You are on page 1of 11

TUGON SA HAMON NG PAGBABAGO

(Speech of Atty. Ramon S. Masagca, Guest Speaker,


on the 38th Commencement Exercises of
San Andres Vocational School,
San Andres, Catanduanes, April 6, 2011)

Maraming Salamat Sa Tagapagkilala;

Sa mga kagalang-galang at pinagpipitaganang mga


panauhin; sa ating Kagalang-galang na Alkalde ng Bayan
ng San Andres, Dr. Romano, sa pamunuan ng San Andres
Vocational School, mga minamahal na mga magulang ng
mga graduates ngayon school year 2010-2011; sa mga
graduates, sa mga masipag na mga guro at punongguro,
lalong lalo na sa mga ka-batch ko sa school year 1968-
1969, sa mga kabataan; sa ating katandaan, gentlemen
and ladies, Dios marhay na hapon po saindo gabos.

Hayaan ninyong basahin ko ang aking maikling


talumpati na kahapon at kagabi ko lamang pinagpuyatan.

Bago ako magpatuloy sa aking maikling talumpati,


isang taos-pusong pagbati muna ang ibinibigay ko sa mga
magtatapos ngayong school year 2010-2011! Isang
masigabong palakpakan muna para sa kanila! Palakpakan
din natin ang masisipag at matitiyagang mga magulang ng
mga magsisipagtapos ngayon!

Page 1 of 11
Forty-two years ago, I was also sitting down at the
front row of the graduating class of the defunct Calolbon
Institute, the former name of SAVS, Batch 1968-1969. I
was then about to be conferred a silver medal and a cash
prize for being the salutatorian of the graduating class,
and my closest academic rival, Simon Jacobo was about to
be conferred a gold medal and a cash prize too. God
knows then and now I do not deserve just no. 2 in
academic excellence of the top section of the graduating
class, S.Y. 1968-1969, although there is still a melancholic
feeling left, I now feel most grateful to my teachers then
and to classmates then who truly believed in me, two of
them I am sure are your teachers in this school, and
maybe mothers or fathers, or grandmothers or
grandfathers of some of the members of the graduating
class now. Huwag kayong mag-alala maiksi lang ang aking
pagbibida sapagkat hindi ako ang bida dito kundi kayo na
mga magtatapos ngayon at ang inyong mga magulang,
kuya o ate, na siyang nagpagal at di-alintana ang init ng
araw at lamig ng ulan sa bukid, ang init at lamig sa dagat,
at hapdi ng lipak sa kanilang mga palad upang
makapagtanim o makapangisda kaya, at nagpakabuti at
nagpakatapat sa kani-kanilang mga trabaho at opisina
upang matustusan lamang ang inyong pag-aaral, at
siyempre, bida rin dito yaong mag-aaral, na sa
elementarya at sa high school ay working students na,
katulad ng inyong abang lingkod noon.

Ang mga magtatapos ngayon, sa kolehiyo man o


sekondarya ay hinahamon ng panahon at ng ating
pamahalaan na sila ay maging kaagapay sa pagbabagong
anyo ng lipunan. They are being challenged to be
partners in societal transformation! Kung ito ang hamon

Page 2 of 11
sa mga magtatapos sa ngayon sa sekondarya at kolehiyo,
dapat pala, mag-umpisa na tayo ngayon, at dapat nga
noon pang nasa elementarya at kindergarten pa lamang.
Sa totoo lang, sa pag-aaral ng isang anak, ang mga
magulang ang siyang dapat humahawak sa kamay ng
kanilang mga anak upang matiyak ng magulang na hindi
niya ito mabibitawan habang ginagabayan niya ang mga
ito sa kanilang pag-aaral. Ano po ba ang ibig kong sabihin?
Kung nais nating maging mabuting mamamayan,
masunurin sa batas at mapagmahal sa katahimikan, ang
ating mga anak, at upang maging kaagapay sa pagbabago
ng lipunan tungo sa matuwid na landas, tayong mga
magulang dapat ang magsilbing halimbawa sa mabuti at
matuwid. Kung mabuti at matuwid ang magulang, walang
dahilan kung bakit di-susunod ang mga anak. Kung ganito
ang ating panuntunan sa ating tahanan, natitiyak ko na
ang mga guro sa elementarya at sekondarya, bilang
pangalawang mga magulang, ay hindi mahihirapang
humubog sa mga kabataan upang maging mabuti at
kapaki-pakinabang na mga mamamayan. Marahil kayo ay
magtatanong, papaano pala kung ang magulang na mismo
ang malayo sa pagiging huwaran? Kung sila na mismo ang
masamang ehemplo? Kung magkaganoon, tayong mga anak
at mga kabataan ang humawak sa kamay na ating mga
magulang. Tayo na ang magpaalala sa kanila. Nasa
pamamaraan at determinasyon lang iyan. Alalahanin sana
nating lahat, walang likas na masamang magulang.
Hanggat ang isang ama o ina ay may puso, may sapat na
pang-unawa at may mariing pananampalataya sa
Maykapal, tiyak na makikinig siya sa katwiran at pakiusap
ng kanyang anak Kung sadyang hindi na kaya at parang
bigo na ang lahat, sa Panginoong Diyos tayo manalig. Sa
Kanya, walang imposible; sa Kanya walang di matutupad.

