You are on page 1of 2

Renato B. Emocling Jr.

Pozorrubio, Pangasinans
23
Pagtuturo
1. Bakit yan ang iyong napiling propesyon?
Ang pagtuturo bilang propesyon ay aking kagustuhan at hindi nang
kahit na sinuman. Ang pagtuturo ay isang napakagandang propesyon
na kung saan kinabukasan ng mga estudyante ay nasa aming mga
kamay. Napili ko itong propesyon dahil gusto kong mabago ang
pamumuhay ng bawat bata lalo na ang mga kapuspalad sa pagpaplano
na kanilang mithiin sa buhay.
2. Ano ang layunin mo sa paggawa?
Bilang isang guro mahirap turuan ang mga batang musmos. Maaaring
sa murang edad hindi pa nila alam ang importansya ng edukasyon.
Para sa akin, isa lamang ang pinakminimithi ng isang guro na kagaya
ko at yan ay ang maturuang magbasa at magsulat ang mga bata. Sa
tingin ko kapag natutong magbasa at magsulat ang mga bata, mas
madali nilang magagawa ang mga bagay-bagay sa mundong kanilang
ginagalawan. Makakarating at mararating nila ang kanilang paroroonan
ng mas madali at lalong pinag-isipan.
3. Ano ang nagtulak sa iyo kung bakit ito ang iyong napiling trabaho?
Ang pagtuturo ay hindi madaling propesyon. Ang makapagbigay ng
may kalidad na edukasyon ay iba sa pakiramdam. Para sa akin, kung
makikita kong may pagbabago sa pag-aaral ng bata maaaring ako na
mismo ang pinakamasayang tao sa mundo dahil naging parte ako ng
kanyang pagkatuto. Ang pagbabahagi ng karanasan at impormasyon
sa mga bata lalo na sa mahihirap ay isang malaking karangalan bilang
isang guro na makikita na may pagbabago sa buhay nila.
4. Ano ang iyong naging motibasyon?
Marinig ang isang bata at sabay sabing Sir, salamat po dahil natuto
ako, yan ang naging motibasyon ko sa pagtuturo. Masarap pakinggan
ang mga salitang iyan kapag galing sa puso ng isang bata dahil
naihahayag niya ang kayang nararamdaman. Kayat aking niyakap at
minahal ang pagtuturo bilang propesyon.
5. Anu-ano ang mga naging pinagdaanan mo sa paggawa? Paano mo ito
kinaya at nalampasan?
Pag-uugali meron ang isang bata, paano tuturuan ang mga bata sa
kabila ng hindi marunong magbasa at magsulat, sa tingin ko ilan
lamang yan sa mga pinagdadaanan o napagdaanan ko bilang isang

guro. Ngunit ang aking naging sulosyon ay dedikasyon sa pagtuturo,


tiwala sa sarili, mahabang pasensya, at higit sa lahat pagyakap sa
tinahak na propesyon. Kailangang mahalin ang tinahak na propesyon
para maibigay din sayo pabalik ang hinahangad mo.
6. May naging problema o balakid ba sa iyong paggawa? Paano mo ito
hinarap?
Mahirap isipan na sa pag-aaral ay kinakailangan ng sapat na pera.
Mahirap tanggapin na marami sa ating mga kababayan ay di
nakakapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay. Nagsikap ako para
makapag-aral. Naghanap ako ng mga politikong may scholarship
program ngunit akoy hindi pinalad. Pero sabi ng kapatid ng nanay ko
Renz, gusto kong mag-aral ka at pag-aaralin kita sa abot ng aking
makakaya. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon at gusto ko
magsumikap ka. Masarap sa pakiramdam dahil binigyan ako ng tita
para maging instrumento sa pagtupad ko ng aking mga pangarap.
Kailangan lang nating sumabay sa agos ng buhay para hindi tayo
mapag-iwanan.
7. Gaano kahalaga sa iyo ang iyong natapos na propesyon?
Mahalaga ang natapos kong propesyon dahil matutupad ko na ang
pangarap kong makapagturo lalo na sa mga kapuspalad. Gusto kong
baguhin ang mundo ng mga bata sa paraang sa tingin koy
makabubuti at makakatulong sa pagtupad ng kanilang adhikain sa
buhay.
8. Ano ang iyong maibabahagi sa amin ngayon bilang mag-aaral at nagaaral pa lamang?
Bilang tao, ikay magsumikap nang makamit ang pinapangarap.
Ipaglaban ang iyong karapatan kung itoy nararapat ngunit hindi sa
paraang makakaapak ka ng buhay ng ibang tao.
Bilang guro, kelangan mo lang maging ikaw.
Baguhin mo ang bata sa paraang makabubuti hindi para sa iyo kundi
para sa kanyang kinabukasan.
Tangkilikin ang tinahak na propesyon dahil makapagbibigay sayo ito ng
matamis na ngiti at kaginhawaan sa iyong puso.

You might also like