You are on page 1of 127

Prologue

Eskwelahan,bahay, eskwelahan, bahay.


Ayan ang buhay ng bawat estudyanteng
katulad ko na pumapasok para matuto.
Gumigising ng maaga at kumikilos ng wala
pa ang araw, malamig na simoy ng hangin
ang sumasalubong sa pagpasok sa paaralan.
Mga bati ng kaklase na kung saan sila ang
kasama sa mga gawain mapaloob man o
labas ng paaralan. Sabi nga nila kayo kayo
rin ang magtutulungan sa loob ng silid
aralan sabay na hinaharap ang mga
pagsubok na maaring makuha sa
pagkakaroon ng tinatawag na edukasyon.
Sabi nga nila edukasyon ang susi sa bawat
pangarap na nais natin maabot at ito rin ang
bagay na hindi mananakaw sa’tin. Ang
edukasyon ang siyang nagbibigay ng mga
kaalaman sa’tin at ito rin
ang daan upang tayo ay magkaroon ng
magandang kinabukasan, ang pagkakaroon
ng edukasyon ay pagkakaroon din ng mga
oportunidad sa hinaharap.

Bilang isang estudyante, mahalagang


maunawaan natin ang halaga ng pag-aaral
sa paghubog ng ating pagkatao. Sa loob ng
paaralan, bawat sandali ay mahalaga dahil
dito nakasalalay ang ating kinabukasan. Sa
ganitong paraan, ang pag-aaral ay
nagbibigay ng malaking papel sa
pagpapanday ng ating kinabukasan. Bilang
1
miyembro ng kabataan kailangan natin ng
edukasyon dahil ang edukasyon ang
pangunahing layunin para matiyak ang
ating kinabukasan bilang miyembro ng
komunidad na mayroong basic education.

Minsan mo na bang na tanong ang sarili


mo, “Bakit nga ba ako nag-aaral?” Pwes,
hindi ka nag-iisa. Ang mga mag-aaral kung
minsan ay nakakaranas ng matinding pagod
sa pag-aaral lalo na kung ang kanilang mga
nakagawian ay hindi maayos at mga hindi
inaasahang bagay na maaring
makapagpawala ng motibasyon ng bawat
estudyante.

Sa tuwing nababanggit ang tanong na,


“Saan mo nakikita ang sarili mo 5 taon
mula ngayon?” hindi nawawala ang
kasagutan na “Ang makapag-tapos ng pag-
aaral.” Bakit nga ba? Para makapag-
trabaho? Para makamit ang mga ambisyon
sa buhay? Pero paano kung sa kalagitnaan
ng pagtahak mo sa daan na ‘to, unti-unti ka
nang nakakaramdam ng pagod. Na para
bang hindi mo na makita ang saysay ng
lahat ng ito.

Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang


walang nalalaman sa mundong ating
ginagalawan. Sa pagpapatuloy mo sa
pagbasa ng aklat na ito, mababasa mo ang
iba’t ibang sitwasyon ng mga mag-aaral na
2
tulad mo, ay unting-unti nang naglalaho ang
pasyon sa buhay. Gayunpaman, maaaring
marami pang ibang salik na hindi pa natin
alam at magsalik pa sa ating libro kung ano
man ang rason ng pagkapagod ng
estudyante at kung paano ito gagampanan.

KABANATA I

Worth it
ba?
Isinulat ni: Orantes, Keisha Faye C.

3
Sa bawat segundo, minuto, at oras
na ginugugol sa pag-aaral, lahat ba ito ay
may patutunguhan? Edukasyon ang susi sa
matagumpay na pangarap. Ngunit hindi
maiiwasan ang mga pagsubok na
kinakaharap ng bawat estudyante. Kung
saan maraming estudyante ang nawawalan
na ng gana o motibasyon sa pag-aaral, dahil
sobrang nakakapagod at nakakaduda kung
magiging successful ba sila sa hinaharap.
Yung iba naman ay sumuko na dahil hindi
na talaga kinaya. Ang bawat isa ay
mayroong rason kung bakit nanaisin
sumuko ngunit hindi pa naman huli at
maaaring magsimula muli. Yung mga
pangamba na, sa huli, worth it ba ang
paghihirap na nararanasan habang nag-
aaral? ang katanungan na ito ay masasagot
sa librong ito.

“Yey, ang taas ng grades ko!”

Isa lang ‘yan sa mga linya na


namimiss ko nang banggitin. Grabe yung
saya na nararamdaman ko tuwing
nakakakuha ako ng sertipiko at medalya
bunga ng aking pagsisikap. Pero ngayon,
hindi ko na alam.
4
Masaya mag-aral. Makihalo-bilo sa
mga kapwa mag-aaral, makipag-tawanan at
makipag-biruan sa mga guro, tapos
makakuha ng bagong kaalaman, alam mo
‘yon? Yung tipong nag-eenjoy ka talaga sa
ginagawa mo.

"Wow, graduated with Honor!"

Ang sarap lang sa feeling sa tuwing


nakikita ko yung masayang mukha ng mga
magulang ko habang binabanggit nila yung
mga katagang ‘yan. Ramdam na ramdam ko
na proud sila sa akin dahil matataas ang
mga markang nakuha ko.

Masaya mag-aral, pero hanggang


kailan ang itatagal nito?

Dumating ang pandemya at halos


dalawang taon din akong nakulong sa
bahay. Yung dating kinagawian ko na pag-
aaral, napalitan ng bago na mas—sabihin na
nating, convenient para sa sitwasyong
hinaharap ng bansa natin noong mga
panahon na ‘yon. Sa una, masasabi ko
naman na masaya kasi hindi na kailangan
gumising ng maaga para maghanda at
umalis, pero sa loob ng dalawang taon na
‘yon, nanibago ako at habang tumatagal,
unti-unting nawawala yung saya.
Napapalitan ‘yon ng pagod, pagkalugmok,
5
at kung ano pang mga emosyon sa humihila
sa akin pababa. Minsan pa nga kapag mag-
isa ako, bigla na lamang papasok sa isip ko
ang mga katagang, “Ito na naman?”
“Paulit-ulit, nakakatamad na.” “May
patutunguhan pa ba ‘to?”. Dumating pa
nga sa punto na hindi ko na maintindihan
yung sarili ko. Binalot ako ng iba’t ibang
katanungan at pangamba. Dito rin
nagsimula ang pagdududa ko sa sarili kong
kakayahan bilang isang indibidwal.

Isang araw, katatapos lang ng


online class namin at sobrang pagod ko.
Nagtaka naman ako, kase hindi naman ako
bumyahe o lumabas man lang ng bahay
pero yung pakiramdam ko eh parang
umakyat ako sa isang matarik na bundok.
Noong mga panahon na 'yon, inisip ko
nalang na baka dulot lang ng masamang
panahon.

"Class, ibibigay ko na yung


performance task niyo ha."

Nanaman? Pang-ilan na ba 'yan


ngayon month? Nakakapagod na.

"Mga anak, ang written work niyo


ay bukas na."

"Hala, eh 'di ba may written work


din natin sa apat sa subject bukas?"
6
Nakakapagod naman, sabay-sabay
binabagsak yung gawain.

Lumipas ang isang buong kwarter


at kuhaan na ng cards. Kinakabahan ako
kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako
naging produktibo dahil sa buong kwarter
na 'yon, hindi ko maramdaman na kailangan
ko. Nang maibigay na ang aming card,
nagulat naman ako nang makita ko ang mga
markang nakuha ko. Matataas 'yon.
Pumapalo sa line of 9. Sa isip-isip ko, dapat
akong matuwa tulad noon tuwing
nakakakuha ako ng malaking marka. Pero
hindi. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit
imbis na matuwa, ay nalungkot pa ako.

"Deserve ko ba 'to?"

Bigla akong nabalot ng pangamba.


Paano kung namali lang pala ng input ang
aming guro? Paano kung namalikmata lang
siya at mali ang gradong naibigay niya sa
akin? Kase napaka imposible na makakuha
ako ng mataas na grado kung hindi ko
naman ginawa yung “best” ko, hindi ba?
Pero kung ganoon, edi anong silbi ng
pagpupuyat ko tuwing gabi noon para lang
makapag-pasa ng output, on time? Paano
yung mga oras at pagsisikap na ginugol ko
sa pagrereview para sa mga pagsusulit?
Balewala na lang ba ang lahat ng iyon?
7
Kasi kung ngayon nga na hindi ako nag-
eeffort, line of 9 parin eh. So anong silbi?
Dati, takot na takot akong ma-late
magpasa at sumabak sa pagsasagot ng
pagsusulit nang hindi nagrereview, pero
habang tumatagal ang oras na ginugugol ko
sa online class, nawawala na ang mga pag-
aalala na 'yon. Yung dating "Hala
kailangan ko na 'to gawin ngayon para
bukas wala na akong gagawin," naging,
"Bukas na deadline? Edi bukas ko na
gagawin." Gamit na gamit ko yung
pilosopiyang "bahala na" noong mga
panahon na iyon kasi kahit na hindi ganoon
na ipinaglaanan ng oras, mataas na grado
parin ang nakukuha ko basta may mai-pasa.
Nakakapanibago kasi parang hindi ako 'yon,
pero wala eh. Habang tumatagal, nasanay
na rin ako. Para bang kinuha yung
kakayahan ko na magkaroon ng pake sa
mga bagay na may kinalaman sa
eskwelahan. Hindi ko na nga rin maalala
kung para saan 'tong pagsisikap kong mag-
aral.

"Worth it ba?"

Tuwing gumagawa ako ng gawain,


hindi na nawawala sa isip ko yung tanong
na, "Worth it ba 'to?". Kasi ang alam ko
dati, tinatamad lang ako kaya hindi ako
nag-eeffort. Tinatamad lang ako kasi
sobrang daming gagawin, nakakapagod.
8
Pero habang tumatagal, narealize ko na
natatakot lang pala ako. Natatakot ako na
baka kahit anong gawin kong effort, hindi
parin ako masasatisfy sa score na makukuha
ko. Paano kung mababa? Edi sayang yung
ginugol kong oras para gawin 'yon. Paano
kung pangit pa rin yung kalabasan? Sayang.
Sayang. Sayang. Sayang.

Sayang yung dugo't pawis na iaalay


ko para lang sa mga numero na wala ring
kasiguraduhan na mabibigyan ako ng
magandang buhay.

Sabi nila kapag mataas ang grado


mo, siguradong makakapasok ka sa
magandang kolehiyo. Kapag nangyari 'yon,
magandang trabaho rin ang naghihintay
sa'yo. Pero ayon sa estadistika na inihayag
ng Philippine Statistic Authority (2019),
nasa 20.9% ng college graduates ang
unemployed.

Dahil do'n, muli na namang


sumibol sa aking isipan ang tanong na,
"Worth it ba lahat ng ginagawa ko?"
Nakakapagod na.

Maaaring iniisip mo na, napaka-


babaw nito, pero para sa akin, at mga
katulad ko na estranghero sa kasabihang
"take the risk", napakalaki na balakid nito
para sa akin. Wika nga nila, madaling
9
sabihin, mahirap gawin. Ang paulit-ulit na
cycle ng pag-iisip ng kung ano ang
maaaring mangyari sa hinaharap, kung lahat
ng ginagawa ko ay magbubunga sa huli, ay
nakaka-ubos ng lakas.

Bago ang lahat, ano ang nagtutulak


sa'yo para mag-aral nang mabuti? Ang
makakuha ng mataas na grado?
Makapagtapos ng pag-aaral? Makahanap ng
maganda at disenteng trabaho? Makatulong
sa pamilya? Ang matupad ang iyong
pangarap?

Bilang mag-aaral ng henerasyon na


'to, kung saan laganap na ang iba't ibang
teknolohiya at internet, maaaring iniisip ng
karamihan na madali nalang mag-aral. Na
mas madali ang sitwasyon ng mga kabataan
ngayon kaya naman magiging maginhawa
ang kanilang kinabukasan ng walang
iniintindi. Ngunit lingid sa kaalaman ng
karamihan, maraming pagsubok ang
kinakaharap ng mga estudyante ngayon na
nagdudulot ng pagkapagod sa kanila. Isa na
rito ang sandamakmak na pangamba at pag-
aalala na kilala rin bilang anxiety na bunga
ng pago-overthink.

ANO NGA BA ANG ANXIETY?


Ito ay ang pagiging balisa o labis
na pangangamba ng isang indibidwal sa
isang hindi maiiwasang sitwasyon sa
10
hinaharap na maaaring magdulot ng
kapahamakan o hindi magandang karanasan
(Barlow 2002, as cited in O’Neill &
Sorochan 2014).

Ito ay isang karaniwang mental


illness na, ayon sa sarbey na isinagawa ni
Herrera 2023, ay nararanasan ng 7 sa 10 o
71% na estudyante. Ito ay orihinal na nati-
trigger ng isang nakakabahalang sitwasyon.
Ang sobrang pag-ooverthink ay maaaring
magdulo ng pagka-ubos ng enerhiya, hindi
lamang sa mentalidad ng estudyante, ngunit
ganon din sa kanyang pisikal na katayuan.
Dahil dito, maaaring maapektuhan ang
kanyang partisipasyon sa klase. Ilan pa sa
mga epekto nito ay ang kawalan ng
kakayahan na mag-focus at gumawa ng
mahahalagang desisyon. Sa kabila nito, ang
anxiety ay hindi basta-bastang nase-self-
diagnose. Kinakailangan na magpa-check sa
isang propesyonal na doktor. Ngunit, isa
parin itong malaking banta para sa mga
estudyante sapagkat isa sa mga sintomas
nito ang overthinking.

ANO ANG OVERTHINKING?


Ang overthinking ay isang hindi malusog
na kasanayan na isinasagawa ng halos lahat
ng tao, mapa-bata man o matanda. Isa itong
gawi kung saan nakapokus ang isang tao sa
mga negatibong bagay at labis na pag-aalala
11
mula sa sitwasyon ng nakaraan at
hinaharap. Tulad ng anxiety, inuubos nito
ang enerhiya ng isang tao, mental man o
pisikal. Bilang isang estudyante, ang
kaugalian na 'to ang pinaka nakaka-inis sa
lahat dahil dumadagdag ito sa stress at
pressure na ating nararamdaman.

PAANO ITO MAIIBSAN?


Ang overthinking ay hindi kailangang i-
diagnose kaya naman walang gamot ang
maaaring i-prescribe rito ng doctor. Ngunit,
narito ang ilan sa mga tips kung paano ito
maiibsan.

1. Magpahinga
Mahalaga ang pahinga lalo
na sa mga estudyante na patuloy pa rin ang
paglaki. Isa ito sa mahahalaga nilang
pangangailangan upang mapanatiling
malusog ang kanilang pangangatawan at
pag-iisip. Madalas na isipin ng karamihan
na sa pisikal lamang may mabuting epekto
ang pagkakaroon ng maayos na tulog,
ngunit ayon sa isang blog ng INTEGRIS
Health, nakatutulong ang pagpapahinga
upang mabawasan ang stress, anxiety, at
nakakagaan ng kalooban.

2. Babaan ang ekspektasyon


Ang pagkakaroon ng mataas ng
ekspektasyon ay nagdudulot rin ng mataas
12
na pag-aalala ko pagkalugmok. Kung alam
mo sa iyong sarili na hindi mo nagawa ang
iyong best, huwag ka nang umasa na mataas
ang puntos na iyong makukuha. Hindi
masama na taasan ang ekspektasyon kung
ibinuhos natin ang ating oras upang
gumawa ng output na ating ipapasa.
Karagdagan pa rito, ang pagkakaroon ng
mataas na ekspektasyon para sa hinaharap
ay mayroong malaking epekto sa pag-
ooverthink ng isang indibidwal. Madalas
nating marinig ang katagang "go with the
flow". Isa ito sa magandang halimbawa lalo
na sa mga taong natatakot para sa kanilang
hinaharap. Hayaan nating dalhin tayo ng
tadhana sa ating pupuntahan, ngunit huwag
kakalimutan na kinakailangan parin natin
isa-alang alang na gawin ang ating
makakaya sa bawat pagsubok na ating
haharapin.

3. Makihalubilo sa iba
Mayroon tayong kasabihan na
"no man is an island". Bilang isang
indibidwal, nalulunod tayo sa iba't ibang
katanungan at negatibong pag-iisip dahil sa
pagiging mag-isa. Isa sa maaari nating
gawin upang makalimutan ang mga iniisip
natin, ay makihalubilo sa ating mga
kaibigan na mas kilala rin sa wikang ingles
na "bonding". Ang pagiging mag-isa sa
loob ng ating kwarto ay maaaring
makadagdag sa ating mga iisipin. Kung
13
wala ka namang ginagawa, maglaan ka ng
oras upang lumabas kasama ang iyong mga
kaibigan at gawin ang mga bagay na
magbibigay sa iyo ng kasiyahan upang
maibsan ang pag-iisip ng negatibo.

4. Huwag kimkimin ang mga iniisip


Isa sa dahilan kung bakit nag-
ooverthink ang isang tao ay dahil sa mga
naipon nitong sama ng loob mula sa iba't
ibang kadahilanan na nakakaapekto mula sa
kanilang kapaligiran. Mayroon tayong iba't
ibang pamamaraan upang mailabas ang
ating mga hinanakit. Maaaring berbal o
kaya nama'y pasulat. Isa sa mga madalas na
ginagawa ng mga tao ay mag-rant sa
kanilang mapagkakatiwalaang tao.
Maaaring miyembro ng ating pamilya o
matalik na kaibigan. Mayroon din namang
iba na gumagawa ng private account o kaya
nama'y notes ng kanilang cellphone upang
doon i-type at ilabas ang mga namuo at
natambak na emosyon.

14
KABANATA II

“Kung kaya ng iba,


sure na kaya mo rin,
buti pa anak ni
Marites Cum
Laude”
Academic Pressure
Isinulat ni: Tolentino, Jaynie B.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng


Academic Pressure? dalawang salita pero
milyong estudyante ang nakakaranas nito.
Mula sa 190 na estudyante mula sa India na
15
grade 11 at 12. Humigit-kumulang 66% sa
kanila ang nakakaramdam ng pressure sa
kanilang magulang pagdating sa kanilang
akademiko. Halos 63.5% ng mga
estudyante naman ang nakakaranas ng
stress dahil sa academic pressure (Deb,
Strodl, and Hansen 2015). Ito ang pressure
na binibigay sa mga mag-aaral na madalas
nakukuha mula sa mga taong nakapalibot
sa’tin kung saan ay inaasahan na ikaw ay
makakakuha lagi ng mataas na mga marka
at maikukumpara sa ibang tao.

Ang pagiging isang academic


achiever ay isa sa mga katangian ng mga
mag-aaral. Kaya naman ay hindi na rin
nawawala sa atin ang makaramdam ng
academic pressure. Lalo na kung ikaw ay
galing sa isang pamilya na halos lahat ay
nakapagtapos at nagkamit ng karangalan.
Minsan nararanasan din natin ito kapag
kinukumpara tayo ng ating mga magulang
sa mga taong malapit sa kanila. Kaya
naman kung ikaw ay isang estudyante na
nakakaramdam ng academic pressure ay
mabuting mabasa mo ito. Kaya nais
ipabatid ng librong ito kung paano
maiiwasan ang hirap at pressure na
nararanasan ng isang estudyante sa kanilang
pag-aaral.

