo bilang
nagsipagtapos.

Tanggapin ninyo ang aking malugod na pagbati.

Mabuhay kayo!

(
PAGTATAPOS 2019
Pambungad na Pananalita
(Pangulo ng PTA)
Taos-puso ang aking pagbati sa bawat isa sa inyong
makakapag-uwi ng sertipiko ngayong araw ng inyong
pagtatapos/parangal, sa bawat magulang na naging dahilan ng
tagumpay ng bawat mag-aaral na naririto at sa mga guro na naging
daan upang makamit ng mga mag-aaral ang tagumpay sa larangan
ng edukasyon.
Tila puno ng hamon ang landas ninyong mga kabataan sa
panahon ngayon. Hamon na siyang nagiging hadlang sa pag-abot sa
inyong mga pangarap hindi lamang para sa inyong mga sarili kundi
maging ng inyong mga pamilya. Ang aking paghanga ay nasa inyo,
kayong mga sentro ng ating pagtitipon ngayong araw sapagkat
nalampasan ninyo ang mga hadlang na ito at isinapuso ang pag-
aaral.
Tama ang inyong naging pasyang piliin at unahin ang pag-aaral
higit sa ano pang mga bagay. Edukasyon ang natatanging paraan
upang kayo ay lubos na makatulong sa pag-angat ng inyong
pamumuhay, pag-unlad ng ating minamahal na bansa at maging
inspirasyon sa susunod na henerasyon.
Maaring hindi pa rito nagtatapos ang inyong paglalakbay at
higit na malalaking hamon pa ang inyong kakaharapin sa susunod na
kabanata ng pag-aaral ngunit manatili kayong matatag at
determinado. Palakasin ninyo ang inyong paniniwala sa Panginoon, sa
inyong sarili, at sa mga naniniwala sa inyo. Wala nang tatamis pa sa
tagumpay na inyong malalasap sa dulo ng mahabang landasin tungo
sa pagkakaroon ng mabuting edukasyon. Kayanin ninyo! Alam kong
kakayanin niyo!
Ikagagalak kong muli tayong magkita at masabi ninyo sa aking
kinaya ninyo ang lahat at nalampasan ang bawat hamon! Muli,
binabati ko kayo sa inyong pagtatapos at baunin ninyo ang aking
dasal at pag-asang hihigitan niyo pa ang inyong narating ngayong
araw.
Sa ating lahat, sabay-sabay tayong magsaya sa Araw ng
Pagtatapos ng ating mga anak. Iparamdam natin sa mga bata na ang
kanilang tagumpay ay napakahalagang handog sa atin.
Magandang araw at pagpalain kayo ng ating Maykapal!

PAGTATAPOS 2019
Panunumpa ng Katapatan
(Nagtapos na may Pangalawang
Pinakamataas na Marka)

Bilang isang nagtapos sa paaralang


_________ako ay nangangako ng aking walang
katapusang katapatan sa aking Alma Mater
pagkatapos na mapagtanto na ang kanyang
karangalan at kasikatan ay nakasalalay sa aking
balikat.

Ipinapangako ko na:
Ipapamalas sa aking buhay ang
pinakamataas na antas ng disiplina, katapatan
at serbisyo sa kapwa;
Iaalay ang aking sarili sa pagbibigay ng
kabantugan at kapurihan sa aking mga
magulang, sa aking Alma Mater, sa Panginoon,
at sa bayan;
Ihahandog ang lahat ng aking adhikain sa
buhay sa pagpapaunlad ng sarili at kapwa sa
ikadadakila ng lahing Pilipino; at,
Tutuparin nang tapat ang mga huwarang
mithiin na kaakibat ng pangalan ng (paaralan).
Sa patnubay at tulong ng Poong Lumikha,
isasabuhay ko ang aking pangako.

PAGTATAPOS 2019
Pagpapakilala sa mga
Magsisipagtapos
(Punong-guro)

(Name of the Confirming Official), Sir/Madam, Isang


karangalan na ipakilala sa inyo ang _________ mag-
aaral na magsisipagtapos sa taong panuruan 2018-
2019. _____ sa kanila ay lalaki at ______ ay babae.

