You are on page 1of 13

Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na

Edukasyon

Hayaan nyong simulan ko ang message ko sa isang


pick-up line.

Boy: Classroom ka ba?


Girl: Bakit?
Boy: Kasi ikaw ang room kung saan ako natutong
magmahal

Isa sa paulit ulit na mensahe sa araw ng pagtatapos


ay ang mga tips na ibinibigay ng mga tagpagsalita
tungkol sa kung ano ba ang sekreto o ano ang mga
mabibisang pamamaraan para makamit ang mga
pangarap. Kahit gasgas na ito, dahil nabibigyan ng
unique na karanasan ng tagapagsalita, nagkakaroon
ang mga ito ng bagong pananaw at kahulugan sa
mga nakikinig lalong lalo na kung ang nagsasalita
ay galling sa hirap na pamumuhay at nakamit ang
isang natatanging pangarap.

Walang masama sa nangangarap. Kaya nga patuloy


tayong nabubuhay ay para tuparin ‘yung mga
pangarap natin, di ba? Basta hindi dapat
panay “nganga”, para hindi “ngawa” ang resulta.
Mas maganda kung “gagawa” ka, para ang
resulta, “magara”.
Ano nga ba ang ilan sa mga sekreto upang maabot
ang mga pangarap? Sabi ko ilan ha? Hindi ito lang…

Be specific – Describe vividly your dream –


Ilarawan ng sapat ang mga detalye ng pangarap
Kung mangagarap, gawin ninyong detalyado ang
inyong pangarap. Ibig sabihin, kung gusto mong
maging doktor, linawin mo: doktor ba ng tao o
doctor ng hayop? Kung gusto mong magka-kotse,
anong klaseng kotse? Anong kulay? Anong brand?
Second hand ba o brand new.

Pangalawa: Ang pangarap ay maaabot dahil sa


hard work o sa matinding hirap at pagpapagal.
Hindi uso sa mga taong matagumpay ang kasabihan
na hindi baleng tamad wag lang pagod
Nariyan yung sinasabing nagsusunog ng kilay para
pag-aralan at unawain ang pinag-aaralan upang
masiguro na papasa sa mga pagsusulit at
matutunan ang mga kaalaman at nagiging kanya
ang mga kasanayan na kailangang matutunan.

Ang pangarap dapat may target, may timeline.


Hindi pwede ang forever na nangangarap.
Kelangan may actualization of dreams.
Kailangan naaachieve in your set timeline.
Halimbawa at the age of 22, dapat graduate ka na
ng college,
23, may trabaho na, 24 to 26 nakatapos ng
masteral.

Huwag mag-shortcut
Tanong taga Russia ka ba?
Bakit?
Kase lagi kang nagmamadali.

Madalas kasi, marami sa atin ang mahilig sa


shortcut sa instant, parang kape ‘di ba? Gusto natin
‘yung mabilis na, panalo pa. Kasi ayaw natin matuto
sa mahirap at matyagaan na paraan. Pero
kailangan, matuto tayong puntahan ‘yung gusto
nating marating sa buhay ng may plano at gabay,
para hindi tayo naliligaw sa inaakala nating
shortcut.

Kaya nga di ba, madalas, pag nag-kakamali tayo,


anong sinasabi ng matatanda? “Papunta ka palang,
pabalik na ko!” Tapos mamimilosopo si anak, “Eh
bakit hindi tayo nagkasalubong?” sabay alis kasi
baka mabatukan. Kaya tuloy, hindi natin naririnig
na may sagot pala sila sa sinabi natin. Anong
sinasabi nila?
“Papano tayong magkakasalubong…nag-shortcut
ka..”

Pangalawa, kung nais mong maabot ang mga


pangarap, matuto kang maging matiyaga. Sabi
nga kapag walang tiyaga, walang bulalo este nilaga.
Kapag nawalan ka ng tiyaga, talo ka. Parang pag-
ibig lang yan…kailangan mong magtiyaga. Sino sa
inyo ang matagal ng nanliligaw at hindi pa din
sinasagot hanggang sa ngayun pero nagtitiyaga pa
din. Always remember this, napakasarap ng saging
na nahinog sa puno. Matamis. Kakaiba sa lasa ng
saging na nahinog dahil sa kalburo. Matamis ang
lasa ng tagumpay na pangarap na nakuha dahil sa
pagtitiyaga.