Katulad mo ay isa rin akong


estudyante na nakakaramdam ng academic
16
pressure. Gaya ng iba ay galing ako sa
pamilya ng mga nakapagtapos at halos lahat
ay nagkamit ng karangalan. Kaya naman
grabe ang pressure na natatanggap ko sa
aking pag-aaral. Sa pressure na natatanggap
ko ay hindi maiiwasan ang makaramdam
ako ng inggit sa aking mga kamag-aral.
Sapagkat sa tuwing araw na ng aming
bigayan ng aming marka ay nakikita ko ang
mga magulang ng aking kamag-aral na
tuwang-tuwa sa achievement na natanggap
ng kanilang anak. Ngunit sa akin, sa tuwing
sisimulan ko nang sulyapan ang itsura ng
aking magulang kahit kailan hindi ko sila
nakitang natuwa sa mga markang nakuha
ko. Kaya naiisip ko, bakit ang mga kamag-
aral ko ay nakakatanggap ng mga regalo o
nagkakaroon ng salo-salo para sa
achievements nila? Sa akin kahit simpleng
pagbati ng "congratulations" hindi ko
kailanman narinig na lumabas sa kanilang
labi. Ganon ba ka-disappointing ang
markang nakuha ko

"Oh kuhaan na ng card nyo diba?"


Yan ang isa sa mga salitang lagi
kong naririnig na talagang kinatatakutan ko.
Sa tuwing mababanggit ng aking magulang
ito talagang ako ay sobrang kinakabahan.
Matutuwa kaya sila kapag nakita nila ang
aking grado, tanong na siyang laging
pumapasok sa aking isipan. Pero kahit
17
gaano pa ako mag-aral, mag-tiyaga, at mag-
sumikap, alam kong hindi sila
makukuntento sa marka na nakukuha ko.
Lagi naman akong nag-aaral ng mabuti,
nagrereview ng maayos kung i-aanunsyo ng
aking guro na may pagsusulit. Ngunit bakit
anuman ang gawin ko at gaano man kataas
ang puntos na makuha ko, palagi nalang
ang pagkakamali ko ang napapansin nila.
Hindi ba pwedeng matuwa na lamang sila
sapagkat nakapasa ako sa aming
pagsusulit?
Magmula noong ako'y bata pa sobra
akong natutuwa at na-eexcite kapag kuhaan
na ng aming card sapagkat alam kong
ginawa ko ang lahat ng makakaya ko at
ineexpect ko ng maging mataas ang mga
markang nakuha ko. Palagi akong abang na
abang kapag araw na ng kuhaan ng aming
card. Naalala ko pa noon halos hindi na ako
makatulog sa sobrang excitement kong
makita ang markang nakuha ko. Nang iabot
ng aking guro ang card ko at nakita ko na
ito sobra akong tuwang tuwa sa mga
markang nakuha ko. Kaya naman tuwang
tuwa rin akong iniabot ito sa aking
magulang. Ngunit habang ako ay tuwang
tuwa sa markang nakuha ko nakita ko ang
ngiti sa mukha ng aking nanay na unti
unting naglaho, kaya naman ay nagtaka
ako. Habang pinapanood ko kung paanong
nagbabago ang itsura ng aking nanay ay
18
labis akong kinakabahan sa kung ano ba
ang nasa isip nya. Ang daming tanong ang
pumapasok sa aking isipan ng oras na iyon.
"hindi ba natuwa ang aking ina sa markang
nakuha ko?" o "kulang pa ba ang markang
nakuha ko para sa kanila?". Habang iniisip
ko ang mga iyon, pinagmamasdan ko ang
itsura ng mga magulang ng aking kamag-
aral. Labis akong natutuwa para sa kanila sa
naging reaksyon ng kanilang mga
magulang, ngunit hindi ko mapigilang
magtaka. Hindi naman nagkakalayo ang
mga markang nakuha namin ngunit bakit
ganoon ang reaksyon na natanggap ko.
Talagang lubos itong nalalayo sa reaksyon
na nakuha ng aking mga kamag-aral
kumpara sa aking magulang.
Magmula ng araw na iyon mas lalo
ko pang pinag-butihan ang pag-aaral ko.
Nang araw rin na iyon naisip ko "hindi nga
siguro ito sapat sa kanila". Kaya naman
lagi na akong nagpupuyat at nakakalimutan
ko na rin minsan ang makipag-bonding sa
mga kaibigan ko. Ngunit ayos lang iyon ang
mahalaga maramdaman ng mga magulang
ko na talagang pinaghihirapan at pinag-
iigihan ko ang pag-aaral ko. Ang mahalaga
maramdaman ko na maging proud sila at
magagawa nilang ipagmalaki sa lahat ang
natanggap ko. Yung tipong ma-
ipagyayabang nila sa mga kaibigan nila
kung gaano ako kagaling sa aming paaralan.
19
Ngunit sa lahat ng ginawa kong paghihirap
kahit kailan ay hindi nila ako nagawang ma-
ipagyabang. Kahit kailan hindi ko nakita sa
facebook ng nanay ko na i-pagyabang at i-
post niya ang mga natanggap ko. Bakit
kapag iyong kapatid ko lagi niyang na-
ipopost? Dahil ba mataas ang mga marka
niya? Mataas rin naman ang mga markang
nakuha ko ah, hindi pa ba ito sapat para
ma-ipagyabang?

"Ate 'yan na iyon?"


Salitang palagi kong natatanggap sa
tuwing nais kong ipakita sa aking magulang
ang mga bagay na na-achieve ko. Sa tuwing
pinapakita ko ang certificates na
natatanggap ko galing sa aking guro, palagi
ko nalang itong naririnig. Minsan
nakakasawa na rin at dahil rito lagi akong
kinakabahan at natatakot, sa tuwing araw na
ng pag-aanunsyo ng mga grado namin.
Kahit na alam kong ginawa ko ang lahat ay
alam ko na ang reaksyon na matatanggap
ko. Kaya naman hindi ba't hindi natin
kailanman maiiwasan ang magalit at
magtampo sa tuwing binabanggit ito ng
ating magulang. Naiisip natin ginagawa
naman natin lahat ng kaya natin, ngunit
bakit kahit kailan parang hindi sila natuwa
sa mga marka na ito. Minsan ay nagagawa
pa nila tayong ikumpara sa iba. Kaya
20
pumapasok sa aking isipan "ganon ba
talaga ako ka-bobo?" na alam kong ito na
nga yung best ko, pero hindi pa rin pala
iyon ang best para sa kanila, hindi pa pala
ito dapat na ipagmalaki, at hindi pala ito
nakakatuwa para sa kanila.

"Balang araw ikaw naman ang mag-


aalaga sa amin"
Sa tuwing nakakausap ko ang
magulang ko hindi maaaring hindi niya
nababanggit ang salitang ito. Minsan
ninanais kong itanong "hindi po ba
pwedeng kapag magkasama tayo ay hindi
po muna ito papasok sa usapan natin?" at
"hindi po ba maaaring hayaan niyo muna
akong enjoyin ang buhay ko po bilang
isang teenager?". Alam ko naman kung
anong klase ng paghihirap ang dinanas nila
para sa atin at gagawin naman natin ang
lahat upang masuklian iyon. Hindi naman
sila mawawala sa isipan natin kahit gaano
tayo maging katanda. Iyong mga
pumapasok sa isipan nila na siguro kapag
tumanda sila ay iiwan natin sila at dadalhin
na lamang sa shelter, dahil pagod at
nagsawa na tayo kaka-alaga sa kanila.
Ngunit kahit kailan hinding-hindi naman
dapat papasok ito sa ating isipan, sapagkat
21
nung bata tayo na sobrang pasaway at kulit
natin ay hindi kailanman ito pumasok sa
kanilang isipan hindi ba? Lagi nga nilang
binabanggit "Kapag pagod ka matutong
magpahinga, dahil ang pagsuko ay hindi
kailanman magiging isang pagpipilian".
Ang gusto ko lang naman ay 'yong ma-
appreciate nila ang mga bagay na
natatanggap at na-aachieve ko ngayon.
Alam ko naman na ako ang
panganay sa aming magkakapatid at
responsibilidad ko na ito. Ngunit hindi ba
pwedeng kahit minsan ay ma-appreciate
muna nila ang mga ginagawa ko sa ngayon?
at iwasang banggitin ang salitang ito sa
akin. Sapagkat ang salitang ito ay hindi
naman lubos na makakatulong sa akin.
Maaari bang huwag munang isipin ang
kinabukasan at gawin muna ang makakaya
sa kasalukuyan.

"Mabuti pa yung anak ni marites top 1"


Lagi nalang, sa salitang ito ay lubos
akong nagagalit, naiinis, at sobrang na-
didisappoint sa aking sarili. Sapagkat hindi
nanaman sila natuwa sa achievements ko,
hindi pa rin pala sapat sa kanila ang ma-
kasama ako sa top. Kailangan pala lagpasan
ko pa yung nakuha niya. Kasama naman
ako sa mga nagkaroon ng karangalan sa
22
aming klase, pero hindi nga lang top 1.
Ngunit hindi ba't sapat naman na iyon,
sapagkat isa ako sa may karangalan aming
klase. Hindi ba't ang importante ay nag-
aaral ako ng mabuti at pasado naman ang
mga marka na aking nakuha. Subalit
nakalimutan ko nga pala, ang mga marka na
nakuha ko hindi nga pala sapat sa kanila.
Hindi pa pala siya dahilan upang mag-saya,
hindi nga pala ako dapat makuntento sa
ganito. Kailangan pala maging una ako sa
aming klase, kailangan malagpasan ko ang
mga natanggap niya. Dahil kahit kailan
hindi magiging sapat ang kasama ka lamang
sa may karangalan. Ano pa nga ba ang
saysay ng makasama ako sa mga may
karangalan sa klase? Hindi naman ako ang
nauna.

"Congratulations, Anak. Proud kami


sayo."
Salita na sobra kong inaasam-asam
ma-pakinggan na lumabas sa labi ng aking
magulang. Bakit sa mga kamag-aral ko
nakatatak na sa kanila na gaano man kalaki
o kaliit ang achievement na natanggap nila,
nararapat lang na magkaroon ng
selebrasyon para rito. Marami naman na
akong achievements na natanggap.
Nakapagtapos ako ng elementarya na may
karangalan, at nakapagtapos rin ng junior
23
high na may karangalan. Sobrang
paghihirap ang ginawa ko para lamang
makamit ang mga iyon, ngunit kahit kailan
hindi ko narinig sa magulang ko ang
salitang "Congratulations, Anak. Proud
kami sayo". Ganon ba ito kahirap sabihin?
Alam ko namang nakikita nila lahat ng
paghihirap, pagod, at sakripisyo na
ginagawa ko sa paaralan man yan o sa
bahay. Bakit kahit kailan ay hindi pumasok
sa kanilang isipan na banggitin ito sa akin?
Kahit konting motivational words na galing
sa kanila mawawala agad lahat ng pagod,
puyat, at inis na nararamdaman ko. Hindi
ba't bilang magulang dapat ay alam nila ito.
Naiinggit nga ako dahil ang mga kamag-
aral ko ay punong-puno ang puso sa mga
salitang ito, ngunit ako kahit kailan hindi ko
ito narinig na lumabas sa kanilang labi.
Alam ko namang masama ang
makaramdam ng inggit sa kapwa, ngunit
hindi naman ito maiiwasan hindi ba
Dahil sa mga salitang ito na lagi
kong naririnig sa mga magulang ko ay hindi
maiiwasan na ako mismo ay isa na rin sa
nagbibigay ng pressure sa aking sarili. Lagi
kapag nakuha ko na ang grado ko ay hindi
ako natutuwa sa resulta nito. Palagi ay na-
didisappoint ako rito sapagkat para sa akin
ay mababa ito. Ang mga grado na nakukuha
ko ay kailanma'y hindi naging sapat para sa
akin. Iniisip ko lagi bakit ang baba nito.
24
Alam ko sa sarili ko na hindi pa ito ang best
ko, alam ko na kaya ko pa itong higitan
ngunit bakit palaging ganito lang ang grado
na nakukuha ko? Bakit kahit kailan hindi pa
ito umabot sa grado na gusto kong abutin?
Kahit kailan parang hindi ko pa
naramdaman na nasiyahan ako sa mga
grado na nakuha ko. Dahil sa
pinaparamdam nila sa akin hindi ko na rin
naramdaman ang maging proud sa aking
sarili at kailanma'y hindi ako natuwa sa
mga achievements na natanggap ko.
Pakiramdam ko lagi ay parang may kulang
at hindi ito sapat. Hindi rin maiiwasan na
naikukumpara ko ang mga gradong nakuha
ko sa mga kaibigan at kamag-aral ko.
Kapag mas mataas ang kanila mas lalong
nadadagdagan ang pressure na
nararamdaman ko. Palaisipan sa akin na
kahit kailan ba ay hindi nila naramdaman na
maging proud sa mga narating ko? Hindi ko
ba talaga ma-aabot ang standards na
mayroon sila pagdating sa edukasyon o
pag-aaral?

Kung ikaw ay estudyanteng nararanasan,


nakaka-tanggap, at naririnig ang mga
binanggit kong dayalogo. Nararapat lamang
na basahin mo rin ang mga tips at paalala na
ibibigay ko, upang maiwasan at matanggal
mo sa iyong isip ang pressure na

25
natatanggap mo mula sa iyong sarili at ng
mga tao sa paligid mo.
1. Grades don't define you
Alam ko palagi na natin itong naririnig at
gamit na gamit na ito. Madalas rin ay
nakikita natin ito sa mga memes sa fb,
ngunit tandaan natin na ang mga gradong
makukuha natin ay hindi isang repleksyon
ng kung anong klaseng tao, kabigan, anak,
at estudyante tayo. Ang mga grado na
natatanggap natin ay hindi rin dapat
magsabi kung ano ang potensyal natin.
Bawat isa ay may iba't ibang kalakasan at
kahinaan, maraming paraan para
malampasan natin ang anumang kahinaan
natin. Magkaroon ka man ng grado na
mababa hindi dapat ito maging basehan ng
buong pagkatao mo, sapagkat marami kang
oras upang mas ma-improve mo pa ang
iyong sarili. Kaya dapat ay hindi mo
dibdibin ang mga grado na makukuha mo at
sa halip ay gawin mo itong motibo at
inspirasyon upang maabot mo pa ang
inaasam na grado. Ngunit ang mababang
grado ay hindi dapat ipinapasa walang
bahala.

2. Iwasang ikumpara ang sarili sa iba

26
Lahat ng tao ay mayroong kagalingan
sa iba't ibang larangan. Maaaring hindi ka
nga magaling sa akademiko ngunit
maaaring magaling ka naman sa pag-kanta,
pag-sayaw, pag-guhit atbp. Lahat din ng tao
ay hindi pare-pareho ng bilis sa pagkatuto.
Kaya nararapat lang din na iwasan mo ang
pagkukumpara sa iyong sarili sa iba.
Maraming estudyante ang magaling
academically at marami rin ang hindi.
Ngunit saan ka man sa mga iyon ay hindi
naman dapat maging iba ang pag tingin
sayo ng mga tao. Maraming tao na ang
naging successful na hindi naman
nagkaroon ng magagandang grado noong
sila ay nag-aaral pa. Ang mga grado na
natatanggap ng iyong mga kaibigan o
kamag-aral ay hindi mo dapat na kina-
iinggitan. Sapagkat lahat tayo ay mayroong
iba't ibang standards pagdating sa pag-aaral.
Matuto dapat tayong maging proud sa mga
nararating natin, gaano man kalaki o kaliit
ang naabot natin at nararapat na magkaroon
tayo ng selebrasyon para rito.

3. Matutong mag-set ng mga


makatotohanang layunin
Lahat ng tao ay may sari-sariling
layunin na gustong maabot, ngunit
mayroong mga tao ang nag-seset ng mga
layunin at ekspektasyon na mahirap o
27
imposibleng maabot. Kaya kailangan
matuto tayong manatili sa isang landas na
alam nating ma-aabot natin. Iwasang i-
depende ang layunin sa mga nakikita sa
ating paligid, sapagkat lahat tayo ay may
iba't ibang layunin na nais maabot at iba-iba
rin tayo ng paraan kung paano natin ito
aabutin. Kung nakita mo ang kaibigan mo
na naabot na ang kanya at sa tingin mo
parang ang hirap abutin ng iyo o parang ang
tagal, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.
Dahil lahat tayo ay may tamang panahon at
oras kung kailan natin ma-aabot ang
tagumpay na ni-nanais mo.

4. Ipagdiwang ang iyong mga


tagumpay
Mahalaga na matuto tayong i-appreciate
at pahalagahan ang mga pangyayari sa ating
paligid. Gaano man kalaki o kaliit ang
achievement na na-aabot mo dapat ay ikina-
tutuwa mo ito. Maaaring kapag ikaw ay
naka-kuha ng mataas na marka sa inyong
pagsusulit, nalagpasan mo ang nakaka-
stress na araw, naging productive ka sa
araw na iyon, nararapat lamang na
ipinagdiwang mo ito. Dahil kailangan
nating tandaan na ang bawat tagumpay ay
mahalaga.

28
Sa pag-aaral mahalaga na marunong tayong
magbigay at magtaan ng oras para sa sarili
natin. Lahat ng tao ay may responsibilidad,
sa eskwelahan o sa bahay man iyan. Ngunit
dapat ay matuto tayo na balansehin ang oras
natin. Nawa’y ang mga tips at paalala na
aking ibinigay ay makatulong sa iyo. Upang
malaman kung nagtagumpay ka sa isang
hinahangad ay kapag alam at
nararamdaman mong masaya ka sa iyong
narating.

29
KABANATA III

“Pagod ba ako o
ayaw ko lang sa
ginagawa ko?”
Academic Burnout
Isinulat ni: Pepito, Shantal Kit M.

Sa mundo ngayon kung saan labis na


pinahahalagahan ang mataas na marka at
pagiging magaling sa akademiko, hindi
nakapagtatakang maraming estudyante ang
nagkakaroon ng academic burnout. Kahit
ang pinaka motivated na mga estudyante ay
30
maaaring maramdaman ang sobrang
pagkapagod at stress dahil sa dami ng
kanilang takdang-aralin, mga pagsusulit,
proyekto, at patuloy na hangaring
makakuha ng mataas na grado.
Ang pagkawala ng gana, interest,
mabilis na pagkawala ng pokus, at kawalan
ng tiwala sa sarili ay mga sintomas ng
academic burnout. Sa mga patong patong na
gawaing siyang natatanggap na kailangan
ding tapusin sa isang tiyak na deadline ay
siyang isa sa dahilan kaya nakakaramdam
tayo ng pagka burnout. Maaari ring
maramdaman kapag tayo ay naka pokus
lamang sa isang bagay na nakakalimutan na
nating pangalagaan ang ating sarili. Kaya
mababasa sa librong ito ang mga paraan
kung paano maiiwasan ang makaramdam
ng academic burnout.