Bilang punong-guro ng ____________, pinatutunayan


ko na matagumpay nilang nakumpleto ang lahat ng
kinakailangan para sa K to 12 Basic Education na
itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon sa antas
Elemantarya/Junior High School.

Sa kadahilanang ito, aking inirerekomenda na silang


lahat ay maideklarang nagsipagtapos, epektibo sa
araw na ito, __________ 2019. Mangyaring
maipagkaloob din sa kanila ang nauukol na
karapatan at prebilihiyo para sa isang nagtapos.

PAGTATAPOS 2019
Sa Aming Awit
By: Emil Mesina

[Verse I] [Pre-chorus 2]
Ooohhh, kaibigan
Bago tuluyang lumisan Alam nating ito’y
Sa’ting paaralan Walang hanggan
Kayo ay sa awit naming
Pasasalamatan Ooohhh, saan man
Tayo dalhin ng panahon may
Ala-alang iiwanan Pagkakataong bumangon
Sa aming isipan
Ito ay sa awit lagi na [Repeat] Chorus
Mapakikinggan Dahil sa inyo
Mga magulang at guro
[Pre-chorus 1] Sa pag-aaruga at pagtuturo

Ooohhh, salamat Dahil sa inyo


Alam naming ito’y Kami ngayon ay narito
Hindi sapat Mga kamag-aral
Ating dalhin ang aral
Ooohhh, salamat Ng kahapong nagdaan
Kami ngayon sa inyo ay
Nakaharap [Bridge]
Mula ngayon hanggang
[Chorus] Bukas at kailanman
Dahil sa inyo Ang pag-abot ng pangarap
Mga magulang at guro Manantiling nagliliyab
Sa pag-aaruga at pagtuturo
[Repeat] Chorus
Dahil sa inyo Dahil sa inyo
Kami ngayon ay narito Mga magulang at guro
Mga kamag-aral Sa pag-aaruga at pagtuturo
Ating dalhin ang aral
Ng kahapong nagdaan Mula ngayon Dahil sa inyo
Kami ngayon ay narito
[Verse II] Mga kamag-aral Ating dalhin
Bago tuluyang matapos ang aral
Ang kasalukuyan
Awit ng pagkakaibigan Mula ngayon hanggang
Sana’y ‘di makaligtaan Bukas at kailanman
Mula ngayon hanggang bukas
Ala-alang iiwanan sa atingisipan At kailanman
Ito ay sa awit, Ating muling maririnig

PAGTATAPOS 2019
Mensahe ng Pasasalamat
(Nagtapos na May Pinakamataas na Marka)

Sa ating pinakamamahal na punong-guro na tagapagtaguyod ng pagbabago sa ating paaralan, sa


ating masipag na Kapitan ng Barangay at kanyang konseho, mga magulang sa tahanan ng ulirang pagkatao,
mga guro bilang modelo sa pinilakang silid-aralan at kambas ng dakilang karanasan, mga kapwa mag-aaral
ng sari-saring katalinuhan, mga kaibigan at panauhin, mga binibini at ginoo, isang mapagpalang araw sa
inyong lahat.

Sa bawat paggising, ako ay puno ng mga pangarap na may natatanging layunin. Ako’y taos pusong
nananalangin, sana’y mapakinggan ang aking munting hiling. Gawin akong INSTRUMENTO upang ang
tagumpay ng hinaharap ay aking marating. Isang instrumento sa paglinang ng mga kabataang maka-Diyos,
matalino, may mabuting kalooban at kapaki-pakinabang sa kapwa, sa kalikasan at sa bayan.