Page 3 of 11
Ang pagiging isang mabuting mamamayan at
kaagapay sa pagbabago tungo sa matuwid na lipunan ay
totoong mahabang proseso. Ngunit kung ito ay
mauumpisahan sa tamang panahon, mahabang proseso
man ito, hindi naman gaano kahirap makamtan. Kapag
hinubog natin ang ating anak sa mabuti, lalaki siyang isa
ring mabuting mamamayan. Ngunit kung pababayaan
natin siyang lumaking sinungaling siya ay magiging
sinungaling din. Sa mga anak naman, dapat sundin ang
magulang o nakatatanda. Halimbawa, kapag ang isang
batang mag-aaral ay binigyan na ng baong pera
halimbawa, at ito ay nagsinungaling pa sa kanyang
magulang na siya ay wala pang baon, gayong mayroon na,
o kung ang pinabibili ng magulang ay libro, pero ang binili
ay tiket sa sine o konsyerto, kung ito ay magapapatuloy
hanggang sa kanyang high school at kolehiyo, kapag ito ay
nagtrabaho sa gobyerno, baka ito ay maging corrupt na
opisyal o empleyado o kaya isang mapaglamang sa kapwa,
sinungaling, abusado, walang pakundangan sa karapatan
ng iba, at kung ito ay wala ring tunay na sampalataya at
takot sa Diyos, tiyak na hindi lang pamahalaan, kundi ang
mamamayan ang siyang mapapariwara. Kaya sa mga
magulang na naririto, sana an gating pagsubaybay sa ating
mga anak ay hindi matapos sa kanilang graduation. Sa
mga magtatapos naman ngayon, huwag na tayong
magpabukas pa ngayon pa man ikintal na natin diyan sa
ating isipan at isapuso natin ang ating pagiging mabuti at
responsible at huwarang mamamayan, sa eskwelahan
man, sa opisina o saan man kayo mapunta mula dito, at
habang tayo ay bata pa, at habang ang isipan ay madali
pang pandayin o hubugin.

Page 4 of 11
Isang hindi nagpakilalang manunulat ang nagsabi ng
patula at marahil ito ay alam na alam ng ating mga mag-
aaral: It says, and I quote:

“I took a piece of plastic clay


And idly fashioned it one day,
And as my fingers pressed it, still
It moved and yielded to my will.

I came again when days were past;


The bit of clay was hard at last,
The form I gave it still it bore,
But I could change that form no more!

I took a piece of living clay,


And gently pressed it day by day,
And molded with my power and art
A young child’s soft and yielding heart.”

Malinaw po ang mensahe ng may akdang hindi


nagpakilala. Dapat daw hubugin ang puso at isipan ng
isang tao habang siya ay bata pa. And slowly, step by step
we can do it.

Ang nanay ko noon ay may kasinungalingan noong


ako ay nag-aaral pa sa elementarya. Ako daw ay gwapo.
Kaya noong ako ay nasa grade I at grade II, kapag ayaw
kong pumasok, sasabihin niyang ako ay gwapo. Kaya kapag
sinabi na niya ito, ako ay sinisipag na sa pag-aaral.