"Feeling ko ang bobo-bobo ko na"


Madalas ko itong nasasabi kapag
nawawalan ako ng tiwala sa sarili at
nagdududa ako sa kakayahan ko. Sa
madalas na pagod at stress sa pag-aaral,
naramdaman ko na hindi ko naabot ang mga
inaasahan ko, kaya nangamba at nabawasan
ang kumpyansa ko.

31
Minsan, nagresulta pa ito sa mga
mababang marka o pagbagsak sa mga
pagsusulit at projects. Nawalan ako ng
interes at sigla sa klase at naging mahirap
matulog.
Yung feeling na ang nag iisang hindi
mo pa na review, hindi mo nabasa yun pa
ang napakaraming puntos sa
pagsusulit at nang balikan mo ito
pagkatapos at malalaman mo kung gano
lamang ito kadali.
"Okay na 'to. Bahala na, basta maka-
submit."
Hindi ko na iniisip kung gaano kagaling
o kaganda ang resulta, basta't maipasa ko
lang ito wala na akong choice kundi tapusin
ito. Kahit sumabay pa sa dami ng ibang
responsibilities at personal na bagay na
kailangan kong asikasuhin, kailangan ko
talagang harapin ito. Hindi ko alam saan
ako kukuha ng lakas ng loob at inspirasyon,
pero susubukan ko na lang. Minsan naiisip
ko na ang daling sumuko at isipin na hindi
ko kaya, pero kailangan kong pigilan ang
sarili kong ganyanin.
Acceptance na lang ng current situation
at pag-aalala na hindi na masyadong
importanteng maging perfect o maabot ang
mataas na standard ng mga gawain. Ang

32
primary goal ay makaraos lang sa mga
requirements ng course o school.
Sa totoong buhay, sa gitna ng academic
burnout, sobrang dami ng gawain at stress
na parang hindi na natin kaya maging
perfect o maabot ang mga mataas na
standards.
Ang "okay na 'to, bahala na" ay paraan
ng pagpapahinga at pag-alalay sa sarili. Isa
lamang itong reminder na hindi dapat
masyadong mabahala sa hindi gaanong
importanteng details o standards ng mga
gawain, kundi mag-focus sa mga crucial
points at ma-submit ang mga kailangang
ipasa.
Ang hirap mag-concentrate, hirap mag
focus, pero nadidistract tayo at lumilipad
ang utak.
Gusto kong maging attentive at maayos
sa pag-aaral, pero lagi na lang akong
nadidistract at napapadpad sa iba't ibang
lugar ng isip ko. Parang hindi ko ma-control
yung mga random na thoughts na umaatake.
Siguro dahil na rin ito sa sobrang pagod at
burnout na nararamdaman ko.
Lagi kong sinasabing "focus, focus!"
pero parang ang hirap talaga. Ang dami-
daming responsibilities at deadlines,
nagiging overload na yung utak ko. Parang

33
may invisible force na naghihila sa attention
ko palayo sa mga dapat kong gawin. Gusto
ko sana mag-concentrate, pero talagang
nakakawala ng focus yung bigat ng burnout.
Ang feeling na ito, parang isang
malakas na hangin na humahadlang sa mga
pag-iisip ko. Kahit gusto kong maging
focused at produktibo, napapalipad lang ako
sa iba't ibang direksyon. Naiinis ako sa
sarili ko dahil sa mga pagkakataong ito,
parang wala akong control sa sarili kong
isipan.
Hindi biro ang academic burnout.
Napapagod na ako sa dami ng mga gawain
at pressure na nakaabang. Ang hirap isipin
na kailangan kong mag-concentrate at mag-
focus, pero hindi ko makuha ang kailangan
kong pagtuunan ng pansin. Parang nasisira
yung concentration ko dahil sa sobrang
pagod at stress.
Iniisip ko na lang, malalampasan ko rin
'to. Kailangan ko lang bigyan ng konting
pahinga ang isip ko, saka kumuha ng mga
strategies para ma-overcome ang pagka-
distract. Dapat ko ring aalagaan ang sarili
ko at bigyan ng oras para mag-relax at
magpahinga.
Kahit gaano kahirap, hindi ako susuko
sa paghahanap ng paraan para maibalik ang
focus at concentration ko sa pag-aaral.
34
Sigurado akong nakaka-relate ka sa
problemang tinatawag na academic burnout.
Hindi biro ang pagiging estudyante hindi
ba? lalo na kapag may kailangan kang
gawin para sa mga proyekto at assignments,
mga exams pa na kailangang ipasa.
Kahit gaano ka pa katalino, hindi mo
maiiwasan na may mga pagkakataon na
mapapagod at magkakaroon ka ng doubt sa
sarili. Pagpaplano ng oras ay isang
mahalagang kasanayan para sa pag-iwas sa
academic burnout. Dapat alam mo kung
kailan at paano maglaan ng oras para sa
pag-aaral, trabaho, at iba pang mga
aktibidad. Hindi mo kailangang gawin ang
lahat sa isang araw. Mahalaga rin ang
pagkakaroon ng sapat na oras para sa
pagpapahalaga at pag-rekonekta sa sarili.
Masayang mag senior high school, pero
alam mo ba ang kahahantungan mo?
Nag-umpisa ang senior high school
journey ko na puno ng pangarap at pag-asa.
Excited akong makapag-aral sa isang mas
mataas na antas at magkaroon ng mga bago
at kahanga-hangang karanasan. Ngunit sa
loob ng ilang buwan, hindi ko inaasahan na
daranas ako ng matinding pagod at stress.
Sa simula, napapansin ko na kailangan
kong magtrabaho ng maraming oras upang
maabot ang mataas na mga inaasahan ng
35
mga guro at magulang. Naisip ko na
masasabi nila na hindi ako sapat kung hindi
ko matupad ang mga ito. Kaya't araw-araw,
inilalaan ko ang mahabang oras para sa pag-
aaral at iba pang mga gawain.
Hindi ko napapansin na unti-unti nang
nawawalan ng kasiyahan at nagiging puro
obligasyon na lamang ang lahat. Sa tuwing
magbubukas ako ng libro o sisimulan ang
isang proyekto, nararamdaman ko ang bigat
ng pagod at kawalang-gana. Parang hindi
ko na maipahayag ang aking sarili sa mga
pagsusulit at mga takdang-aralin.
Nawawalan na ako ng interes sa mga bagay
na dati ay pinapahalagahan ko. Sinubukan
kong pigilan ang aking nararamdaman,
ngunit tuluyan na akong sinasakal ng
burnout.
Sa bawat araw na lumilipas, lumalala
ang mga sintomas ng burnout. Hindi ko na
kayang mag-concentrate, nagkakaroon ng
pagkapagod na hindi madaling mapawi, at
ang pagkabigo na maabot ang aking mga
layunin ay laging sumasagi sa aking isipan.
Napapansin ko rin ang mga pisikal na
epekto nito tulad ng mga pananakit ng ulo
at pagbabago ng aking kalooban.
Napagtanto ko na kailangan kong
kumuha ng hakbang upang labanan ang
academic burnout na ito. Nagpasya akong
magpahinga at mag-alok ng oras para sa
36
sarili. Pinag-aralan ko ang pagiging
organisado at pagpaplano ng aking mga
gawain upang mabawasan ang stress.
Binigyan ko rin ng halaga ang aking
kalusugan sa pamamagitan ng regular na
ehersisyo at pagkain ng malusog na
pagkain.
Sa paglipas ng panahon, unti-unti kong
naramdaman ang pagbabalik ng aking
kasiyahan sa pag-aaral. Hindi na ako
nababalot ng takot at pagod tuwing papasok
sa paaralan.
Nahalina ulit ako sa pagkatuto at
natutuwa ako sa mga bagong kaalaman na
natatamo ko. Sinasabi ko sa sarili ko na ang
aking kalusugan at kasiyahan ang
pinakamahalagang mga bagay, at dapat
kong alagaan ang mga ito habang
pinagbubuti ko ang aking pag-aaral.
Kahit na minsan ay napapagod pa rin
ako, ngayon ay mas alam ko kung paano
balansehin ang aking mga responsibilidad.
Natutunan ko na hindi dapat ako magpadala
sa labis na pressure at dapat ko bigyan ng
halaga ang aking sariling kapakanan.
Ang sarap sa pakiramdam na nahanap
ko na yung mga paraan para maibsan ang
stress ko. Sa dami ng mga gawain sa
school, minsan talaga napapagod ako. Pero

37
alam mo, hindi ako sumuko. Naghanap ako
ng mga bagay na nagpapasaya sa'kin para
ma-relax.
Kapag may free time, enjoy ako sa
pagbabasa ng mga libro at comics. Lalo na
pag fantasy, kasi nakakalimutan ko sandali
yung mundo natin at napapadpad ako sa
ibang mga mundo.
Nakakatuwa yung mag imagine,
nakakalimutan ko yung mga problema ko.
Nakakaaliw kasi mawala sa realidad at
makapag-explore ng ibang mundo, mahilig
din ako sa panonood ng mga palabas at
movies. Nakakatuwa kasi nakakalimutan ko
sandali ang mga problema ko kapag
naaabangan ko yung mga paborito kong
characters.
Hindi rin nawawala ang bonding time
kasama ang mga kaibigan ko. Sa tuwing
nagkikita kami, sobrang saya at
nakakalimutan ko ang mga pressures ng
school. Nagtutulungan kaming harapin ang
mga challenges ng senior high school. Mga
kainan sa labas kahit mga Wala ng pera ok
lang yon.
Hindi rin ako nagkulang sa paghahanap
ng suporta mula sa pamilya ko at mga guro.
Malaking tulong sila para sa akin. Alam
nila kung paano ako ma-inspire at palakasin
ang loob ko kapag nahihirapan ako. Hindi
38
ko talaga maaabot ang mga pangarap ko
kung wala sila.
Sa tulong ng mga bagay na
nagpapasaya sa'kin at ng mga taong
sumusuporta sa akin, mas confident ako na
harapin ang mga stress at hamon ng buhay
bilang isang estudyante. Alam ko na may
mga paraan ako para mag-relax at may mga
tao na nandyan para sa akin.
Noong 2014, sina Shui-Hui Lin at Yun
Chen Huang ay gumawa ng pagsusuri sa
ugnayan ng pagkabugnot sa pag-aaral at
tagumpay sa akademiko sa gitnang paaralan
ng mga mag-aaral sa Kenya. Naglakip ito
ng 714 na mga mag-aaral ng ika-apat na
taon (katumbas ng Grade 12) na kinuha
mula sa 31 pampublikong gitnang paaralan.
Ginamit ang Maslach Burnout Inventory
Student Survey.
Ang tagumpay sa akademiko ay
sinusukat gamit ang mga marka ng mga
mag-aaral sa mga pagsusulit sa katapusan
ng termino. Ito ang paraan ng pagtaya kung
gaano kagaling ang isang mag-aaral sa
kanilang mga akademikong gawain at kung
maabot ba nila ang mga inaasahang
pamantayan ng pag-aaral. Sa pamamagitan
ng pagsusuri sa mga marka sa pagsusulit,
maaaring malaman ang antas ng tagumpay
at pagkakamit ng mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral.
39
Sa aking karanasan bilang isang mag-
aaral, napakahalaga ng mga marka sa mga
pagsusulit sa pagtaya ng aking tagumpay sa
akademiko. Ang mga markang ito ay hindi
lamang mga numero o letra na inilalagay sa
mga papel; sila ang mga sukatan ng aking
pag-unlad at kakayahan sa akademikong
larangan.
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
marka na aking natanggap sa mga
pagsusulit, malalaman ko kung gaano ako
kahusay sa aking mga akademikong gawain
at kung nagawa ko ba nang maayos ang
mga inaasahang pamantayan ng pag-aaral.
Ang mga marka sa mga pagsusulit ay
hindi lamang simpleng tala ng aking
pagganap. Sila ay mga pahiwatig ng aking
pag-unlad at kabuuang kaalaman. Kapag
sinuri ko ang mga markang aking
natanggap, maaaring makita ko ang mga
mabuting aspeto ng aking pag-aaral at ang
mga posibleng areas ng pagpapabuti.
Ang mga marka ay nagbibigay sa akin
ng mga impormasyon at suhestiyon kung
saan ako dapat mag-concentrate upang
mapaunlad ang aking mga kakayahan at
malampasan ang mga hamon sa akademiko.
Ito ay isang pagkakataon upang mag-
refleksyon, pag-aralan ang mga
pagkakamali, at higit pang magpursige.

40
Ang mga markang ito ay isang malinaw
na tala ng aking tagumpay at mga
kakayahan, at nagbibigay sa akin ng
impormasyon kung alin pang mga aspekto
ng aking pag-aaral ang dapat kong
pagtuunan ng pansin. Sa pamamagitan ng
maingat na pagsusuri sa mga marka sa
pagsusulit, nagkakaroon ako ng patnubay at
gabay upang mapaunlad pa ang aking sarili
at maabot ang mas mataas na tagumpay sa
akademiko.

Bilang isang estudyante, narito ang mga


napapanahong tips para maiwasan ang
academic burnout:
1. Magplano ng maayos.
Ang paggawa ng isang tumpak na
schedule para sa mga gawain sa eskwela at
pahinga ay tutulong sa iyo na magkaroon ng
organisasyon at maiwasan ang stress.
Siguraduhing nakapaloob dito ang sapat na
oras para sa pahinga at pag-relax. Sa
pamamagitan ng maayos na pagpaplano,
maaari mong kontrolin ang iyong oras at
mag-focus sa bawat gawain.

2. Iwasan ang sobrang pagpaplano.

41
Bagamat mahalaga ang pagpaplano,
hindi mo dapat madamaan ang sobrang
karamihan ng mga layunin at takdang-
aralin. Dapat mong tandaan na hindi ka
robot at may limitasyon ang oras at lakas
mo. Mahalaga ang pagkakabalanse ng mga
responsibilidad sa pag-aaral at pag-e-enjoy
sa buhay. Bigyan ng importansya ang mga
aspeto ng buhay tulad ng pamilya, kaibigan,
at mga personal na interes.
3. Alagaan ang kalusugan.
Ang pag-aalaga sa iyong kalusugan ay
hindi dapat malimutan. Kasama sa pag-
aalaga nito ang regular na ehersisyo,
pagkain ng malusog, at sapat na tulog. Ang
mga ito ay nagbibigay ng enerhiya at
nagpapanatili sa iyong katawan at utak na
malusog.
Ito rin ay nakakatulong sa iyo na
magkaroon ng mas malalim na pag-unawa
at mas matatag na resistensya sa mga
stressor sa paaralan.

4. Magtakda ng maliliit at makatwirang


mga layunin.
Ang pagtatakda ng mga maliliit at
maabot na mga layunin ay nagbibigay ng
patuloy na motivasyon at sense of
accomplishment. Sa halip na biglang-bigla
42
at malalaking mga layunin, hatagan ang
sarili ng mga achievable at measurable
targets. Maaari itong maging mabuting
pampalakas ng loob at makatulong sa iyo na
i-manage ang iyong mga gawain nang mas
mahusay.

5. Maglaan ng oras para sa sarili.


Sa kabila ng mga responsibilidad sa
eskwela, mahalagang maglaan ng oras para
sa iyong sarili. Isama sa iyong schedule ang
mga aktibidad na nagbibigay sa iyo ng
kaligayahan at kalinawan. Maaaring ito ay
pagbabasa ng paboritong libro, pakikinig sa
musika, pagsasayaw, pagguhit, o anumang
aktibidad na nagpapasaya sa iyo.
Makatutulong ito sa iyo na mapalayo sa
stress ng pag-aaral at magkaroon ng
balanseng buhay. Paglaanan din ng oras ang
pagkakasama kasama ang mga kaibigan at
pamilya, dahil ang kanilang suporta at
pagmamahal ay mahalaga sa iyong kabuuan
bilang isang estudyante.
Mahalaga ang mga hakbang na ito
upang maiwasan ang academic burnout. Sa
pamamagitan ng pagtatakda ng mga
limitasyon, pagpapahalaga sa sarili,
paghahanap ng tulong mula sa iba, at
pagkakaroon ng balanseng buhay, mas

43
magiging produktibo at malusog ang iyong
pag-aaral.

KABANATA IV

Kakayanin
ko pa ba?
Isinulat ni: Padua, Carla Jean B.

44
Sa mga hindi mabilang na tulog at
gabi na nararanasan ng bawat estudyante,
laging may pagdududa sa kanilang isipan
kung makakapag tapos ba sila ng pag-aaral.
Lahat tayo ay mayroong sari-sariling
pagsubok na pinagdaraanan mapa personal
man ito o school related ay napapatanong
tayo sa ating sarili kung makakaya ba natin
‘tong lagpasan. Sa perspektibo ng bawat
isa, may iba't ibang lebel ang kahirapan ng
pag-aaral depende sa kanilang sitwasyon.
Ang parteng ito ng libro, mababasa ang iba't
ibang pagsubok na hinaharap ng mga mag-
aaral na siyang nagbubunga upang tanungin
nila ang kanilang mga sarili, "Kakayanin ko
pa ba?" Makikita dito ang mga hinaing na
siyang kumukunsumo sa mga estudyante,
dahilan para sila ay makaramdam ng pagod.
Pagod, hindi lang sa kanilang pisikal na
kalusugan, gayundin sa kanilang
mentalidad. Pag-uusapan sa parte na ito
kung paanong tumatakbo ang pag-iisip ng
isang pagod na estudyante ngunit patuloy
parin sa pag-aaral para makamit ang
kanilang mga pangarap.
Ang salitang “kakayanin ko pa ba?”
ay napakabigat na salita para sa mga
estudyante na nahihirapan sa araw-araw na
pagsubok sa kanilang buhay. Ito ay apat na

45
letra lamang ngunit tila milyong piraso ng
karayom na tutusok sa ating katawan.