Hindi ko malilimutan ang karanasang mapudpod ang aking lapis. Isang lapis na unti-unting gumuguhit
at nagmamarka sa aking isipan na kailanman ay hindi mabubura. Ako’y labis na nagpapasalamat sa
Panginoon dahil sa ipinagkaloob niya sa akin na kakayahang gumuhit at magsulat. Lahat naman tayo ay
pinagkalooban ng iba’t ibang kakayahan, marapat lamang itong gamitin nang may pananagutan. Ako’y
magiging isang lapis na gagamitin ang kakayahan upang ibahagi sa aking kapwa. Isang lapis na magtatala
ng mga magandang halimbawa upang umukit at pamarisan ng madla. Maging isang lapis sa pagpapamalas
ng kakayahang walang kawangis.

Iba’t ibang hamon ang pumapapel sa aking buhay. Maraming suliranin ang sumusubok sa aking
determinasyon sa paglalakbay. May mga pagkakataong ako ay nadarapa ngunit patuloy na bumabangon
upang muling makapagsimula. Sisikapin kong maibigay lahat ng makakaya sa bawat laban nang buong
tapang at walang halong pag-aalinlangan. Ako’y magiging isang papel na tapat sa tungkulin nang walang
kasinungalingan. Isang papel na pagsusulatan ng mga magandang nagawa para sa bayan na tunay na
pinagpala.Maging isang papel, hindi plastik!

Nahihirapan man ako sa aking pag-aaral, nariyan naman ang upuan na aking masasandalan. Sa
kabila man ng kalungkutan, kasiyahan o kadramahan sa buhay, sila ay lagi kong karamay at maaasahan sa
isang samahang walang makapapantay. Hindi ko makalilimutan ang aking mga kaibigan. Habambuhay kong
babaunin ang mga nakatutuwang alaala na aming pinagsaluhan sa mahabang panahon. Ako ay magiging
isang tunay na kaibigan na mapagkakatiwalaan sa oras ng pangangailangan. Isang upuan na sandigan ng
pagkakaibigan. Maging isang upuan na masasandalan upang magbigay ng kaginhawaan.

Sa pagbabasa ng libro, natutunghayan ko ang kuwento ng buhay ng mga tao. Ang kuwento ng
aking magulang ay natatangi dahil ito ang nagbubukas ng aking isipan sa mga sitwasyong pumapanday sa
ating lipunan. Pinapadama ng aking magulang ang kahalagahan ng edukasyon na nagtutulak sa akin upang
magtamo ng bagong kaalaman. Ako ay magiging isang librong dala-dala ang kaalamang tutugon sa
kasalukuyang krisis na nararanasan at papawi sa uhaw na isipang patuloy na naghahanap ng kasagutan.
Isang libro na nagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa magkaiba man ng katayuan, kaanyuan at pinagmulan.
Maging isang libro, taglay ang pambihirang puso ng talino.

Sa tuwing ako’y pumapasok sa paaralan, pagmamahal at pagtanggap ang aking nararamdaman.


Naisasakatuparan ang bawat gawain sa gabay ng aking modelong guro na pinakadakila, na para bang isang
housemate sa loob ng bahay ni Kuya. Ang paaralan ay ating pangalawang tahanan maging ang mga guro
na nagsisilbing pangalawang magulang upang maisabuhay ang mga aral na ginintuan. Ako ay magiging
isang paaralan sa paghubog ng pagkatao ng mga kabataan. Isang paaralan na magtataguyod ng kalidad na
edukasyon para sa karamihan. Maging isang paaralan na inspirasyon ng bawat tahanan.

Maraming salamat Panginoon, ako’y isang lapis sa pagbabahagi ng kakayahang walang kawangis.
Maraming salamat sa mga suliraning pinagdaanan, ako’y isang papel na walang halong kaplastikan.
Maraming salamat sa mga kaibigan, ako’y isang upuan na masasandalan sa pagbibigay ng kaginhawaan.
Maraming salamat sa aking magulang, ako’y isang libro taglay ang pambihirang puso ng talino.
Maraming salamat sa aking mga guro, ako’y isang paaralan na inspirasyon sa aming tahanan.

Ipagpapatuloy kong makamit ang aking pangarap bilang isang intrumento. Isang instrumento ng
tagumpay ng bawat Pilipino. Ang bawat pagtatapos ay pag-uumpisa pa lamang ng panibagong bukas.
Maging isang instrumento para sa kapakanan ng ating bansang Pilipinas.

