You are on page 1of 2

Thank you Ma'am Anino, hihihi grade 6 teacher ko nga pala si Ma'am anino noon.

When I was invitedAs your guest speaker for today's graduation, my first thought
kay
"Nganong ako kaha ilang gihimong guest speaker?" (pero sa dili pa ko magpadayon sa
akong message,
tuguti ko nga mogamit sa atong national nga linggwahe mao ang FILIPINO).
daghang pangutana ang naa sa akong hunahuna, pero ang nais ko pong ipabatid
sa inyong lahat na ako po ay lubos na nagagalak sa pagkakataong ito.
Isang prebilihiyo pong maituturing ang tumayo sa inyong harapan.

Sa ating DepEd Superintendent, Mr. Edwin R. Maribojoc, our School Head, Ma'am
Anabel L. Cabatuan,
sa ating mga butihing guro, at sa ating Punong Barangay, Hon. Alfredo Y. Bolleno,
Jr. at sa kanyang
mga kasamahang konsehales, sa aking mga kabarangay, sa mga proud parents, at sa
ating mag-aaral na magsisitapos,
mapagpalang umaga po sa inyong lahat.

Bago ang lahat gusto kung palakpakan ninyo ang inyong mga sarili, Congratulations
everyone
for your hardwork, students be very proud of your self for achieving this goal
dahil deserve
ninyong bawat isa makatanggap ng diploma and this is just the start of your
journey, this is
not the last step, dito palang masusubok ang inyong mga kakayahan.

Bilang mga magsisipagtapos, kamusta kayong lahat? Okay lang? Salamat naman at okay
kayo, ako
dito gakurog na sa kakulba. (HAHAHHAHAH), bitaw, Masaya ba kayo? Excited na ba
kayong maghighschool?
Alam kung mahirap ang inyong pinagdaanan dulot ng pandemya. Sa inyong pagtatapos
hindi ninyo man lang
nakasama ng matagal ang inyong guro, kaibigan at kapwa mag-aaral. Dahil sa
nararanasang pandemiya ng buong bansa
marami sa inyo ang namimiss na ang isa't isa. Alam ko ang pinakanamimiss ninyo ang
humanay sa School ground
, kumanta ng pambansang awit ng pilipinas at pagbigkas ng panatang makabayan.
Namimiss niyo rin siguro
ang pakikipaglaro ng mga kaibigan at pakikipagkwentuhan sa katabi at paglista ng
maingay sa klase. Ngunit
sa kabila ng pagsubok na ating kinakaharap patuloy paring nagbibigay na epektibo at
kalidad na edukasyon
ang kagawaran ng edukasyon ng pilipinas sa tulong ng online class, modular class at
radio-based instuction
class.

Nang dahil sa pandemiya na dulot ng Covid-19 ang dating paraan sa pagtuturo ay


nagbago. Tiyak na marami sa
inyo ang nahirapang mag-adapt sa makabagong paraan ng pagtuturo dahil hindi naman
natin ito nakasanayan.
Ngunit sa kabila nito nandiyan ang inyong mga guro na walang sawang nagturo at
gumawa ng paraan para mas inyong
maunawan ang mga talakayan na dapat ninyong malaman sa huling taon ninyo sa
elementarya. Hindi niyo man sila
nakasama ng matagal sa huling taon ninyo, nararapat lamang na silay inyo ding
pasalamatan. Pasalamatan niyo din
ang inyong mga magulang na walang sawang sumusuporta sa inyo. Ang isang simpleng
"THANK YOU" lang ay sapat na
para mapangiti niyo sila.

Sa pagtungo niyo sa mataas na paaralan nananatiling hamon ang pandemiya sa inyong


pag-aaral. Ngunit kung mas maalab
ang inyong hangaring makatapos at hanggang kolehiyo hindi mawawalan ng pag-asa sa
puso ang bawat isa sa inyo, maaari
ninyong mapagtagumpayan kung ano man ang gusto ninyong marating sa buhay.

Sa patuloy na paglaganap ng Covid-19 sa ating bansa huwag kayong paghihinaan ng


loob, marami mang balakid ay
maaari pa din na itaguyod ang pag-aaral sapagkat sumusuporta sa inyo ang inyong
mga magulang at guro sa pangangailangan
sa informasyon bili sa inyong kaalaman sa akademiko.

Graduates ang pagsasakatuparan ng inyong mga pangarap ay nakadepende sa inyong


determinasyon. Mahirap man ang sitwasyon
sa panahon ng pandemiya huwag kayong mawawalan ng pag-asa at tiwala sa poong
maykapal. Sa pandemiyang ito may mga bagay
ding natutunan ang lahat. Bilang isang guro kailangan ninyong pagsikapang pag-
aralan ang computers, paggawa ng presentasyon
at mga video na ipapakita sa online class. Nilawakan ninyo din ang inyong kaalaman
sa paggawa ng modules na gagamatin ng mga studyante.
Sa mga magulang naman, sa kabila ng pagsusumikap nilang maitaguyod ang pamilya
naging kaagapay din sila ng ating mga guro
upang matulungan at masuportahan kayong mga mag-aaral sa mga aralin na kailangan
din nilang pag-aralan, balikan at alalahanin
dahil sa nalipasan na ng panahon. Sa ating mga mag-aaral kinailangan rin nilang mas
paunlarin at pagsumikapang pag-aralan ang kanilang
mga aralin, natuto kayong gumawa at naging malikhain sa mga proyektong binibigay sa
inyo ng inyong mga guro at ang pagiging responsable
sa gawaing bahay.

Sa pandemiyang ito na kinakaharap ng buong mundo, may kabutihan din itong naidulot
sa bawat isa at sa pamilya.
Napagbuklod nito ang mga pamilyang minsan nalang magkita, napagsabay-sabay ang
isang pamilya na hindi nagkikita sa hapagkainan at
napatibay ang pundasyon at importansya ng isang pamilya. Ang pamilya ang pundasyon
ng lipunan upang maging matatag at matagumpay ang
isang bansa. Dalangin natin sa panginoon na malagpasan na natin ang pandemiyang ito
at bumalik na tayo sa normal kung saan ang
bawat isa ay makakilos na sa normal. Sa ngayon ang ating maitutulong sa bawat isa
ay proteksyonan ang ating sarili, pamilya at
kapwa para malabanan natin ang pandemiya. Tandaan ninyo kayong mga kabataan, bawat
isa, ang future ng ating bansa, kayo ang pag-asa
upang magkaroon ng magandang katayoan ang ating mahal na bayan.

Bilang pagtatapos, iniiwan ko po ang hamong ito sa inyong lahat na naririto, tulad
ng isang tunay na ginto ito'y kailangang
dumaan sa isang napakainit na apoy upang higit na makita ang ningning nito, gayon
din ang isang tagumpay ng tao kailangan ito'y
dumaan sa napakaraming pagsubok kakambal ang maraming pagdurusa, kalungkutan,
pagkawala, at pagluha at kapag ang lahat na ito ay
nalampasan kapalit nito ay tatag na walang sinuman ang makabubuwag dahil hindi
natitinag ang pusong pilipino. Mabuhay ang ating mga guro,
mabuhay ang ating mga magulang, mabuhay ang batch 2021-2022 ng Vicente Flores
Memorial Elementary School. Maraming Salamat po.

You might also like