Tatalakayin natin kung ano ang


mga maaaring dahilan para magduda sa
sarili kung kaya mo pa ba at epekto nito sa
iyo :
1. Mababa ang Tingin sa Sarili
may mga gantong pagkakataon na mababa
ang tingin natin sa sarili marahil sa mga
sinasabi ng taong nakapaligid sa atin. Lalo
na kung ang iyong insecurities ay pinoint
out at paulit ulit itong pumapasok sa ating
isipan. Ayon kay Cherry (2023), ang kulang
ng kompiyansa sa sarili, kulang ng kontrol,
negatibong social comparison, nahihirapan
manghingi ng tulong sa iba, takot sa
kabiguan, at nahihirapang tumanggap ng
positibong puna ay mga senyales ng
mababang tingin sa sarili. Isa-isa nating
talakayin ito, ang “Kakulangan ng
Kompiyansa sa Sarili” ay maaring
magpalala kung bakit ang tingin sa sarili ay
mababa. Ang pagkakaroon ng malakas na
loob ay makatutulong kung paano mo
hahawakan ang iba’t ibang pagkakataon,
pakikipag komunikasyon sa ibang tao,
magbigay solusyon sa mga problema,
magbigay suhestyon tungkol sa iyong
ideya, at mapagpabuti pa ang sarili. Ang
46
“Kulang sa Kontrol” ay hindi makontrol
ang mga nangyayari at kalalalabasan ng
kilos marahil tingin nila ay walang
kakayahan na magbigay impact pagdating
sa iba’t ibang larangan dahil sila ay may
locus of control. Nakakaimpluwensya ang
locus of control kung paano natin tugunan
ang mga nangyayari sa ating paligid at sa
ating motibasyon para kumilos. Samantala,
ang “Negatibong Social Comparison”
naman ay pagkukumpara sa sarili sa ibang
tao. May mga pagkakataon na kinukumpara
natin ang sarili sa iba dahil napapaisip tayo
bakit sila nabiyayaan ng yaman o
katalinuhan kaya sa tingin natin di patas ang
mundo. Linyahan na “Bakit sila kaya
nilang gawin ito, bakit ako hindi?”
Naranasan mo na bang ipagkumpara ng
iyong magulang sa ibang tao? kung oo,
makakarelate ka rito. Masakit sa damdamin
na sarili mong magulang ay kinukumpara
ka sa ibang tao lalo na kung ang usapan ay
akademiko kaya ikaw ay napepressure na
nagbubunga ng pagka-burn out. Sunod
naman ay “Nahihirapan Manghingi ng
Tulong sa Iba”, ito ay sa tingin mo abala ka
sa ibang tao kaya nahihiya ka manghingi ng
tulong. Tandaan mo na walang masama sa
paghingi ng tulong lalo na sa mga bagay na
hindi natin kayang gawin at magsasabi nang
maayos sa taong hihingian ng tulong. Ang
“Takot sa Kabiguan” ay isa sa maaaring
dahilan ng mababang tingin sa sarili dahil
47
sa expections sayo ng taong asa paligid mo
at expectation mismo sa sarili. Naisip mo na
kung ikaw ay mabibigo sa kahit anong
bagay ay di na magiging proud ang iba sayo
at magdududa ka sa sarili kung kaya mo pa
ba gawin ang mga bagay na napamahal sa
iyo. Laging isipin na hindi porke nabigo ka
ng isang beses ay hindi ka na pwedeng
bumangon muli, wag mo ring isipin ang
sasabihin ng iba dahil mahalaga na may
natutunan ka noong ikaw ay nabigo.
Kumbaga, isipin mo na challenge ito at
balikan muli ang mali o pagkukulang mo
nang sa gayon ay mapabuti ang sarili
pagdating sa ganoong larangan. Ang huli
naman ay “Nahihirapang Tumanggap ng
Positibong Puna”, marahil ay sa iyong
palagay na ang sinasabi ng taong nabibigay
ng positibong puna ay hindi totoo o hindi
iyon akma sa paniniwala mo. Sa
pamamagitan ng pagtanggap ng positibong
puna ay maaari nitong mabuild ang
confidence mo dahil nga “sinabi nya na
maganda ang gawa ko” o “magaling ako
sa gantong bagay sabi niya” mabibigyan
tayo ng affirmation na nagiging dahilan
para tanggapin ang sarili.

2. Kulang sa Tulong Pampinansyal


sinasabi na hindi hadlang ang kahirapan sa
pag-aaral, ngunit marami ang nagpapatunay
48
na handlang ito. Ayon sa Philippine
Institute for Development Studies (PIDS),
ang mga estudyanteng kabilang sa 25% ng
may mababang kita ay humihinto sa pag-
aaral. Isa ito sa mga dahilan kung bakit
napapatanong ang estudyante kung
“kakayanin ko pa ba?” dahil imbes na
ipangkain ng pamilya ay magbabayad ng
bayarin sa eskwelahan. Ang iba ay
napipilitan na tumigil at magtrabaho na
lamang dahil ang isipan nila ay mas
praktikal ito at kailangan may
mapagkukuhanan ng pera panggastos sa
araw-araw. Minsan naman, ang mga
estudyante ay nagttrabaho habang nag-aaral
o tinatawag nating “working student”.
Hindi ito madali para sa mga estudyante na
isinakripisyo ang pag-aaral para sa pamilya
kaya kahit na nahihirapan ay nagpapatuloy
pa rin upang makamit ang layunin.
3. Academic Burnout
isa rin ito sa mga posibleng dahilan para sa
mga estudyanteng nahihirapan. Madalas na
nangyayari ito sa mga estudyante lalo na
ang mga lumaking academic achiever o
kaya naman ang buong pamilya ay halos
propesyunal at mataas ang expectation ng
tao sakanya na maaaring sanhi ng burnout
dahil konting pagkakamali lang ay
huhusgahan agad sila. Ang mga maaring
sanhi ng academic burnout ay maraming

49
gawain pampaaralan, kulang sa tulog,
walang maayos na kain, hindi nag-
eehersisyo, hindi marunong mag manage ng
oras, at unrealistic goals (Einsteinmed.edu
n.d). Talakayin ang mga ito, sa sobrang
daming gawaing pampaaralan, ang mga
estudyante ay na-ooverwhelm kaya sa huli
hindi na nila alam kung ano ang uunahin.
Ang iba ay nag-ccram o procastinate,
habang ang iba naman ay sinisimulan agad
ang gawain. Academic burnout ang epekto
nito sa kanila dahil isinasakripisyo ang
tulog para lang matapos ang gawain na
nagdudulot ng pagkaantok sa klase. Bukod
sa pagsakripisyo ng tulog, ang estudyante
ay isinasakripisyo rin ang kanilang oras ng
pagkain upang makapag pasa sa tamang
oras. Kakulangan sa pag-eehersisyo ay
dahilan para magka-academic burnout,
Ayon sa UCL UK (n. d), ang pag-
eehersisyo ay makakatulong upang mag-
concentrate nang mas mabuti. Kaya kahit 2
beses sa isang linggo ay mag-ehersisyo para
mapaunlad pa ang kalusugan. Ang hindi
pagsasaayos ng oras ay isa sa maaaring
dahilan para maburn out. Kung may gawain
na binigay ay siguraduhin na tapusin ito
kaagad at wag nang magpaligoy ligoy pa.
Matuto tayo na unahin ang mga dapat
gawin lalo na kung sa tingin mo ay mahirap
ito dahil kung di natin papahalagahan ang
oras ay walang ibang magdudusa kundi
tayo rin.
50
Narito ang mga bagay na maaari mong
gawin kung ikaw ay nakakaramdam ng
pagdududa sa sarili:

“Nagpa psychological therapy ka? Edi


baliw ka pala?”
May mga bagay na pwede mong
gawin para maklaro ang isip kabilang na
rito ang Pagkonsulta sa isang Licensed
Psychologist. Tandaan na hindi porket
nagpakonsulta ay may problema ka na sa
pag-iisip. Alisin natin ang estigma kung
saan ang mga nagpapakonsulta sa
sikolohista ay “baliw”, maraming dahilan
para magpakonsulta sa sikolohista kabilang
na rito ang upang madiagnose kung may
sakit sa mental na kalusugan, para mapabuti
ang sarili, pagkalito sa sariling seksuwal na
kaanyuan, at maintindihan nang maayos
ang sarili. Mahalaga na mapangalagaan din
natin ang mental na kalusugan kaya maging
bukas sana ang isipan natin sa mga tao na
nakararanas ng mental illnesses dahil hindi
ito biro.
“Drink your water, sis”
Pangalawa, uminom ng walong
basong tubig sa isang araw. Ang pag-inom
ng tubig ay nagpapabuti ng lagay ng loob,
dahil tumataas ang mga problema sa pag-

51
iisip, negatibong mood, pagkapagod at galit
kapag ikaw ay dehydrated (Conserve
Energy Future, n.d). Kung ikaw ay tipo ng
tao na hindi mahilig uminom ng tubig,
ngayon simulan mo na magdala ng tumbler.
Kung lalabas ay palagiang magbaon ng
tubig kaysa bumili sa mga lokal na tindahan
para makatipid. May tinatawag tayo
ngayong aquaflask, isa itong lalagyan ng
tubig na malaki at maaari mong lagyan ng
yelo dahil magtatagal ang lamig dito.

“Sasamahan Kang Libutin ang UP


Diliman”
Maglakad lakad at lumanghap ng
sariwang hangin. Ayon sa Cancer Research
UK (n.d), isa sa benepisyo ng paglalakad ay
nakakabawas ng stress. Sa mga oras na
nadududa sa sarili, kailangan nating mag-
unwind. Ayon sa isang pag-aaral sa North
Dakota State University (2011), ang
paglalakad ay naglalabas ng brain
chemicals na tinatawag na endorphin na
nagpapasigla sa pagpapahinga at
nagpapaganda ng ating kalooban. Ang
endorphin naman ay nakatutulong upang
maibsan ang sakit, mabawasan ang stress, at
mapabuti ang iyong pakiramdam
(ClevelandClinic.org 2022). Ang UP
Diliman ay kilalang unibersidad sa bansa,
maari kang maglakad lakad rito at bumili ng
52
kanilang sikat na dirty ice cream. Habang
naglalakad ay maaari mong isipin ang mga
dapat mong gawin o plano kung ikaw
magpapatuloy pa rin sa buhay.

“Kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.”


Positibong kausapin ang sarili (use
positive self-talk). Ang positive self-talk
ayon sa Medical News Today (2022), ay
internal na pag-uusap upang mapagaan ang
loob o kaya naman magbigay motibasyon
sa sarili. Ayon sa pananaliksik ni
Shadinger, et al (2019) ang pagsasagawa ng
positive self-talk bago ang presentasyon ay
makatutulong para sa mga estudyante para
mabawasan ang anxiety. Habang binibigyan
ng affirmations ang sarili na kaya mo ang
mga pagsubok, gawin ang inhale at exhale.
Sa pamamagitan nito ay gagaan ang iyong
kalooban at sa halip na iisipin mo na
“Kakayanin ko pa ba?” magiging
“Kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.”
Walang pagsubok na hindi mo kayang
lagpasan. Magtiwala sa sarili dahil sa huli,
may aral kang matutunan sa kabila ng
pagsubok na tinahak mo.

“Take your time para intindihin ang


sarili”

53
Minsan talaga ay hindi natin
maintindihan ang nais ng ating isipan.
Huwag mong madaliin o ipressure masyado
ang sarili mo dahil ikaw lang din ang
mahihirapan. Ang buhay ay hindi karera.
May mga tao na mauuna sa atin, mayroon
naman na mahuhuli. Sa pag-intindi ng sarili
ay hindi madalian dahil may oras na
nakalaan para rito. Focus lang sa goal.
Kung di mo man maintindihan ang sarili ay
maaari kang lumapit sa sikolohista,
magulang, kapatid, at sa poong maykapal.

“Wag mag paapekto sa sinasabi ni


Marites”
Hindi maiiwasan ang mga tao na
humihila sa atin pababa. Ayos lang na
masaktan ka sa sinasabi nila, valid ang
nararamdaman mo pero hindi ibig sabihin
non ay susuko ka na. Gawin mong
motibasyon ang sinasabi nila at ipakita mo
na kaya mong gawin ang mga bagay at kaya
mong tuparin ang iyong pangarap.

“Kaya ko pa ba?”
Noong taong 2020 ay nagkaroon ng
pandemya na tinatawag na Corona Virus
Disease 2019 (Covid-19). Nagsimula ito sa
China noong 2019 at kumalat sa buong
54
mundo sa sumunod na taon. Marami ang
naapektuhan nito dahil nagsara ang ilan sa
mga negosyo, natigil ang pasada sa mga
lugar, at higit sa lahat ay nagsara ang
paaralan.
Nagsimula ang online classes
noong Oktubre 2020, ito ay tinatawag ding
distance learning sapagkat sa bahay lang
nag-aaral ang mga estudyante gamit ang
teknolohiya lalo na sa mga lungsod at
modular learning naman sa mga probinsya.
Hindi ito naging madali para sa mga
estudyante dahil more on self-learning. Iba-
iba ang kapasidad ng tao para matuto, may
natututo sa pamamagitan ng pagbasa,
pagtuturo sa kanila, at pakikinig. Bukod sa
self-learning, marami rin ang ipinapagawa
sa taong ito.
Ayon kay Xinhua (2021), ang
suicide rate sa Pinas ay tumaas ng 57.3%
noong 2020 mula 2019. Marami ang
estudyante na kinitil ang buhay noong
panahong iyon. Sa sobrang dami ng gawain,
stress, anxiety, at depresyon ay pinili na
lisanin ang mundo.
Ako, bilang estudyante ay na-
ooverwhelm sa dami ng gawain noong
online class. Napapagod na ako at
napapaisip kung kakayanin ko pa ba? Dahil
sa hirap ng pinagdadaanan hindi lang ako
pati na rin ng buong mundo. Marami ang
55
patuloy na nagkakasakit at namamatay,
tumataas ang mga bilihin, samu’t-sari ang
korapsyon na nagaganap, at nagtatanong
kung kelan matatapos ang pasakit na ito.
“Kakayanin ko pa ba sa kabila ng mga
problema na nasa paligid ko?” ayan ang
tanong na laging nasa isip ko dahil lahat ng
larangan ay naapektuhan ng Covid-19.
Noong panahon na iyon ay gusto ko na
lumisan na lang dahil sa tingin ko ay hindi
ko na kaya ang mga suliranin na wala pang
tiyak na kasagutan.
Ngayong nasa new normal na at
ina-adopt ang mga bagay-bagay simula
noong nag-pandemya, naging mahirap din
para sa akin na mag-adjust dahil noon ay
hindi nagsusuot ng facemask o face shield
at ngayon ay laging may facemask na.
Nagtaasan na rin ang mga bilihin dahil may
inflation, ang dating pamasahe sa tricycle
na 8 pesos, ngayon ay halos 15 pesos na.
Marami na ang nagbago kabilang na ang
aking mentalidad, paniniwala, at
pagpapahalagang moral.
Minsan na rin akong nagduda sa
sarili ko dahil hindi ko na nagagawa ang
mga bagay na ginagawa ko dati at hindi rin
ako palagay sa mga bagay na pwede ko
pang gawin. Mababa ang aking kumpiyansa
sa sarili dahil tingin ko may mga taong
magaling sa gantong larangan na hindi ko

56
kayang gawin. Hindi ko napagtanto na
maaari pa akong matuto, na ang ibang tao
ay nagsisimula na walang karanasan bago
sila naging propesyonal, na hindi pa huli
ang lahat kaya maaari akong
makapagsimula na kaya ko pala. Mabuti na
lang na hindi ako sumuko noon dahil wala
sana ako rito ngayon para magbahagi ng
karanasan, magbigay tips, at makatulong
para maliwanagan ang mga estudyante.
Ginawa ko ang mga hakbang na
nasabi sa taas maliban sa paglapit sa
sikolohista upang maklaro ang aking isip.
Ngunit limitado lang ang pwedeng gawin
dahil may lockdown, sa bahay ako
naglalakad lakad. Hindi ko akalain na
pwede kong mapaunlad ang sarili sa
pamamagitan ng simpleng gawain sa araw-
araw. Ikaw, pwede mo rin itong gawin basta
maging consistent at mag pokus sa layunin
o nais mong makamtan.

Ngayon, ang sagot sa kakayanin ko pa ba?


Oo, kakayanin ko. Kaya ko. Kinaya ko.

57
KABANATA V

“Due Tomorrow,
Do Tomorrow”
Time Management
Isinulat ni: Soriano, Marian D.

58
Isa sa mga katangian ng mga estudyante
ay ang pagiging responsable dahil may mga
gawain o bagay na nakaatas sa bawat isa.
Kasama na sa pagiging responsable ang
pagkakaroon ng time management.
Maraming mga bagay ang maaaring maging
resulta sa pagkakaroon ng pagkukulang sa
pag manage ng iyong oras, katulad na
lamang kapag ikaw ay may nais na gawin
ngunit hindi mo ito magagawa dahil sa mga
bagay na hindi mo pa natatapos, ang mga
bagay na iyon ang mga nagbibigay sayo ng
dagdag isipin.

Ano nga ba ang time management?


Ang Time management ay tumutukoy
sa pamamahala ng oras nang epektibo
upang ang tamang oras ay inilalaan sa
tamang aktibidad. Ang epektibong
pamamahala ng oras ay nagbibigay-daan sa
mga indibidwal na maglaan ng mga
partikular na puwang ng oras sa mga
aktibidad ayon sa kanilang kahalagahan. Ito
ay tumutukoy sa paggawa ng
pinakamahusay na paggamit ng oras dahil
59
ang oras ay laging limitado. Marami sa atin
ang mababa ang pagpapahalaga sa oras
nasasayang natin sa araw araw, ngunit hindi
alam ng iba na malaki ang benepisyo o
maganda ang kahihinatnan natin kapag
pinapahalagahan natin ang oras natin o tayo
ay may time management.
May kasabihan na "Time is Gold" sa
aking pananaw lahat ng ginagawa mo ay
may halaga, halimbawa ay sinayang mo ang
oras mo sa paglalaro ng mga online games
kung saan pwede mo namang gawin ang
mga takdang aralin sa oras na iyon, mas
pinili mo na ibuhos sa ibang bagay ang oras
mo kaysa na maging produktibo ka.
Bilang estudyante ay alam mo ang mga
bagay na dapat mong i-priority at mga
bagay na hindi kinakailangan na gawin
dahil kapag hindi alam kung ano ang
uunahin ay maaaring mahirapan ang
estudyante sa paghawak ng kanyang oras.
Kung ikaw ay walang time management o
hindi mo alam pano i-mamanage ang iyong
oras ay mabuti nang mabasa mo ito.
Katulad mo ay isa rin akong estudyante na
nangangapa sa aking time management,
kahit anong gawin ko ay natatambakan pa
rin ako ng mga gawain, dahil dito ay
minsan ay minamadali ko na ang mga
gawain at proyekto na ipapasa para lamang
makaabot sa mga takdang oras na pagpasa

60
ng mga awtput. Ang pagkawala ng time
management ay may mga negatibong
epekto sa atin katulad na lamang ng
pagkataranta sa mga gawain kung saan tayo
ay naiistress dahil sa mga workload natin,
na ooverwhelm tayo sa mga gawain dahil sa
kakulangan natin na hawakan ng maayos
ang ating oras, katulad ko ay iniisip ko na
kapag maikling oras na lamang ang natitira
para gawin ang isang gawain ay nakatatak
na sa isipan ko na hindi ko na ito matatapos
dahil nga sa kulang na oras dahil doon ay
naiistress ako at hindi ako makagawa ng
maayos.
Upang ikaw ay magkaroon ng maayos
na time management ito ang mga tips na
maaaring makatulong sa’yo sa pagkakaroon
ng epektibong time management:
1. Create a calendar
Para hindi ka magulat sa dami ng gawain na
dapat mong gawin ay dapat ay i-set mo ang
iyong mga araw kung kelan ang mga
deadlines, quiz, at iba pang mga
importanteng bagay na dapat mong gawin.
Sa ganoong paraan ay alam mo ang mga
uunahin mong gawin at magiging aware ka
sa mga araw kung kailan kailangan mo
magpasa ng mga gawain.