PAGTATAPOS 2019
Iskrip para sa Pagtatapos 2019

MABUHAY!

Isang mapagpalang araw sa ating lahat!

Ang araw na ito ay Araw ng Tagumpay para sa Paaralang ________.

“Pagkakaisa sa Pagkakaiba-iba: Kalidad na Edukasyon para sa Lahat” Ito


ang paksang pinahahagahan sa Pagtatapos 2019.

1. Prosesyunal…………………………… Mga Magsisipagtapos kasama ang


kanilang mga magulang, Mga
Opisyal ng PTA at Barangay,
Kaguruan, Tagapagpatibay,
Panauhing Pandangal

Ang bawat hakbang ay simbolo ng pagsulong… daan para sa pag-abot


sa bagong mithiin. Ang mga ito ay simula ng pagbabago, pagbangon, at
tagumpay. Kung kaya naman, isang kaluguran na maipabatid sa lahat na
may mga mag-aaral tayong nagkaroon ng lakas na gawin ang isang
napakagandang hakbang sa kanilang buhay ̶ ang tahakin ang kanilang
kanilang pang-akademikong daan. Mga mag-aaral na nagpursige,
lumaban, at nagtagumpay. Sila ang ating mga magsisipagtapos sa 2019!

****Entrance****

Mga kaibigan, salubungin natin ng buong init ng paghanga ang mga


magsisipagtapos sa kanilang prosesyunal. Bigyan din natin ng
pagpupugay ang mga personalidad na naging gabay ng ating mga
magsisipagtapos sa bawat habang na kanilang tinahak – ang kanilang
mga magulang…mga opisyal ng PTA at barangay…kaguruan …
tagapagpatibay… at Panauhing Pandangal.

Pagbati
Sa ating pinagpipitaganang panauhing pandangal, sa ating
tagapagpatibay, sa kaguruan na pinamumunuan ni ___________________,
sa pangulo ng PTA gayundin sa kanilang mga miyembro, sa mga opisyal ng
barangay na pinamumunuan ni Kapitan __________________, sa mga
magulang na naririto ngayon, sa ating mga magsisipagtapos, mga iba
pang bisita, mga kaibigan… isang napakagandang araw ang batid kong
sumisilay sa ating lahat ngayong Araw ng Pagtatapos.

PAGTATAPOS 2019
Panimula
Ang edukasyon ay pasaporte sa hinaharap sapagkat ang bukas ay
pagmamay-ari ng mga naghahanda sa ngayon.

Tunay ngang tumpak si Malcolm X sa kanyang katagang aking binanggit.


Hindi maitatatwang ang edukasyon ang siyang susi upang maging
maganda ang buhay sa hinaharap. Kaya naman, ako’y nagagalak sa
ating ipinagdiriwang na Pagtatapos 2019 sapagkat patunay lamang ito na
tayo ay nananalig sa kapangyarihan ng edukasyon na siyang humubog sa
ating mga magsisipagtapos ngayong 2019.

2. Pambansang Awit………….…………………………………… AVP


3. Panalangin………………………………………………………. AVP
4. Himno ng Pangasinan…………………………………………..AVP
5. Himno ng Sangay………………………………………………..AVP
6. Himno ng Paaralan………………………………………………AVP

Batid kong sabik ang lahat na makitang tangan na ng ating mga


magsisipagtapos ang kanilang mga sertipiko, kung kaya’t simulan na natin
ang palatuntunan sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang,
Panalangin, Himno ng Lalawigan, Himno ng Sangay, at Himno ng
Paaralan.

Hinihiling pong tumayo ang lahat.