Kaakibat ng pagtatagumpay sa mga pangarap na


nais maabot ang sakripisyo.
Ano ang kaya mong isakripisyo para sa propesyon n
nais mong tahakin matapos ang senior high school?
Maagang Pag-ibig. Sino ditto ang nakabuo n ng
magandang pagtitinginan. Walang masama basta di
muna mauuwi sa biglaang kasalan. Sa halip,
gawing inspirasyon ang bawat isa upang matupad
ang mga pangarap. True love waits.
Luho…Marami ang naghahangad agad ng mga
bagay bagay na hindi pa niya kayang bilhin. That
can wait. Gastusin muna ang karampot na pera
sa mas mahalagang investment. Ang pag-aaral.
Im telling you, kapag nakatapos kayo at
nakapagtrabaho, unti unti ninyo ng mabibili ang
nais ninyo…pero siyempre yung needs lang wag
masyado sa mga wants.
Gustong gustong kurso pero di kaya ng
kabuhayan ng pamilya.
Tanong: Kaya ba ng kabuhayan ng iyong pamilya na
itaguyod ang kursong nais mong kunin sa kolehiyo?
O kailangan mong maging praktikal para makatapos
ka at makapagtrabaho agad at makatulong sa
pamilya.
May pagkakataon talaga na kailangan mong igive up
ang isang bagay para bigyan ng pagkakataon ang
isang bagay na kaya mong gawin at kaya ng iyong
resources.
Ako hindi ko gusto in the first place ang kurso kong
tinahak…pero look at me now…malayo na ang
narrating ko at natutunan ko nang mahalin ang
propesyong ito.
Ano pa ang pwede mong isakripisyo?

Consistency
Ang pangarap, hindi tinititigan. Ang mga
pangarap ay inaaksyunan! At dapat consistent
ang action. Hindi yung masipag ngayun bukas
hindi na. Kung gustong maging maabot ang mga
pangarap dapat consistent na masipag, matiyaga
at determinado.

“Dream Big. Start Small.”# Ibig sabihin, lakihan nyo


ang mga pangarap nyo. Pero simulan nyong buoin
‘yon ng paunti-unti. Dahil walang magic sa
pagyaman o pagiging matagumpay ng isang tao.
Pero syempre, hindi nagtatapos ang pangarap sa
pag-iimagine lang. Dapat, sasamahan mo ng aksyon.
Consistent na action.

Tulad ngayon, isang step ang nakumpleto nyo -- ang


makapagtapos ng senior high school. Marami pang
susunod na hakbang pagkatapos nito, pero sana,
wag kayong tatamarin. Nasa pag-aaral pa rin talaga
ang susi para matupad ninyo ang inyong mga
pangarap.

Disiplina…
Naku aminin marami sa inyo ang alas dos na ng
madaling araw ay gising pa. Anong ginagawa?
Alam na this. Kaya pagdating sa klase
inaantok…

Motivation keeps you going but discipline keeps you


growing.
Disiplina ang maghahatid sa iyo sa mas marami
pang matagumpay na yugto ng iyong mga pangarap,
from one promotion to another.
Kung tinatamad ka at ayaw mo ng gawin ang isang
bagay, displina ang dapat magpalakas sa iyo at mag
udyok sa iyo na magpatuloy sa pagtatamo ng
pinapangarap.

Tiwala sa sarili
Ang pagtitiwala sa sarili ay nangangahulugan na ok
ka lang kahit ayaw nila sa iyo. Tanong sino kaya
ditto ang nabasted na ng nililigawan pero pogi pa
din, malakas pa din ang pagmamahal sa sarili.
Ganyan ang isang taong nagtatagumpay. Kahit
madapa, babangon at babangon at sasabihin sa
sarili kaya ko ito.
Tumayo nga at sabihin sa sarili…I love you myself. I
trust in you as in I trust you.

 
Ang pinakamahalaga: Ang pangarap, hindi
pansarili lang
“Ang tamang bagay daw kahit nasa tamang
panahon, wala na ring saysay kapag wala na ‘yung
mga tamang tao sa buhay natin.”*

“Kasi mabalikan mo man ang lugar, hindi mo


naman mababalikan ang panahon at pagkakataon
na pinalampas mo para sa mga taong mahalaga
sayo.”*

Kaya sa araw-araw na kasama ninyo ang inyong


mga magulang, matuto kayong pahalagahan sila.
Aanhin mo ang katuparang ng pangarap mo kung
wala ka namang kasamang mag-eenjoy sa lahat ng
pinaghirapan mo? Hindi sapat na naging honor
student ka ngayon tapos sasabihin mo “para to kay
Mama at Papa” tapos kinabukasan mag-aasawa.
Hindi dapat matapos dun ang pasasalamat sa
kanila.

Ang trending kasi ngayon, pag naka-graduate na, o


mas malala minsan, nag-aaral pa, nag-aasawa na.
Kaso kadalasan, sa hiwalayan din naman
napupunta kasi ang babata pa para sa
responsibilidad na mag-kapamilya. Kaya ang
nangyayari, hindi ka na nga nakatulong sa pamilya
mo, naging pabigat ka pa.

Sabi nga ng author na si Bob Ong:

“Huwag mag madali sa pag-aasawa. Tatlo, lima ,


sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang
pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang
pumili ng kapareha dahil lang sa kasing gwapo siya
ni Lee Minho o marami nyang followers sa tiktok,
Instagram o facebook. Totoong mas importante ang
kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng
panahon, maging ang mga crush ng bayan sa
eskwelahan ay magmumukha ring monay. Maniwala
ka.”*

Patuloy kayong mangarap, at siguraduhin na


kasama ang buong pamilya, at ang kagustuhan na
makatulong sa iba - sa binubuo ninyong mga
pangarap.