61
2. Set Reminders
Hindi lang sapat ang paggawa ng sarili
mong calendar sa iyong mga gawain. Dapat
din na alam mo kung kelan ka gagawa at
ilang oras ang ginugugol mo sa isang
gawain. Maaari mong gamitin ang iyong
cellphone upang mag alarm at itrack kung
gaano katagal ka gumagawa.
3. Build a personalized scheduled
Syempre hindi sa lahat ng oras ay tungkol
lamang sa paggawa ng mga takdang aralin
ang ginagawa mo. Ang paggawa ng
personal schedule ay makakatulong sayo na
huminga sa mga gawain, ang pagkakaroon
nito ay mahalaga dahil hindi lang naman sa
paaralan umiikot ang mundo natin, may
mga bagay din tayong gustong gawin at ito
ay makakatulong sayo na iseperate ang mga
schedule na yon sa mga schedule mo sa
pang aralan lamang. Hindi mo kailangan
ibuhos lahat ng oras mo sa pag-aaral, pa
minsan minsan ay kailangan mo ring
huminga.

4. Use tools that works for you


May mga apps na maaaring makatulong
sa’yo sa pagkakaroon ng efficient na time
management, kung sa tingin mo ay
nakakatulong ang mga digital apps sa
62
pagiging produktibo mo ay gamitin mo ang
mga iyon. Kung hindi naman ay maaari mo
naman gamitin ang mga traditional na
notebook planner’s para sa pag aayos nila
ng kanilang oras. Kung ano ang
makakatulong sayo ay dapat mo itong
gamitin at pahalagahan

5. Prioritize
May mga araw talaga na hindi maiiwasan
ang konting oras na matitira sayo upang
gawin ang mga gawain. Sa mga ganitong
sitwasyon ay dapat natin alamin kung ano
ba ang may mga deadline at alin doon ang
nalalapit nang ipasa, sa ganitong paraan ay
malalaman natin kung ano ang iprapriority
na gawin.

6. Make time to yourself


Ang time management ay hindi lamang
umiikot sa paghawak ng iyong oras.
Layunin din nito na magkaroon ka ng oras
para alagaan ang sarili mo.

7. Find support
Ang pagkakaroon ng kaagapay ay
makakatulong sayo para maging
63
matagumpay sa mga binabalak mo. Ang
mga kaibigan o ang pamilya mo ay maaring
tulungan ka sa iyong mga ginagawa, dahil
hindi sa lahat ng oras ay kaya natin na
sarilihin lahat ng ating ginagawa, minsan
ang pagkakaroon ng support ay kailangan
natin para matapos sa ating mga gawain.

8. Be realistic and Flexible


Ang ibig sabihin na lamang nito ay kapag
gagawa ka ng calendar ay dapat maging
makatotohanan ito. halimbawa ay
maglalagay ka ng patong patong na gawain
sa araw na ito, sa tingin mo ba ay kaya mo
itong matapos? Kung ikaw ay gagawa ng
gawain ay dapat alam mo kung hanggang
saan lang ang kaya mong gawin dahil kung
hindi ka magiging realistic ay hindi ka rin
makakatapos ng mga gawain. Sa paraang
ito mababawasan ang mga pangamba sayo
na hindi mo matatapos ang mga gawain.

Sa mga tips na na-ibigay sana ay


makatulong ito sayo sa paghawak mo ng
iyong oras. Ang pagkakaroon ng Time
management ay may positibong epekto sa
tao Nakatutulong ito upang mas maging
mahusay, epektibo at produktibo hindi
lamang ang ating mga gawain pati na rin

64
ang bawat indibidwal. Ang iba’t ibang mga
pamamaraan, sistema, at proseso ng Time
Management ay maaaring makatulong
upang maisakatuparan ang mga iniatang
gawain at layunin. Ang paghahawak din ng
iyong oras bilang estudyante ay
nakakatulong para maging produktibo ang
bawat isa sa ganoong paraan ay nagiging
confident tayo sa ating mga ginagawa,
nagiging organize rin tayo, at mas
magkakaroon tayo ng oras para matuto.

Bilang estudyante hindi talaga natin


maiiwasan ang mga tambak na gawain sa
paaralan at maging sa ating mga tahanan
dahil don ay may mga gawain tayo na hindi
na natin nabibigyan masyado ng atensyon
dahil sa dami ng atin ginagawa halos maka
limang basong kape ma ako para lang
matapos yung mga gawain, quizzes, test, at
mga nagkasabay sabay na mga deadlines,
ito rin kung bakit maraming estudyante na
katulad ko ang nag-cacram. Oo, naranasan
ko na rin ang mag cram at hindi ko na nga
mabilang kung ilang beses ko na ginagawa
ang pag cracram na para bang naging
normal na ito sa pang araw araw ko na
gawain.

65
Bago ang lahat, ano nga ba ang
cramming?
Ayon kay bff Wikipedia, in education,
cramming is the practice of working
intensively to absorb large volumes of
information in short amounts of time. Sa
tagalog ang cramming daw ay kung saan
gumagawa tayo ng mga tambak tambak na
gawain o pag- aaral sa limitadong oras.
Ginagawa ito ng mga estudyante na kulang
na ang oras para sa mga gawain nila.
Ang cramming ay stressful para sa
estudyanteng katulad natin. Ang cramming
ay dapat na hindi nagiging unang option sa
mga mag-aaral dapat nga ay ito ay ang huli
nilang option. Ang pag cracram ng mga
gawain sa buong gabi ay nagkakaroon ng
masamang epekto sa’tin dahil
nasasakripsyo ang oras ng ating pagtulog,
sa halip na ikaw ay mahimbing na natutulog
ay ikaw ay gising pa ng madaling araw.
Ang pagkakaroon ng kumpletong tulog ay
importante dahil nakakatulong ito sa mga
estudyante na mas lalong makapag focus at
magkaroon ng konsentrasyon sa klase.
Sa sarili kong karanasan ay lagi rin
akong nag- cracram, alam ko na hindi dapat
ako nag cracram lalo na sa akin pag-aaral
ngunit ano ba ang magagawa ko kung sa
dami ng gawain ay napipilitan akong
madaliin ang mga ito. Pero minsan talaga
66
ang dahilan ng pag cracram ko ay dahil
hindi ko alam paano i-manage ng maayos
ang oras ko, matagal ko ng alam sa sarili ko
na dapat na ayusin ko ang mga oras ng
aking paggawa ng mga asignatura para
hindi ako naghahabol ng mga requirements
na ipapasa kaso kahit alam ko na ay hindi
ko parin ginagawa at inaayos ang time
management ko. Hindi ko alam kung bakit
hindi effective ang panggagaslight ko sa
sarili ko na mahihirapan ako pag puro "
mamayang 5pm ko nalang 'to gagawin,
magpapahinga muna ako deserve ko 'to."
dahil siguro ayaw ko rin pa na kumilos kaya
hinahayaan ko ang oras na lumipas
hanggang sa tumagal ay wala na ang haring
araw at malalim na ang gabi. Sa mga
ganitong mga pangyayari talaga ay nagiging
totoo ang kasabihan ng mga matatanda na
"Nasa huli ang pagsisisi." Tama nga sila
nasa huli ang pagsisisi, pagsisi sa sarili na
hindi agad gumawa nung ako ay may oras
pa tapos ang ending ay mangyayari ulit
yung ganito na ipagsasa-bukas o puro
mamaya ang nasa mindset ko dahil alam ko
namang kaya ko i-cram ang isang gawain.
Meron din namang positibong epekto
ang pag cracram kagaya na lamang kapag
ikaw ay wala na talagang oras at kailangan
mong i-cram ang isang pagsusulit. Sa
ganitong mga sitwasyon ay nasasanay ang
sarili mo na gawin ang isang bagay under
67
pressure, kaya kapag ikaw ay binigyan ng
limitadong oras sa isang gawain ay alam mo
ang mga dapat gawin sa limitadong oras na
iyon. Sa henerasyon na ito, ang pagcracram
nga ay parang bestfriend na ng lahat dahil
sa dami ng gumagawa nito. Maiituring nga
na “cramming master” ang isang
estudyante kapag palagi itong nag crcram.
Ang cramming ay may masamang dulot
din sa atin kung ito ay naging habit na,
Hindi sinasabi na ang cramming ay
naglalagay ng labis na stress sa utak, na
nagtutulak dito nang higit sa mga
limitasyon nito. Kapag ang utak ay sobra-
sobra sa trabaho, masyadong madalas, ito
ay nagpapataas ng damdamin ng
pagkabalisa, pagkabigo, pagkapagod at
maging ng pagkalito. Tulad ng katawan ng
tao, ang utak ay nangangailangan ng oras
upang huminga, magpahinga at muling
paganahin
Kaya, kung ang cramming ay itinuturo
na isang hindi epektibo at hindi
mapagkakatiwalaang paraan ng pag-aaral,
bakit ito ay karaniwan sa mga mag-aaral?
Katulad ko na isang mag-aaral ang pag ca-
cram ay isang gawain na ginagawa kung
gusto mo pumasa, dahil ang pag cracram ay
ang pilit na pagpasok ng mga impormasyon
sa utak sa limitadong oras. Sa ganitong

68
paraan ay magagamit mo ito sa mga
pagsusulit.
Bukod sa cramming, ang
procrastination ay isa rin sa mga bunga ng
pagkawala ng maayos na time management.
Ano nga ba ang procrastination? Ang
salitang ‘procrastination’ ay numero-unong
kalaban ng tao, lalo na sa mga gawain. Ito
ay matatawag na “magnanakaw ng oras,”
dahil kapag ikaw na mismo ang nakaka
experience nito ay hindi mo na ito
maiiwasan pa.
Sa aking experience, ang
procrastination ay hindi ko maalis alis sa
aking habit dahil madali akong ma-distract
sa mga bagay na hindi naman dapat inuuna
dahil roon ay napapatagal ang paggawa ko
sa mga gawain na importante. Marahil ikaw
rin ay nakaranas na mag procrastinate dahil
ito ay bunga na rin ng hindi epektibo na
time management. Kaya habang tayo ay
dapat ay alam na natin na hindi ito maganda
kung ipagpapatuloy ito sa ating pag-aaral.
At dahil sa mga negatibong epekto nito
satin ay wag na tayong mag procrastinate at
maging crammers. Tigilan na ang
“crammer for life” at “due tomorrow, do
tomorrow” na mentality dahil ang hindi
natin alam ay onti-onti tayo nito na sinsira.

69
Para maiwasan ang pag-cacram at pag
procrastinate ito ang mga tips na maaaring
makatulong sa’yo:
1. Make a study schedule
Magplano nang maaga para sa kung paano
ieexcute ang mga pagsusulit. Bago ka
magkaroon ng pang-araw-araw na
timetable, mainam na mag-set up ng
lingguhang kalendaryo para sa mga
kailangan na gawin.

2. Study a little bit each day


Laging basahin ang mga aralin, hindi
lamang bago ang pagsusulit, Sa
pamamaraan na ito ay tatatak sa isip mo ang
mga aralin dahil lagi mo itong binabasa.
Mas epektibo ito kaysa ikaw ay mag-aaral
kung kelan may mga pagsusulit na
kinabukasan.
3. Space out your study sessions.
Gumawa ng ilang oras sa isang linggo sa
halip na ilang oras bago ang pagsusulit.
Ang paraan na ito ay makakatulong ito na
ma-test ang kaalaman mo sa aralin

70
mapapabuti rin ang komprehensyon at pag-
alala sa mga aralin dahil paulit- ulit mo na
inaaral ang mga ito.

4. Study in short bursts to avoid


burnout.
Subukang mag-aral sa loob ng 30 hanggang
45 minutong upang mapanatili ang
pinakamaraming impormasyon. Ang iyong
utak ay nangangailangan ng pahinga
pagkatapos nito. Maari kang magpahinga sa
loob ng 2-3 minuto, pagkatapos ay tumuon
sa pinakamahirap na konsepto sa loob ng
30-45 minuto. Makakatulong ito upang
hindi ka agad na mapagod sa pag-aaral.

5. Take frequent breaks when you're


studying.
Bumangon at gumalaw sa loob ng 10
minuto. Gawin itong isang punto na
magpahinga nang hindi bababa sa 10
minuto bawat oras. Ang iyong utak ay
nangangailangan ng kaunting oras upang
mag-refresh.Magtakda ng timer para sa
iyong pahinga upang hindi mo sinasadyang
makalimutang bumalik sa pag-aaral.

71
6. Turn off social media and other
distractions.
Maaring patayin mo ang iyong mga
notification para talagang makapag-focus
ka. Bagama't palaging nakakaakit na mag-
check in sa iyong mga kaibigan, ang social
media ay maaaring talagang nakakagambala
kapag sinusubukan mong panatilihin ang
impormasyon. Kung ginagamit mo ang
iyong laptop sa pag-aaral, mag-log off sa
lahat ng mga social media site. Okay lang
na panatilihing malapit ang iyong telepono
ngunit i-off ang iyong mga notification sa
social media habang nagbabasa ka ng mga
aklat para ikaw ay makaiwas sa mga
distraksyon.

7. Set up a comfy study space.


Pumili ng lugar kung saan hindi ka
magkakaroon ng masyadong maraming
distractions. Ang pagkakaroon na maayos
na lugar sa pag-aaral at ang kakayahang
mag-focus ay susi sa isang magandang
lugar ng pag-aaral. Kung mag-aaral ka sa
bahay, pumili ng lugar ng bahay kung saan
hindi ka maaabala ng iba

8. Take good notes.

72
Ang pagkuha ng mga tala ay nakakatulong
sa iyo na matandaan. Maaari kang kumuha
ng mga sulat-kamay na tala o i-type ang
mga ito. Siguraduhin mo lang na mababasa
mo sila mamaya! Ang mahuhusay na tala ay
isa ring solidong mapagkukunan kapag oras
na ng mga pagsusulit dahil makakatulong
ito sayo.

9. Test yourself on the material.


Makakatulong sa iyo ang mga pagsusulit sa
pagsasanay na malaman kung ano ang
iyong pinaghihirapan. Ang mga pagsusulit
sa pagsasanay na nasa parehong format ng
aktwal na pagsusulit ay ang pinakamahusay
na mga opsyon dahil dito ay nagkakaroon
ka ng mock test kung saan makakatulong
ito sa pagpaalawak ng kaalaman
Ang oras ay ang pinaka mahalaga sa
buhay ng isang tao dahil hindi natin
malalaman kung hanggang kelan nalang
ang itatagal natin sa mundo. Ang oras
walang simula at hangganan kung saan
lahat ng bagay na iyong gagawin ay
nakasalalay sa oras. Sa katulad natin na
estudyante ay mahalaga ang oras dahil
bawat pag-ikot ng orasan ay nakasalalay sa
73
atin ang atin kinabukasan, kung tayo ay
walang oras sa ating buhay ay wala tayo ni-
isang gawain na matatapos ganon ka-
importante ang oras sa bawat isa sa’tin. Ang
oras ay hindi tayo aantayin na matapos ang
atin gawain, tayo bilang tao ang dapat
gumawa ng paraan upang hindi natin
masayang ang bawat segundo nito, dahil
kung magsasayang ka ng oras para sa mga
bagay na hindi mo naman dapat na
ginagawa ay hindi mo na mababalikan ang
mga oras na nasayang mo. Kung ngayon
palang ay nagsasayang kana ng oras ay
maraming bagay ang hindi mo magagawa at
maari mo itong pagsisihan, kaya ang aking
payo ay dapat mong gamitin ang iyong oras
nang epektibo hangga't maaari. Kung hindi
ngayon kailan?

74
KABANATA VI

“Ano nga ba
ang gusto
ko?”
Interest
Isinulat ni: Shi, Amei Rose Y.

Sa pag-aaral, ang interes ay isa rin sa mga


salik na mahalaga. Upang maiwasang
75
makaramdam ng pagod, katamaran, at
kawalan ng sigla, ang pagkakaroon ng
interes sa isang bagay ay mahalaga. Sa
palagay mo ba kung araw-araw kang
pumapasok sa isang klase na hindi mo
gusto, magsisikap ka pa ba para matapos
ito? Kung araw-araw kang gagawan ng
isang bagay na wala kang interes, hindi ka
ba magsasawa at mapapagod? Lalo na kung
mahirap at wala kang pasensya dahil hindi
ka naman talaga interesado. Pero kung
interesado ka rito kahit gaano man kahirap
at nakaka pagod hindi mo ito susukuan
dahil ito ang gusto mo.

“Nichi, sa tingin mo anong mas bagay


sakin? Mag doctor o mag
photographer?”

Simula noong ako’y bata pa, naka


depende na sa aking mga magulang ang
desisyon ko sa aking buhay. Hindi ko alam
kung ano nga ba talaga ang gusto ko at
nahihirapan akong mag desisyon sa sarili
ko. Noong tumungtong ako ng elementarya
at nagka ideya sa mga pangmalakasang
trabaho, bumungad agad ang mga tanong sa
aking isipan kung ano ba ang gusto kong
marating pagdating ng panahon. At dahil
inspirasyon ko ang aking lola na
nagtatrabaho sa gobyerno bilang commerce,
napalapit ang aking puso sa matematika.
76
Ngunit nung ako ay gramaduate ng
elementarya, doon ko naman natuklasan na
nais ng aking mga pamilya na ako ay
maging isang flight attendant. Nais naman
ng aking mga kaibigan na ako ay mag
doktor. At dahil sa mga opinyon ng aking
mga mahal sa buhay hindi ko mawari kung
ano nga ba talaga ang gusto ko para sa
aking sarili.

Isang araw, ako ay natapos na sa


apat na taon sa junior high school. Dito na
nasubukan ang aking sarili na mag-isip para
sa kukunin ko na istrand sa senior high
school. Ngunit hindi ko parin nahahanap
kung saan nga ba talaga ako interesado.
Hindi pa ako sigurado kung ABM ba o
STEM strand ang kukunin ko. At dahil sa
hirap kong mag desisyon, nagtanong ako sa
aking mga kakilala kung saan ba ako
nababagay at kung saan ba ako mapapabuti.
At ngayon ako ay kasalukuyang nag aaral
bilang STEM student.

Noong unang araw, sobra ang saya


at tuwa ko sapagkat sa aking palagay, hindi
ako nagkamali na sundin ang desisyon ng
nakararami. Ako ay nakakakuha ng mga
pasadong grado, at nararamdaman ko din na
ako ay masaya sa pinili ko. Patuloy ang
pagsisikap at paghihirap ko para sa aking
pag-aaral. Tinitiyak kong ipakita sa mundo
na tama at kaya kong panindigan ang pinili
77
ko. Ngunit may isang bagay pa rin na hindi
ko naisip bago pumasok sa senior high
school… ito ay ang nais kong kunin para sa
kolehiyo. Sa kadahilanang dinepende ko
ang aking mga desisyon sa mga taong nasa
paligid ko, nahihirapan akong kilatisin kung
ano nga ba talaga ang gusto ko. Isa-isa ko
nang nalalaman ang mga potensyal at mga
gusto ko. Dito ko na tinanong ang sarili ko
kung ano nga ba talaga ang gusto ko.