7. Pambungad na Sayaw
PAGTATAPOS, sampung letra, apat na pantig… nakamit matapos ang ___
taon, silang sinubok man ng mahabang panahon , hindi sinukuan ang
maraming hamon, bagkus sabay-sabay sa isang paglalakbay, animo’y
may isang galaw, sumabay sa musika ng buhay upang sa dulo ay
magtagumpay…

Tunghayan ang galaw at indak ng mga magsisipagtapos sa kanilang


pambungad na sayaw ng pagkakaisa.
Atin silang bigyan ng masigabong palakpakan!!!

----SAYAW----

Maraming Salamat sa ating mga magsisipagtapos, nawa’y


maipagpatuloy ninyo ang indak ng buhay nang buong husay.

8. Pambungad na Pananalita
Sa puntong ito, ating pakinggan ang pambungad na mensahe ni
Gng/G._________, pangulo ng samahan ng mga magulang at guro sa
Paaralang ________.

PAGTATAPOS 2019
9. Pagpapakilala sa mga Opisyal ng Sangay…………………………….AVP
10. Pagpapakilala sa mga Opisyal ng Paaralan……………………….. AVP

Sa likod ng isang matagumpay na institusyon ay mga matatag na lider na


siyang gumagabay at nagbubuhos ng kanilang kakayahan, dedikasyon
at buong pusong pagmamahal sa ngalan ng serbisyo, kaya’t nararapat
lamang na sila’y bigyan ng isang pagpupugay at pagkilala…. Narito ang
isang video presentation na inilaan para sa ating lahat upang lubos natin
silang makilala.

Mga Kaibigan… ang mga Opisyal sa Sangay ng Lungsod ng San Carlos at


ng ating paaralan.

**** AVP****
11. Pagpapakilala sa mga Magsisipagtapos
12. Pagtanggap, Pagpapatibay, at Mensahe
Ang paggugol ng ____ na taong pang-akademiko ay tiyak na puno ng
hamon, hirap at ginhawa, lungkot at saya. Kaya’t nararapat lamang na
maipakilala ang mga mag-aaral na matagumpay na natapos ang
kanilang akademikong yugto.

Mga kaibigan… ang ating mga magsisipagtapos sa pagpapakilala ng


ating punong-guro na si __________.
(AVP will be played prior to the presentation of the School Head)

Susundan ito ng pagtanggap, pagpapatibay, at mensahe ni


______________, tagamasid pampurok ng Distrito _____.

13. Mensahe sa mga Nagsipagtapos


****Kapitan ng Barangay
Ang araw na ito ay ang katuparan ng bawat pangarap, mga
pangarap na sa loob ng ____taon ay tuluyang nakamtam ng mga
nagsipagtapos. Sipag, tiyaga, determinasyon at tamang inspirasyon ang
naging sangkap ng kanilang tagumpay. Kaya’t sa puntong ito, pakinggan
natin ang mensaheng magbibigay muli ng inspirasyon sa ating
nagsipagtapos, ang butihing ama ng ating barangay… Kapitan
_____________.

*** SDS (AVP)


Ang sangay ng lungsod ng San Carlos ay napakapalad sa
pagkakaroon ng visionary at strategic leader na kailanma’y hindi
bumibitaw sa paniniwalang ang bawat mag-aaral ay may angking
kakayanan. Siya ang pwersa ng pagbabago. Siya ay inspirasyon. Siya si Dr.
Sheila Marie A. Primicias! At upang magbigay ng pabaong inspirasyon sa
ating mga nagsipagtapos, pakinggan natin ang kanyang mensahe.

PAGTATAPOS 2019
14. Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal
Sa puntong ito, tinatawagan ng pansin ang ating punong-guro,
__________, para sa pagpapakilala ng ating panauhing pandangal.

15. Mensahe ng Panauhing Pandangal


Maraming salamat po kagalang-galang na panauhing pandangal,
__________________, sa napakahalagang mensaheng ibinahagi ninyo sa
amin sa araw na ito. Tiyak na ang inyong mensahe ay magsisilbing
inspirasyon at gabay ng ating mga nagsipagtapos sa pagtahak ng bagong
landas ng pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na kinabukasan.