Pero bakit nga ba kailangan pang kasama ang mga


magulang nyo sa pangarap ninyo?

Eh madalas naman pinapagalitan lang nila kayo.


Malamang nga, may ilan sa inyo ngayon ang hindi
maipinta ang mukha kasi hindi bago ‘yung uniform
kasi walang pambili si Nanay o si Tatay kaya
nagdadabog. Yan ang hirap sa maraming anak.
‘yung sigaw lang at sermon ng Nanay nyo ‘yung
naririnig nyo, ‘yung pagiging kuripot lang ng Tatay
nyo ‘yung naaalala, ‘yung palo lang nila ‘yung
nararamdaman. Pero hindi ninyo nakikita ‘yung
sakripisyo at paghihirap ng mga magulang nyo may
makain lang kayo, may maibaon, at mapagtapos
kayo ngayon ng senior high school.

Alam nyo ba kung gaano kayo kamahal ng inyong


mga magulang?

Pakingan niyong mabuti ang kwentong ito:


Meron isang Ginang na buntis noon. Kabuwanan
na nya ng mga panahong ‘yon.Umuulan ng snow…
nagyeyelo ang paligid…winter season.

Isang araw, habang nagmamaneho sya ng kotse


pauwi, bigla niyang naramdaman na parang
manganganak na sya.

Ang problema, wala syang kasamang iba sa


sasakyan!
So ang nangyari, inihinto ng babae ‘yung kotse,
tapos doon na niya ipinanganak ‘yung baby na
pinagbubuntis nya. Pagkatapos nyang mailabas
‘yung baby, hinang-hina sya.

Pero walang tao sa paligid o sasakyan na


dumadaan, wala din syang makitang kahit anong
tela sa loob ng sasakyan para mabalutan ang anak
nya. Kaya ang ginawa niya, hinubad nya ‘yung lahat
ng suot-suot niya, saka niya ibinalot sa baby nya.

Pagkatapos ng ilang oras, may dumaan na sasakyan


na may sakay na mga madre.

Napahinto sila kasi may nakaharang na sasakyan


sa daraanan nila. Nang lapitan nila,nakita nila ung
baby -- balot na balot. Tapos ung nanay...walang
saplot sa katawan...patay na -- namatay dahil sa
lamig at panghihina.

Kinuha ng mga madre ang sangol at dinala sa


kumbento kung saan dito na lumaki ang bata.

Pagkatapos ng sampung taon, sa saktong birthday


ng bata, pinagtapat ng madre sa kanya ang nagyari
sa kanyang ina nung araw na makita nila ito. Bilang
birthday wish, hiniling nung bata na puntahan nila
‘yung lugar kung saan sya nakita ng mga madre.

Kaya pinuntahan nila ‘yung lugar.


Winter din nun, kaya umuulan ulit ng snow sa
paligid, at malamig na malamig.

Nang makarating na sila sa lugar, itinuro ng madre


sa bata ung pwesto ng sasakyan kung san sya at
ang kanyang ina ay nakita.

Biglang bumaba ‘yung bata ng sasakyan. Tapos


tumakbo sya ng mabilis papunta sa tinurong tulay ng
madre.. Umiiyak sya habang tumatakbo..

Pagdating niya sa tulay, hinubad niya lahat ng suot-


suot niyang damit!

Saka siya sumigaw ng malakas na malakas....!

Sabi nya...

“Maaa-maaaa..!! Ganito ba kalamig ‘yung


naramdaman mo nang mamatay ka para sa akin?!”

Kaya mga graduates, gusto ko kayong bigyan ng


pagkakataon ngayon na mapasalamatan ang inyong
mga magulang. Pwede bang palakpakan natin sila
bilang tanda ng ating pasasalamat? Palapakan po
natin ang ating mga magulang.

Uulitin ko, ang pangarap dapat specific, may target,


inaaksyunan, hindi shino-shortcut, at hindi
pansarili lang!

Graduates, huwag ninyong alisan ng karapatan ang


sarili ninyong mangarap! You become what you
think. Ngayon, kung ikaw mismo hindi mo kayang
paniwalaan ang pangarap mo, wala talagang
mangyayari, dahil ikaw na mismo ang nag-alis ng
pag-asa sa sarili mo. Kung ikaw mismo hindi
naniniwala sa sarili mo, bakit naman maniniwala
sayo ang ibang tao?”

Wag nyong susukuan ang pangarap ninyo, Tandaan


nyo na ang “pagsuko ay ang permanenteng solusyon
sa pansamantalang problema. Kaya tuparin nyo ang
inyong mga pangarap. obligasyon nyo yan sa sarili
nyo!”*

At dahil sa nasimulan ko na rin lang sa pick-up line


ang message ko sa inyo, hayaan nyong tapusin ko
ito sa isa pang pick-up line.

Biogesic ka ba?

(Baket?)

Kasi mawawala na sakit sa ulo ng mga teachers


n‘yo.
Congratulations at magandang umaga sa inyong
lahat!

You might also like