Simula noong bata ako, mahilig na ako


maglaro at mag disenyo ng mga larawan
gamit ang aking selpon. Hilig ko din
kumuha ng mga litrato ng mga ganap sa
aking buhay bilang memorya. Isang
halimbawa sa mga nais kong kunan ng
litrato ay ang kagandahan ng langit. Ako rin
ay isa sa mga mahilig kumuha ng litrato ng
mga kaganapan sa aking pamilya.
Nagkaroon kami ng family gathering noon
at doon ko na ipinakita ang aking potensyal
sa pagkuha ng litrato. Tuwang tuwa ang
aking puso habang nakikita ang aking mga
pamilya na natutuwa sa mga kuha kong
litrato. Simula noon, ako na ang naging
isang photographer ng aming pamilya.

Ninais ko rin na mag ipon upang


makapag-pundar ng camera upang mas
mabigyan ko ng hustisya ang bawat
memorya ng aking pamilya. Maliban sa
kahiligan ko sa pagkuha ng litrato, ako rin
78
ay mahilig sa pagdidisenyo at paglalaro ng
mga online games. Madalas kong inaaya
ang aking mga pinsan upang maglaro. At
hanggang ngayon, tumatayo naman ako
bilang isang editor ng bawat proyekto sa
aming paaralan. Nakakatanggap ako ng
mga magaganda at matatamis na puri mula
sa aking mga kaklase. Gaya na lamang ng
“ang ganda naman ng edit mo”, “shala
kakaiba may pa effects”, at marami pang
iba. At dito, muli akong napatanong sa
sarili ko kung “ano nga ba talaga ang
gusto ko?".

Ngayon na nakakatanggap na ako ng


puri mula sa mga bagay na gustong gusto
kong gawin, dito ko na tinanong ang aking
sarili kung

“saan ka nga ba sumasaya at saan ka ba


interesado?”

Isang araw habang nagmumuni-muni sa


aming garahe, isa isa kong inalam at
tinanong ang aking sarili kung ano ba ang
mga bagay na ginagawa ko na nagbibigay
ng kasiyahan sa akin. Ilang minuto lamang,
nasaksihan ko muli sa aming garahe ang
paglubog ng araw. Bigla na lamang akong
napatayo at dali daling tumakbo upang
kunin ang aking camera upang kunan ng
litrato ang kagandahan ng langit. Kayang
kaya ko tumayo at maghanap ng maayos na
79
lugar para lamang makakuha ng maganda at
maayos na litrato sa nakita ko. Makalipas
ang tatlumpung minuto, bumalik ako sa
aming garahe habang tinitignan ang aking
mga kuhang litrato. Nagulat ako nang may
tumapik sa aking balikat at sinabing…

“napakaganda naman ng kuha mo apo”.

“Aba! Ikaw pala ayan lola, halika’t umupo


ka po muna at magkwentuhan tayo” ani ko
sa aking lola.

Alam niyang ako ay nahihirapan pumili


at hanapin kung ano nga ba ang interest ko.

“Ilang buwan lamang apo at ika’y


magsisimula nang mag apply sa mga
kolehiyong nais mong pasukan, ikaw ba’y
nakapag desisyon na?” tanong ng aking
lola.

Habang pinapakita ko sa kanya ang


aking mga kuhang litrato, ikwinento ko na
rin kung gaano ako napapasaya ng bawat
magagandang litrato na kinuha ko.

“Lola, sa aking palagay nahanap ko na


ang aking interest!” nakangiti kong sinabi
sa aking lola.

“Mukha ngang nakikita ko na rin ang


potensyal mo apo, nakikita ko kung gaano
80
ka kasaya habang kumukuha ng litrato”
sabi ng lola ko habang ako ay tinatapik sa
aking balikat.

Sunod namang pinaliwanag sa akin ng


aking lola na habang tayo ay nakakapag
desisyon pa, alamin na natin kung ano ang
gusto ng puso at isip natin. Kilatisin na
natin kung ano ba ang mga kaya nating
gawin sapagkat isa sa regalong binigay sa
atin ng diyos ay ang sarili nating mga
talento. Talento na kung saan dapat ay
ipinamamalas at ipinapakita natin sa buong
mundo. Dagdag niya pa dito na nararapat na
mulatin natin ang ating sarili sa ating mga
interest sa buhay, sapagkat ito ang magiging
gabay sa ating mga tatahakin na desisyon.

“Kaya apo, sa aking palagay hindi pa huli


ang lahat para ika’y makapag desisyon sa
nais mong kunin sa kolehiyo. Nakikita ko
na napakahilig mo sa pagkalikot ng mga
laptop at pagkuha ng litrato.” masayang
sinabi sa akin ni lola habang ako ay
inakbayan sa balikat.

Sa napakaraming tao na tinanong ko


at mga podcast na pinapakinggan ko para
malaman kung ano nga ba talaga ang gusto
ko, ngayon ko lang nalaman na sarili ko din
ang nakakaalam kung ano nga ba talaga ang
gusto ko. Na hindi ko kailangan dumepende

81
sa ibang tao para malaman kung ano ba ang
gusto nila para sa akin.

Nahirapan akong hanapin ang aking


mga interest. Sapagkat, pinangunahan ako
ng kaba at takot na baka hindi ko ito kayang
gawin. Nangangamba ako na baka hindi ito
para sa akin.

Kaya tinahak ko muna ang unang


hakbang… At ito ay ang “kilalanin ang
sariling interest”.

Maliban sa aking interest ng pagkuha


ng litrato, mahilig din akong makinig sa
mga musika at kumanta. Mahilig din akong
manood ng mga palabas at film na kung
saan ito ang nagiging inspirasyon ko upang
ipamalas ko ang aking galing sa pag eedit
ng mga video. Madalas din akong
naghahanap ng mga magagandang likha ng
mga magagaling na editor sa iba’t ibang
social media gaya na lamang ng pinterest.
Nakasanayan ko na din na gumamit ng iba’t
ibang apps upang mas mapaganda ang
kalidad ng aking pag eedit.

Habang ako ay nakatingin sa aming


kisame at iniisa-isa ang aking mga interest,
naramdaman ko kung gaano ako kasaya
habang iniisip ko ang aking mga kadalasang
ginagawa upang palipasin ang aking oras.
Dito ko napansin kung gaano kalayo ang
82
aking interest sa aking napiling istrand. At
agad akong nag hanap ng maari kong kunin
na konektado parin sa aking mga interest.

“Sa aking palagay hindi para sa akin ang


medisina. Nais ko na lamang maging isang
photographer o graphic designer” bulong
ng aking isipan habang naghahanap ng
kurso para sa kolehiyo.

Ngunit sa kadahilanan na ako ay


hindi pa rin sigurado, muli kong tinanong
ang aking lola kung…

“Paano po kung bigla nalang ako mawalan


ng interest sa gusto ko? At piliin ko nalang
po maging praktikal? Na kung ano ang sa
tingin nila na mas gusto nilang makita para
sakin?”

“Ikalma mo apo, magpahinga. Maaaring


itanong mo din yan kapag pumasok ka na
talaga sa kursong pipiliin mo. Maaaring
gustong gusto mo sha ngayon pero balang
araw mapapagod ka din sapagkat nag iiba
ang interest mo. Pero ito ang lagi mong
tatandaan apo… Isipin mo kung ano ang
sinimulan mo, kung bakit ka nandiyan, at
kung bakit ito ang pinili mo. Lagi mong
uunahin ang iyong nararamdaman, kung
ito ba ay nakakatulong pa sayo at kung
napapasaya ka pa ba ng ginagawa mo.
Sapagkat dito mo malalaman kung para
83
sayo ba talaga ang kurso at trabaho na
pipiliin mo. Kaya sinabihan na kita ng
maaga, piliin mo yung nakakapagpasaya
sayo. Mahirap maging kampante sapagkat
binase mo ang gusto mo mula sa gusto ng
ibang tao para sayo. Dahil ikaw.. Ikaw
mismo ang nakakaalam kung ano nga ba
ang gusto ng puso mo.” malalim na sinabi
sa akin ni lola habang ako ay napapaluha na
sa kanyang mga sinabi.

“Lola, marahil ako’y kinakabahan ngayon,


agad akong nagpapasalamat sapagkat
nandiyan ka ngayon upang gabayan ako sa
lahat ng bagay. Kung hindi po dahil sayo
baka hindi ko tunay na nakilala ang sarili
ko. Sobrang laking pasasalamat ko po at
pinaparamdam ninyo sa akin na may
patutunguhan ang mga bagay na kadalasan
kong ginagawa na nagbibigay kasiyahan sa
akin.” kaagad ko namang sinabi sa aking
lola at agad siyang niyakap.

Simula noon, mas itinatak ko na sa


aking puso na ipagmalaki ang aking talento
at ipakita sa nakararami na ako ay
interesado sa mga bagay na
nakapagpapasaya sa akin. At makalipas ang
ilang araw, nakilala ako sa aming klase
bilang isang taga edit ng mga group
performance at pagkuha ng litrato ng aming
mga aktibidad.

84
Isang araw, lumapit sa akin ang isa sa
mga opisyal ng aming istrand.

“Amei, nabalitaan ko na mahilig ka daw sa


pag eedit ng mga litrato. Kami ngayon ay
naghahanap ng representatibo upang
tumakbo sa opisyal ng STEM para sa
susunod na taon. Nakita namin ang iyong
potensyal sa pag eedit. Interesado ka ba na
sumali kung sakali?” nakangiting tanong ng
tatakbong presidente ng STEM para sa
susunod na taon.

Nagsisimula palang akong ipakita


ang aking potensyal, nakikita ko na agad
kung gaano ako ka interesado dito. Ni
minsan hindi tumatak sa aking isipan na
umiling sa kanilang alok sa akin.
Naramdaman ko ang saya at tuwa ng aking
puso ng malaman ko na nais nila akong
kunin bilang isang editor.

“Gosh, grabehang oportunidad to.


Makakaayaw pa ba ako kung sobrang
interesado ako sa gawaing to?” agad
namang sinisigaw ng aking isipan sa aking
sarili.
Agad ko namang tinanggap ang
kanilang alok sapagkat sa aking palagay, isa
na ito sa mga hakbang na aking lalakbayin
upang mas makilala ko kung ito na ba
talaga ang para sa akin. Kung noon, hindi
ko alam ang tama at nararapat sa akin.
85
Ngayon alam ko nang meron na akong nais
na marating. Lagi ko nang ininasaalang-
alang ang aking mga interest bago mag
desisyon.

Hindi pa ako nabibigyan ng gawain


ngunit napapaisip na ako ng mga posibleng
konsepto na magagamit ko bilang
inspirasyon sa pag eedit. Nararamdaman ko
kung gaano ako na eenganyo na tanggapin
ang responsibilidad na ito.
Ngunit sa likod ng aking pagka gilas sa
oportunidad na ito, napapatanong pa rin ako
kung worth it ba ito.

“Worth it ba na ilaan ang aking oras para


sa gawaing ito?”

“Worth it ba na magbigay ako ng effort


para sa gawain na ito?”

“Worth it ba ito para sa akin?”

“Worth it ba na piliin ko ang kursong mas


makapagpapasaya sa akin”

Posibleng maitanong natin ito sa ating sarili


kapag tayo ay napapagod na. Ngunit muli
mong alamin at tanungin ang sarili mo kung
ikaw ba ay masaya pa sa kurso at trabaho na
pinili mo. Nararapat lamang na alamin natin
ang nararamdaman ng ating sarili bago
sumuko. At lagi mong tatandaan kung ang
86
pinipili mo ba sa iyong buhay ay konektado
paren sa iyong mga interest.

Gawin mong gabay ang iyong mga interest


sa lahat ng bagay. Mahalaga na makilala
mo ang iyong sarili nang sa ganun alam mo
kung ano ang nararapat at bagay para sa
iyo. Dahil kapag hindi mo pinili ang iyong
sariling kagustuhan at dumepende sa
opinyon ng ibang tao, maaaring pagsisihan
mo ito sa dulo. Kaya isa parin sa
napakaimportateng bagay na unahin ang
sariling interest at alamin kung ikaw ba ay
masaya sa iyong ginagawa. Kilalanin,
tanungin, alamin mo ang nararapat sayo at
para sa kaligayahan mo.

KABANATA VII

87
“Grabe ang
galing ni ate
sana ako rin” Inspirasyon

Isinulat ni: Tumbagahon, Zvashsean S.

Dito ay tatalakayin ang mga aspeto na


nakakaapekto sa isang mag-aaral kung bakit
nga ba sila nagpapatuloy sa kanilang pag-
aaral. Karamihan sa mga estudyante ang
nawawalan ng gana upang ipagpatuloy ang
kanilang mga pangarap. Ngunit isa sa mga
bagay na nagpapatuloy sa kanila ay ang
kanilang mga inspirasyon. Na kung minsan
ito ay nakukuha sa taong nais nilang
tularan. Napakalaking tulong ang
magkaroon ng inspirasyon, sapagkat may
88
mga pagkakataon na tayo ay nadadapa
sating paglalakbay patungo sa nais nating
marating, ngunit ang pagkakaroon ng
motibasyon ay nagiging susi upang patuloy
nating ituloy ang ating nasimulan para sa
matagumpay na kinabukasan.

Ano nga ba ang insipirasyon?


Ang inspirasyon ay nangangahulugang
isang pakiramdam ng kasiglahan o
positibong pananaw na nagpapakilos sa
isang tao upang magawa o makagawa ng
isang bagay. Sa konteksto ng pag-aaral, ang
inspirasyon ay maaaring maging isang
kagamitan sa pagpapabuti ng produktibidad
at pagpapalakas ng karanasan sa pag-aaral.

Mga benepisyo ng pag-aaral na may


inspirasyon:
1. Mas mataas na motivasyon
Ang inspirasyon ay lumilikha ng positibong
pananaw na nagsisilbing pagpapalakas ng
motibasyon at pagnanais na maabot ang
mga akademikong layunin.

2. Pagkamalikhain

89
Ang inspirasyon ay nagpapakilos ng
kreatibo at nagbubunga ng mga
imbensiyong solusyon sa mga akademikong
suliranin.

3. Mas maalalahanin na pag-aaral


Ang inspirasyon ay tumutulong sa mga
mag-aaral na magpakatotoo sa kanilang
pag-aaral at mas maiwasan ang pagkalimot
ng mga kinakailangang impormasyon.

4. Mas kaunting stress


Sa pagkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral
ay maaaring maibsan ang pagkapagod at
pagbabawas ng stress sa kaisipan, na
humahantong sa mas positibong pananaw at
mas maginhawang paraan sa pag-aaral.

Mga hindi mabuting epekto ng pag-aaral


na may inspirasyon:
1. Pagkakulang sa konsistensiya
Hindi palaging umiiral ang inspirasyon, na
maaaring humantong sa hindi magkatulad
na mga kabuuang gawi sa pag-aaral.

90
2. Pagkadistract
Kahit na nakakatulong ang inspirasyon,
maaring ito rin ang humantong sa
pagkakadistract sa kritikal na mga elemento
ng pag-aaral tulad ng pagbabalanse ng oras
at disiplina sa oras ng pag-aaral.

Sa pangkalahatan, ang inspirasyon ay


maaaring maging isang makapangyarihang
motibasyon pagdating sa pag-aaral, ngunit
ito ay dapat magkasabay kasama ng
sinadyang pag-eeksperyensa, disiplina at
ang malakas na kasanayan sa paggawa-
kahulugan ng mabuti sa tagumpay ng mga
mag-aaral sa kanilang akademikong
tunguhin.

"Grabe ang galing ni ate sana ganyan


ako paglaki "
Kahanga-hanga talaga ang kapatid ko.
Bilang isang doktor, napakarami na niyang
nagawa at hangad kong sundan ang
kanyang mga yapak. Ang pagsaksi sa
kanyang pagpupursige sa panahon ng
medikal na paaralan at paninirahan ay tunay
na nagbibigay inspirasyon, at naniniwala
ako na ang kanyang dedikasyon ay

91
maaaring magsilbing isang mahalagang aral
para sa sinumang nagsusumikap para sa
tagumpay sa kanilang napiling propesyon.
Mayroon positibong aspeto na dapat
isaalang-alang. Salamat sa aking kapatid na
isang doktor, mayroon akong isang
maaasahang tagapagturo na maaaring
magbigay sa akin ng gabay tungkol sa aking
mga pagpipilian sa karera. Sa tuwing
kailangan ko ng tulong sa paghahanda para
sa medikal na paaralan o pag-unawa sa
programa ng paninirahan, palagi siyang
handang mag-alok ng kanyang payo at
paghihikayat. Sa katagalan, ang katanyagan
ng aking kapatid sa kanyang larangan ng
kadalubhasaan ay maaaring lumikha ng
mga paraan sa akin.
Gayunpaman, ang pagkakaroon ng isang
matagumpay na kapatid ay maaari ring
magdulot ng ilang mga kahinaan. Para sa
una, maaaring nakakatakot na di matupad
ang mga inaasahan nila saakin. Madalas
kong nararamdaman ang pressure na
tumugma sa kanilang antas ng dedikasyon
at tagumpay, na maaaring napakalaki.
Bukod pa rito, maaaring nakakalito ang
pagkilala sa sarili kong mga hilig kapag
patuloy na ikinukumpara ang aking sarili sa
kanila.
Sa kabuuan, lubos akong nagpapasalamat
na mayroon akong ganitong kamangha-
92
manghang nakatatanda at nakakainspire na
kapatid sa aking buhay. Bagamat may mga
hamon sa kanyang tagumpay, nais kong
matuto mula sa kanya at gamitin ang
kanyang mga tagumpay bilang inspirasyon
upang maabot ko rin ang aking mga
pangarap. Sino ba ang nakakaalam? Baka
balang araw, ako ang magtutulak sa iba na
sumunod sa aking mga yapak.