16. Paggawad ng Plake ng Pagpapahalaga … Tagamasid Pampurok


Sa Panauhing Pandangal Punong-guro
Pangulo ng GPTA
Kapitan ng Barangay
Ngayon nama’y muli kong tinatawagan ang ating tagamasid
pampurok , punong-guro, Pangulo ng GPTA, at Punong Barangay para sa
paggawad ang plake ng pagpapahalaga sa ating panauhing
pandangal.

17. Distribusyon ng Diplma/Sertipiko ………………..Panauhing Pandangal


Tagamasid Pampurok
Punong-guro
Sa pag-alalay ng: Tagapayo ng mga Nagsipagtapos
Sa pagkakataong ito, tunghayan po natin ang pag-abot ng mga sertipiko
ng pagkilala sa ating mga nagsipagtapos sa Taong Panuruan 2018-2019.
Hinihiling ang pag-alalay ng mga Gurong Tagapayo sa ating panauhing
pandangal, Tagamasid Pampurok at sa ating punong-guro para sa
paggawad ng mga katibayan ng pagtatapos.

Muli nating palakpakan ang mga nagsipagtapos sa 2019.

18. Mensahe ng Pasasalamat……………….


Pakinggan naman natin ang mensahe ng pasasalamat ni _____________,
ang nagtapos na nagkamit ng may Pinakamataas na Marka.

19. Pagbibigay-pugay sa mga Guro…………..


Sa puntong ito ng ating programa, bigyan-daan natin ang pagbibigay
pugay at pagkilala sa mga buhay na bayani na patuloy na nag-aalay ng
kanilang di-matatawarang dedikasyon upang maibahagi ang butil ng
kaalaman sa mga mag-aaral,------ ANG MGA GURO sa pamamagitan
spoken poetry na iaalay sa atin ni ________________ .

PAGTATAPOS 2019
20. Panunumpa ng Katapatan
Hinihiling na magsitayo ang mga nagsipagtapos para sa kanilang
Panunumpa ng Katapatan sa pangunguna ni __________, nagtapos na
may pangalawang pinakamataas na marka.

21. Paggawad ng Medalya at Sertipiko sa mga Nagsipagtapos


na may Pinakamataas na Karangalan at Natatanging Parangal
Saksihan naman natin ngayon ang paggawad ng mga medalya at
sertipiko ng pagkilala sa lahat ng mga nagsipagtapos na umani ng
karangalan at kahusayan sa larangan ng akademya at sa iba’t ibang
natatanging disiplina ng edukasyon.

22. Paggawad ng Sertipiko ng Pagkilala a mga Nanalo sa Search for Best


Learning Environment
Ngayon naman, bigyan natin ng pagkilala ang mga gurong nanalo sa Search for
Best Learning Environment.

23. Sinopsis
Upang magbigay-ulat sa mga kaganapan, mga layuning nakamtan, at
mga programang matagumpay na naisakatupan ng ating paaralan sa
Taong Panuruan 2018-2019, hinihiling nating magbigay ng synopsis si
_________________, ang ating punong-guro.

24. Awit ng Pagtatapos


Ngayon nama’y pakinggan natin ang mga nagsipagtapos para sa awit ng
pagtatapos na pinamagatang Sa Aming Awit sa pamumuno ni ______.

25. Resesyunal
Sa ngalan ng pamumunuan ng (paaralan), taos-pusong pagbati ang
sumainyo, aming mga mahal na nagsipagtapos gayundin sa inyong mga
magulang. Lubos na pasasalamat ang nais ding ipabatid ng paaralan sa
lahat ng mga tumulong, nagbigay ng mga medalya at gantimpala, mga
panauhing nagsidalo at nakiisa sa Pagtatapos 2019. Maraming-maraming
salamat at mabuhay tayong lahat!

Tapos na ang ating programa ngayong araw, ang susunod na bahagi ay


ang resesyunal na pangungunahan ng ating panauhing pandangal at
tagapagpatibay na susundan ng mga opisyal ng PTA at Barangay, mga
nagtapos kasama ang kanilang mga magulang, at kaguruan.

Muli, magandang araw sa lahat!

