You are on page 1of 2

MAUREEN C.

SAN DIEGO
12-ABM

“Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok”

Sa ating minamahal at iginagalang na Schools Division Superintendent, Dr.


Ericson Sabacan, sa ating masipag na EPS l- Filipino Sir Alexander Angeles, sa ating
panauhing taga- pagsalita ngayong hapon Madam Jenifer Santiago, sa ating Punong
Barangay Ginoong Flaviano Gregorio, sa ating FPTA President Ginoong Virgilio Igaya,
sa ating SGC President Ginang Maricel Cuaresma, sa minamahal naming Punong Guro
Ma'am Olivia G. Javier, sa bumubuo ng Faculty and Staff ng MNHS, mga magulang,
mga panauhin at sa mga kapwa ko nagsipagtapos , isang maganda at mapagpalang
araw po sa ating lahat!

Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng oportunindad upang


magsalita sa harapan ninyong lahat. Isang karangalan po sa akin ang pagbati sa
kapwa ko kamag-aral sa pinaka importanteng araw na ito sa aming buhay--ang-
Graduation Ceremony. Ang tema sa taong ito ay “Gradweyt ng K to 12: Masigasig
sa mga Pangarap at Matatag sa mga Pagsubok.” Tunay ngang ang makapagtapos
ng K to 12 ay isa nang napakalaking tagumpay para sa atin na magsisipagtapos.
Naging masikap tayo mula Junior High School hanggang Senior High School.
Nagkaroon man ng maraming pagbabago na dulot ng pandemya, saglit mang
napalitan ang mga nakagawiang pagpasok at pakikinig sa mga guro sa paaralan,
ang pagaaral man ay naging modular at nagkaroon ng independent learning, ang
ilan man sa atin ay nahirapan sa mga pagbabagong ito hindi natin hinayaang ito'y
maging hadlang upang tayo ay matuto. Nanindigan tayo para sa ating kagustuhan
na makamit ang ating mga pangarap, sa kabila ng mga balakid ng pandemya na
sumubok sa ating katatagan.

Naging matiyaga tayo na suungin ang mga hamon ng buhay at hubugin ang
ating mga sarili. Sa pagtatapos natin sa araw na ito- mga minamahal kong kamag-
MAUREEN C. SAN DIEGO
12-ABM

aral, ituring natin na tagumpay ang mga parangal at medalya, kasabay ng


pagtanggap ng inaasam-asam na

diploma. Huwag tayong padadaig sa kahit ano mang pagsubok, ituring nating
armas ang ating kakayahan, talento, talino, at matatag na harapin ang panibagong
yugto ng ating mga buhay. Nawa'y patuloy tayong maniwala sa ating mga sarili na
kaya nating lagpasan ang bawat pagsubok na ating haharapin at maging
matagumpay sa bawat mithiin natin.
Nais ko pong samantalahin ang pagkakataon upang pasalamatan ang bawat
magulang na narito ngayon, salamat po sa inyong pagsusumikap, pagsuporta at
paggabay sa amin upang maabot namin ang tagumpay na ito. Gayundin po sa
aming mga guro na walang sawang nagturo at naging pangalawang magulang
namin. Kayo po ang nagsilbing instrumento upang mas mahubog namin ang aming
mga sarili, maraming salamat po sa inyo. Muli, isang mapagpalang araw po sa
ating lahat at malugod ko po kayong tinatanggap sa aming munting paaralan ang
Maruhat National Highschool. Magandang hapon po sa ating lahat

You might also like