"The expert in anything was once a


beginner "
- Helen Hayes
"Don't let what you cannot do interfere with
what you can do."
- John Wooden

" Oy par si ano oh? grabe ang ganda nya


noh? "
Isa sa mga Inspirasyon naten sa
pagaaral syempre ay ating mga crush o
iniibig, "grabe parang ako na ang
magiging pinakamasaya kung magiging
kami, siya ang rason kung bakit ko
gagalingan ang pag-aaral ko, dapat
galingan ko sa school para mapansin nya
93
ko " sino pa nga ba ang magiging
insipirasyon naten kung di ang ating
hinahangaang tao, lahat gagawin naten para
lang mapansin. Pero bakit tila minsan
nakakalimutan na natin ang ibang bagay.
Ang atensyon naten sakanya na lamang
nakafocus, napapabayaan na natin minsan
ang sarili lalo ang pag-aaral. Ang
pagkakaroon ng crush ay isa sa nagiging
malaking tulong o inspirayon natin sa
pagaaral, ngunit dapat hindi natin ito
hahayaang sirain o maapektuhan ang ating
buhay, gawing balanse ang ating
pamumuhay

" Para sa inyo 'to Ma, Pa !! "


Ito po ay para sa inyo, Mama at Papa.
Sa aking paglalakbay sa aking pag-aaral,
hindi ako makapagsawang magpasalamat sa
inspirasyon at motibasyong binibigay ninyo
sa akin. Kayo ay aking matatag na suporta,
nagpapaalala sa akin na abutin ang mga
bituin at hindi sumuko sa aking mga
pangarap. Ngunit, bukod sa mga benepisyo
na dulot ng pagkakaroon ninyo bilang aking
inspirasyon, may ilang hamon rin na
dumadating.
Sa magandang panig naman, ang
pagiging haligi ninyo sa aking buhay ay
nagbigay sa akin ng matibay na pundasyon
94
at pag-asa sa aking kinabukasan. Ipinunla
ninyo sa akin ang mga halaga ng sipag,
tiyaga, at disiplina. Kaya naman, kapag
nahaharap ako sa mga hamon ng aking mga
klase, mas naging handa ako dahil sa mga
kasanayan at pagpapakadalubhasa na
pinagtuturo ninyo sa akin. Pinukaw din
ninyo ang aking mga pangarap at layunin,
at dahil dito ako ay lubos na
nagpapasalamat.
Ngunit, sa pagiging inspirasyon kayo ay
may kaakibat na hamon. Isa na rito ang
pagpapakaramdam ng matinding pressure
na kailangan ko magpakatino at hindi
magkulang sa aking mga gawain. Kahit na
ito ay nagsisilbing inspirasyon sa akin noon,
ngayon ay maaaring maging hadlang sa
aking kakayahang sumubok sa mga bagong
bagay. Pangalawa ay ang takot na ma-
disappoint kayo, lalo na kapag hindi ako
nakapagpakita ng mataas na antas ng
pagpapakadalubhasa. Ang takot na ito ay
maaaring maging hadlang at sumira sa
aking paniniwala sa sarili.
Sa kabuuan, lubos akong nagpapasalamat
sa gabay at suportang ibinigay ninyo sa akin
sa lahat ng aking mga taon sa pag-aaral.
Kayo ang aking inspirasyon upang maging
pinakamahusay na bersyon ng aking sarili,
at umaasa ako na ako ay magiging magiting
para sa inyo.

95
" The best way to predict the future is to
create it "
- Abraham Lincoln

"Magandang Kinabukasan"
Ang pagkakaroon ng magandang
kinabukasan bilangn iyong inspirasyon sa
paaralan ay maaaring magdala ng mga
kaginhawahan at kahirapan sa iyo.
Ang malinaw na pangarap para sa iyong
kinabukasan ay maaaring magbigay sa iyo
ng inspirasyon upang mas pag-ukulan ng
pansin ang iyong pag-aaral, mga layunin, at
magbigay ng katuturan sa bawat hakbang
na gagawin. Magiging mas tutok at
disiplinado ka sa iyong pag-aaral dahil alam
mong ang lahat ng ginagawa mo ngayon ay
magagamit mo para sa iyong kinabukasang
tagumpay.
Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng
sobrang pagtuon sa iyong kinabukasan ay
maaaring magdulot ng sobrang pressure,
stress, at pag-aalala. Pwedeng pag masyado
kang nakatutok sa pagkamit ng iyong mga
pangarap ay nakakalimutan mong mag-
enjoy sa kasalukuyan. Pwede ring hindi ka
maging kontento at ma-frustrate kapag

96
dumating ang mga pagsubok sa iyong
buhay. Kung minsan, nawawala ang mas
malawak na larawan at nasosobrahan sa
pagtuon sa iyong mga layunin.
Dapat ay magkaroon ng balanse sa
pagitan ng iyong kasalukuyan at
kinabukasan. Mahalaga na magtayo ka ng
mga layunin para sa iyong kinabukasan at
magtrabaho ka para sa mga ito. Ngunit,
kailangan din na kasangkapan ang
pagtitiwala sa sarili upang ma-enjoy ang
mga karanasan, matuto o maging matapat sa
mga pagkakamali. Ang pagiging
mapaghimay o nagbabago ng isip ay isa rin
sa maaring maging factor na magagamit ng
tao para sa kanyang kinabukasan. Tandaan
mo, hindi palaging matuwid o katulad ng
isang linya ang landas tungo sa tagumpay.
Pwedeng magkaroon ng mga baluktot at
biglaang pagkakataon na dumating. Ang
mahalaga ay magpatuloy na maghangad at
hindi sumuko sa iyong mga pangarap, kahit
gaano man kahirap at hindi tiyak ang
kanilang tagumpay. Sa huli, kung mas
tututukan mo ang proseso hindi lamang ang
layunin, maaari kang magtagumpay sa
kasalukuyan at sa kinabukasan.

"Ang pag-abot sa iyong mga pangarap ang


pinakamalaking abentura ng buhay."

97
- Oprah Winfrey

Bakit nga ba mahalaga ang Insipirasyon?


Malamang na nakilala mo ang
kahalagahan ng inspirasyon sa proseso ng
pag-aaral. Hindi maitatanggi na ang pag-
aaral ay maaaring hindi kawili-wili at
lubhang mahirap, lalo na kung wala kang
interes sa paksa. Ang inspirasyon ay
gumaganap bilng isang mahalagang papel
sa pamamagitan ng pagpapagana sa iyo na
harapin ang mga hadlang sa pag-aaral at
makamit ang tagumpay sa akademiko.
Kapag nakaramdam ka ng motibasyon,
lumalapit ka sa iyong pag-aaral nang may
sigasig at pagnanais na tuklasin ang mga
bagong ideya. Nagiging kasiya-siya ang
pag-aaral at hindi parang isang gawaing-
bahay. Ito ay hindi lamang nagpapahusay sa
iyong pagkamalikhain, ngunit nagbibigay
din sa iyo ng kumpiyansa na harapin ang
iyong pag-aaral at palawakin ang iyong
kaalaman.
Kung minsan, ang pag-aaral ay maaaring
nakalilito at maaaring humantong sa iyong
ikauunlad. Gayunpaman, ang inspirasyon
ay maaaring magbigay ng isang sariwang

98
pananaw, na nagbibigay-daan sa iyo na
magtiyaga sa mga paghihirap.
Sa kasamaang palad, ang inspirasyon ay
hindi palaging kasama pero kailangan sa
pagtatagumpay sa akademika. Ito ang
nagbibigay sa iyo ng momentum, at
pagsisikap upang magtagumpay sa iyong
pag-aaral, kaya nababago nito ang iyong
paraan ng pagtugon sa mga bagay na dapat
mong matutunan. Kaya't kapag sa tingin mo
ay hindi mo na kaya ang pag-aaral, balikan
mo ang inspirasyon at hayaan mong ito ang
magturo sa iyo patungo sa akademikong
tagumpay.

KABANATA VIII
99
“Para saan ka
bumabangon?”
Pamilya

Isinulat nina: Soriano, Marian D.


at Tolentino, Jaynie B.

Bilang isang estudyante tungkulin na nating


mag-aral para sa kinabukasan natin higit sa
lahat para masuklian ang pamilya nating
nagtataguyod ng ating pag-aaral.

Sa buhay natin ang ating pamilya na


ang katulong natin simula bata palang
hanggang sa tayo ay lumaki na kung saan
kaya na nating mag desisyon para sa ating
100
sarili. Ang pamilya ay ang nagbibigay
buhay sa bawat tao dahil sila ang nagiging
tanging dahilan kung bakit tayo
nagsusumikap mag-aral. Sila ang
nagsisilbing patnubay at gabay natin sa
bawat landas na tinatahak natin. Sila ang
tao sa buhay natin na alam nating hindi
mawawala sa ating tabi. Dahil tulad nga ng
isang sabi ang pamilya ang taong alam
nating hindi tayo iiwan at siyang mananatili
lamang sa ating tabi. Sapagkat pamilya
natin ang magsisilbi nating takbuhan sa
lahat ng mga bagay.
Ngunit, paano kung ang pamilya ang
siyang maging dahilan sa pag karanas
natin ng problema sa ating pamilya?

Hindi ba't ito ay maaaring


makaapekto sa kabuoang performance ng
isang tao. Ayon kay Brian et al. (2019)
Ang relasyon ng estudyante sa kanyang
pamilya na may problema, ay nakakaapekto
sa emosyonal na antas ng estudyante.
Nakakaapekto ito sa kanilang focus sa
klase. Ang maling kultura ng pamilya ay
nagdudulot ng masamang ugali sa mga
mag-aaral.
Ang mga problema sa pamilya ay hindi
maiiwasan at nagdudulot ng malaking
epekto sa akademikong pagganap ng mga
101
mag-aaral. Sinasabi dito na kahit ang maliit
na hindi pagkakaintindihan sa pamilya ay
maaaring makaapekto sa kabuoang focus ng
isang estudyante. Bilang indibidwal
kailangan natin maunawaan na lahat ng
ating kilos ay may kaakibat na kahihinatnan
na maaaring makaapekto ng iba. Hindi natin
maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa
ating buhay kaya bilang tao dapat ay meron
tayong bukas na isip at dapat ay nakikipag
komunikasyon tayo sa ating pamilya upang
maresolba ang mga bagay na ito, ang
pakikipagkomunikasyon sa tuwing tayo ay
humaharap sa problema ay mahalaga dahil
sa paraang ito ay malilinaw at mapag
uusapan ang mga bagay na bumabagabag sa
atin.
Kaya naman sa bawat problema na
dinaranas natin sa loob ng ating bahay hindi
maiiwasan na sa ating pag-aaral ay
nawawalan na tayo ng focus. Nararapat
lamang na tandaan natin na ang mga
pangyayari sa bahay ay hindi dapat
inilalabas at dinadala sa paaralan. Kundi
panatilihin lamang ito sa bahay at huwag
mong hayaang maapektuhan ka nito.

Ang pagkakaroon ng bonding sa


pamilya ay isa sa aspeto upang maging mas
matibay ang samahan ng isang pamilya.
Kapag ang pamilya ay nagkakaroon ng
102
minsahang pagsasama maaring dito ay
nagkakaroon ng mas malalimang intindihin
sa nararamdaman, pag-iisip, at problema ng
bawat isa. Tayo ay nakakapag pahayag ng
ating damdamin at saloobin kung saan ay
magkaka ideya ang miyembro ng bawat
pamilya kung ano ang iyong
nararamdaman. Mas nagiging magaan ang
ating loob kapag sinasabi natin ang mga
bagay na sa tingin natin ay nakakaapekto
sa'tin kaysa kung ito ay isasarili lamang.
Kaya naman kapag may bonding na
nagaganap sa isang pamilya ay mas
nagkakaroon ng maayos na komunikasyon
ang bawat isa. Maiiwasan dito ang mga di-
pagkakaunawaan sa pagitan ng pamilya.
Kung magkakaroon man ay madali na
lamang ito na mareresolba.

"Pagbutihin mo ang pag-aaral mo at


iyan na lamang ang tanging
maipapamana ko sayo"
Hindi ba't ito ang mga salitang palagi
nating naririnig sa ating mga magulang?
Ngunit tama naman sila dahil sa hirap ng
buhay, minsan ang pag-aaral ng mabuti at
ang pagtatapos na lamang ang naiisip nating
chance upang maitaguyod natin ng maayos
ang pamilya natin. Minsan naiisip natin ang
hirap, nakakapagod, at nakakainip. Pero
103
hindi ba't kaya nga nandyan ang pamilya
natin ay upang gabayan at tulungan tayo sa
landas natin. Kaya naman kapag ikaw ay
nagkaroon ng problema sa iyong pamilya
ang nararapat lamang na gawin mo ay
magkaroon ng maayos na komunikasyon sa
kanila. Sapagkat ang pamilya natin ang
siyang may alam kung paano nga ba natin
ito malalagpasan o sila ang tutulong at
gagabay sa atin upang hindi tayo maligaw.
Mahalaga ang papel ng pamilya sa buhay
ng estudyante, sila ang nagiging sandigan at
kaagapay natin kapag tayo ay humaharap sa
bawat yugto ng ating buhay. Sila ang
nagsilbing inspirasyon natin sa ating pag-
aaral kung kaya't napaka importante na tayo
ay may mabuting samahan sa bawat
miyembro ng ating pamilya dahil
napakalaki at napakahalaga ng gampanin ng
pamilya sa atin hindi lang sila ang magiging
kadamay natin sa mga problema, sila rin
ang naghuhubog ng ating pagkatao at sila
rin ang naging una nating guro. Na siyang
unang nagturo sa atin ng lahat ng ating
matututunan. Unang naging mapagpasensya
at maunawain sa atin.
Kaya naman hindi ba't upang matugunan
ang lahat ng paghihirap na dinanas at
isinakripisyo nila tayo ay nag-aaral ng
mabuti at ginagawa ang lahat ng makakaya
upang makakuha ng matataas na grado.

104
KABANATA IX

“Nak, proud
ako sa’yo”
105
Parent’s Support

Isinulat ni: Talinio, Mary Alexandra T.

Ang suportang natatanggap natin sa ating


magulang ay isa sa pangunahing dahilan
kung bakit nga ba tayo nag aaral. Sapagkat
para sa kanila tayo ay nagsisikap upang
gumanda ang buhay at para mabayaran ang
kanilang paghihirap. Kadalasan sila ang
nagbibigay ng suporta sa atin, pero bakit
sila rin ang dahilan kung bakit tayo
napapagod at nawawalan ng gana sa pag-
aaral?

Ang pagsuporta ng ating mga


magulang na si nanay at tatay, tagos nga sa
puso’t damdamin pagnaranasan ang
kanilang pagmamahal sa ating mga anak.
Ang buhay natin ay nagmula sa ating mga
magulang, marami silang sakripisyong
ginawa para lamang mapalaki tayo ng
maayos, ang pagmamahal ng ating mga
magulang ay isa sa silbing lakas natin. Sila
ang nagturo ng magdasal tayo habang nag-

106
aaral upang hindi mapariwara sa ating mga
buhay.

Ang ating mga magulang ay ating


minamahal sa buhay, pinalaki nila tayong
may mabuting asal, lahat ng ginawa ng
ating mga magulang ay para tayo’y sumaya
at mabuhay ng mapayapa. Sa mga
sakripisyong pagtrabaho at pagkayod nila
para lamang ang buhay natin ay
guminhawa. Sa mga araw ng pagsuway,
pagbibigay ng sakit ng ulo at may panahon
pagsuwail namin, kayo’y nagalit ngunit
hindi niyo kami iniwan, andyaan pa din
kayo, binigyan niyo pa din kami ng
supporta kahit na may ganitong pagugali
kami sainyo. Ang pag galit niyo samin ay
pinapalaki niyo lamang kami ng tuwid at
hindi kami hinahayaang maligaw sa tamang
landas.
Andyan ang ating mga magulang
isa sa inspirasyon natin upang
makapagtapos ng pag-aaral, nariyan sila
upang makatulong sila sa atin ang
matugunan ang ating pag-aaral, ang mga
gusto nila ay para rin sa ikakabuti ng ating
buhay bilang anak, kaya maganda kung
pagbubutihin natin ang ating pag-aaral kung
kaya’t balang araw tayo naman ang
tutulong sa ating minamahal na magulang.

107
“Nak’ proud na proud ako sayo sa
paggawa ng makakaya mo”
Isa sa linya ng ating mga magulang,
sa kahit na’y hindi ganoon kagaling ang
ating nagawa, nagawa pa rin nilang mapuri
at maipagmalaki ang ating kinaya.
Ang pagsagawa ng makakaya mo
sa iyong eskwelahan ngunit hindi umabot sa
mataas na marka ang iyong grado, kaya sa
halip na pag bigo at tinding lungkot ang
ating maramdaman, magaan sa
kadahilanang kanila pagpuri at pagkilala sa
ating nakayanan, pag sikap at hindi
pagsuko. Ang importante ang pagsisikap
natin na matugunan ang pangangailangan
ng Paaralan at kagustuhang makapagtapos,
nang ginagawa ang ating makakaya at
magkaroon na maraming kaalaman.

“Syempre anak kita, kanino mo pa ba


magmamana yan?”
Isa sa nakakatawa na linyahan ng
ating mga magulang kapag nakagawa tayo
ng isang bagay na sobrang ipinagmamalaki
ka nila, hindi ba?
Nakita nilang may potensyal ka sa
sining, na sa sobrang ganda ng iyong

108
ginawa pati ang eskwelahan mo kinilala ang
kakayahan mo sa sining, at inilagay sa
eksibit ng sining sa inyong paaralan.
Malamang ang sasabihin ng ating mga
magulang ay “Nagmana sa'akinyan, kaya
nakuha ang galing ko” Ngunit ang sinasabi
nila ay isa pang pag babahagi ng karangalan
nila sayo.

“Galing galing naman ng anak ko”


Hindi ba’t ang sarap pakinggan ng
ganyang salita na magmula sa magulang mo
pagkatapos mo gawin ang iyong makakaya
sa kahit anong aktibidad na sinalihan o
ginawa mo. Ang ating mga magulang ay isa
sa ating mga rason kung bakit tayo nag-
aaral, dahil syempre gusto rin natin sila
mabigyan ng magandang kinabukasan.
Balang araw, lahat naman tayo ay may
balak maibalik sakanila ang lahat ng
pinagbibigay nila sa atin para maging
masaya tayo at makamit ang pagtatagumpay
natin sa ating mga pangarap upang umunlad
ang ating kinabukasan.

“Okay lang yan ‘nak, ginawa mo naman


makakaya mo”
Salita na nakakawala ng lungkot,
sakit, sama ng loob mo sa sarili. Maaring
109
may ginawa ka na hindi mo maipagmalaki
ang iyong sarili, tulad ng sitwasyon na:
Nakilahok ka sa isang paligsahan
ng inyong lungsod para sa paggawa ng logo
ng isang organisasyon sa inyong barangay
ang mga kritiko ay creativity, innovation, at
paramihang likes na makukuha sa tao sa
komunidad o sa inyong siyudad. Nakalikha
ka na ng iyong gawain, tatlong awtput ang
iyong nalikha at pumili ka na sa tingin mo
ay mas nakakaaya-ayang tignan upang
magugustuhan ng mga tao sa iyong
barangay. Ang pinaka itsura ng iyong napili
ay nakabatay sa Facebook page ng inyong
City Hall at isinumite na sa mga empleyado
ng inyong lungsod upang maipost sa
Facebook ang iyong entry. Makalipas ang
tatlong araw napili nilang makapasok ang
iyong ginawa at maligaya kang pinagmalaki
ang sarili sa iyong pamilya, ngunit noong
mas lumipas pa ng dalawang linggo upang
bigyan oras ang pagtitipon ng likes sa
Facebook page. Nakita mo ang iyong mga
kakumpetensiya ay mas marami at
malalayong likes na natipon sa dalawang
linggong panahon na iyon, ngayon ay
ramdam na ramdam mo ang pagkabigo sa
iyong sarili, lungkot, at sama ng loob sa
sarili. Napansin ito ng iyong magulang
dahil malumbay ka sa inyong tahanan, ang
ginawa nila ay kinausap ka nila at sinabi na
magaling ka pa naman din daw dahil napili
110
ka pa rin na makapasok sa kompetensiyang
ito at nabigyan oportunidad, basta nagawa
mo ang iyong makakaya, kung hindi ka
nanalo kaya't ang ibig sabihin hindi mo pa
oras manalo sa ngayon, ngunit balang araw
mananalo ka rin basta lagi mong tatandaan,
gawin ang iyong makakaya at huwag ibaba
ang sarili pagkatapos matalo ng isang beses.