PAGTATAPOS 2019
PALATUNTUNAN
1. Prosesyunal……………………………Mga Magsisipagtapos at kanilang mga
Magulang, Mga Opisyal ng PTA at
Barangay, Kaguruan, Tagapagpatibay,
Panauhing Pandangal
2. Pambansang Awit………….…………………………………… AVP
3. Panalangin……………………………………………………….. AVP
4. Himno ng Pangasinan …………………………………………..AVP
5. Himno ng Sangay………………………………………………...AVP
6. Himno ng Paaralan………………………………………………. AVP
7. Pambungad na Sayaw…………………………………………..AVP
8. Pambungad na Pananalita …………………………….…………Pangulo ng PTA
9. Pagpapakilala sa mga Opisyal ng Sangay…………………………..AVP
10. Pagpapakilala sa mga Opisyal ng Paaralan…………………………..AVP
11. Pagpapakilala sa mga Magsisipagtapos….................AVP & Punong-guro
12. Pagtanggap, Pagpapatibay, at Mensahe ……………….Tagamasid Pampurok
13. Mensahe sa mga Magsisipagtapos ……………………Kapitan ng Barangay
……………………Tagapamanihala ng Sangay (AVP)
14. Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal………… Punong-guro
15. Mensahe ng Panauhing Pandangal………………
16. Paggawad ng Plake ng Pagpapahalaga ……………… Tagamasid Pampurok
Sa Panauhing Pandangal Punong-guro
Pangulo ng PTA
Kapitan ng Barangay
17. Distribusyon ng Sertipiko ……………………Panauhing Pandangal
Tagamasid Pampurok
Punong-guro
Sa pag-alalay ng: Tagapayo ng mga Nagsipagtapos
18. Mensahe ng Pasasalamat ...........................Nagtapos na may Pinakamataas
na Marka
19. Pagbibigay-pugay sa mga Guro…………..
20. Panunumpa ng Katapatan………………… Nagtapos na may Pangalawang
Pinakamataas na Marka
21. Paggawad ng Medalya at Sertipiko sa mga Nagsipagtapos
na may Pinakamataas na Karangalan at Natatanging
Parangal …………. ……………………………Panauhing Pandangal
Tagamasid Pampurok
Punong-guro
Sa pag-alalay ng: Tagapayo ng mga Nagsipagtapos
22. Paggawad ng Sertipiko ng Pagkilala a mga
Nanalo sa Search for Best Learning Environment …… Tagamasid Pampurok
Punong-guro
23. Sinopsis ………………………………………….. Punong-guro
24. Awit ng Pagtatapos …………………………. Mga Nagsipagtapos
2. Resesyunal…………………………Panauhing Pandangal, Tagapagpatibay,
Mga Opisyal ng PTA at Barangay, Kaguruan,
Mga Nagsipagtapos at kanilang mga
Magulang

Tagapagdaloy ng Palatuntunan

PAGTATAPOS 2019
SALAMAT
(Isang Pagbibigay Pugay sa mga Guro)