Totoong maraming tukso at distorbo na maaaring


maging hadlang tungo sa pagtupad sa isang pangarap.
Ngunit kung iuukit natin sa ating mga isipan at tayo ay

Page 5 of 11
magkaroon ng matibay na determinasyong makapagtapos
sa kolehiyo tungo sa pagtupad sa ating ambisyon,
natitiyak ko, hindi kayo mabibigo. Sa mga magsisipagtapos
ngayon sa sekondarya, huwag muna kayong masyadong
makinig sa tinitibok inyong mga puso. Tama po na ang
puso ay hindi sinungaling pero siya ay may sariling rason
at ang rason na ito ay hindi nakakaintindi. In one labor
case it was stated by the High Court, “the heart has
reason of its own, which reason does not know.” Kapag
puso ang inyong pinakinggan, baka kayo ay mahirapan
kung ang sinasabi ng pusong iyan ay umibig at mag-asawa
na kayo habang nag-aaral pa at wala pa ring trabaho. Ang
puso daw ay may sariling rason, at ang rason na ito ay
hindi nakakaintindi. Sadyang mahirap pagsabayin ang
dalawang ito. Please don’t try it. Better keep your focus
on your studies first.

It may be true, that your sweetheart may be a


potent and inseparable partner and inspiration, but he or
she seldom does in times of trouble. So that we avoid the
risk of being caught between two (2) priorities, one to
finish your studies, and the other to maintain, and
support a family. Finish your studies first. It is certainly
hard to take both at the same time. Sinasabi ko sa inyo
nang walang alinlangan at pagkukunwari. Ganito kasi ang
nangyari sa inyong abang lingkod, nang siya ay mag-aral
ng kolehiyo sa Far Eastern University sa Maynila.
Pinagsabay ko ang dalawang ito. Ang katwiran ko kasi
noon, total ako naman ang nagpapaaral sa aking sarili
kaya wika ko sa aking sarili, maaari ko na sigurong
pagsabayin ang pag-aaral at pag-aasawa. At alam po ba
ninyo kung ano ang nangyari? Iyong preparatory law na
AB Political Science course na dapat apat na taon lang,

Page 6 of 11
ay natapos ko sa loob ng labing isang (11) taon, sapagkat
hindi pa nga ako nakatapos ng aking four-year course ako
ay nag-asawa na, kaya ang aking pag-aaral ay pahinto-
hinto. Kapag higit na kailangan ng pamilya ang pera,
pamilya muna, hinto muna ang pag-aaral. Kaya natapos
ko ang preparatory law ko sa loob ng labing isang (11)
taon sa halip na apat (4) na taon lang, at sa awa ng
Panginoong Diyos natapos ko ang law proper, taong 1987.
Kaya sa halip na walong taon lang ang abogasiya, ito ay
naging labing limang (15) taon. Ito ay magsilbi sanang
aral sa inyo. Huwag ninyong pagsabayin ang pag-aaral at
pag-aasawa o pagpapamilya. Sa tanang akin, bagama’t
totoong napakahirap ang aking dinaanan at lahat halos ay
nagawa ko na. Isa lamang ang hindi ko nagawa, ang isuko
ang aking ambisyong maging isang ganap na abogado.
Ganoon po katibay ang determinasyon ng inyong abang
lingkod. Ang ambisyon ng isang karaniwang tao ay
mahirap pigilin. Wika nga, “you can easily kill a general
surrounded by his men, but you can hardly kill the
ambition of a common man”.

Ang inyong abang lingkod noon, tatlong (3) araw


matapos ang aming graduation noong 1969 dito sa
eskwelahan ding ito, sa dati niyang pangalang Calolbon
Institute, ako ay pumunta na sa Maynila baon ang aking
pangako sa aking sarili at sa aking mga magulang, na
isang araw sa hinaharap babalik ako San Andres,
Catanduanes, na isang ganap na abogado, at ito ay
tinupad ko. Iyon nga lamang, sa tagal ko bago maging
isang ganap na abogado, marami ang nainip; marami ang
nainis; marami ang nagsabi na kailanman hindi ko na
matutupad ang aking pangarap, at marami ang hindi na
nakapaghintay, kabilang na diyan ang aking mga

Page 7 of 11
magulang na sina Aniana Soliveres at Daniel Masagca, na
pareho nang pumanaw bago ako naging ganap na
abogado. Hindi na nila nahintay ang katuparan ng aking
pangarap. Ngunit saan man sila naroroon, anumang
tagumpay ang aking nkamit, ito ay alay ko sa kanila at
alay ko rin sa inyo, at alay ko sa ating paaralan.