“Dahil very good ka, may pasalubong


kami anak”
Isa sa linya mula sa mga magulang na
tinatawag natin “music to my ears” na
kinakahulugan ng kaaya-ayang pakinggan
at masayang naririnig. Noong bata tayo isa
sa mga gusto natin naririnig ay Jollibee,
sabi nga ng Jollibee “Langhap-Sarap, Bida
ang sarap” Karamihan naman sa atin ang
paboritong fast food restaurant noon ay
Jollibee, kung kaya’t noon pag sinabi na sa
ating may dala ako jolly chicken at jolly
spaghetti ‘nak, alam kong paborito mo ito,
ay kay sarap tandaan ang mga ganitong
sandali na nagiging magandang alaala
kasama ang Pamilya.
Sa ating mga babae naman ay
noong kabataan panahon natin ang pinaka
gusto nating regalo natatanggap ay Dolls,
Plushies o Playhouse sets at doon
nagiimbento tayo nang mga sitwasyon na
111
nangyayari sa isang tahanan o kaya mga
piksyunal na kwento katulad na lamang sa
may fairytales katulad ng kwento ni
Tinkerbell, naala ko noong maliit pa ako
naniniwala akong may papasok na fairy sa
loob ng playhouse na ginawan ko ng tsaa at
pagkain sa loob upang pumasok sila, o
nakakatawang alaala ‘di ba?
Sa mga kalalakihan naman noong
kabataan mas mahilig silang makatanggap
ng laruang kotse at makipaggandahan ng
kanilang laruan sa ibang pang mga kaibigan
na Lalaki rin. Madalas nag papabilisan ng
laruang kotse ang ginawa nila sa ganitong
regalong natatanggap nila.
Ang laruang pwede naman sa
Lalaki at Babae ay ang Pogs at Jolens, sa
pogs kadalasang regalo ng isang dangkal at
makikipaglaro sa iba upang makipaglaro at
maging mas lago pa ang iyong Pogs. Sa
larong pogs ang mga manlalaro ay ilalagay
ang pogs na nakalikod na nakaisang linya
pataas, ang gagawin ay tatamaan nila itong
ng pogs at kapag ito ang humarap
makakakuha ka ng makakakuha ng bagong
pogs upang maging mas malago ang pogs
mo, matatapos ang larong ito hanggang
wala ng pogs na nakatayo.Ang Jolens
naman ay nakabatay sa larong pinaghalong
billiards at golf ngunit sa patag na lupa o
kalsada nilalaro.

112
“Enjoyin mo lang pag-aaral mo ‘nak,
wag ka masyadong seryoso na naiistress
ka na”
Ito ang linya na pag paalala ng
ating mga magulang natin na huwag natin
masyadong istressin ang sarili natin habang
nag-aaral sa puntos na pagod na pagod ka
na, hindi ka na masyadong nakikipaglahok
sa pamilya. Mabuti naman na ginagawa ang
makakaya sa pag aaral ngunit hindi
masyadong maganda kapag ang sarili mo
masyado mong itinutulak ang sarili mo sa
iyong limitahe. Ang gusto lamang ng ating
mga magulang ay gawin natin ang ating
makakaya at huwag naman sa puntos hindi
ka na natutulog, na nagkakasakit ka na
upang makamit na mataas na iskor. Ang
mahalaga sa ating mga magulang ay matuto
tayo habang may halong pagsaya habang
nagaaral.

“Alam mo ‘nak ang gusto ko para sayo


ay doon ka sa kung saan mo
magugustuhan”
Mga panahong pipili na tayo ng
ating kukunin istrand o kurso sa senior high
o koloheyo, isa pang payo mula sa ating
mga magulang sapagkat sila ay naranasan

113
na kung bakit mahalaga ang pagpili ng ating
magugustuhan. Sinusuportahan nila ang
ating interes para sa ating kukunin kurso,
ang tamang pagpili ay mas matututo tayo sa
field na akademikong pagaaralan natin,
kung saan tayo’y tunay na interesadong
aralin ito. Sabi nga ng ating mga magulang
sundin natin ang napipiling natin kurso,
kung saan may matinding pagnanais at
maliwanag satin na gusto natin at handa
natin itong tuloy-tuloyin para makapagtapos
tayo ng ating pag-aaral.
Ngunit paano kung pakiramdam mo ay
hindi pinapansin ang mga pagsisikap mo o
pinabayaan ka ng mga magulang mo?

Ang paglaki ng isang tao na kulang


sa pagmamahal, aruga, atensyon ay
tinatawag na ‘Emosyonal na
Napapabayaan’ Ito’y maaring makaapekto
sa magiging kabuoang tao mo, sa mga
desisyon mo sa buhay at mga pananaw mo
sa iyong sarili. Ang emosyonal na
napabayaan na naranasan mo noong bata
ka, o sa ngayon maaring makaapekto sayo
sa buong dekada ng iyong buhay, gayun din
kapag bumuo ka ng isang relasyon, maaring
malimitahan ang pagkaroon ng malalim sa
isang relasyon at wala rin katatagan na
dapat ay mayroon ka.

114
Mga Hamon na Maaring Dinadaanan ng
Napabayaan ng Emosyonal nang
Magulang:
1. Sa buong panahon na
nabubuhay ka, nararamdaman mo ay
emotionally napapabayaan ka, maaaring
maapektuhan ang tiwala at pagmamahal mo
sa iba palibhasa ikaw sa sarili mo ay hindi
masyadong nakatanggap ng positibong
suporta at pagmamahal na nanggaling sa
sarili mong magulang.

2. Ang magulang natin ang


naglikha sa mundong ito kung kaya’t dapat
ang mga magulang natin ang nakakaalam
ng mga makakaya natin ngunit kung hindi
nila tayo masyado nabibigyan pansin,
naalagaan. Hindi nila malalaman ang tayo
na malaliman na pagpapahayag sa kanila
kung sino ka, kaya maaring nakakalungkot
ang karanasan na hindi ka nila kinikilala na
malaliman o sa makabuluhang paraan ang
pinaka tayo, at ito’y nakakasakit rin sa
damdamin.

3. Nang mapagtanto mo na
ikaw ay nakakaranas ng pagnababayaan sa
emosyonal ng magulang mo, mahihirapan
115
ka na magsilapit sakanila. Kung kaya’t
upang makayanan mo ang pagbabaya at
pagkabigo nila saiyo, kinukumbinsi mo ang
iyong sarili na hindi mo na kailangan ang
kanilang pagmamahal at pangangalaga.

Subalit ang pagkaramdam mo nito ay hindi


magandang pagiisip, maari mong
matugunan ang ganitong karamdaman sa
mga pamamaraan na sumusunod sa
babanggitin ko.

Ito ang payo ko at pwede mong gawin


upang mas mapalapit ka saiyong mga
magulang:
1. Lapitan upang kausapin mo
ang iyong magulang, subukan mo intindihin
ang kanilang pananaw sa kadahilanang
mayroon din silang natatanging karanasan
sa buhay para malaman mo ang kanilang
nararamdaman at pananaw kung bakit ang
ito ay nakakaapekto sa pagpalaki nila sayo.

116
2. Subukan mong malalimang
intindihin ang iyong mga magulang, upang
malaman mo kung saan nga ba kayo nagiiba
sa pananaw tuwing sa makikipag
komunikasyon ka sa iyong mga magulang.

3. Pagisipan, alamin ang kung ano


anong mga problema at ang damdamin mo
bago tumugon sa pakikipagusap sa iyong
mga magulang, sa paraang ito mas
magiging handa ka para maipahayag ang
iyong nararamdaman sa kanilang
pagpapabaya nila sayo.

Huwag mong hayaan mapalayo ka sa iyong


pamilya at gawin ang makakaya upang
magkaroon ng koneksyon sa kanila
bagamat ito’y nakasakit sa iyong
damdamin. Maari sila din ay may
napagdaanan na natugunan nila sa mga
traumatikong karanasan nila noon.

117
KABANATA X

From Grades
to Growth
Isinulat nina: Orantes, Keisha Faye C., Pepito, Shantal Kit,
at Shi, Amei Rose Y.

118
Mahalaga sa estudyante ang kanilang grado
dahil isa ito sa mga nagpapakita kung gaano
nila pinapahalagahan ang kanilang pag-
aaral ngunit ang edukasyon ay hindi lamang
tungkol sa pagkuha ng mataas na grado at
pagkakaroon ng degree, pero isang
panghabambuhay na paglalakbay ng
personal at propesyonal na paglago.
Binibigyang-diin din dito ang kahalagahan
ng pagbuo ng mindset ng paglago bilang
isang tao. Ang pagtingin sa edukasyon
bilang isang kasangkapan para sa
pagpapabuti ng sarili at patuloy na pag-
unlad ay tumutulong sa mga mag-aaral na
mamuhay ng kasiya-siya at makabuluhang
buhay.

"Kapag mataas yung grado na nakuha


mo, maganda magiging future mo."
Madalas ko 'yan marinig tuwing kuhaan
namin ng card. Sabi nila, kapag matataas
yung grado mo, secured ang maganda mong
future. Pero bakit nga ba? Sa paanong
119
paraan? Eh 'di ba nga sabi nila, "grades are
just numbers"? Ano nga ba ang ibig sabihin
ng mga grado na nakukuha natin sa tuwing
katapusan ng bawat kwarter? Ito ay ang
nagsisilbing sukat sa kung saan ang ating
kakayahan at kalidad bilang isang mag-
aaral. Walang masama sa pag-hangad ng
mataas na grado, ngunit palagi lamang natin
tatandaan na hindi sa lahat ng oras, aayon sa
kagustuhan natin ang takbo ng kapalaran.

Isa ang grades sa dahilan kung bakit


napapagod ang isang estudyante. Bakit?
Dahil habang tumatagal nag-iiba ang
persepsyon natin sa tuwing naririnig natin
ang salitang grades. Bilang isang
estudyante, halo-halong emosyon ang
nararamdaman ko sa tuwing kuhaan na
namin ng card. "Mataas kaya ang nakuha
ko?", "Paano kung may bagsak ako?",
"Kahit line of 8 lang sana!". Iilan lang 'yan
sa mga kaisipan na paikot-ikot sa utak ko
tuwing recognition.

Pero alam mo, habang lumalaki ako,


unti-unti ko ring natutunan na ang mga
grades ay hindi lang tungkol sa mga numero
o letra na nakalagay sa papel. Mas malalim
ito. Sa katunayan, ang mga grado ay
nagiging isang daan tungo sa pag-unlad. Ito
120
ang mga hakbang na ginagawa natin upang
mas maintindihan at mas mapabuti ang mga
aralin na ating pinag-aaralan.

Sa bawat test, quiz, o assignment na


ginagawa ko, hindi lang ako nag fo-focus sa
resulta. Sa halip, pinagtutuunan ko ng
pansin ang mga aral at kasanayan na aking
natutunan sa proseso. Dahil sa bawat
pagkakamali, nabibigyan ako ng
pagkakataong matuto at bumangon nang
mas matatag.
Hindi ko rin kinakalimutan na ang mga
marka ay hindi nagtatakda ng aking tunay
na halaga bilang tao. Hindi ito ang sukatan
ng aking katalinuhan o kabutihan bilang
isang indibidwal. Sa halip, ang mga marka
ay nagsisilbing gabay at tandaan na
mayroon akong pwedeng pagbutihin at pa
unlarin sa aspeto ng aking sarili.
Kaya't sa tuwing naghihintay ako ng
mga marka ko, hinaharap ko ito nang may
pag-asa at determinasyon na magpatuloy sa
aking paglalakbay tungo sa pag-unlad.
Dahil ang tunay na pagbabago at pag-unlad
ay hindi nasusukat lamang sa mga numero o
letra, kundi sa patuloy na pagsisikap, pag-
aaral, at paglago bilang isang tao.

121
“Ngunit para saan nga ba itong mga grado
ko?”
“Tunay nga ba na ang grado ang susi sa
magandang kinabukasan ko?”

Ilan ito sa mga tanong na inaalala ko,


kung ano nga ba ang dahilan kung bakit
kinakailangan ko makakuha ng mataas na
grado. Ang pamilya ko ay kabilang sa
middle class. Sakto lamang ang kinikita ng
aking magulang para sa pang araw-araw na
gastusin, na kung minsan ay hindi pa din
nagiging sapat para sa pangkalahatan na
pangangailangan kasama na ang aking mga
kailangan sa pag-aaral. Ngunit naisip ko na
napakaraming oportunidad ang binibigay ng
gobyerno gaya na lamang ng iskolar. Dito
ko na naisip na ang grado din pala ay
magiging susi para mga oportunidad na ito.
At isa sa mga kinakailangan upang
makapasok sa iskolar ay ang pagkakaroon
ng mataas at pasado na grado. Kaya
napaisip ulit ako… na edukasyon ang
magbubukas at magbibigay daan para sa
ating magandang kinabukasan.

Isa pa sa mga oportunidad na maaari


nating matanggap ay ang pagpasok sa mga
malakihang unibersidad sa Pilipinas na

122
kinakailangan ng pasado na grado. At ito ay
ang pagpasok sa kolehiyo. Dito na
magsisimula ang pangarap ng isang
estudyante at ang pangarap na
makapagtapos at makatanggap ng maayos
na trabaho. Ngunit mataas na grado nga ba
talaga ang sagot para makapasok sa mga
oportunidad na ito? Ang sagot diyan ay
hindi. Sapagkat ang talino, sipag, at tiyaga
parin ang magsisilbi na gabay mo para sa
pag-abot ng iyong mga pangarap. At ang
grado naman ang magbubukas ng mga
oportunidad para sa iyo.

Sa henerasyon ngayon, masiyado na


tayong nabubulag sa kaisipan na, kailangan
mataas palagi ang markang nakukuha. Isa
'yan sa dahilan kung bakit tila nakakapagod
na tuloy mag-aral. Kumbaga, nawawala na
yung excitement mong matuto kasi parang
nag-aaral ka nalang para sa mataas na
grado. Isang kaisipan na dapat na nating
iwaksi dahil kahit kailan, hindi matatapatan
ng mataas na grado ang kaalaman at
kasanayan na nakukuha mo habang ikaw ay
nag-aaral.
Hindi dapat natin iniisip lang na
kailangan natin mag-aral para makakuha ng
mataas na marka upang kilalanin ng iba.
Paano kung, mataas nga, galing naman sa
kopya? Nawawala ang saysay ng pag-aaral
123
sa tuwing nangyayari ito. Ang ating grado
ay siyang gabay lamang natin at nagsisilbi
ring paalala na mayroon tayong mga
layunin at pangarap na nais nating abutin.
At isa ang marka sa tulay upang hubugin
tayo na maging isang magandang ehemplo
ng isang mamamayan na may buo at
responsableng pagkatao.
Mahalaga na maging mahusay na
estudyante, ngunit hindi lamang upang
makakuha ng mataas na marka. Dapat
nating pahalagahan ang proseso ng pag-
aaral at ang mga karanasan na kasama nito.
Ang pagkatuto ay dapat na isang masayang
paglalakbay tungo sa pag-unawa at
paglinang ng ating sarili. Hindi dapat
mawala ang kasiyahan at pagkamangha
natin sa mga bagong kaalaman na
natututunan natin.
Sa bawat pag-aaral at pagsubok na ating
haharapin, ang pinakamahalaga ay ang
ating pagpupursige at determinasyon na
maabot ang ating mga pangarap. Hindi tayo
dapat maging alipin ng mga marka, kundi
dapat nating gamitin ang mga ito bilang
lakas at inspirasyon upang patuloy na
magpatuloy at magbigay ng aming
pinakamahusay na kakayahan.
Kaya't huwag nating hayaang mawala
ang tunay na diwa ng pag-aaral.
Ipagpatuloy natin ang paghahanap ng
124
kaalaman at paglinang ng ating sarili, hindi
lamang para sa marka, kundi para sa ating
sariling paglago at pag-unlad. Sa huli, ang
tunay na tagumpay ay hindi matatagpuan sa
markang ating natamo, kundi sa patuloy na
pagpupursige at pagsisikap na maging
mabuting indibidwal sa lipunan.

Epilogue

Sa isang paglalakbay, hindi maiiwasan ang


madapa, o mapagod. Ang bawat hakbang na
tatahakin natin tungo sa ating destinasyon,
ay mayroong kaakibat na pagsubok.
Pagsubok na maaaring humila sa atin
pababa kung hindi natin tatatagan ang ating
mga sarili. Maaaring makatamo tayo dito ng
mga sugat na mag-iiwan ng peklat, na
madadala natin hanggang sa hinaharap at
siyang nagsisilbing simbolo sa bawat
hadlang na ating nalampasan. Bawat araw
ay isang hamon. Ang mga lectures,
assignments, at exams ay mga patunay ng

125
iyong katatagan at kahandaan na harapin
ang mga pagsubok na ito. Sa bawat pagod
na iyong nararanasan, mas nagiging
determinado kang magpatuloy. Hindi
nawawala sa iyo ang layunin at pangarap na
maabot ang iyong mga adhikain sa buhay.
Tandaan natin na may mga panahon na tayo
ay bababa at aangat. Magsilbi sanang
inspirasyon ang mga pagsubok sa ating
buhay upang tayo ay maging matatag. Ang
paglalakbay ang parang pag-aaral. Parehong
sitwasyon na kinakailangan ng tikas ng loob
para matamo ang mga adhikaing
hinahangad.

Sa pagbukas at pagtapos ng librong ito ay


siya ring silbing daan tungo sa pinto ng
tagumpay. Ayon kay Mang Tani, "Ang
buhay ay weather weather lang" kaya sa
bawat panahon ng buhay ay piliin natin na
maging optimistic at matapang na harapin
ang mga hamon. Dapat maging ligtas at
handa sa anumang darating.

Sa naging lamanin ng librong ito, sana ay


mas nagkaroon kayo ng kaliwanagan na sa
bawat hamon at pagsubok na dinaranas ng
bawat isa ay laging may mga kaakibat na
sagot. Nawa'y iyong malagpasan ang mga
126
pagsubok na iyong pinagdaraanan. Magsilbi
sana itong gabay o direksyon para hindi
kayo malihis ng landas. Sana ay
nakapagbigay ito ng aral at aliw sa mga
mambabasa.

127

You might also like