SALAMAT isang salitang binubuo ng tatlong pantig


Tatlong pantig na nagpapahiwatig ng tunay at dalisay na pag-ibig
Pag-ibig na iyong itinanim sa puso’t isip na kailanma’y hindi maiiwawaglit
Panahon man ay magpalit karunungan, kaalaman, kasipagan at kahusayan
‘Yan ang mga nagsilbing puhunan
Upang mapanday ang mura kong isipan
Nang maging buo kung harapin ang naghihintay kong kapalaran
Pagmamahal na walang maliw
Pinadama mo sa akin nung ako’y naguguluhan at di alam ang gagawin
Sa ‘yo ko natagpuan ang panibagong pag-asa
Pag-asang kaya ko pala,
Kaya ko palang maniwala na ang buhay ay pwedeng mabigyan ng kulay tulad ng sa krayola
Nagtitiis, nasasaktan, nalulumbay sa tuwing nakikita mong parang ako’y walang buhay at
napapariwa sa pinipili kong tulay
Dahil, aaminin ko minsan o madalas ako ay sumasablay
Sa bawat araw na pagtuturo
Madalas hindi ko nakikita na ika’y may dadaming kagaya ng sa nanay ko
Na ang gusto lang ay mapabuti at maayos ako
Hindi nakikinig sa mga pangaral mo dahil nagiging makasarili ako
Naalala ko noong unang araw ng pasukan
Naging musika sa ‘kin ng ‘yong banggitin ang aking pangalan
Naging sabik akong pumasok sa ating silid aralan at nagsimulang utak ay yumaman
Heto pa…hindi lang pagtuturo ang iyong dala
Dahil sa mga pangaral sa buhay ay sa ‘yo ko nakuha
Laging may ngiti sa labi at nagpapatawa
Kahit laman ng pitaka mo’y walang wala
Nong akoy nasangkot sa gulo dahil sa panunukso
Hindi mo ako pinahiya bagkus ay binigyan ng payo
Kahit sa loob loob mo inis na inis na sa pag-intindi sa tulad ko
Pero hindi ko nakita sa ‘yo ang salitang PAGSUKO
Ikaw? Ikaw ang nagmulat sakin sa kahalagahan ng mga titik
Mga titik na bubuo sa mga pangarap kong hitik na hitik
Ikaw din ang naging pundasyon sa kung paano humawak ng lapis
Lapis na magsisilbing baluti sa pagsulat ng mga ninanais
Sa iyo, sa iyo ko natutunan ang kahalagahan ng pagbabasa
Dahil buong oras ay binigay muna upang makilala ang bawat salita
Salitang naghudyat sa akin upang unawain ang salitang pag-asa
Nagsilbing daan upang lahat ng aralin ay maipasa
Disiplina at edukasyon Ikinintil mo sa aking isipan ang kahalagahan ng mga ‘yon
Na dapat pag-ibayuhin lumipas man ang maraming panahon
Nang gayon magiging determinado at handa sa bawat hamon
Pisara, tyesa at aklat…Mga sandatang sa pang-araw araw mo’y kaakibat
Dinagdag pa ang pusong walang kasing busilak
Nang sa ako’y bumukadkad tulad ng isang bulaklak
MAHAL KITA , ‘yan ang dalawang salitang iyong binabanggit sa tuwina
Ngunit hindi nabigyan ng pansin at halaga
Bagkus ako’y nagpasaway pa
At hindi sinunod ang lahat ng payo ni isa
Ngayon napagtanto’t alam ko na
Mam, sir , pasensya na kung minsan at di ko naipadarama
Ang respeto at pagmamahal na sa aki’y naibigay mo na
Isang malaking SORRY dahil sa mga kagaguhan nagpatulo ng iyong mga luha
Ngunit gayon paman ika’y naninawala na balang araw akoy magiging dakila
AKO? Ako ang isa sa mga naging buo
Ako ang naging produkto ng dakila mong pagtuturo
Kaya Salamat ang handog ko sayo aking guro
Dahil sa ’yo, dahil sa ‘yo posible akong mabago at harapin nang may ngiti ang mundo
Salamat, aking GURO!

PAGTATAPOS 2019
PANALANGIN
Basta’t Ikaw

Verse
SA BUHAY KO IKAW ANG BUKAS
SA LAHAT NG SULIRANIN KO
IKAW ANG SIYANG LUNAS

SA PUSO KO
IKAW ANG NAIS
PAG-IBIG MO DIYOS
O KAY TAMIS

Chorus

NAPAKASARAP MAGPURI
SA KANLUNGAN MO

LAHAT NG NAIS NG PUSO'Y


NATATAGPUAN SA'YO

NAPAKASARAP MAGPURI
SA KANLUNGAN MO

WALA NG AALALAHANIN PA
NAKAPALIGID MAN ANG PROBLEMA

Bridge
BASTA'T IKAW
BASTA'T IKAW
BASTA'T IKAW
O DIYOS AY KASAMA

PAGTATAPOS
CLASS OF 2018
2019

You might also like