Kung hindi kaya ng inyong mga magulang na


magpaaral sa inyo dahil sila ay mahirap lang, huwag
ninyo silang sisihin. Maari naman kayong magtrabaho at
mag-aral. Maraming tamang paraan; Maraming
pagkakataon. Ang tagumpay ng isang tao ay hindi
nasusukat lamang sa hindi pagbagsak, kundi sa kaniyang
pagbangon tuwing siya ay babagsak. Huwag mawalan ng
pag-asa. Kung sa pakiramdam ninyo bigo na ang lahat, at
kung lahat pati matalik mong kaibigan ay iniwan ka na,
laging manalig sa walang hanggang kalinga at
pagmamahal ng Poong Maykapal. We take the great
lesson on the Footprints in the Sand. It says and I quote:

“One night a man had a dream.


He dreamed he was walking along
the beach with the Lord. 
Across the sky flashed scenes
from his life. 
For each scene, he noticed two
sets of footprints in the sand; one
belonging to him, and the other
to the Lord. 
When the last scene of his life
flashed before him,

Page 8 of 11
he looked back at the footprints
in the sand.
He noticed that many times along
the path of his life, there was
only one set of footprints. 
He also noticed that it happened
at the very lowest and saddest
times in his life. 
This really bothered him and
he questioned the Lord about it. 
"Lord, you said that once I
decided to follow you, you'd walk
with me all the way. 
But I have noticed that during the
most troublesome times in my life
there is only one set of
footprints. 
I don't understand why, when I
needed you most,
you would leave me." 
The Lord replied, "My precious,
precious child,
I love you and I would never
leave you.
During your times of trial and
suffering,
when you see only one set of
footprints in the sand,
it was then that I carried you."

Kaya, mga mahal kong mga magulang at mga


kabataan, at mga kapwa ko magulang, kung kayo ay

Page 9 of 11
mabigo at pakiramdam ninyo, kayo ay iniwan na nang
lahat, alalahanin ninyo lagi, ang Poong Maykapal ay
laging nandyan, kailanman di kayo iniwan.

Sana ang tiyaga, sipag at determinasyon ko sa pag-


aaral ay maging inspirasyon at maging magandang
halimbawa sa inyo, ngunit makatapos man kayo o hindi sa
inyong pag-aaral, sana dito ninyo gugulin ang inyong
kaalaman at talino sa ating bansa. Bagama’t totong mura
lang ang sahod dito sa ating bansa at mahirap umasenso
ang isang pangkaraniwang empleyado dito, hanggat
maaari huwag nating iwan ang ating bansa. Kung minsan
ako ay nagdaramdam, kapag naririnig ko ang isang
Pilipinong bumalik dito sa ating bansa galing sa ibang
bansa, at sinasabi na dito sa ating bansa ay walang
kapag-a-pag-asang umasenso at wala nang ginawa kundi
ang laitin ang gobyerno natin, gayong tinatawag at
pinaparangalan naman silang mga bagong bayani sa
makabagong panahon. Sa tanang akin po yaong mga nag-
ral, nagtapos at nagpakadalubhasa dito sa ating bansa, at
nanatili dito, at dito ginamit at ginugol ang kaalaman at
talino ay dapat rin tawaging mga bayani, at sila ay ang
mga tunay na bayani sa luma at bagong panahon.

Naniniwala ako na kung pagkatapos ninyong mag-


aral sa kolehiyo, dito ninyo gugugulin ang inyong talino at
kaalaman sa ating bansa, tayo ay magiging responsable at
kapakipakinabang na mamamayan at higit nating
epektibong matutugunan ang hamon ng pagbabago tungo
sa isang matuwid, matahimik, maunlad at Makadiyos na
pamayanan.

Page 10 of 11
Sa muli, isang taos pusong pagbati sa ating mga
nagsipagtapos ngayong School year 2010-2011. More
Power to you. Good Luck, and I wish you the best,
henceforth. Diyos Marahay na banggi, asin Dios mabalos
sa indo gabos.

----------o0o----------

ATTY. RAMON S. MASAGCA


(CI / SAVS ALUMNUS, Batch 1968-1969)

Page 11 of 11

You might also like